Kwentong Kengkay

Disyembre 23, 2007

Handa

Kayo anong handa nyo ngayong Pasko? Kasi kami ni kengkoy ang tagal naming nag-lista ng aming ihahanda ngayong Pasko. Alam nyo naman kasi dito, kapag holidays e nakasara ang mga tindahan. Mabuti nga at medyo naging late na yung bukas ng tindahan, dati dapat alas sais pa lang ng hapon e nakapamili ka na at kapag Sabado naman, dapat maaga gising mo kasi alas dos ng hapon sarado na rin lahat. Ngayon nag improve na sila, bukas na ang tindahan hanggang alas gis ng gabi, kahit na Sabado. Kaya lang, sarado pa rin sila kapag holidays.

Heniway, nag order kami ng aming pagkain para ngayong holidays dun sa aming meat shop. Kinuha namin yung aming order nitong Biyernes. Sempre yung mga normal na pang almusal kasama na dun katulad ng cold cuts at frankfurter, at yung meat loaf na ginawa naming cordon bleu kahapon. Mamaya ang ulam namin ay frankfurter na binalutan ng arina na may kapatid na mashed potatoes. Tapos bukas, sa media noche namin, pupunta kami sa isang local fish pond dahil isda ang aming handa! Oo, isda o kaya ay mga wild meat ang handa nila dito kapag Pasko. Waaahh, kakamiss ang ham, keso de bola na nakapalaman sa pandesal, at yung morcon ni nanay ko.

Pero kasi naman yong handangย pagkain sa Pinas,ย normal na pagkain na dito, kaya naman dapat iba naman kapag Pasko. Sa totoo lang, nung nakaraang Pasko, nagluto itong aking sister in law ng reindeer meat, at nung nakaraan naman ay isang ‘hare meat’ — mabuti kamo sinabi nila sa akin bago yung araw ng handaan. Sabi ko talaga hindi ko kayang sikmurain yung ganung wild meat. Edi nagluto sila ng isda para sa akin at para dun sa isang pamangkin ko dito na vegetarian na ngayon ay kumakain na ulit ng karne.

Mabalik tayo sa handa namin sa media noche. Mangingisda kami bukas kahit na ang lamig lamig na dito. Pero hindi daw kami white Christmas, hmp. So ang katapat nitong isda ay buttered mais at peas; pero parang gusto kong magsaing ng kanin, hehehe.

Tapos sa araw ng Pasko, dun sa sister in law ko ang handaan. Dun ang aming exchange gifts. Kami ang taya sa green salad. Hindi ko alam kung ano ang main dish, di ko pa natatanong, pero sana hindi wild meat. Kundi magbabaon ako ng sinangag!

Kayo, ano handa nyo sa media noche at sa Pasko?

Advertisements

29 mga puna »

  1. SELAMAT HARI NATAL – MALIGAYANG PASKO!!!
    kengkay: maligayang pasko rin!

    Komento ni itot54joni — Disyembre 23, 2007 @ 2:19 hapon | Sagutin

  2. yung “supageti” tiyak na, kasi paborito namin yun. me embotido din. malamang madagdagan pa yun ng kung anoman ang bigla na lang maisip pa bukas — maski dadalawa lang kami dito. ๐Ÿ˜›
    sa mga daga ko naman, solve na sila sa KESO de bola. ๐Ÿ˜†

    meri kristmas sayo, kengkay… at saiyong buong pamilya! ๐Ÿ˜€
    kengkay: antay ko recipe ng embutido

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 23, 2007 @ 3:27 hapon | Sagutin

  3. Bumili ako ng hipon kanina at ihahalabos ko. Gumawa na kanina si esmi ng lumpiang shanghai, ipiprito na lang yun bukas. Gagawa rin ako ng sisig bukas para dun sa christmas party na pupuntahan namin bukas ng 4pm. Magtitira na lang ako para meron din kami pang-noche buena! Hehe!

    Merry Christmas to you and your family!! ๐Ÿ™‚
    kengkay: grabe, kung malapit lang yang ireland andyan na agad ako

    Komento ni Kiko Matsing — Disyembre 23, 2007 @ 8:48 hapon | Sagutin

  4. chicken and spaghetti lang at ham =)

    wishing you a merry christmas from the bottom of meow heart. mwahhhh
    kengkay: meow ๐Ÿ˜€

    Komento ni pusa — Disyembre 24, 2007 @ 12:25 umaga | Sagutin

  5. te kenks… di ko pa alam… pasko na pala? shet, ngayon ko lang napagtanto… feeling ko nanakawan ako ng moments… waaaahhhh!!!!

    heniway, masarap sigurado… pero di ako makakatulong sahandaan… kasi tulkog ako…. babawi ako ng tulog… ๐Ÿ˜ฆ
    kengkay: ahaha, iba na talaga ang lenggai. tutulugan ba daw ang pasko, huy gising!

    Komento ni Lenggai — Disyembre 24, 2007 @ 12:45 umaga | Sagutin

  6. MERRY XMAS PO SA INYO! ๐Ÿ˜‰
    kengkay: regalo ko sa yo, link kita, heheh

    Komento ni iceyelo — Disyembre 24, 2007 @ 1:21 umaga | Sagutin

  7. merry xmas.. ate kengks….
    kengkay: merry din ๐Ÿ˜€

    Komento ni repah — Disyembre 24, 2007 @ 3:34 umaga | Sagutin

  8. Mommy Kengks wishing you and your family a merry merry christmas! God bless you all always. Muah!
    kengkay: mwah!

    Komento ni ambo — Disyembre 24, 2007 @ 4:30 umaga | Sagutin

  9. hello kengkay may regalo ako sayo pakikuha nalang dito ha http://scarty.com/designs/egift-for-christmas-07

    maligayang pasko ๐Ÿ™‚
    kengkay: tsalamat sa regalo!

    Komento ni scart — Disyembre 24, 2007 @ 4:56 umaga | Sagutin

  10. dahil sa meron namang magluluto samen, di ako mashado nakiki-alam kung ano pagkain later. pero kaninang breakfast, nakita ko sa oven ang embotido at merong mga leche flan na nasa ibabaw ng mesa.

    bukod dun, di pa ako sure. most of the time kse potluck ang drama namin. eh mahilig magluto ang mga tao samen kaya, ewan ko lang. ang sigurado ako, maraming alak. nag-shopping kami ng alak kagabi ng kuya ko. 3 kahon ng iba’t ibang uri ng alak. may red, may white, may tequila, may vodka, maglalasing galore ata. hehe.

    merry christmas mommy kengks! may you & your family have a wonderful christmas!
    kengkay: ang sarap, kainan at inuman!

    Komento ni antuken — Disyembre 24, 2007 @ 5:50 umaga | Sagutin

  11. media noche? noche buena? magkaiba sila?! he hee.. wala lang..

    sa amin hindi uso ang noche buena.. ewan ko ba kung bakit… tulog kami midnight ng 24.. hayy,,, sana nga may mag ampon sa akin ngaung gabi para naman maka experience ako ng media noche or noche buena!!

    merry christmas kengs!
    kengkay: aba, talagang nagbabasa ka ha. tama ka, nalimutan ko kasi yung noche buena at media noche lang na remember ko kaya pinagpilitan ko na rin, ahahaha. noche buena kapag christmas eve at media noche kapag new year’s even, yan ang tama ๐Ÿ˜€ bakit naman tulog kayo kapag xmas eve, huh

    Komento ni kingdaddyrich — Disyembre 24, 2007 @ 6:00 umaga | Sagutin

  12. …wow parang sarap isuggest sa mga kachristmas party ko ang wild meat ah!he3! napakanormal kasi handa namin fettucini, humba, shanghai, kilawen, at salad.
    …pero kahit itlog lang handa ko ok lang basta sana kasama family ko.

    …Merry Christmas!!!:p
    kengkay: ay gusto ko ng humba, waaahhhh

    Komento ni sommer — Disyembre 24, 2007 @ 6:32 umaga | Sagutin

  13. Puro lutong-bahay kami, pero kaninang umaga, ang almusal ay mainit na bibingkang me keso at itlog na maalat sa ibabaw. At puto bumbong. Sarap! Binili ng mga mag-aama kong nag-misa de gallo.

    Maligayang Pasko sa yo sampu ng iyong pamilya Kengkay. Kumusta na lang ke Kengkoy at sa mga biyenan mo.
    kengkay: ang sarap ng almusal nyo, titser!

    Komento ni TeacherJulie — Disyembre 24, 2007 @ 6:38 umaga | Sagutin

  14. …parang sarap isuggest sa christmas party ang wild meat ah!hehehe! para maiba naman sa normal na handa na fettucini, humba, kilawen, shangahi at salad.:p
    …pero kahit itlog lang handa ko basta sana kasama ang buong pamilya ko!:(

    …merry christmas!!!
    kengkay: sommer, pumasok kasi yung unang comment mo sa spam e:D

    Komento ni sommer — Disyembre 24, 2007 @ 7:58 umaga | Sagutin

  15. carbonara daw bbq salad letse plan at sandwits, tsaka isang katerbang alak.. ye’y!
    maligayang pasko sa inyo te kengks!!!!
    kengkay: wow, letse plan, yum!

    Komento ni Jon Cabron — Disyembre 24, 2007 @ 8:13 umaga | Sagutin

  16. Habang binabasa ko ang mga sinulat mo pero tinakpan ko ang mga tenga koooooo!!!! Enjoy! MERRY CHRISTMAS!! HAPPY NEW YEAR!!! mag-aararo ang lola sa bookid habang kayo eh…. prstt!!! hu hu hu!! walaaaa!!! sige! enjoy!!! work pa akoooo!!!
    kengkay: ganyan yata ang mga reyna e, iba kasi ang level nyo, ahahaha

    Komento ni reyna elena — Disyembre 24, 2007 @ 10:24 umaga | Sagutin

  17. Spaghetti, bbq, ham, salad, and ibat ibang kakanin. Parang pare pareho kami ng handa… Merry Christmas to you and to your family, Keng! ๐Ÿ™‚
    kengkay: jovi, salad at kakanin, type ko yan

    Komento ni Jovi — Disyembre 24, 2007 @ 12:06 hapon | Sagutin

  18. Merry Christmas kengs! buti na lang nakaabot:) enjoy!!
    kengkay: cheh, anong handa mo

    Komento ni cheh — Disyembre 24, 2007 @ 12:27 hapon | Sagutin

  19. ako, ewan ko.. baka adobo na naman baon ko pagpasok ko sa trabaho sa 24. wehehehe. kayod lang ng kayod kahit pasko. para iwas hjomesick.

    wuhuhuhuhu… uwi na kooooooooooo.

    meri krismas sa yo kengkay. teka muna, di ba nanjan ka din sa germany katulad ni lukaret?

    Frรถhliches Weihnachten! Ich wรผnsche Sie alle beste diese Ferienzeit.

    Sprakenhayt!
    kengkay: tama ka rin dyan, work para makalimot ๐Ÿ˜€ wow, vielen dank ๐Ÿ˜€ oo, kaya lang malayo si lukaret dito sa amin e

    Komento ni BURAOT — Disyembre 24, 2007 @ 12:49 hapon | Sagutin

  20. kami mamaya, kuneho daw ihahanda ni (future) sister in law at ung hubby nya na taga poland ay magluluto daw ng palaka para sa ken (naikuwento ko kasi dati na nagluto lola ko sa bulacan ng palaka dati, tas sinabi nila na chicken un, tas pagkakain tsaka sinabing palaka) … ewan ko kung joke un ksi san naman sya manghuhuli ng palaka.

    dahil sa kin nagluluto sila ng extra rice buwahaha. kasi mas type ko combination ng kahit anong iluto nila with rice kaysa sa pinakuluang patatas. may exception….knoedel.

    Merry Christmas ate Kengks! and thanks sa iyong card ๐Ÿ™‚
    kengkay: ayaw ko ng kuneho… kakainin mo yun? am sure walang palakang available dito ano, pero kung meron man, kainin mo di, wuhuuu

    Komento ni eyna — Disyembre 24, 2007 @ 2:12 hapon | Sagutin

  21. di ko pa alam hahanda namin pero sure na yung spaghetti para sa mga bata at ako ang toka sa luto nun, kanya-kanya ng dala mamaya mga pinsan ko sa noche buena namin..

    Maligayang Pasko sa inyo dyan ate!
    kengkay: halos pare pareho handa nyo, hehehe

    Komento ni MisyeL — Disyembre 24, 2007 @ 2:26 hapon | Sagutin

  22. MERRY CHRISTMAS, KENGKAY AND FAMILY!!

    I agree with you, medyo hirap din ako kumain ni wild meat. Buti nalang mister ko hindi rin mahilig. Handa namin? cge timbre na lang kita pag nai post ko na (yan ay kung sisipagin)

    Enjoy the Holidays!!
    kengkay: uy sige, with picture, gusto ko yan

    Komento ni thess — Disyembre 24, 2007 @ 5:37 hapon | Sagutin

  23. ala kaming handa e makikikain lang kami sa mga kakilala..taghirap e hehehehe!! merry christmas kenkgz ๐Ÿ™‚
    kengkay: mas masaya nga makikain sa iba, walang trabaho sa bahay, hehehe

    Komento ni manilenya — Disyembre 24, 2007 @ 5:58 hapon | Sagutin

  24. kengkay, meri xmas amiga. ako ang handa ko eh konti lang. tinapay at kape lang at isang sakong aginaldo sa mga inaanak ko na di pa nabibigyan after 7-10 years. hahaha! dami na nilang pinagkakutangan ko kaya eto, makabawi man lang nang konti…
    kengkay: aba kung pandesal yan na may derikrim at isawsaw sa kape, oks na rin sa akin yan

    Komento ni jessie — Disyembre 24, 2007 @ 6:43 hapon | Sagutin

  25. spaghetti at fried chicken solve na kami ni mother… ๐Ÿ˜‰ 25 kami naghahanda… merry xmas po ate kengks!!!!! ๐Ÿ™‚
    kengkay: labs din yan ng mga anak ko

    Komento ni JeanGrey — Disyembre 25, 2007 @ 12:21 umaga | Sagutin

  26. ahihihi ๐Ÿ˜› merry christmas to you kengkay, and to kengkoy and the little kengkays of yours.. maya-maya lang ipopost ko na ang AKING noche buena at ang AKING christmas party ๐Ÿ˜›
    kengkay: sige, pasilip ha

    Komento ni Kotsengkuba — Disyembre 25, 2007 @ 2:35 umaga | Sagutin

  27. ham, chicken salad, macaroni soup, polvoron ni ate maru, cake…. salapp! ^___^

    .. at adbanz happy new year po! xD
    kengkay: ako din may tira pang polvoron ni maru dito, hehe

    Komento ni weng — Disyembre 25, 2007 @ 9:48 umaga | Sagutin

  28. walang kuneho at palaka !! sayang. nag joketime lang sila. normal ang hinanda. salmon at ung parang morcon pero giniling palaman sa loob (rouladen) kakambal ng kulay pulang repolyo (rotkohl).
    kengkay: uy sarap ng handa nyo ๐Ÿ˜€ di ako kumakain ng rotkohl e, di ko sya type. kami eto handa namin http://homeworked.blogspot.com/2007/12/our-24th-of-december-photo-story.html

    Komento ni eyna — Disyembre 28, 2007 @ 8:03 hapon | Sagutin

  29. nag meat fondue as usual,hindi ko masyado na enjoy this year,dalawa ng makulet ang lilikot,natatakot tuloy ako baka sa kalikutan matapon mantika,lintak nakaka stress lang hahaha
    kengkay: kami di pa kami nag fondue kasi nga takot akong mag talsikan ang kung ano ano sa harap ng kainan ano. pero sa new year’s eve mag raclette kami ๐Ÿ˜€ eto pagkain naming nung pasko http://homeworked.blogspot.com/2007/12/our-24th-of-december-photo-story.html

    Komento ni cheh — Disyembre 29, 2007 @ 5:38 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: