Kwentong Kengkay

Disyembre 2, 2007

Ayoko na mag-shopping…

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Hmmmm,Kwentong Nanay,Panlasa — kengkay @ 1:12 hapon

Kasi tapos na ako, hehehe. Bago pumasok ang Disyembre ay naka-kadena na ang aking bulsa at wallet kasi tapos na ang aking Christmas shopping. Sempre, yung utak ko namimili pa, pero dreaming is free de vah?

Oo naman, dating girl scout itong si nanay kengkay, laging handa kaya naman ako e pagkatapos pa lang ng Pasko, simula na agad ang shopping ko para sa sunod na pasko. Kasi daming sale, sayang ang matitipid ko ano. Eheste, kaya nga tinagalog ko itong post na ito e para di mabasa nung mga kamag-anakan ni kengkoy. Baka sabihin nila e mumur lang yung mga regalo ko sa kanila e tama naman sila. Naka discount lahat nung give aways ko. Ganyan ako e, pagkatapos pa lang ng pasko, naglilista na agad ako ng para sa sunod na pasko. Walang katapusang kapaskuhan ang nasa puso ko, at sempre, sa bulsa ko, waaahhh!

Yun nga lang dapat tagung tago talaga kundi ubos agad yung regalo kapag nakita ng mga bata. Katulad nung nangyari dito. Ah basta, ayoko na kasing maki halo sa mga agawang ng parking, ng pilahan sa tindahan, mga antayan sa restaurants, mga ka trapikan, at ayokong madagdagan ang wrinkles ko sa pagiging imbierna. Dati online shopping lang ako, pero napansin ko na yung nakikita ko sa picture e iba sa personal. Kaya naman binago ko diskarte ko, talagang nag shopping ako ng pa-isa isa. Pero sempre may listahan ako, ekis na agad yung may nabili na ako. Kakalito kasi, daming dapat bilhin at gawin.

Kasi naman dito may tradisyong advent calendar, yung tipo bang binibilang ang araw mula disyembre 1 to 24, pero sa kalendaryong yon ay may mga nakalagay na mga little treasures. Dahan dahan nilang bubuksan yon bawat araw na dumaraan. Kaya naman sa dalawang anak ko ibig sabihin e 24 plus 24 ang mga dapat kong ipunin. Hang dami non. Buti na lang di nasanay si kengkoy na meron din syang kalendaryo kundi isa pang 24 ulit yon, hayssss… Si kengkoy naman yung advent calendar na nabibili sa tindahan ang binibigay nya sa akin. Ngayong taon e advents calendar na may gummi bears sa loob ang napili nya. Kasi nung isang taon e tsokolate naman. Kelan kaya nya ko bigyan ng advents calendar na alahas ang asa loob, hehehe.

29-011.jpg

At si nanay kengkay naman, nag trabaho ng ilang araw para lang matapos angΒ homemade advent calendar para sa mga mga little kengkays. Patago sempre ang trabaho ko para di nila masilip kung ano ang laman nung kalendaryo nila. Mas gusto ko kasi na ako ang gumagawa kesa dun sa bili sa tindahan, mas exciting para sa akin at mas exciting din para sa mga bata. Kaya dagdag yan sa kabisihan ko kapag pasko din.

29-014.jpgΒ 29-012.jpg

Rapping time na, eheste, wrapping time na pala. Kayo, tapos na rin ba ang inyong shopping galore? O baka naman di pa kayo nagsisimula?

Advertisements

19 mga puna »

  1. wala na akong pang-shopping! ginasta ko na mula bohol hanggang baguio! manigas na lang yong mga nag-iintay nang pamasko.

    ateng! magshopping ka uli at shipping mo saken! size 8.5 sapatitos ko, silver na movado reloh, 30/30 pants, medium shirt (extra large sa pinas)

    special request – tall, dark, handsome, between the ages of 26-34 na me furnish nang apartment, me trabaho, me cedula, me passport, walang pinapag-aral at lubos sa lahat, me celphone.

    sige na ateng!!! maawa ka naman sakennn!! desperado ang lolaaa!!!
    kengkay: super dali naman nitong iyong request, andito yang hinahanap mo sa ibaba ng bahay namin, yung tenant namin πŸ™‚ ako sa pebrero mamumulubi… mula manila to batangas lang kasi di ko kaya yung iyong social climbing skills e, upper level na yon, hahahaha

    Komento ni reyna elena — Disyembre 2, 2007 @ 7:28 hapon | Sagutin

  2. ay ganyan din po style namin dito, inaabangan parati ang sale tas kelangan parati me kasama pgshopping pra makapaghalukay mabuti. malaki po tlga natitipid ah madalas nga eh slash tlaga price eh kahit nmn pano naaappreciate nong mga nahahagisan sa pinas.

    @reynaelena, grabe talaga ang mommy oh, talagang desidido na sa chistmas wish nya..eh san naman kaya store makikita ung tall, dark and handsome na yan? kalohka.
    kengkay: mas masarap mag shopping kapag on sale di ba? sakit nga lang sa balikat kasi halunggat ang mangyayari, ahahaha. si reyna ibibigay ko nga sa kanya yung tenant namin e πŸ˜€

    Komento ni toni — Disyembre 2, 2007 @ 10:46 hapon | Sagutin

  3. maaga din ako nagssh-shopping for christmas, pero mga september lang naman. pag may nakita din akong sale na pang-kids, bumibili nako. sobrang dami ko na kasing inaanak! pero this year, medyo tipid muna sa kanila. si mia muna! hehe

    atsaka pwede maki-wish na rin ng wish ni reynaelena? hehehe
    kengkay: aba’t nakigaya pa talaga kay reyna, hmp πŸ™‚ dahan dahan ang pag shopping sa bebi mo, alam mo na, madaling magsawa ang mga bata πŸ™‚ galing sa puso ng experience yan, ahaha

    Komento ni ris — Disyembre 3, 2007 @ 12:41 umaga | Sagutin

  4. di pa ko nagsho-shopping te, kasi ngayong pasko, pipiliin ko na pagbibigyan ko, ahahaha!!! masyadong mapili at paaarte mga nandito sa pinas, kaya bahala na ang walang gip! πŸ˜‰

    ang galing nung advent calendar, binibilhan din kami ng ganyan ng tita ko, lalo na nung bata, uso pala talaga yan sa europe! last xmas, may AC din silang binigay (kasi nandito sila sa pinas nun) at pera ang katumbas. Sa Norway, government daw ang mag-eencash sayo ng makukuha mo, akalain mo? siguro after 100 centuries pa bago gawin ng gobyerno natin yun! lol!!!
    kengkay: lumipat na kaya kami sa norway, ahahaha… masarap mag bukas ng advent calendar di ba… kahit na malaki na ako e may ganyan din ako galing kay kengkoy ko e

    Komento ni Lenggai — Disyembre 3, 2007 @ 12:50 umaga | Sagutin

  5. ayoko magshopping for gifts, mas gusto ko kasi para sakin wahahah inde, wala lang ako pambili ng gifts 😦 .. gift of friendship na lang kaya ko ibigay πŸ˜€
    kengkay: pwede na yung gip of prenship, sempre πŸ˜€ mas mahalaga nga yon e

    Komento ni lilmiz — Disyembre 3, 2007 @ 1:08 umaga | Sagutin

  6. Di ako nag sa shopping kasi walang panshopping hehehe. kelangang maging matipid na sa mga pnahon ngayon hehehe. koreano ako eh (Pausong salita sa mga kuripot) hehehehe
    kengkay: ano ginagawa mong tambayan lang ang alabang town center, ganun? pa kape kape, huh… teka muna, may naging bf akong koreano, kahit anong gusto ko, kahit nga hindi ko gusto binibili nun sa akin e, hehehe. baka malakas lang ang alindog ko sa kanya kaya labas din pera nya!

    Komento ni Ambo — Disyembre 3, 2007 @ 3:33 umaga | Sagutin

  7. ahem! ahem! ate kengks!!!! yuhooo!!! im here!!! πŸ˜†

    nag-aantay pako ng bonus. 😦
    kengkay: sorpresa, two piecesses nga di ba, antay ka sa pebrero, balentong gips

    Komento ni jojie — Disyembre 3, 2007 @ 6:02 umaga | Sagutin

  8. mabuti ka pa miss kengkay laging may paghanda sa pasko kami wala kahit pa sabihin malayo pa ang pasko hehehe pero sana makabawi or kapag may work na ako dito sa chikakoy πŸ˜€
    kengkay: siguradong magkakaron din kayo ng handa.. pasko pa, daming sobra sobra dyan… sige, i pray ko na sana makahanap ka na ng trabaho, yan ang aking christmas wish for you

    Komento ni scart — Disyembre 3, 2007 @ 6:58 umaga | Sagutin

  9. hehehe! kelan kaya ako ulit makakatikim ng shopping? taon-taon na ang lumipas at hindi ko na yata alam ang pakiramdam ng nagsa shopping. hanggang wet market na lang talaga ako ngayon para bumili ng isda, karne at gulay. kka-inggit k naman mamikeng.
    kengkay: ako dati kahit na wala ng pera shopping pa rin ako, kaya naman daming utang, ahahaha… kaya wak ka na mainggit

    Komento ni MARU — Disyembre 3, 2007 @ 9:14 umaga | Sagutin

  10. ate kengks lapit na pasko.. pamasko ko ah.. hehe! biro lang po! πŸ˜€ maganda din po yang ginagawa niyo.. suuper early christmas shopping.. πŸ˜€
    kengkay: bigyan kita ng pamasko basta punta ka dito, hehehe

    Komento ni YouAreYou — Disyembre 3, 2007 @ 9:40 umaga | Sagutin

  11. magandang idea ito ha pero parang nasanay ako sa xmas rush hehe
    kengkay: alam mo, dati ganyan din ako, kahit nga dec 24 nag sho shopping pa ako e… pero kung akala mong mas nakakabaliw ang shopingan sa pinas kapag ganitong panahon, mas grabe dito.. imagine, kahit na ilang ikot mo na yung parking area ng mga hundred times e wala kang makikitang parking space talaga. pwedeng mag shopping ka na habang umiikot yung sasakyan. kasi aabot ng isang oras asa kotse ka pa rin. pramis yan. uuwi ka lang na biguan at sempre, ipit ka pa sa trapik. mahirap kapag may kasamang mga bata… masasabunutan mo lang sarili mo, hahah. kaya ayaw ko ng makisabay sa rush.

    Komento ni joanjoyce — Disyembre 3, 2007 @ 10:54 umaga | Sagutin

  12. ang kagandahan lang dito sa lugar namin ndi uso ang pasko.. kaya iilan lang ang kailangan regaluhan.. pero xempre di makakalusot sa mga inaanakis sa Pinas hehehe…
    kengkay: ayan, yung mga inaanak ang isipin πŸ˜€

    Komento ni Rhapsody — Disyembre 3, 2007 @ 11:21 umaga | Sagutin

  13. Naku kung puwede lang magtago ngayon para makatipid magtatago muna kami eh! Hehe! Nakasanayan na kasi dito na lahat ng mga batang kakilala namin may regalo pati na rin yung ibang mga ka-close na kaibigan. Sana iregalo sa amin cash para may budget pang-uwi. πŸ™‚
    kengkay:mabuti pa nga dito walang ganyan regaluhan sa kapitbahay. basta pamilya lang ang may regalo at sempre yung postman at garbage men.. kaya ang gastos ko lang yung mga pambigay ko sa mga asa pinas, tambak gastos rin, ahahaha

    Komento ni Kiko Matsing — Disyembre 3, 2007 @ 3:08 hapon | Sagutin

  14. shopping? hmmm, la naman akong pang-shopping eh.. hehehe

    kadalasan, last minute akong mamili, kasi andun ung mga sale.. ^_^
    kengkay: tama ka dyan.. last minute para may tawad πŸ™‚ kung single ako, ganyan din gagawin ko kaso kapag may kasama kang bata.. hay, wiz!

    Komento ni karmi — Disyembre 3, 2007 @ 4:46 hapon | Sagutin

  15. matrabaho itets pero very creative at mas maganda naman talaga kung personalized di ba? yung dalawa kong bubwit binilhan lang tatay nila ng Haribo Advents Calendar din dahil nga sawa na shokolade lahat hehe

    Hindi pa ako tapos sa pag shopping,hindi pa nga nakatayo x-mas tree ko.hanu ba yan tinamad ako! cancel na lang kaya natin ang pasko? hehe
    kengkay: pareho kami ng advent calendar ng kiddies mo, ako din gummi bears ang laman, sempre pasak agad sa bibig nung mga anakis ko, hayyy… nakatayo na rin ang aming krismas tree, masyadong atat itong asawa ko e, hmm. teka, di na pwede i cancel, marami ng nagastos ako, ahahaha

    Komento ni cheh — Disyembre 3, 2007 @ 11:46 hapon | Sagutin

  16. waaah, keng, di ko matapos tapos ang aking shopping – ang daming hapening kasi dito.
    kengkay: yan ang kaibahan sa pinas at dito e, dyan kasi kabi kabilaan na ang parties e, dito kasi walang masyadong ganyan, imbitahan nyo naman ako, hehehe

    Komento ni megamomph — Disyembre 4, 2007 @ 5:43 umaga | Sagutin

  17. ako, pass ako sa gift-giving this christmas mommykengks… dahil may kalakihan ang magagastos ko sa enero… mga kids na lang muna talaga ang mga bibilhan ko… ako noon, october pa lang, nags-start na ko sa christmas shopping… para hind mashadong rush pagdating ng december… lately, dahil sa trabaho, malimit rush na nga…
    kengkay: kaya dapat kapag nag istroll ka kapag lunch at may nakitang mukhang pang gip, bilhin agad πŸ™‚ wag na antayin ang ‘ber’ months at para sa enero, excited na rin ako para sa iyo

    Komento ni antuken — Disyembre 4, 2007 @ 1:53 hapon | Sagutin

  18. tama yang ginagawa mo, mas malaki talaga matitipid mo kapag ganyan… yong tipo bang right after Christmas no, shempre ang dami noon at talagang hindi ka mauubusan sayo-sayo lahat yon dahil ang ibang tao tapos na sa pamimili nila at ubos nahurot na ang angie nila, ikaw simula pa lang… yon nga lang ang mahirap jan yong spasyong mauukupa ng mga ishinapng mo lol para kang magmimistulang mole nyan…

    nga pala nalibang ako dito ah, teka hophophop ulit ako… naligaw lang since nasa Europe lang naman din ako eh naisip ko lang dumaan
    kengkay: naligaw ka nung may sakit ako, di tuloy kita na painom ng beer πŸ˜€ eniwey, mas masarap mag shopping kapag tapos na ang pasko kasi sale, hehehe

    Komento ni diwatang_byaning — Disyembre 5, 2007 @ 4:34 umaga | Sagutin

  19. […] ng Disyembre ay andito na si Santa Claus. Kaya naman huwag na kayo magtaka kung bakit natuto akong mag shopping ng maaga. Kasi nga ang aga din di Santa Claus! Kanina may kausap akong nanay, sabi nya ay sa kanila daw, […]

    Pasa ni Bukas darating si Santa Claus « kwentong kengkay — Disyembre 5, 2007 @ 4:17 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: