Kwentong Kengkay

Disyembre 16, 2007

Simbang Gabi

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Duon sa Amin,Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 9:51 umaga

STARTING after midnight tonight (15 December), church bells will be ringing very early in the morning until Christmas Day. Today marks the beginning of the Christmas novena, or Simbang Gabi, in Tagalog.For Filipino Catholics the nine-day celebration before is a tradition with deep roots in the country’s religious culture. Literally, simbang gabi means “night worship.” The name comes from the Catholic custom of gathering for the celebration of the Eucharist in the pre-dawn hours on each of the nine days before Christmas. Hence, this celebration is also known by its popular Spanish name as the misa de gallo, or “mass of the
rooster.” Catholic churches throughout the country will be ringing their bells around 3:00 or 3:30 in the morning long before the roosters crow. Read more here.

Ano ang mga ala-ala nyo kapag Simbang Gabi?

Sa amin may ibang ibig sabihin ang Simbang Gabi. Kapag nabuo mo daw ang siyam na araw na Simbang Gabi ng walang palya, masusunod daw ang iyong special wish. Sempre ang special wish mo dapat pinag iisipan mo ng mabuti sa mga araw na nag-si-simbang gabi ka. Pero kasi sa aming baryo sa Pinas ay dalawang beses ang simbang gabi, merong sa alas gis ng gabi at merong sa madaling araw. Kaya kung absent ka ng sa gabi, pwede ka pang sa madaling araw magsimba, galing di ba? Ngayon, wag nyo akong tanungin kung may nabuo ba akong Simbang Gabi. Nalimutan ko na talaga.

Ang alam ko lang, kapag Simbang Gabi na, merong taga-gising sa amin. Ang musikero ngΒ banda ng San Juan Nepomuceno ay magiikot kasama ng kanilang mga tambol at kung ano pang intrumentro ng mga alas tres yata yun ng umaga. Tapos sempre sa ingay ba naman non di ka magigising, sabayan pa ng kampanilya ng simbahan. At sempre, katukin ka pa ng mga kapitbahay mong mangungulit talaga na isama ka sa Simbang Gabi. Kaya kahit na pupungas-pungas pa at lamig na lamig, sali ka na rin sa Simbang Gabi.

Kadalasan ay punong puno ang simbahan kaya sa labas na ang pwesto. Amoy na amoy mo agad yung mga puto bumbong at bibingka dahil sa bigay todo rin ang mga tindahan sa paghahanda ng mga sahog at sempre yung mga nagpa-reserba ng kanilang bibingka. Dun ka talaga magigising.

Pagkatapos ng simba, deretso sa tindahan para sa puto bumbong at sa bibingka. Ang flavor dati ng bibingka ay plain, may keso, o kaya may itlog na pula. Balita ko ngayon ay ibang iba na talaga ang flavor pero ang paborito ko pa rin ay yung dating tradisyonal na flavor nito. Mas malinamnam talaga.

At sempre, kundi man kami sa tindahan kakain, ang bitbitin namin ang mga kakanin sa bahay at dun kami magkwentuhan hanggang kailangan ng pumasok sa iskwela o kaya naman sa trabaho. At tutulog tulog na sasakay ng dyip o bus papunta sa kung saan mang lumalop kami dapat mapunta. Sa susunod na madaling araw ulit…

Advertisements

13 mga puna »

  1. tamang-tama ang post mo sis… naaalala ko tuloy ang medyo malabnaw ng nakaraan.

    ang naalala ko ng simbang gabi ay kagaya rin syo, wish, puto bumbong at bibingka kasama na ang mga espesyal na taong kasama sa pagsisimba at nagbibigay ng inspirasyon na gumising ng madaling-araw kahit ang sarap mamaluktot dahil malamig ang disyembre.

    hayyy… sana teenager pa rin ako, parang masarap balikan ang simbang gabi noon eh.
    kengkay: ako hanggang ngayon feeling teen ager pa rin, hehehe

    Komento ni mhel — Disyembre 16, 2007 @ 12:21 hapon | Sagutin

  2. …bakit ganun? ako halos 5 ata na simbang gabi ang natapos ko buong buhay ko, hindi natupad ang wish ko. siguro hindi counted pag half asleep/half awake lang sa buong misa.:p
    …ang nakakamiss sa akin yung hot pandesal (nung medyo me kalakihan pa xa!) with butter na isasawsaw sa mainit na kapeng barako!! (ayan homesickness ulit!)
    kengkay: uy masarap nga yung hot pandesal tapos yung puting keso at sawsaw sa cacao, tsalap

    Komento ni sommer — Disyembre 16, 2007 @ 12:52 hapon | Sagutin

  3. Kami dito sa Singapore may Simbang Gabi,katuwa di ba hehe, kasi dami na pinoy dito eh, tapos Tagalog pa yong ibang Mass,o kahit paano feel mo talaga pasko,para ka na din nasa Pinas
    kengkay: wow, ang swerte nyo naman dyan sa singapore

    Komento ni SinaGlaya — Disyembre 16, 2007 @ 2:15 hapon | Sagutin

  4. ang alam ko na simbang gabi ay madaling araw, alas kwatro y media. nung nsa probinsya pa ako, nakukumpleto ko lagi ang simbang gabi, pinipilit ksi ako ni ina na sumama haha at since may crush ako na sakristan, go na din πŸ˜€ totoo yun na igagrant ang wish mo, basta ba posible at ginagawan mo din ng paraan, tutulungan ka ni Lord πŸ˜‰
    kengkay: ako dati may crush din kaya nabubuo ko yung simbang gabi, ahahaha. sigurado ako kung para sa yo yung wish mo, ibibigay sa yo

    Komento ni lilmiz — Disyembre 16, 2007 @ 5:54 hapon | Sagutin

  5. yan ang di ko nakukumpleto… simbang gabi… tsk, tsk, tsk… di talaga ako morning person… hehehe!
    kengkay: to each his own, ako di rin morning person pero dahil may crush akong morning person, ganun na rin yon hehe

    Komento ni Lenggai — Disyembre 16, 2007 @ 10:46 hapon | Sagutin

  6. Dito sa amin, tuwing simbang-gabi, nagigising ako sa KALEMBANG ng KAMPANA.

    Bangon ako agad at tatanaw sa balkonahe sa East-side ng apartment namin ni misis. papa-BUKANG-LIWAYWAY pa lang at damang-dama ko ang MALAMIG na SIMOY ng HANGIN sa itaas.
    Mula duon tanaw ko ang kampanaryo ng katolikong simbahan, 200 meters lang siguro layo mula sa kinatatayuan ko. kapantay ko lang din taas ng kampana kasi nakatira kami sa 4th floor. πŸ˜†
    yung tunog palang yun e tapos na MISA, kaya kita ko sa ibaba mga TAOng galing SIMBAHAN at papauwi na. naroon din sa kalsada sa ibaba ang naghilerang rolling stores at puwesto ng mga BIBINGKA at PUTO-BUMBONG.
    tapos maya-maya lang ay maririnig ko na ang malalakas na AWITING PAMASKO na galing sa plaza! wow, sarap… πŸ˜€ πŸ˜€

    Dun pa lang FEEL na FEEL ko na ang PASKONG-PASKO! πŸ˜‰

    ‘sensya na kengks, napahaba kumento ko… sarap kasing magkwento basta tungkol pasko.

    Dyan ba sa Alemanya kengks, may ‘sort of’ simbang-gabi din?
    kengkay: sarap nga ng kwento mo e napahanap ako ng popcorn, hehehe. dito walang simbang gabi pero meron silang midnight mass ng christmas eve

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 17, 2007 @ 12:44 umaga | Sagutin

  7. kahit kailan hindi ko pa nabuo yan… ewan ko ba.

    pero naniwala rin ako sa wish wish na yan
    kengkay: subukan mo, malay mo matuloy yung wish mo. balitaan mo ako ha

    Komento ni kingdaddyrich — Disyembre 17, 2007 @ 3:40 umaga | Sagutin

  8. miss ko kumain ng bibingka at puto bumbong, and nakakamis ang pag gising ng madaling araw para mag simba
    kengkay: ay dhez, hindi pala ako nagiisa πŸ˜€

    Komento ni dhez — Disyembre 17, 2007 @ 4:17 umaga | Sagutin

  9. noon hayskul pa ako nakakabuo ako ng 9 na gabi kasi chinichek ang attendance namin ngayon hindi na kasi sarap matulog. pero nakakamiss din
    kengkay: ganon, wow, san ka nag high school, di ko ipapasok dyan pamangkin ko, hehe. ako nga sa catholic school din nag aral pero di naman ganon ka higpit

    Komento ni bruhilda — Disyembre 17, 2007 @ 6:29 umaga | Sagutin

  10. Ako din di ko pa nabuo yan. Wala bang simbang araw? hehe. kasi ang aga, tulog mantika ako! miss ko ang simbang gabi sa mga baryo, yung tipon tumitilaok ang mga manok at ako naman ngatog na ngatog sa lamig ng panahon, tapos maglalakad kayo amoy bukid kasabay mo pa nga minsan mga kalabaw hinhila ng mga magsasaka. hay sarap balikan ng mga nakaraan. hehe
    kengkay: anong pinagsasabi mo dyan, maghunos dili ka, ahahaha

    Komento ni Lavern — Disyembre 17, 2007 @ 9:59 umaga | Sagutin

  11. teka habol ako isa pa para buo na yung sidebar mo na puro ako hahaha. Merry Christmas mommy kengks.
    kengkay: merry christmas din.. at talagang kyut na kyut mong pinuno ang sidebar ko ha

    Komento ni Lavern — Disyembre 17, 2007 @ 10:00 umaga | Sagutin

  12. ngayong taon, gagawa ako ng record. maliban sa magsisimbang gabi ako, aba’y try ko rin makumpleto ito. kaya ko kaya? sana…
    kengkay: huy sige, good luck. balitaan mo ako ha

    Komento ni abou — Disyembre 17, 2007 @ 11:24 umaga | Sagutin

  13. never pa rin ako nakabuo. may isang year nga, na right after gimik, amoy alak at amoy yosi, dumirecho ako simbahan, while some of my friends stayed in a bar near the church. kse nga gusto ko maka-buo. ang nangyari naman on the last day, di kami nakasimba ng tatay ko. ansaklap di ba.

    i love the putobumbong the best about simbang gabi. πŸ™‚
    kengkay: hanu ba yon, last day pa napalpak, huhuhuh

    Komento ni antuken — Disyembre 17, 2007 @ 12:09 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: