Kwentong Kengkay

Disyembre 29, 2007

Ayoko ng Away

Filed under: Hmmmm,Kaibigan,Mabait ang Pinoy,Seryus — kengkay @ 8:31 hapon

Aatras si kengkay. Ayoko ng away. Kaya ako nag blog e para makipag kwentuhan, pakipagbalitaktakan, pakipagkulitan at pakipagkantiyawan. At sempre, baka sakaling makahanap na kaibigan sa malawak na mundo ng cyberspace. Actually, andami ko ng natagpuang mga tao na tinuturing kong kaibigan at tinuturing kong kapamilya at kapuso… neutral ang channel nitong akong blog ha. Kasi di ko pa rin alam kung sino ang kapuso at kung sino ang kapamilya, hehe.

Iniiwasan kong magkaron ng kagalit o kasamaan ng loob. Kasi nakakadagdag lang yan sa wrinkles at sa sakit ng ulo. At dahil kasi, clean living ako. Gusto ko maging maliwanag sa lahat na si kengkay, pwede mong maging kakampi, at magiging kaibigan mo habang buhay; basta ipakita mo lang na may puso ka para sa kapwa mo. Basta ipakita mo lang na pwede kang makausap ng matino at nakikinig ka, kahit na minsan e sumasablay ang mga desisyon mo sa buhay. Kasi buhay mo yan e. Ikaw pa rin may say sa iyong huling desisyon.

E bakit super serious ko naman ata? Kasi hindi ko akalain na aabot sa maingay na talakan itong pag himay himay ko dun sa comment ni lp. Kaya ko lang naman ginawa yon e dahil na shock ako. Parang malakas na suntok yung dating nung mga salita nya. Kaya wala akong pinalampas na sekundo at sinagot ko agad sya. Pero di ko rin naman na isip na baka naman may ibang ibig sabihin si lp dun sa mga iniwan nyang bakas. Baka naman katulad ko, e ginamitan nya rin ng ‘poetic license’ yung kanyang mga binitawang pananalita. Naging over dramatic, naging malakas ang dating. Naging wala sa tunay na dapat sabihin. Kaya tuloy naging pasaway ang kinalabasan. Yun nga lang, medyo naging matalas sa aking paningin kasi nga, nagdilim ang paligid ko dun sa feeling ko na pagmamaliit nya sa lahing Pinoy.

Salamat sa mga nag iwan ng kanilang mga pananaw. Salamat sa mga sumagot sa SOS ko. Dahil sa inyo, naisip kong kaya ko palang harapin ito. Hindi ko kayang deadmahin… bagsak ako sa ganyan e 😀 Kailangan kong harapin. Isa akong tao na dapat matulog ng malinis ang puso at isip, walang alinlangan. Kaya tatapusin ko na ito ngayon din.

Para sa yo, lp: Sana tama yung basa ko sa mga sumunod na comments mo. Isa ka rin palang proud Pinoy. Yun lang ang umangat sa lahat ng mga iniwan mo pang bakas. Kaya eto, magpapakumbaba ako. Isa akong nanay na dapat ginagawa ang mga itinuturo sa mga anak nya. Kaya kayang kaya kong itaas ang puting bandila ko at gawin ito dito mismo sa blog ko kung saan dito rin ako nagwala dahil sa mga sinambit mo.

Sinabi ko sa anak ko, naging mas maganda ang mundo ko dahil sa kanila. Kaya sa bawat galaw, salita at kahit na sa isip ko — ayoko ng away; ayoko ng hindi pagkakaintindihan, ayoko ng gulo. Gusto kong matulog ng matiwasay. Gusto kong gumising na may sigla. Gusto kong maganda ang kwentuhan ng aming pamilya araw-araw. Gusto kong maging matinong example para sa mga anak ko. Hindi ako aatras sa pagtatanggol sa aking paniniwala, pero pwede akong umatras dahil gusto ko ng peace of mind at dahil ayoko ng kaaway na sa huli ay pareho naman pala ang pinaglalaban namin.

Okay na ako, lp. Inilagay ko na ang sarili ko sa iyong tsinelas. Pilit kong inintindi ang pulso mo. Alam kong frustrated ka lang din sa mga bagay na hindi ka-aya aya sa ating bansa. Ako din naman, ganyan din. Pero sa ibang paraan ko siya inilalabas. Sa pamamagitan ng pag angat sa mga magagandang kwento. Sabi nga nung ibang nag iwan ng komento, bakit hindi ka rin mag blog? Sabayan mo ako at ang mga ibang Pinoy na pinagmamalaki ang ating bansa. Malay mo, sa ganitong bagay e maging mabango rin ang ating bansa at mahawa ang gobyerno natin?

Sana okay ka na rin, lp. Ayokong simulan ang bagong taon ng may hindi pagkakaintindihan. Gusto kong maging maganda ang ating 2008. Peace!

Advertisements

28 mga puna »

  1. mabuhay ka kapatid na kengkz! 🙂 lagay na kita sa pedestal lol! happy new yir sayo…kahit mali ang speleng ng ingles ko…proud pinoy pa rin ako 🙂
    kengkay: ayoko sa pedestal, gusto ko sa restaurant, hehe

    Komento ni manilenya — Disyembre 30, 2007 @ 1:39 umaga | Sagutin

  2. lalo akong humanga sayo dito sa ginawa mo, isang bagay to na hirap na hirap akong gawin.. tama kung ganyan na pareho naman kayong proud na pinoy e wala ng dahilan para sa bangayan, yaan na natin sa mga nakaupo yung ganung balitaktakan’ at mabuhay tayo ng mapayapa at may pagibig sa mga puso natin… chariiiing!

    HAPPY NEW YEAR!
    kengkay: hello, si dyon ba ito talaga 😀 alam mo mahirap din pero dahil nanay na si ako, dapat gawin e. happy new year din

    Komento ni Jon Cabron — Disyembre 30, 2007 @ 2:38 umaga | Sagutin

  3. ay naku ate kengks, wag mo nalang pansinin mga ganyan. sa totoo lang madali makipag-away sa internet kasi wala naman kinikilalang authority dito. the only moral compass you have is your own. some people just think that they know better than you and then air their opinion in other people’s blogs. um, parang pollution? hehe. hindi nila deserve na patulan. 😉 anyway, have a happy new year!
    kengkay: salamat pao, happy new year din

    Komento ni Pao-Pao — Disyembre 30, 2007 @ 3:11 umaga | Sagutin

  4. ako man kengkay nung unang paglabas ko ay may “nag-away” din — hindi ko naman sya INAANO kumbakit ‘ginawan’ ako ng kwento. eniway, past na yun, nagulat lang ako nun.
    tama lang yang ginawa mo. mas mahilig mang-INTRIGA at MAGSIMULA ng away ang taong KULANG sa PANSIN at maraming INSECURITIES sa buhay.
    okey na. tama na. hindi naman ako nag-comment dito para gatungan ka e. hindi ko naman siya kilala e.
    mabuhay ka kengkay! 😛
    AKO man sang-ayon ako… sana maging KAIBIGAN natin ang mga UMAAWAY sa atin. 😀
    kengkay: mabuhay tayong lahat 😀

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 30, 2007 @ 5:03 umaga | Sagutin

  5. “nag-away” — i mean “nang-away”. sorry, keyboard error. hehehe.
    kengkay: 😀

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 30, 2007 @ 5:04 umaga | Sagutin

  6. mmmm nahuhuli na ako sa mga pangyayari… pero im proud of u kasi kaya mong magsorry ng di mabigat ang puso…
    kengkay: mas mabigat sa puso kapag hindi mag sorry e, hugs to you!

    Komento ni Rhapsody — Disyembre 30, 2007 @ 5:18 umaga | Sagutin

  7. …at least nice way to start the new year…kaaway-free-new year!hehehe!!!
    …happy new year!!!
    kengkay: tama ka dyan, sommer. happy new year din!

    Komento ni ...sommer... — Disyembre 30, 2007 @ 6:54 umaga | Sagutin

  8. happy new year na ate kengs. 🙂

    yan magigising ka na ng masigla at makakapangulit ka na ulit!! dapat nga walang away eh, basta kulitan lang…

    kip on blogging ate..^_^
    kengkay: happy new year din, dear karmi

    Komento ni karmi — Disyembre 30, 2007 @ 7:44 umaga | Sagutin

  9. Bilib na ako sa ‘yo lalo kengks! Hirap niyang ginawa mo, ang magpakumbaba. Sabagay tama ka sa sinabi mo, kaya rin ako nagbablog para makipagkaibigan, di para makipag-away. Kaya peace tayong lahat!! 🙂

    Sama na lang si lp sa eb natin sa pebrero, sali siya sa wpp para malaman ang buong detalye.

    Happy New year!!
    kengkay: aba kung gusto nya sumama edi ok lang, basta yung sisig wag mo kalimutan, happy new year

    Komento ni Kiko Matsing — Disyembre 30, 2007 @ 9:09 umaga | Sagutin

  10. mas lalo ako nahuhuli sa pangyayari… pero atlst all things well narin.. HaPPy NeW Year Kengks!!! *mwah*
    kengkay: happy new year din, dhez, hugs!

    Komento ni dhez — Disyembre 30, 2007 @ 9:11 umaga | Sagutin

  11. wow.. yang ang sinasabing “let there be peace on earth and let it begin with me” sa gawa at inde laang sa salita.. iba tlga ang wisdom ng isang mabyuti at mabuting ina. at tlagang mas kahanga hanga ang mapag kumbaba at mapag patawad… dumami sana ang may dugo ni kengky (parang i am legend baga 😀 )
    kengkay: maraming salamat, mine, alam kong isa ka ring mabyuti at mabuting nanay :d

    Komento ni koreanmine — Disyembre 30, 2007 @ 9:31 umaga | Sagutin

  12. Ate Kengk, nagmamasid pa rin ako ha.. hehe lalang ma ikomento.. anyway, happy new year po!!
    kengkay: happy new year!

    Komento ni angel — Disyembre 30, 2007 @ 10:03 umaga | Sagutin

  13. Tama yan Keng. Naranasan ko na rin ang awayin at pagsabihan ng kung anu anong maaanghang na salita pero di ko pinatulan. At mas okay pala ang ganun kasi di ako na stress. Hehe! Way to go Keng!

    Happy New Year to you, to Kengkoy and to the Kengkinitas… 😀
    kengkay: chalamat jovi. happy new year din. big hug!

    Komento ni Jovi — Disyembre 30, 2007 @ 12:52 hapon | Sagutin

  14. Kenks, di naman siguro nang-aaway yung LP, nag exchange ideas lang at nag express din ng kanyang obserbasyon, minsan kasi sa ating Pinoy, iniisip na natin porket may “nag against” sa sinabi natin, we see it negative” na. Di ba if there’s a negative side, pwede rin nating gawing positive ito?

    At least yung pagiging PILIPINO both sides ok naman at least you shared your thoughts there and that’s a way to start being a proud Pinoy, yung hindi nag yayabangan, look around marami sa atin na ganyan.

    Dapat HUGS na lang lahat!
    kengkay: ako di rin nang-aaway, nangulit lang 😀 sinunod ko payo mo prend, hugged na lahat

    Komento ni K — Disyembre 30, 2007 @ 1:44 hapon | Sagutin

  15. kengkz, jan naman ako hanga sa yo. actually parang binabasa ko ang laman ng blog ko sa mga binitawan mong salita (sa English ko lang lang sinabi. hahaha!). kung nabasa mo na ang mga “kwento” at opinion ko dun eh maiintindihan mo din cguro ako. ayoko din ng away. tumatahimik lang ako pag tinitira ako. minsan na ring minaliit ang mga pinoy sa aking pakikipagtalastasan sa mundo ng cyberspace. hindi ko na lang pinansin. sa ngayon madami pa ring tumitira sa kin pero kesehoda. clean living tayo eh. unawain na lang natin sila. iba ang gusto nila, iba sa atin. kanya kanya yan ng pananaw at layunin. kaya lang, kung may sasabihin sana sila na hindi sang-ayon sa ating pananaw eh gawin lang naman sana nila nang maayos. hindi naman sa lahat ng oras eh tama tayo. ang sa atin eh wala lang bastusan dahil karamihan sa pinoy eh natural na magalang. wag mo na lang ding papansinin ang mga patutsada (kung meron man). hindi ikaw ang mawawalan kung hindi ka papaapekto. may mga kaibigan kang tulad ko na patuloy na magmamalasakit at magmamahal sa yo, tama ka man o mali sa mga pananaw mo. hindi mo ko kailangang ituring na kaibigan pero magiging kaligayahan ko yun kung hindi ito makasasagabal sa buhay mo. mabuhay ka at ang lahing pinoy!
    kengkay: i hug na din kita, libre naman yon e 😀 mabuhay ang pinoy.

    Komento ni jessie — Disyembre 30, 2007 @ 4:15 hapon | Sagutin

  16. happy new year ate kengkz! 😀 tamang start ng yr yan, i-let go ang mga negative vibes ahehe baka ganun lang talaga si LP. pabayaan na natin sya ahehe sana gumawa sya ng blog para ma-add ko na sya sa blogroll ko haha, happy new yr na din sa kanya 😀
    kengkay: sana hindi naging lamat yon sa lab tim nyo ni maldito 😀

    Komento ni lilmiz — Disyembre 30, 2007 @ 4:46 hapon | Sagutin

  17. Kapag ikaw ay maliwanag na ilaw,
    mga gamu-gamo, sa ‘yoy magaslaw.

    ganda nitong post na ‘to, berry diplomatiks! sana dumami pa lahi mo!
    kengkay: naku tama na ang dalawang little kengkays, hehe. hugs!

    Komento ni partofyou — Disyembre 30, 2007 @ 5:25 hapon | Sagutin

  18. Naku mareng kengkay, tama …Peace kailangan natin…I salute you for taking that path.

    HAPPY NEW YEAR KENGSKI!! hugs from HOlland!!
    kengkay: hugs from alemanya

    Komento ni thess — Disyembre 30, 2007 @ 9:35 hapon | Sagutin

  19. mwahehehe sorry wala akong pangtreat sayo sa restaurant e kaya lagay na lang kita sa pedestal lol!!
    happy new yir ulit mama kenkz 🙂
    kengkay: sa pedestal ba may libreng makutkot, hehe- hepi new year din.

    Komento ni manilenya — Disyembre 30, 2007 @ 10:10 hapon | Sagutin

  20. ME DALA PA NAMAN AKONG WATOSI!

    wala nang awayan??? hmpt! kainis! hehehehehe
    kengkay: watusi ka dyan, lusis ang kailangan namin 😀

    Komento ni reyna elena — Disyembre 31, 2007 @ 1:46 umaga | Sagutin

  21. war freak din ako te kenks, pero sa pagkakataong sinabi mo, tama ka, walang sense at walang arrive makipag-away sa isang isyu na wala namang patutunguhan kungdi sa smokey mountain…

    Pero neks taym na may mang-away sayo, sabihin mo lang, isang ping lang ako… saksakin natin sa ngala-ngala yang buwakanang….:D
    kengkay: ahahaha, tenks sa suporta, gurl. kaya naman papasalubungan kita ng panghihiram ng laptop mo kapag andyan na ako sa pinas, hehehe

    Komento ni Lenggai — Disyembre 31, 2007 @ 2:01 umaga | Sagutin

  22. woot! sobrang peace din ang mind ko habang nagbabasa nito.. wow, ang galing.

    (ate, ang bilis nyo pong mag-update…hehehe… di ko po nakasanayan to kea lagi akong huli sa mga post nyo.. sowee)
    kengkay: walang problema, dear repah. minadali ko kasi ayoko ng matagal, huh 😀

    Komento ni weng — Disyembre 31, 2007 @ 3:10 umaga | Sagutin

  23. Saludo talaga ako ke mommy Kengkay! Sana lang lahat ng tao ganyan, maging mapagkumbaba… Happy New Year po! 😉
    kengkay: hindi madali yan, pero kung gusto mong mangyari, magagawa, di ba 😀

    Komento ni MisyeL — Disyembre 31, 2007 @ 4:02 umaga | Sagutin

  24. HUGS to you and your kids

    Happy New Year Mami Keng. Yung mga haters ko eh fans lahat din ni Wentworth…eto palang HATE COMMENTER is fan ni Britney.

    Hahaha….

    o sya..i adore you more dahil kaya mo magpa kumbaba. Ang hihintayin ko is yung mag pakumbaba si LP na baka di mangyari dahil saksakan ng yabang. Hahahah.

    Hahahhaah. Awayin ulet! Joke lang kabisyo….basta DEADMATOLOGY is the key!
    kengkay: ahahaha, isa ka talagang alagad ni reyna elena.

    Komento ni chuvaness — Disyembre 31, 2007 @ 5:22 umaga | Sagutin

  25. ei kengkay. the last comment i made was not for you..it was for the other ‘commentators’.

    ganun naman usually ang reaction ng tao sa isang di magandang comment, lalo na kapag galing sa isang taong di mo kakilala. u’r ryt naman a bit. mahirap kasi kapag dito, not like in person,.. kaw kasi ang gagawa ng tono sa isang msg and sometimes, our interpretation is wrong.

    pero sa case ko noon (blog bout britney), may kasamang galit. hehehe. di kasi ako taga rito, random lang kasi, so i did not care bout your reaction and did not expect that you will reply. after i read your reply, of course, i defended myself because people did not understand me. ganun naman usually ang gagawin ng tao kapag d siya naiintidihan ng iba. then, it went far.

    so i say sorry to you for giving you a shock and, i guess, for hurting you. also, i say sorry for creating disturbance. a person cannot satisfy every one. may magcomment na maganda, meron din hindi, kaya mahirap maging presidente. hahaha

    iv noticed that im doing a blog within a blog so i have to make this short.

    happy new year and God bless you and your family
    kengkay: all’s well that ends well. forgive and forget 😀 i am glad to have known another proud pinoy. bakit kaya hindi ka nga mag blog? happy 2008 and God bless, too

    Komento ni lp — Disyembre 31, 2007 @ 9:47 umaga | Sagutin

  26. aaah… ano’ng nangyayayari? (habang hilo-hilong talilong na pumapasok sa eksena, parang nagising sa amnesia)
    Hey Kengks, mukhang ganda timing ko ng pagpasok sa eksena, kiss and make up na.
    Ilang araw pa siguro bago ko maintindihan kung ano ang nangyayari, but in the meantime, happy new year to you and your family, my friend!!! You have a good heart and are a good person, basta tandaan mo yan. 🙂
    kengkay: asa pinas ka na ulit? oks na, masaya na ang new year 😀 salamat, dear megamom!

    Komento ni megamomph — Disyembre 31, 2007 @ 12:56 hapon | Sagutin

  27. ako din nahuli sa balita… 🙂
    gandang simula ng new year! pwedeng ipag muni-muni itong nangyari…
    sana lahat ng tao kaparehas mag isip sa iyo, Kenks.
    kengkay: kakataba rin ng puso ang iniwan mong mga salita 😀

    Komento ni jun.anteola — Enero 2, 2008 @ 7:45 hapon | Sagutin

  28. elo c: lumutang ulit memory q tungkol sa blog mo. after almost a year, the submerged one has got into surface again. hekhek. advance meri christmas!! God bless u and ur famly alwz

    kengkay: hey der pader 😀 maligayang bati rin ng pasko at bagong taon. sana masabuyan tayo ng blessings sa mga taong susunod. think positive at sempre, prayers. ingats

    Komento ni lp — Nobyembre 18, 2008 @ 3:36 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: