Kwentong Kengkay

Disyembre 28, 2007

Pasko na ulit

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Europe,Kwentong Nanay,Oyropa Ko,Seryus — kengkay @ 2:53 umaga

Oo naman, ang selebrasyon ng Pasko dito ay dalawang beses. Teka muna, linawin ko ha.

Sempre merong yung ika-24 ng Disyembre. Dyan yung mismong exchange gifts ng pamilya at sempre, handaan na agad yan. Tradisyonal dito na magkantaan mismo sa may harap ng krismas tree bago ibigay ang regalo. Kumbaga e, pahirapan muna, hehehe. Diyan ko na nilalabas yung mga regalo at nilalagay sa ilalim ng krismas tri. At ang nagdadala ng regalo dito, hindi na si Santa Claus, kasi nga dumating na sya nung ika 6 ng Disyembre di ba? Kaya ang nagdadala ng regalo dito ay ang Christkind, si Baby Jesus. Kasi nga second coming nya di ba?

Tapos kinabukasan, yun ang tunay na Pasko. Yun naman ang bigayan ng regalo sa mga iba pang kamag-anakan. At sempre, handaan ulit. E ano naman daw yung pangalawang araw ng Pasko? Yan ang ika 26 ng Disyembre. Holiday din yan dito. Kasi nga, tradisyonal na may selebrasyon sila ng second day of Christmas. Ang saya di ba? Ang haba ng Pasko nila dito. Pero wala ng bigayan ng regalo, pwera na lang kung hindi nyo naibigay nung unang Pasko. Ang meron na lang, handaan at konting drinks.

Ah basta ang alam ko, ang Pasko ay asa puso. Pwedeng araw araw Pasko di ba? Ang aming drama nung ika-24 ng Disyembre ayan sa mga pictures. Ano ginawa namin? Namingwit ng aming ihahandang isda sa isang palaisdaaan na kalayo layo, dalawang oras biyahe namin, whew! Tapos naglakwatsa ng konti sa kabundukan kahit na ang kyut ng suot namin 😀 Tapos dinalaw ang lolo at lola, tapos nagsimba, tapos nag exchange gift, tapos nagluto si kengkoy ng dinner, tapos nag dinner kami, tapos nung tulog na ang mga bata, nanood kami ni kengkoy ng apocalypse, hehehe.

Click nyo lang yung view all images!

 

Advertisements

1 Puna »

  1. mami kengs,danke schoen sa karte!muaaah muaah sa imo:)
    kengkay: huy, salamat din sa card mo, sabi nung bunso ko e para sa kanya daw yon, hehe

    Komento ni cheh — Disyembre 29, 2007 @ 5:36 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: