Kwentong Kengkay

Disyembre 3, 2007

Mano po, Ninang

Trabaho na naman, ehehehe. Sinimulan ni bluePJ, isang tag tungkol sa mga inaanak.

Ano nga ba ang inaaak? Magkakaron ka ng inaanak kung ikaw ay tumayong ninong/ninang sa isang batang inialay ng kanyang mga magulang sa Panginoon. Ano naman ang ninong/ninang? Magiging opisyal kang ninong/ninang kapag inilista ka dun sa baptism certificate nung batang inialay ng magulang sa Panginoon. Pero meron ding kaya ka naging ninang/ninong ay dahil sa nakasanayan na o dahil rin naman dahil yung kapatid mo na walang trabaho ang talagang ninong/ninang pero dahil sa yo kumukuha ng allowance e damay ka na rin sa pagiging ninong/ninang.

Tatlo sa mga batang ito ay mga inaanak ko.

2035197286_6ff2c9e91a.jpeg

Pero ang pagiging ninong/ninang ay hindi lamang sa papel. Dapat nating malaman na ang pagiging ninong/ninang ay isang malaking responsibilidad. Ikaw ay tatayong pangalawang magulang ng iyong inaanak. Dapat ay andyan ka hindi lamang sa pasko at birthday parties kundi para maging gabay. Dito sa Alemanya, ang mga pinilipi nilang ninang/ninong ay yung mismong malapit na kamag-anak. Kasi may tradisyon silang isusunod yung pangalawang pangalan nung bata sa pangalan nung kanyang magiging ninong/ninang. Kumbaga kung si kengkay ay magiging ninang ni chloe, ang lalabas na opisyal na pangalan ni chloe ay chloe kengkay, ganun!

At sempre, dito e hindi uso ang pahabaan ng listahan ng ninong/ninang. Hindi lang dahil mas magastos sa handaan, kundi dahil dito ay seryoso sa kanila ang pagiging ninang/ninong. Hindi lang para maging gabay…Kasi kapag ninong/ninang ka, dapat mong bisitahin ang iyong inaanak regularly, dapat ka ring maging present sa mga extra curricular activities, dapat may date din kayong dalawa kapag may special events, at sempre dapat ready kang mag babysit. Talagang ikaw ang pangalawang magulang.

Kaya nga nung tatlo ang nilista ko sa baptism certificate nung aking panganay, wala ng espasyo dun sa papel. Kasi nga di sila sanay na ganun karami. Isa lang talaga ang nakalista. Samantalang sa Pinas, pahabaan ng listahan.

Speaking of listahan, request ni bluePJ na ilista ko daw ang pangalan ng aking mga inaanak. Sabi ko nga sa kanya, halos treinta na yata ang mga inaanak ko. Yung iba nga di ko kilala e. Magugulat na lang ako na may bago akong kumpare at kumare. Okay lang naman yon pero sana ma-abisuhan din ako kasi ayokong mapahiya yung bata kapag kinalabit ako at biglang magmano at sabay sabing ‘ninang’…tapos ang hirit ko e, at sino naman itong bubwit na ito? ehehe. Sempre di naman ako ganon ka bulgar pero minsan, ganon na nga yon.

Presenting, ang aking mga inaanak… ayun sa aking pagkaka-alam…

1. clarizza
2. claire
3. christine
4. christopher
5. zabdiel
6. TJ
7. miko
8. chester
9. RJ
10. grace
11. niko
12. anya
13. nicole
14. paolo
15. jan-jan
16. ate oning’s little girl
17. julia
18. elna’s girl
oopps, hindi pa pala abot ng bente, pero kasi sila lang ang na-alala ko e. Yung iba nga di ko na alam pangalan. Sana walang makabasa nitong post ko na ito na inaanak ko o kaya kumare o kumpare ko kundi lagot ako!

############ START COPY HERE ############

This meme was created to remind us “Ninongs” and “Ninangs” the number of our Godchildren and our responsibility towards them as they grow and mature as better Christians. Here are the rules:

1. List all the names of your Inaanak or Godchildren according to the format above (if you still remember them haha).
2. Tag at least 5 (minimum) bloggers
3. Update the Tag Train

The Tag Train Started HereBluepanjeetkengkay – IKAW — oo, ikaw na nagbabasa nito ngayon. Maglista na 🙂

P.S. Time out 3 si kengkay, sick ako 😦 cannot answer comments, cannot blog hop, cannot make silip sa forum)

Advertisements

18 mga puna »

  1. Nasa biente din yun sa akin,yung iba hindi ko kilala dahil noon kasi uso lista lista lang maski la naman ako doon sa pinas hala lista tapos i proxy.Ngayon ata hindi na pede! Noong maliliit pa mga inaanak ko nagpupuntahan sila doon sa bahay para sa regalo,yung tatay ko ang nagbibigay kasi ala ako.Karamihan sa kanila eh nasa college na ngayon,nahihiya na humingi ng regalo buti na lang hahaha

    btw tag ulet kita ling!;)
    kengkay: huy, uso pa rin ang proxy, kasi naging ninang ulit ako nitong october sa pinas e, hahaha. naku yung mga college na mga inaaak ko. dumadalaw pa rin sa bahay ano. tsokolate lahat ang regalo sa kanila… sa balikbayan box, dun ko inipon, hahaha

    Komento ni cheh — Disyembre 3, 2007 @ 11:51 hapon | Sagutin

  2. mahigit sampu na ang inaanak ko sa pagkakaalam ko pero kalahati lang sa kanila ang natatandaan ko, e paano naman kinukuha nila akong ninang kasi mukha akong mayaman! ang totoo dugyot… kaya nung narealize nila na mahirap pako sa hamster ayun, kahit kandila ayaw na nilang kunin sa kin, donasyon na lang ata para may magamit ako pag brownout. hay saklap ng buhay.
    kengkay: mahirap yang ganyang mukhang mayaman talaga e, ahahaha

    Komento ni jojie — Disyembre 4, 2007 @ 12:33 umaga | Sagutin

  3. ate kengz kelangan mo ng gamot, pahinga at tulog..nde ka dapat ngkakasakit, mamimiss ko post mo.
    kengkay: hi toni… baka gamot din ang mag blog, subukan ko nga, ahahaha

    Komento ni toni — Disyembre 4, 2007 @ 12:58 umaga | Sagutin

  4. magpahinga ka na muna te. tama na yang tag-tag na yan, hehe. joke! guilty ako sa ibang mga inaanak ko, yung madalas ko lang bigyan, yung mga inaanak ko na pinsan ko rin… josme, wala akong kawala. hehe
    kengkay: ako yata lahat nung inaanak ko sa mga kamag anak ko rin e, kaya walang kawala rin, kahit na ang layo ko na, weeee 😀

    Komento ni Lenggai — Disyembre 4, 2007 @ 4:52 umaga | Sagutin

  5. Yung frend ko kinuha ako ninong, sabi ko ayoko! eh nagpumilit pa rin. Ok lng ba na tanggihan? Natatamad kase ako mag attend attend ng binyag saka bday perties. Hirap madami iniintindi pag pasko mauubos lng ang 13th month pay ko sa mga batang yun ahehhehehhe.
    kengkay: naku, hindi raw pwedeng tumanggi ano. mag oo ka na, libreng kainan at chikahan din yon ano. tapos pwede ka namang mag tipid sa regalo, bumili ka kapag naka sale, ganun lang yon 😀 wak sana mabasa ito ng mga kumukuhang ‘ninang’ sa yo 😀

    Komento ni kapestehan — Disyembre 4, 2007 @ 5:09 umaga | Sagutin

  6. Get well soon, kengks. saka na ko maglilista. The last thing I need in the world is a meme. 🙂
    kengkay: hindi ito meme, reminder ito kung tama ang listahan mo, ahahaha

    Komento ni megamomph — Disyembre 4, 2007 @ 5:45 umaga | Sagutin

  7. andami namang inaanak mo..buti sakin 3 lang..hehe! kaya kabisado ko pa kung sino sila..

    pagaling ka agad
    kengkay: tenks, gasti. kaya siguro ako nagkasakit dahil nakita ko yung aking mahabang listahan e, ahahaha

    Komento ni gasti — Disyembre 4, 2007 @ 6:07 umaga | Sagutin

  8. Ako sandamakmak ang bilang ng inaanak. ang hirap tuloy magisip ng panregalo. naisip ko tuloy bigyan na lang sila ng pera. One hundred each tapos tigbe-bente na bago (magpapalit ako sa bangko). para mukhang marami, hehehe
    kengkay: tama ka naman dyan. malulutong pa, sarap amuyin, hehe. mas maganda talaga kapag pera… pero ako nagpapadala na lang ako ng milyones na tsokolate para sumakit ipen nila at tumigil ng mamasko, ahahaha… joks lang po 😀

    Komento ni iceyelo — Disyembre 4, 2007 @ 7:32 umaga | Sagutin

  9. buti ka pa ate kenks sa dami lahat alam mo ang pangalan ako wala pang sampu dalawa na lang yata sa kanila ang naaalala ko ang pangalan.
    kengkay: psssh, wak ka maingay, sabi ko nga ang alam ko treinta sila e…

    Komento ni bruhilda — Disyembre 4, 2007 @ 7:40 umaga | Sagutin

  10. haaay… ako nagtatampo sa lahat ng naging ninong at ninang ko (opisyal man o hindi)… hanggang 7 years old lang yata ako nakatanggap ng aginaldo sa kanila 😦
    kengkay: ay, kawawa naman si taroogs.. teka muna, parang ako ganyan din yata ang drama ko ah. sino nga ba mga ninong at ninang ko, ma-abisuhan nga din 😀

    Komento ni taroogs — Disyembre 4, 2007 @ 8:22 umaga | Sagutin

  11. naku te keng pagaling ka. nakita ko linky dinky mo sa technorati.. teka may isnow na ba jan sa alemanya? at mukhanng nagkakasakit ka na o sobra sa trabaho? rest rest rest kapatid.
    kengkay: nagkasakit yata ako nung nakita ko ang haba nung listahan nung aking mga inaanak e, hahaha. ay malamig na, minsan ulan, minsan isnow, minsan hail storm, kaya naman ayan, bagsak ang katawan

    Komento ni bluepanjeet — Disyembre 4, 2007 @ 8:50 umaga | Sagutin

  12. dami naman nyan me 8 lng herherherherher
    kengkay: kaya ilista mo na yan ano, kapag dumami yan malimutan mo pa 😀

    Komento ni epam70 — Disyembre 4, 2007 @ 8:54 umaga | Sagutin

  13. hayyyyy nako. nasa isang docena na ang mga inaanak ko. kalahati nun eh pinroxyhan lang ako. gosh.
    kengkay: ayan, ganyan nga parati nangyayari sa akin… ilista mo na at baka lalong dumami pa yan

    Komento ni alphasensei — Disyembre 4, 2007 @ 9:26 umaga | Sagutin

  14. wow dami naman ng inaanak mo..siguro generous ninang ka kaya lagi kang kinukuha. pwede ba mag-apply na maging inaanak mo? 😉
    kengkay: hindi ikaw dapat mag apply, dapat si nanay at tatay mo mag apply para sa yo, hehehehe. lagi ako kinukuha kasi sinong tatanggi e wala naman ako sa pinas, clever di ba

    Komento ni cdy173 — Disyembre 4, 2007 @ 10:20 umaga | Sagutin

  15. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! gastos ito. naaalala ko tuloy noong ako pa ang namamasko. hahaha. ansaya. ngayon ako na ang papamaskuhan. sakit sa ulo yang pagiging ninong.
    kengkay: mas masarap mamasko di ba? yun pala kapag ikaw na ang pamamaskuhan e parang errrmmm…. hmmm… a yun na yun, 😀

    Komento ni rakatak — Disyembre 4, 2007 @ 11:24 umaga | Sagutin

  16. pagaling ka mommy kengks… ako marami na rin inaanak… i always buy gifts for them every christmas, hindi naman pumupunta yung iba… kaya ang nangyayari, minsan, yung mga hindi nakuhang gifts, next year, hahanapan ko kung kanino na uubra… hehehe…
    kengkay: tama ka dyan, dapat praktikal lang

    Komento ni antuken — Disyembre 4, 2007 @ 1:48 hapon | Sagutin

  17. Nakausap ko yung friend ko last night sabi nya kaya daw siguro ako nandito para magtago sa mga inaanak ko, hehe.. Actually 99% tama sya, nyhahaha! Kaso pag-uwi ko naman sa atin di pa din ako nakakalusot 🙂

    Pagaling ka ate kengks! Mamimiss ka sa blogging world nyan.
    kengkay: pag uwi mo pila agad sila, ahahaha. salamat, hirap magpagaling kapag walang kasama sa bahay, haysss

    Komento ni MisyeL — Disyembre 4, 2007 @ 7:54 hapon | Sagutin

  18. naku ang dami mong inaanak mommy kengks. teka, sama mo ko jan ha. wala akong ninong at ninang eh hehehe. INC kasi ako. hirap kasi dito sa atin, ang ibang ninong at ninang tuwing pasko lang nagpapakita sa mga inaanak. ano un? di ba dapat sila ang guide sa mga inaanak at di lang pasko ha.
    kengkay: tumpak ka na naman ambo. hindi lang sa pasko dapat maging ninong at ninang… hindi naman sa regalo yon e * ehem, sana mabasa ito ng mga inaanak ko, hahaha

    Komento ni Ambo — Disyembre 7, 2007 @ 5:30 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: