Kwentong Kengkay

Disyembre 19, 2007

Regalo Sa Sarili Ko

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Hmmmm,Masarap sa Pinas,Palaway,Panlasa — kengkay @ 3:48 hapon

Ayan ang regalo ko sa sarili ko, isang malaking box ng ibat ibang klaseng Lucky Me Instant Noodles at isang pack ng ready mix puto! Kasi yung isang pinsan-pinsanan ko ay nagpadala ng Christmas card at dun nakalagay na meron daw silang tinayong online pinoy store dito sa Alemanya. Wahahaawww, tulo agad laway ko at biglang nag-online shopping si kengkay.
006.jpg

Kanina binuksan ko agad yung mami noodles, at may sorpresa sa loob, may maliit na fita biscuit! Wow, yun na pala ang katambal ngayon ng lucky me? Sayang lang at di ko natikman kasi nagustuhan ng mga little kengkays at pinaghatian nilang dalawa. Amoy lang ang natira sa akin.

Sa Pasko subukan kong magluto ng puto. Sana e maging mukhang puto at maglasang puto sya. Sayang walang puto bumbong na ready mix πŸ˜€ At isa pang sayang ay naubusan na rin sila ng ready mix bibingka. Pero di bale na, andami kong lucky me… amoy na amoy ko na ang bulalo at la paz batchoy!

Advertisements

16 mga puna »

  1. ate kengks, dati nga skyflakes yan eh, ngayon fita na. ahehehe. nung nagpadala din kami ng mga pasalubong sa US, binilhan namin ng lucky me pancit canton ang kapatid ni fafa. smells like pinas!
    kengkay: grabe, as in malaking malaking box yan, nahiya nga ako kasi nagulat si kengkoy dun sa box. ahahaha. sabi ko regalo ko yan sa sarili ko no

    Komento ni pao — Disyembre 19, 2007 @ 3:59 hapon | Sagutin

  2. gusto ko ung hot chilli na lucky me pancit canton. palagi ko me stock dito room ko, ewan ko kung bakit. basta. siguro dahil nasa pilipinas ako…
    kengkay: wow, may ganyang flavor din, bakit kaya wala pa dito, penge nga ako, hehehe

    Komento ni abou — Disyembre 19, 2007 @ 5:15 hapon | Sagutin

  3. oo nga, dati skyflakes ang katapat ng lucky me, ngayon fita na. πŸ™‚ buti na lang hindi kami nawawalan ng kapitbahay na asian store sa mga nililipatan namin, hindi ko rin yata kayang mabuhay ng walang lucky me. πŸ˜€

    merry xmas kengkay! hehe! πŸ˜€
    kengkay: buti pa sa inyo may pinoy store, dito kasi karamihan asia store, meaning, kundi vietnamese, intsik. kulang ang sahog pinoy. maligayang pasko din!

    Komento ni Meeya — Disyembre 19, 2007 @ 8:10 hapon | Sagutin

  4. hahaha…naku mami keng, sawang sawa ako sa lucky me ditooo tsaka LIGO hahaha…honga dati skyflakes yan…ansakit ng ulo ko sa hot chilli lucky me…sobrang anghang…nag sale nga nyan dito…50% off hehehe

    ang mahal siguro ng pinoy foods jan…yung friend ko din na nasa abroad…flat tops at kung anek anek na chichirya dito ang na mimiss
    kengkay: ay oo nga, flat tops, sana meron sila nyan. miss ko rin yung mang tomas sarsa, grabe gustong gusto nila dito yan kapag barbecue season. yum!

    Komento ni chuvaness — Disyembre 19, 2007 @ 8:21 hapon | Sagutin

  5. Ako po sawa na sa pansit canton. Bakit gannon ang buhay no? siguro pagdating ko ng ibang bansa, mamimis ko din tong walang hanggang canton na’to.
    kengkay: tama ka dyan, kung alin ang wala, yun ang nakakabaliw isipin, tulad ng bibingka, wahahaha

    Komento ni iceyelo — Disyembre 19, 2007 @ 10:52 hapon | Sagutin

  6. hehehe… naku yan kaadikan ko ang lucky me.. tinwag nga nila akong tirador ng lucky me supreme.. kc tsalap tsalap tlaga nyan kso inihinto ko na ang libangan kong nyan kc muntik na akong magka UTI kc maalat at my lahi tlaga ang pamilya naming sakit sa bato kya miz ko na yan… momy keng ikain mo at ihigop mo na lng ako hahaha!!!
    kengkay: ano ka ba, dahan dahan ang higop, hehehe. sige, kapag nagbubukas ako ng lucky me isipin kita talaga.

    Komento ni repah — Disyembre 20, 2007 @ 2:16 umaga | Sagutin

  7. ate kengks kung alam mo lang na ang utot ko ay halos mag-amoy lucky me na din. hahahaha!
    kengkay: ahahaha, grabe, ganon ka rin ka adik adik sa lucky me

    Komento ni jojie — Disyembre 20, 2007 @ 3:04 umaga | Sagutin

  8. haha! laginng may stock din kami nyan sa bahay at sa opis..may bago pa nga eh yung jampong flavor…sige kain ka ng madami..masarap yan!
    kengkay: waw, ano naman yang jampong flavor, wala yata dito pa nya ah

    Komento ni gasti — Disyembre 20, 2007 @ 4:15 umaga | Sagutin

  9. ahehe, kakamiz pa din ng pagkaing pinoy kpag wla sa pinas. Sana kenks, maipost mo pa kung ano pa ang merun dun sa pinoy online shop. bka sakali may chocnut at boy bawang pra matikman din ng little kengkays.
    kengkay: boy bawang, gusto ko rin yan. mas type ko yata ang flat tops at goya, hehehe

    Komento ni myglitch — Disyembre 20, 2007 @ 6:24 umaga | Sagutin

  10. hehe… katuwa naman ng gift package mo πŸ™‚ sana sinamahan mo na din ng mga delatang sardinas para kumpleto ang taste trip back memory lane.
    kengkay: ayaw ni kengkoy amoy ng sardinas e, kaya okay na ako sa tuna

    Komento ni taroogs — Disyembre 20, 2007 @ 7:18 umaga | Sagutin

  11. napapansin ko lang, laging nasa top list ng nami miss ng mga pinoy abroad ang lucky me!
    kengkay: ang asa top list ko talaga yung melted enseymada, hehe

    Komento ni koreanmine — Disyembre 20, 2007 @ 12:32 hapon | Sagutin

  12. try mo rin yung “jjjaammmffoonng…” heheh… Maanghang yon as in.. πŸ˜€
    kengkay: hala, dalawa na kayong nagbigay ng tip ng jampoong na yan ha. mukhang dapat talaga matikman

    Komento ni angel — Disyembre 20, 2007 @ 1:50 hapon | Sagutin

  13. Kengkay, alam ko na ang ihahanda ko kapag nandito ka – sangkatutak na mami at puto! hehehe… at Mango Bars, as promised. πŸ™‚
    kengkay: uy, saan address mo. masundo ka agad paglapag palang ng eroplano, hehehe. grabe, antay na antay ko na yang mango bars na yan

    Komento ni MegaMom — Disyembre 20, 2007 @ 2:00 hapon | Sagutin

  14. yey! Kengski, ayan may Pinoy goods ka na!! Para kang tatay ko, paborito nun yang noodles na yan!!

    ay nakuha ko email mo …ano ka vah!? tawa ako ng tawa sa part na nakas*b* ang *e*e *lol* cra ka talaga!! ha ha ha!
    kengkay: naku, pasulpot sulpot ang pinoy goods dito atsaka walang daing at danggit, huhuhuh. naaliw ka ba sa kwentong kengkay ko, hehe

    Komento ni thess — Disyembre 20, 2007 @ 2:51 hapon | Sagutin

  15. makapag-supreme nga mamaya! buti dito, di mahirap maghanap ng mga pagkaing pinoy! πŸ™‚
    kengkay: swerte mo naman dyan, sana ako ganyan din, waahhh

    Komento ni eNocH — Disyembre 20, 2007 @ 2:59 hapon | Sagutin

  16. sarap pumunta sa blog na ito. p’rating may pagkaing pinag-uusapan. πŸ˜›
    kengkay: hirap pigilin kasi lapit na uwi namin ng pinas e

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 22, 2007 @ 6:51 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: