Kwentong Kengkay

Disyembre 18, 2007

Laktwatsera Ako sa Pinas!


Ayan, na tag na naman si ako ni scarty. Kung gano daw ako kalakwatsera nung asa Pinas pa ako. O hayan ang grade ko C+, may pagkalaktwatsera din ano, hehe. Di ko akalain na dami ko na rin palang nalibot sa Pinas, mula kanluran at silangan… dulo’t dulo ng Pinas naikot ko na sakay man ng kalabaw, ng tricycle, ng dyip, ng bus na walang aircon at daming manok na tumitilaok sa paligid, ng barkong Sweet Baby na nagkaron pa ng chicken pox dun sa economy class kung saan dun namin binitbit ang aming mga bagahe kasama ng mga batang iyakin at grupong tong-its, sa eroplano papuntang Davao kung saan yun ang aking unang sakay ng eroplano at akala ko kakailanganin ko ng passport at eto pa magisa ako nung unang byahe ko sa tuktok ng mundo.

At sempre yung pinakamahabang biyahe ko e yung papunta ng Butuan Islands kung saan ang aking paboritong pinsan ay na-in lab at ginawa nya akong abay sa kasal nya… sakay kami ng barko sa pier sa Maynila mga 24 hours ang biyahe, tapos baba kami ng pier sa may mindanao kung saan sumakay kami ng tricycle kasama ang dalawa ko pang pinsan na punong puno ng bagahe at ang biyahe ay inabot ng dalawang oras. Aray ko, ang sakit sa pwet. Bumaba kami sa bus station, at dahil wala pa ang bus ay nag antay din kami mula gabi hanggang madaling araw, mabuti na lang pwede umarkila ng folding bed! Nung dumating ang bus ay puno agad ito sa isang iglap. Mabuti at sa liit kong ito ay pinasak ako ng pinsan ko sa bintana para maka save ng upuan namin. O ayun, punong puno ang bus ng manok, ng bigas, ng mga delatang biscuit ng naiiyakang bata, ng nagsisigarilyong mama, at kung ano ano pa — at sempre, hindi yon aircon kasi mini bus yon ano. Tuwang tuwa ako sa experience ko na yon, sa totoo lang! May lola pang pinatigil ang bus kasi iihi daw sya. Ayun, tigil ang bus; si lola inangat yung saya nya at nakaraos, hehehe! Ibang klase talaga. Para akong baliw na parating naka ngiti kasi ibang iba talaga. Kung pwede lang humalakhak sa galak e ginawa ko na talaga. Pagkatapos ng kabog kabog na biyahe ng bus, sakay naman kami ng dyip! Aray ko talaga. Nakarating din kami sa bahay nung mapapangasawa ng pinsan ko. Ayun sila at nakakaraoke. Gusto ba namang pakantahin ang taga Maynila daw… Bwahahahaah… dahil game naman si kengkay, kahit na tayo tayo pa ang mga buhok ko at hindi pa naka sepilyo ng ipen; bumangka agad ng Lion King, ahahahaha… Ay, hindi ko yon makakalimutan talaga. Especially since sarap mag shopping dun sa shopingan ng mga Muslim brothers natin, ang gaganda ng mga souvenirs nila!

Kung ano pa man, bawat uwi namin sa Pinas ay sinisiguro kong naipapasyal ko ang mga pamilya ko sa kagandahan ng ating bansa. Kasi maganda naman talaga ang Pinas di ba? Walang sinabi ang mga beaches ng Thailand (may konting authority ako dyan dahil naikot ko na rin halos ang mga tourist spots at ang mga hindi tourist spots sa Thailand) sa Boracay at Palawan natin, pramis yan. Mas maingay lang ang Thailand sa advertisement nila pero kung sa pagandahalan lang talaga, Pinas pa rin ang number one!

My Lakbayan grade is C+!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

Advertisements

6 mga puna »

  1. Nakadami ka na rin pala sa Mindanao.Sa davao lang ang aking napuntahan nyemas 😀
    kengkay: wahahaah, kasi yung iba dapat sasakit muna ang wetpaks mo bago mo marating 😀

    Komento ni cheh — Disyembre 18, 2007 @ 10:05 hapon | Sagutin

  2. wahehe… galawgaw ka rin pala. ako, Bisaya ang hindi pa napupuntahan.
    alam mo kengkay, pansin ko rin ang Pinoy mas nakakalakwatsa ng around the Philippines pag nakatira na sa abroad. syempre kasi MISS nila ang ‘Pinas. at oo syempre din, kasi me datung na ring panglakwatsa… ahehe, sama ko senyo… (jokes)
    kengkay: huy nung naglalakwatsa ako sa pinas e wala pa akong balak mag abroad. kasi naisip ko wala akong karapatang mag abroad kung ang pinas nga hindi ko nalibot. so ayun, kaya kung anong ka cheapan na biyahe e pinapatulan ko, kahit sa likod ng kalabaw, hehehe…. ngayong may taga bayad na, sempre bigay hilig din kasi ipinagmamalaki ko naman ang ganda ng pinas, de bah. sige sama ka… punta kami dyan sa probinsya mo 😀

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 19, 2007 @ 12:32 umaga | Sagutin

  3. Mommy kengks halos konti na lang at malilibot mo na ang Pinas! Isa kang certified na lakwatsera! hehehehe
    kengkay: idol ko kasi si reyna elena e, hahaha

    Komento ni Ambo — Disyembre 19, 2007 @ 11:16 umaga | Sagutin

  4. galing! ako di pa nakakarating ng mindanao.. tsk tsk. ok yang trip mo to butuan. panalo yang 2-hour tricycle ride mo! hehe
    kengkay: ang saket sa pwet, sa totoo lang pero masaya naman, daming kwento

    Komento ni ris — Disyembre 19, 2007 @ 2:22 hapon | Sagutin

  5. pareho tayo ng grade C+ din ako nung ginawa ko ito dati. pero parang madaya no? feeling ko ang dami kong napuntahan na lugar sa pilipinas at ine-expect ko, at least man lang B+ ang grade ko, hehe. (uuy grade conscious!)

    ako din naisip ko dati, parang wala akong karapatan mag-abroad hangga’t hindi ko nagagalugad ang pilipinas. pero ganun talaga ang life… pero, ika nga ni gary v, babalik ka rin (at ako rin). 🙂
    kengkay: masarap balik balikan ang pinas, lalo syang sumasarap, di ba, hehe. pero tama ka, akala ko dahil nakarating na ako sa butuan e maganda na grade ko, yun pala passing grade lang din pala, mas maraming gastos pa para maging A, hehee

    Komento ni Meeya — Disyembre 19, 2007 @ 8:14 hapon | Sagutin

  6. wow..parang mula aparri to jolo mami keng…hahahahh
    kengkay: ay, imagine sa haba ng biyahe ko ang baba pa rin ng grade ko, hehe. daming gastos pa para maging grade A

    Komento ni chuvaness — Disyembre 19, 2007 @ 8:29 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: