Kwentong Kengkay

Disyembre 8, 2007

Bawal magkasakit si kengkay

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Hmmmm,Hmmp,Kwentong Nanay,Oyropa Ko — kengkay @ 12:08 hapon

Ngayon alam ko na kung bakit bawal talaga magkasakit ang mga nanay, lalo pa si kengkay…

1. Kasi walang magluluto – kahit na sukang suka ako sa amoy ng pagkain, kailangang tiisin at harapin ang kusina kasi magugutom ang pamilya. Mabuti na lang meron kaming dishwasher, kundi, tambak talaga ang mga plato at mga kawali at kung ano pang pwedeng itambak. Tapos mahal ang delivery dito at may oras lang.

2. Walang mag-lalaba at magsasampay – muntik ng mawalan ng isusuot na fresh panties ang mga kiddies ko kundi pa nila sinabi sa akin

3. Walang maghahatid at magsusundo – dahil mag isa lang ako sa bahay, sinong uutusan kong ihatid at sunduin ang mga bata sa kindergarten, sa ballet, sa gymnastiks? Andyan si lolo pero ibang klase na mag drive yon e, ayaw na ng mga batang sumakay sa kanya ng hindi ako kasama. Kaya kahit may sakit ako, ikot pa rin ako ng ikot sa aming baryo. Kakahilo.

4. Sinong maglilinis ng bahay? – kahit na si kengkoy ang karamihan taya sa paglilinis ng bahay, hindi maiwasang magligpit ligpit din. Ayokong madapa o madulas kami dahil lang sa mga nagkalat na laruan ng mga bata. Dagdag sakit ng ulo pa yon.

5. Saan ilalagay ang adrenaline koย – kapag may sakit ako e hindi mo ako mapapatihaya lang sa kama o sa harap ng telebisyon. Mas nakaka stress kasi ikot ng ikot ang utak ko. Kaya mabuti ng busy pa rin at baka mabaliw ako. Kaya naman walang pahinga rin, hayyyy

P.S. Sino gagawa ng mga anik anik para sa ka berteyan ng aking panganay sa Dec. 10? Edi ako pa rin…

Ayan, umamim na si ako.. isa akong dakilang cook, labandera, mayordoma, tsuper, magicianย at trumpo, hehehe… bakit kanyo di ko nabanggit ang mag plantsa? Kasi naman once a month lang ako mag plantsa at kung magaling ako magpagpag ng mga damit bago sila isampay, kahit walang plantsa, pwede na rin. Hate na hate kong mag plantsa ano.

Dati sosyal ako may taga linis at taga plantsa kaso mo magmula nung nag ka chedeng yung aming taga linis at taga plantsa, ayaw na nya tumanggap ng trabaho. Cruising na lang sya dito sa kapitbahay sakay ng kanyang chedeng… oh well, buhay sa farm ๐Ÿ™‚

Advertisements

11 mga puna »

  1. pede mag-apply na katulong mo mamakengs? aheheh
    kengkay: pwedeng pwede pareho tayong pasaway ๐Ÿ˜€

    Komento ni lilmiz — Disyembre 8, 2007 @ 1:58 hapon | Sagutin

  2. mamikengks may nalimutan ka:

    6. “pag nagkasakit si kengkay, sinong magkukwento sa blog ni kengkay?”
    …si kengkoy pede ba?

    pero sige maski wala ako mabasa, dapat unahin ang pamilya…

    ingat ka… tek keyr becoz we ol ol keyr. ๐Ÿ™‚
    kengkay: ay naku, pwede magkwento yang si kengkoy kaso mo di nyo maintindihan, hehe. salamat por de keyr

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 8, 2007 @ 2:53 hapon | Sagutin

  3. sa’yo na lang ako magta-trabaho kengkay! sawa na ako dito sa disyerto eh! magaling naman akong maglaba at maglinis, pramis! hahaha!
    kengkay: naku baka ginawin ka dito. kakatamad mag trabaho kapag malamig, hehe ๐Ÿ™‚

    Komento ni eNocH — Disyembre 8, 2007 @ 6:53 hapon | Sagutin

  4. Pagaling ka kengks! Di bale, next year naman makakarelax ka ng konti sa ‘pinas. Marami ang tutulong sa yo dun kaya makakagimik ka ng konti (o lagi! Hehe!) ๐Ÿ™‚
    kengkay: hay salamat kiko… uwing uwi na nga talaga ako e. hirap talaga ng may sakit, huhhuuu

    Komento ni Kiko Matsing — Disyembre 8, 2007 @ 11:43 hapon | Sagutin

  5. Onga Keng, pagaling ka… And take care of yourself para iwas sakit… ๐Ÿ™‚
    kengkay: tenks, hirap magpagaling kapag panay pa rin ikot ng trabaho e. kakabaliw, arrrgh

    Komento ni Jovi — Disyembre 9, 2007 @ 1:39 umaga | Sagutin

  6. .. isa akong dakilang cook, labandera, mayordoma, tsuper, magician at trumpo, heheheโ€ฆ bakit kanyo di ko nabanggit ang mag plantsa? Kasi naman once a month lang ako mag plantsa at kung magaling ako magpagpag ng mga damit bago sila isampay, kahit walang plantsa, pwede na rin. Hate na hate kong mag plantsa ano…

    naks. ikaw ba si Darna? hahaha! hirap pala maging nanay! yoko na tuloy maging nanay bwa hahahaha! kung ayaw mo talaga mag-plantsa, magdowny ka – para ifofold na lang…
    kengkay: downy ba talaga, hehe. walang downy dito e, sayang

    Komento ni Fau Rafili — Disyembre 9, 2007 @ 3:15 umaga | Sagutin

  7. hindi rin ako mahilig magplantsa kahit dati pa. kasi minsan, kahit ilang daan mo na kuyukot pa din kakapagod. tas sabi ng nanay ko may teknik teknik pa pag maong o blouse o long sleeves.

    …buhay farm…hehehe dito din naka chedeng mga farmer, tig isa pa sila ni misis.

    i linked you nga pala te!

    take care and get well soon!
    kengkay: ay tama ka dyan sa teknik teknik na yan. pero kahit anong gawin ko e yung teknik ko ang nasusunod, hehe. hirap gumaling, buong pamilya na ang may sakit, waaaa

    Komento ni eyna — Disyembre 9, 2007 @ 7:08 umaga | Sagutin

  8. wawa naman si momi!!! ๐Ÿ™‚

    ako na lang houseboy mo.. ang rate ko 25K/month…

    ayos ba.? all around naman ako eh..
    kengkay: alam mo kung magkano rate dito? 10 euro per hour, oks na rin yon, hehehe

    Komento ni kingdaddrich — Disyembre 9, 2007 @ 9:17 umaga | Sagutin

  9. sosyalera na pala ang dating taga-linis hahaahha….
    ayos tlga mga mudras eh ang sisipag
    kengkay: ano pa nga ba, naka chedeng na sya kaya ayaw na nya mag linis

    Komento ni Rhapsody — Disyembre 9, 2007 @ 9:29 umaga | Sagutin

  10. hahahaha! hagalpak ako nang tawa sayo pokekang! hahaha! Alam mo, dapat you should get an award. GAWAD Award. Kung saan ka gagawaran nang kaserola para linisan, at kung ano ano pa.

    Me Agency ako ‘day!!!! Madami sila!!! Naglilinis sila nang balay na hubo’t hubad. I-pad-lock mo muna mga junakis mo sa kabilang kwarto.

    Christmas rate! Sign up now! Hehehe!
    kengkay: dali, saan ako pwedeng mag sign up ๐Ÿ™‚ pwede bang mag try out muna, hehe

    Komento ni reyna elena — Disyembre 9, 2007 @ 1:31 hapon | Sagutin

  11. wawa naman mommy kengks. i hope you’re feeling better now. ๐Ÿ™‚
    kengkay: am better pero walang boses ๐Ÿ˜€

    Komento ni antuken — Disyembre 10, 2007 @ 6:07 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: