Kwentong Kengkay

Disyembre 11, 2007

Ang aming krismas tri

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Europe,Kaibigan,Oyropa Ko,Panlasa,Tinag-a — kengkay @ 4:22 hapon

Eto ang isang tag na paskong pasko talaga ang dating, galing sya kay Ambo. Kung gusto ko pa daw ipakita sa buong blogging world ang aming Christmas tree? Sempre naman.

Pero bago ang picture, kwentuhan ko muna kayo. Nung unang Disyembre ko dito, sempre tinanong ko si kengkoy kung kelan kami bibili ng puno para sa Pasko kasi naman lampas ng isang linggo ng Disyembre e wala pa kaming puno. Ang sagot ni kengkoy, pwede na daw kami bumili pero sa 23 ng Disyembre pa daw dapat i-display at lagyan ng palamuti. Sempre shock si kengkay. Ang tagal naman at saka ilang araw mo lang ma enjoy yung Christmas tree. Sinabi ko kay kengkoy na sa Pinas e October pa lang may Christmas tree na. Sempre fake na puno naman yung sa atin kaya pwedeng tumagal ng ganon pero kahit na, hindi ko feel ang Pasko ng walang Christmas tree.

Kaya nung unang nagbukas yung Christmas bazaar sa aming baryo, naghanap kami agad ng aming puno. Nasunod ang gusto ni kengkay. Ang aga naming nagkaron ng Christmas tree. At ang na shock naman e yung aking mga pamilya dito sa Alemanya. At sempre, naging tradisyonal na rin sa aming pamilya na bumili ng aming puno kapag kabubukas ng Christmas bazaar dito. Ibig sabihin, mga unang linggo ng Disyembre. Pero lalabas lang ang regalo sa gabi ng bisperas ng Pasko.

013.jpg

Ayan ang aming Christmas tree. Mga 6 footer sya na punong puno ng teddy bears at angels na galing sa Pinas. Dahil nung tinayo iyan at nilagyan ng palamuti ay may sakit si nanay kengkay, yung aking mga little kengkays ang naging reyna ng Christmas tree. Pansinin nyo rin yung mga pahabol na Christmas artworks ng mga bata na basta na lang nila sinasalpak sa Christmas tree, hehe. At sempre, ang aking most cherished possession, ang Christmas scene na asa paanan ng aming puno. Gusto nyo makita ang details? Click nyo lang yung litrato sa baba.

014.jpg

############ START COPY HERE ############

This is a First annual 2007 Christmas Tree Blog Parade Meme created and conceptualized by OTWOMD of Bluepanjeet.Net The purpose of this meme is to enliven the Christmas spirit by showing to the world our very own Christmas trees. They say that it is on the Christmas tree that best describes how a person celebrates Christmas. So here are the rules:

1. Copy the Logo of this meme (Download it on the sidebar and resize it that will best fit your blog or according to your desire) and post it on your entry.
2. Take a photo of your Christmas tree inside your house. A whole shot is the most appropriate photo. And post it on your entry
3. Tell something about your Christmas tree like who decorated it, what are the ornaments and accessories, or what is the theme and meaning of your Christmas tree this year.
4. You can put any title on your meme but don’t forget to include this “2007 1st Christmas Tree Blog Parade”.
5. Do the link train history. Put the link of your previous bloggers who tagged you and your own link, Example: Tag History: Bluepanjeet – “you” –

The link train will provide clue on “who tagged who” and at the same time a reference of data for the creator of this meme.

On The feast of Three Kings on January (The official ending of the Christmas Season), Bluepanjeet.Net will launch a mini site that will feature all of the participant’s Christmas trees for 2007 with a link back to their site. That is why it is very vital that you maintain the link history so that your Christmas tree will be included in the Christmas tree blog parade of 2007 and will be a part of history.

So tag now, you only have one month to spread this meme.

My Christmas Tag History: BluepanjeetPinoy Ambisyosokengkay – “You” (Put your link here) –

############ END COPY HERE ############

Paki-show off naman ang inyong Christmas tree plis: joanjoyce, cheh, scart at thess.

Christmas Tree Blog Parade List:
Somewhere in My Memory by Bluepanjeet.net
2007 1st Christmas Tree Blog Parade by Kotsengkuba.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Mynosebleed.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Enelym001.wordpress.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Jovi2hottie.wordpress.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Amorfrancis.com
The 2007 OTWOMD Christmas Tree Blog Parade by Pinoy Ambisyoso
Ang Aming Krismas Tri 2007 – kengkay

Advertisements

23 mga puna »

  1. mas krismasy ang feeling pag bata ang nag ayos ng xmastree di b, di man perfect ang pagkakagawa, pero im sure, yung gawa nila ang mas nasasayahan kang tingnan 😀
    merry xmas sau nanay kengkay aka wondermom 😉 (tama bang gawan ng alter ego hehe)
    kengkay: hi mine, alam ko wondermom ka rin e 🙂 wala na akong karapatan sa krismas tri namin kasi gawa na daw nila yon, tapos na, hehe

    Komento ni koreanmine — Disyembre 11, 2007 @ 9:43 hapon | Sagutin

  2. ang taas din ng xmas tree ninyo… kita ko ang mga artworks nila hehehe… im sure tuwang tuwa sila habang inaayos yan.
    kengkay: nung inayos nila yan, lahat nung palamuti asa baba lang, hahaha. kasi sempre di nila abot. inayos ko ng konti nung natulog na sila

    Komento ni Rhapsody — Disyembre 12, 2007 @ 3:10 umaga | Sagutin

  3. Ang kyut naman ng krismas tree nyo ate, kakatuwang malaman na ang mga little kengkay nagdecorate nito. 🙂
    kengkay: yung bunso gusto yung teddy, yung panganay yung angels, kaya ayan ang resulta

    Komento ni MisyeL — Disyembre 12, 2007 @ 3:11 umaga | Sagutin

  4. wow, tunay na tree ito! 🙂 buti at recyclable mga krismas tree dyan… di uso plastics? hehehe
    kengkay: yung mga plastic makikita sa mga malls lang. pero sa mga bahay, halos lahat ay tunay na puno, ang sarap nga amuy amuyin e

    Komento ni taroogs — Disyembre 12, 2007 @ 9:42 umaga | Sagutin

  5. Ang sweet naman. You must feel utterly delighted to have such a wonderful family – loving husband and beautiful daughters. 😀

    joy
    Norwich Daily Photo
    The Goddess In You
    Your Love Coach
    kengkay: tumpak, joy 🙂 i savor every moments with them

    Komento ni joy — Disyembre 12, 2007 @ 10:18 umaga | Sagutin

  6. …hiyee!! ang cute naman ng chritmas tree nyo…lalo na yung mga bears!:p
    kengkay: salamat ha. labs ng bunso ko yung bears din

    Komento ni sommer — Disyembre 12, 2007 @ 12:09 hapon | Sagutin

  7. Wow! Totoong puno talaga! Ang ganda!! 🙂
    kengkay: bakit kayo dyan? subukan nyong bumili din kahit na maliit lang 🙂

    Komento ni Kiko Matsing — Disyembre 12, 2007 @ 12:46 hapon | Sagutin

  8. next year ko pa ma eexperience ang totoong puno na christmas tree. plastic gamit namin dito sa bahay ng mga in laws hehe. pagdating ng january, tambak ulit sa bodega. nyahaha.

    parang gusto kong pitasin ung mga nakasabit sa christmas tree mo ate kengkay. 😀
    kengkay: talaga, plastic gamit nyo? edi magtanim ka na ng pine tree sa bakod nyo para neks yir may krismas tri ka na, hehe

    Komento ni eyna — Disyembre 12, 2007 @ 7:29 hapon | Sagutin

  9. o cge pakita ko christmas tree namin pero hindi talaga ako nag-organized yung ka-roommates namin. salamat miss kengkay ha sa tag.

    nga pala tunay na puno ba yang sa inyo? katuwa ang mga bata naging cute ang resulta ng christmas tree nyo 🙂
    kengkay: oo scart, tunay na puno yan 🙂 mga two years ago nga sa sobrang fresh nung puno, may mga uod pa, yikes!!! kaya ngayon kapag binili namin, iniiwan muna namin sa labas ng mga dalawang araw ang puno. kadiri kung may uod ulit.

    Komento ni scart — Disyembre 13, 2007 @ 6:31 umaga | Sagutin

  10. Tinag din ako ng kanito ni Jovi. Pero mukhanghindi ko magagawang ipakita sa madla ang aming krismas tri. yun na yata ang pinakamalungkot na krismas tri sa mundo
    kengkay: sigurado akong yang pinakamalungkot na krismas tri sa buong mundo ang magiging pinakamasaya kapag pinagmalaki mo sya sa blogging world 🙂 dati sa pinas, ang krismas tri namin ay made of sinulid lang… kaya mo ba yun 🙂

    Komento ni iceyelo — Disyembre 13, 2007 @ 7:14 umaga | Sagutin

  11. Hi Keng,

    I hope everything is ok now with you, M, I and H. Sana healthy na kayong lahat sa pasko. cute ng Christmas tree nyo kasi ang mga nakasabit ay galing lahat dito and native pa. unique siya. I miss chatting with you. kailan ba magagawa pc mo? My-My was here 1 week lang and na meet ko na rin yung BF niya pinoy din pero us citizen. malapit na si cel ke my-my sa SFO.

    take care always,
    kengkay: nakuha na namin yung PC kahapon lang kaya lang mga may sakit pa ang mga bata kaya busy pa

    Komento ni elaine — Disyembre 15, 2007 @ 4:59 umaga | Sagutin

  12. […] Hip&CoolMom,Thesserie,Kengkay,Vera,  […]

    Pasa ni moderately-confused pinay in deutschland - 2007 Christmas Tree Blog Parade Meme — Disyembre 16, 2007 @ 6:13 umaga | Sagutin

  13. Sorry mommy kengks leyt ako. Pero hahabol ako! lol. Yan ang gusto kong ma experience yung totoong xmas tree. Teka gano katagal yan bago malanta? Nakatanim ba yan sa lupa? hahaha sorry boplaks ako sa ganyan eh. Thanks for doing the tag momski.
    kengkay: eto basahin mo yung inglish spokening blog ko
    http://homegarden.pinoymomsnetwork.com/do-it-yourself/choosing-the-right-christmas-tree/

    dapat tubigan yung kanyang tree stander weekly para di madaling malanta… nung una ko ring makaharap ng tunay na puno e wala rin akong alam dyan ano, hehe

    Komento ni Lavern — Disyembre 17, 2007 @ 9:49 umaga | Sagutin

  14. Ay, bongga ang mga anghel. Mabango yata ang live tree, as in amoy pine forest daw.

    Ang aking pagbati ng Maligayang Pasko ay una nang ipinaabot baka kasi matrafic pa kagaya ng traffic sa EDSA. 🙂
    kengkay: uy oo, ang sarap ng amoy ng tunay na puno talaga. salamat sa pagbati, maligayang pasko rin!

    Komento ni TeacherJulie — Disyembre 17, 2007 @ 3:02 hapon | Sagutin

  15. ang galing kengkay.. sana magkabahay na din kami at sana nasa pilipinas na din ako para makakagawa na din kami ng sari-sarili naming christmas tree. huhuhu.. nakakalungkot, mag-isa na naman ako ngayong pasko 😦
    kengkay: hay halika dito, etong malaking HUGS para sa yo, i can relate, ilang pasko din na wala ako sa piling ng mga loved ones ko e

    Komento ni Kotsengkuba — Disyembre 18, 2007 @ 10:53 umaga | Sagutin

  16. hoy ambo! bakit iba pangalan mo dito? hahaha
    kengkay: si ambo pa kyut yan kapag ganyan ang pangalan nya, hehe

    Komento ni Kotsengkuba — Disyembre 18, 2007 @ 10:56 umaga | Sagutin

  17. Maganda ang Christmas Tree na yan lalo na kasi may espesyal na kwento ang mga nakasabit.

    Maligayang Pasko sa iyo at iyong pamilya.
    Kengkay: salamat rach. maligayang pasko din sa inyo!

    Komento ni Rach — Disyembre 20, 2007 @ 4:50 hapon | Sagutin

  18. I like your minimalistic tree Raq! Ang cute ng mga ornaments na angels at teddy bear. Sorry sa Tag-lish hehehe. Ang ganda ng Belen(Nativity set) ninyo, I saw one for sale in New Orleans made in Germany. I said I was going to come go back and buy it then Katrina came along.

    Thanks for visiting our tree 🙂
    kengkay: alam mo, maganda talaga ang mga belen na gawa dito sa germany 😀

    Komento ni KK aka Tina — Disyembre 21, 2007 @ 4:36 hapon | Sagutin

  19. […] Tree Blog Parade by Amorfrancis.com The 2007 OTWOMD Christmas Tree Blog Parade by Pinoy Ambisyoso Ang Aming Krismas Tri 2007 – kengkay Meaningless Christmas Tree! – […]

    Pasa ni My daily life experiences… » Meaningless Christmas Tree! — Enero 5, 2008 @ 6:58 hapon | Sagutin

  20. […] Kengkay – Kaya nung unang nagbukas yung Christmas bazaar sa aming baryo, naghanap kami agad ng aming puno. Nas… […]

    Pasa ni 1st Annual OTWOMD Christmas Tree Blog Parade Year 2007 : Bluepanjeet.Net | On The Wings Of My Dream — Enero 6, 2008 @ 5:04 umaga | Sagutin

  21. […] na rin namin ang dekorasyon. ano kaya ang itsura ng aming krismas tri? ganito pala sya dati click. at ngayon? abangan ang susunod na […]

    Pasa ni krismas trihan « Kwentong Kengkay — Disyembre 13, 2008 @ 9:01 hapon | Sagutin

  22. […] ang aming krismas tri ngayong 2008! eto yung dati […]

    Pasa ni ang aming krismas tri 2008 « Kwentong Kengkay — Disyembre 15, 2008 @ 3:16 hapon | Sagutin

  23. cheap to get new coupon suprisely

    Komento ni loulklaurence — Disyembre 11, 2011 @ 12:32 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: