Kwentong Kengkay

Disyembre 20, 2007

85th berdey

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Kwentong Nanay,Oyropa Ko,Seryus — kengkay @ 7:18 hapon

Ano kaya hitsura ko kapag 85 years old na ako? Kyut pa rin kaya ako, hmp 😀

Kasi bukas 85th berdey ng aking pinakamamahal na mother in law. Sya talaga ang da best na mother in law sa buong mundo. Bakit kanyo?

1. Kapag sinabi kong gusto kong kumain nung pagkain na hindi ko alam lutuin, imbitahin nya ako kasama ng mga little kengkays at ipagluluto nya kami

2. Kapag may tsokolate at kung ano pang minatamis sya sa bahay, tinatawagan nya agad kami para sumakit din ipen namin

3. Kapag sa landian, inggit ako kasi sa isang buwan ay mahigit kumulang na 200 euro ang nagagastos nya para lang sa mukha nya. Samantalang ako e oil of olay lang, masaya na huhuhhu. Pero teka, kapag pinansin ko naman yung kanyang lotion o yung kanyang cream, pwede ko na agad iuwi sa bahay, di ba. Kasali pala ako sa gastos na yon!

4. Alam ko lahat ng sikreto ng buhay nya. Kahit nga si kengkoy di alam na ang nanay pala nya ang unang humirit para ma-tiklo ang tatay nya ano. Nakita daw nya si papa in law ko sa isang dance party at sinabi nya sa sarili nya, ‘ayan ang lalaki para sa buhay ko.’ O di niyaya nyang sumayaw at hindi na natigil ang sayawan nilang dalawa hanggang ngayon! Sweet di ba?

5. At sa damit, sapatos at kung ano pang girl things; kami din magkasundo nyan. Dahil magkasing liit kami, sa akin lahat ng pamana. Na ibibenta ko naman sa ebay, ooops, wag nyong sabihin ha, hehehe. Sayang din yun, kasi kahit na maliit sya ay malaki pa rin size nya kay kengkay e. Oo, ganyan kaliit ang kengkay. Bulinggit talaga. Yung small size dito, large hitsura kapag suot ko.

6. At kapag ako na ang humirit sa mga usapang pamilya, panalo parati ang hirit ko. Kung yung si kengkoy parati nababara, ako parating winner. Bakit kaya? Siguro dahil kawawa naman ako, kasi ang liit ko daw, ahahah. May advantage talaga kapag maliit. Pero sa totoo lang, ako ang may sinabi talaga dito. Kapag sinabi ko, No edi hindi. Kapag sinabi ko JA, aba, Oo talaga yon ano.

Kaya naman labs ko yang si mama in law ko e. At alam ko, labs nya rin ako 😀

Kung gusto nyo makita si mama in law ko, i click nyo to

P.S. Help, pano magbura ng uploaded photos sa blog? Kasi over loaded na daw files ko e. Kaso di ko alam kung pano magdelete ng photos. Kaya tuloy di nyo makita kung gano kaganda si mama in law ko.

Advertisements

15 mga puna »

  1. hehe! ang sweet naman po ninyo! kelan kaya ako magkaron ng mother in law?? hmmm.. haha! blog hops po. wapita of wpp. 🙂 paki-greet na lang po. 😉
    kengkay: wapitahhhhh 🙂 nabisita ko na rin blog mo, mabuti naman di na sya down

    Komento ni weng — Disyembre 21, 2007 @ 12:22 umaga | Sagutin

  2. kaswerte mo nmn ate kengks….ako di ko pa namimiit ang mama in law ko….wala pa akong namimit hahaha..ate kengkes hamisyu na.merry christmas..kita kits tau pag uwi nyo ha…kiss mo na lang ako sa mga little kengkays;))
    kengkay: naku am sure malamit mo na rin ma mit yang nanay ni rich… naku oo, kita kits tayo. lapit na kami umuwi!!!

    Komento ni katherine — Disyembre 21, 2007 @ 12:28 umaga | Sagutin

  3. sayang, na-intriga pa naman ako kung ano ang epekto sa tao ng 200Euro-a-month beauty regimen 🙂

    sa tanong mo po, i-edit mo lang yung old posts mo (may link na edit sa ilalim ng lahat ng posts natin — lalabas ito pag naka-logon ka sa wordpress)

    lalabas uli yung window kung saan nakalagay yung graphics and images ng original post mo kaya free ka nang i-resize o tuluyang burahin ang mga photos dito.

    sana nakatulong 🙂
    kengkay: ah ganon pa yon? salamat ha, subukan ko ngang gawin

    Komento ni taroogs — Disyembre 21, 2007 @ 8:35 umaga | Sagutin

  4. OW?! boorday nang mudra in law?! YOU DA BEST! Eh ngayon lang ako naka knowing na lovingly yours mo pala mudra in law and all i hear is nasa kabilang bakod parati mga in laws di banecth? hahaha!!

    Otsenta singko? Pag nalaman kong nag-ba-blag ka pa’t binabalandra mo pa mga litrato mo otsenta singko ka na? Sasaksaken kitaaaa!!! Nang puso nang saging! HAHAHAHA
    kengkay: imagine mo kung 85 years old na ako at kamukha ko bigla ang aking mudra in law, biglang naging blondina si kengkay at puting puti pa kamo, ahahaha… pero sempre, nag didisco dancing pa rin ako kapag ganun na edad ko. samantalang ikaw, pa tapik tapik na lang ng sapatos sa sahig, weeee 😀 labs u reyna elena!

    Komento ni reyna elena — Disyembre 21, 2007 @ 12:13 hapon | Sagutin

  5. kengkay, i’m sure pag 85 ka na… matanda ka na…. 🙂
    kengkay: hindi ko ma take, hehehe

    Komento ni jessie — Disyembre 21, 2007 @ 3:00 hapon | Sagutin

  6. ang swerte mo naman kengkay at kasundo mo si monther-inlaw hindi lang gastos close pa… happy 85th birthday sa kanya at sana humaba ang palaklakbay nya dito sa mundong ibabaw 🙂
    kengkay: alam mo, swerte ko talaga na sila ang naging in laws ko 😀 salamat ha

    Komento ni scart — Disyembre 21, 2007 @ 10:55 hapon | Sagutin

  7. pag hindi ko nakasundo ang mudra ni manong ko pwedeng palit na lang tayo ng mudra in law? hahahaha! merry xmas ate kengks!
    kengkay: sige, pwede tayong magpalit. yun nga lang mahirap kasi di kayo magkakaintindihan, ehehehe. meri krismas din!

    Komento ni jojie — Disyembre 22, 2007 @ 12:03 umaga | Sagutin

  8. Oo nga. happy merry xmas sa lahat ng mother in laws. hehehe
    kengkay: wehehehe – sige, sabihin ko silang lahat

    Komento ni iceyelo — Disyembre 22, 2007 @ 1:49 umaga | Sagutin

  9. pssst mami keng magkasing idad pala MIL mo sa akin MIL,medyo pakilamira lang yung akin buti na lang sa stuttgart sya at malayo at bihira lang magawi dito.Parating sa linggo kaya mamaya linis to the max,lol

    85 din yun pero nag train yun papunta dito,di ba sa atin mga as in uugod ugod na!!

    anyways my dear,

    Happy Christmas to you & your family ((hugses))
    kengkay: grabe ano, dyan ako bilib sa mga matatanda dito e, independent pa rin sila talaga. ako itong sa akin, hindi yan nakiki-alam. kapag bibigyan nga nya ng tsokolate itong mga anak ko nagtatanong pa yan sa akin kung pwedeng bigyan sila e, hehehe. swerte ko lang siguro talaga. meri krismas!

    Komento ni cheh — Disyembre 22, 2007 @ 1:50 umaga | Sagutin

  10. you’re blessed ate at kasundo mo si mother-in-law mo, ako di ko pa alam hehe… happy birthday sa kanya at merry christmas sa inyong lahat dyan ate kengkay! :0
    kengkay: dapat kasi magpa kyut ka agad, ahahaha. meri krismas!

    Komento ni MisyeL — Disyembre 22, 2007 @ 3:46 umaga | Sagutin

  11. ang sweeerteee mo naman ate kengks bibihira nakakasundo ang mudang in law!!!! pakibati ako sa kanya ng happy 85th berthday.. lam ko bagets pa rin xa!!!! hehehe merry krismas na rin..
    kengkay: alam mo, maganda talaga itong aking nanay in law. kaka insecure nga minsan e. salamat sa pagbati!

    Komento ni repah — Disyembre 22, 2007 @ 4:03 umaga | Sagutin

  12. Hapi berday kay mudra in law sis! Nakakatuwa tlaga pag ok samahan natin sa inlaws no, as opposed to the infamous monster-in-laws na meron ang iba. hehe! pinapala tayo sister!

    share ko sayo entry ko sa devotion ng inlaw ko. http://www.marriageandbeyond.com/2007/04/06/lipat-bahay-moving-homes/

    minsan nga naiisip ko, sa sobrang mahal niya ang anak niya kaya ganon nalang ang kabaitan niya. 🙂 merry Christmas miss kengkay! 2 araw nalang woOhoO! 🙂
    kengkay: mabuti naman at swerte ka rin sa in laws mo 😀 alam mo, tama ka rin dyan, mahal kasi nila ang anak nila kaya ganon, pero dito sa amin, nagtatampo na itong asawa ko kasi mas mahal daw ako ng nanay at tatay nya, heheeh. sabi ko nga, aba, magpasalamat nga sya dahil ganon, di ba 😀

    Komento ni jenaspacio — Disyembre 22, 2007 @ 4:32 umaga | Sagutin

  13. ate kengks!!! may tag aketch sa iyo. 😀

    http://www.jojitah.com/2007/12/22/the-reyna-loves-me/
    kengkay: labs mo talaga ako, hahaa

    Komento ni jojie — Disyembre 22, 2007 @ 6:47 umaga | Sagutin

  14. tita kengkay sana umabot ka rin sa ganyang edad.

    pagdelete ng photos… hmmm… hindi ko lang sure, pero mapi-free ba ang upload space pag nagdelete ka? (ako pa ang nagtanong e’no?) buy ka na lang ng upgrade tita. o kaya open ka account sa flickr.
    kengkay: naku, wala na akong perang pambili ng upgrade, naubos na sa shopping, hehehe… i try ko yung sinabi ni taroogs muna

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 22, 2007 @ 7:00 umaga | Sagutin

  15. mamush bihira ang pinagpapala ng butihing in laws…ang bait naman nya…85??? waahhaa….ang galing
    kengkay: ang galing ano, sana we’ll also grow old gracefully

    Komento ni chuvaness — Disyembre 22, 2007 @ 7:03 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: