Kwentong Kengkay

Disyembre 30, 2007

Bisperas

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko,Panlasa — kengkay @ 9:33 hapon

Anong gagawin nyo mamyang bisperas ng 2008? Kainan, inuman, asaran, putukan tapos paitiman ng ilong at tenga pagkatapos ng mga kakagimbal na putukan at sempre, tulugan.

Nung asa Pinas ako, asa kalye kaming lahat. Labas masok sa may bahay ng may bahay. Minsan naka polkadots kasi tinahi ni nanay e. Tapos dapat puno ng barya ang mga bulsa. At sempre ang unang ingay na ginagawa ko, yung torotot o kaya naman e yung pito o kaya yung makikita ko sa kusina namin. Tapos naka display yung mga prutas na bilugan tulad ng mansanas, dalandan, kalamansi, ubas, pinya, melon, at kung ano pang makita ni nanay sa palengke. At ano pa nga ba, pati ako nagpapauto sa kinagisnang paniniwala na kapag tumalon ka daw, dagdag ng inch sa height mo; mabuti kamo mga ilang taon din akong nagtatalon, gano kaya ako kaliit kung hindi ko ginawa yon, waahhh!

Kami naman dito sa aming sulok ng mundo, iba naman ang tipo ng paghahanda para salubungin ang 2008. Kadalasan ay maliit na handaan lang para sa pamilya: kainan, bleigiessen, ang manood ng ‘Dinner for Two’ habang inaantay ang signal para mag putukan, at sempre ang fireworks at konting firecrackers.

Kapag kainan, madalas ay fondue o kaya kay raclette. Ngayong taon ay raclette ang aming drama, yung tipong parang shabu shabu pero hindi sopas ang nakalatag kundi parang mga karne, gulay, tinapay at prutas at isasalang sa barbecue grill tapos meron silang maliliit na pan at don mo ilalagay yung pagkain na gusto mong i-grill pa. At yung mga karne naman, dun nakalagay sa mismong grill plate sa taas. Mas matagal ang kainan kapag ganyan, hindi maiinip ang mga bata at hindi rin maiinip ang mga nanay at tatay. Ayoko nung fondue kasi may mantika yun e, baka di ako mag enjoy magluto kasi bantay lang ako sa mga bata.

Yung bleigiessen naman, parang hulaan ba yung iyong future. Makakabili ka ng lead kit nito sa mga tindahan. May mga iba ibang porma sila at sempre yung kutsara kung saan don mo dapat tunawin yung napili mong porma. Kung anong hugis ang lumitaw kapag natunaw yung lead, yun ang magiging future mo daw. Sempre, dapat alam mo kung ano ang ibig sabihin ng mga hugis at makikita mo yan sa internet o kaya sa mga libro. Unang taon namin itong gagawin sa bahay. Gusto pa ngang umalma ni kengkoy kasi daw mahirap linisin kapag dumikit na yung lead sa kung saang parte ng bahay. E naintindihan ko naman sya kasi sya taga linis ng bahay, hehe.

A Dinner for Two naman, ewan ko pero sikat na sikat talaga itong comedy skit na ito dito. Unang taon kong nag celebrate ng bisperas dito ay halos lahat ng TV channel ito ang palabas. At sempre, ika anim na taon ko na ito, sigurado kong ganyan pa rin ang magiging gabi namin πŸ˜€ Sikat na sikat nga ang punch line na “same procedure as every year,’ na galing dun sa skit na ito.

Ang fireworks at firecrackers dito ay nabibili lamang sa tindahan magmula ika 28 ng Disyembre hanggang sa gabi ng New Year’s Eve. Kaya naman mababaliw ka talaga sa dumog ng tao sa tindahan kapag oras ng bentahan ng paputok. At sempre, ang binibili lang namin e yung German made kasi naman yung mga galing sa Tsina at sa Poland kaya, ay tipong may chance na pumalya at pinapakita sa telebisyon kung papano nasisira ang isang kotse kapag ginamit ang isang paputok na galing Tsina at/o kaya Poland. Takot lang namin!

At kapag oras ng putukan, may mga taong sumisilip lamang mula sa bintana o kaya sa terase nila. Kami naman, dahil may konting supot kami ng fireworks, walang firecrackers ha, basta ilaw lang talaga… lumalabas din kami para naman mas enjoy ang tingalaan. Although mas kitang kita mo rin mula sa terasa yung mga galing sa bundok. Walang masyadong tao sa labas hindi katulad sa Pinas na sa labas na talaga ang party. E kasi naman ang lamig dito, ano, hehe.

Wag ka, meron din kaming bilugang prutas sa kusina namin. Sempre, enjoy na enjoy mamili si kengkoy at ang mga little kengkays ng mga bilugang prutas. Kasi nga, adopted na itong tradisyon na ito dito sa Alemanya. Pinay yata si kengkay. Bakit naman hindi, di ba?

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

Advertisements

28 mga puna »

  1. Kami dito mamaya pupunta dun sa kaibigan namin at dun namin sasalubungin ang bagong taon. Hindi ko na patatalunin si lana mamaya kasi baka lagpasan pa ako sa katangkaran paglaki niya! Hehehe!

    Happy New Years sa inyo kengks!
    God Bless!! πŸ™‚
    kengkay: naku, wag na patalunin at baka nga mas malaki pa sa yo yan. enjoy!

    Komento ni Kiko Matsing — Disyembre 30, 2007 @ 10:42 hapon | Sagutin

  2. e tita kengks baka naman kasi paKANDIRIT ang talon at lundag mo kaya 1/2 inch lang ang itinaas mo? πŸ˜† p’reho kayo ng misis ko — maliit din.
    kami dito manunuod lang ng putukan mula sa 4th floor. iwas lang sa mga debris. buti na lang hindi kami napunta sa rooftop!
    sarap naman ng mga pagkain dyan hehe.. πŸ˜› ginutom tuloy ako.
    kengkay: hay naku, kasi naman isang beses ko lang ginawa yang talon na yan ano, hahaha. tipid kasi small but terrible naman di ba?

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 31, 2007 @ 12:32 umaga | Sagutin

  3. te kenks… manigong bagong taon!

    mukhang mas tahimik celabretion ngayon dito, daming pinagbabawal eh, kahit yung mga hard core kong tito, mag-inuman na lang daw kami mamaya… (borrrriiiinnngggg!!!!!)

    pero mas mabuti na yun, at least, buo ang angkan naming sasalubong ng bagong taon!

    hanggang sa susunod na taon, lapit na pebrariiiii!!!!!

    πŸ™‚
    kengkay: aarrrgh, malapit na talaga ang pebrari, imagine, januari na, arrrrgh πŸ˜€ at least masarap sa inyo, buong angkan ang selebrasyon. kakamiss yang ganyan, hayyyy

    Komento ni Lenggai — Disyembre 31, 2007 @ 1:11 umaga | Sagutin

  4. bisperas na dyan? ahead din pala kayo kami bukas pa pero malungkot parin daw ang new year dito sa ustados unidos. pano ang mga tao naguuwian sa kani-kanilang probinsya or suburb. sana naman bukas may marinig akong paputok o kahit anong ingay manlang…
    kengkay: oo, nga ano, sa amerika ang huling pag ikot ng mundo sa 2007, hehe. mabisita nga yang blog mo kung may nag ingay sa inyo

    Komento ni scart — Disyembre 31, 2007 @ 1:12 umaga | Sagutin

  5. kami dito, iniiwasan ko ang late na imbita dahil alam ko, baka spirit of the glass na naman yan! hahaha!!!

    kengsss!!! i wish you and your family the best of the year ever! salamat sa support and everything! sana manalo ka sa lotto! at bigyan mo ko nang pambili nang load sa mga boylet foundation ko!

    HAPPY NEW YEAR! and keep social climbing alive gurl! Social climb wid me througout the year! HAHAHAHA!!!
    kengkay: bigay todo ang social climbing ko sa 2008, kasi susunod ako sa santacruzan na iniwan mong bitin sa pinas ngayong pebrero, hehehe

    Komento ni reyna elena — Disyembre 31, 2007 @ 1:48 umaga | Sagutin

  6. KENGSSS,

    bumalik ako dito! pucha lahat nang blogs na pinupuntahan ko, magkasunod lang tayo! eh nag-traysikel ka pala di mo man lang ako inintay! AS IN LAHAAAATTT nang blogs na pinupuntahan ko, magkakasunod mga yapak naten! HAHAHAHAA!!!!

    HAPPY ULIII!!!
    kengkay: ahaha, alam mo naman, kasi nililinis ko ang daan para sa reyna, para di ka matapilok dahil alam kong naka manolo blahniks ka e, de vah voosss

    Komento ni reyna elena — Disyembre 31, 2007 @ 2:03 umaga | Sagutin

  7. hehehehe.. happy new year ate kengks… aga pla ng bisperas dyan dito nagpuputukan na… kya myang gabi… magtatalon na ako.. at iwewelkam na ang new year
    kengkay: oh, tumaas ka ba nung nagtatalon ka πŸ˜€

    Komento ni repah — Disyembre 31, 2007 @ 2:25 umaga | Sagutin

  8. Happy New Year ate..

    anong gagawin ko sa bisperas ng Bagong Taon? hmmmm.. nasa trabaho ako eh.. hehehe, dun ako magiingay!! lol
    kengkay: naku, ginawa ko na rin yan, pero kasi sa hotel kaya okay lang, hehehe

    Komento ni karmi — Disyembre 31, 2007 @ 4:09 umaga | Sagutin

  9. Kami sa isa kong pinsan magbibisperas, walang mga fireworks dito maliban sa may downtown…

    Happy New Year sa inyo dyan ate! πŸ™‚
    kengkay: hanu ba yon, ang boring naman, hahaha

    Komento ni MisyeL — Disyembre 31, 2007 @ 4:29 umaga | Sagutin

  10. ate kengks, nosebleed po ako dun sa mga bleigiessen chuchu.. hehe// senxa na po..
    woot! excited na ako mamaya! :mrgreen:

    naaawa lang ako sa aso namin, si Gohan, magugulatin yun eh! buong katawan nagagalaw pag may narinig na putok kahit piccolo.. wawa tlga.. gusto ko tuloy lagyan xa ng headphones mamayang alas dose.. πŸ˜† pwede kea yun? hahaha

    tatalon din ako mamaya, bka sakaling lalagpas ng 5ft.. maging 5’1″ …. nya ha ha πŸ˜†

    happy new year! πŸ˜€
    kengkay: haha, yung aso at pusa rin namin sa pinas parating nawawala kapag putukan na e. naku, e kapag nga lang umikot ang banda tuwing piesta hilong talilong na sila, pano pa kaya kung super ingay, na, hahaha

    Komento ni weng — Disyembre 31, 2007 @ 4:39 umaga | Sagutin

  11. meow kenkgay.. bilugang prutas na di pdeng mawala sa table hahaha! epektib nga yan pagtalon na yan, patalunin mo ang ung mga junakis later hehehe

    may this new year adorn your life with many beautiful things and sweet memories to cherish forever. Wishing you life’s best this 2008! HaPpY nEw YeAr!!!!
    kengkay: naiyak ako sa english wish mo sa akin, meow πŸ˜€ hindi epektib yung talon sa akin, pano pa kaya sa mga little kengkays ko, hehehe. mag heels na lang sila

    Komento ni pusa — Disyembre 31, 2007 @ 4:45 umaga | Sagutin

  12. …uuy, feel ko ang bleigiessen ah.:p
    …happy new year!!!:)
    kengkay: feeling manghuhula nga kami e, hahaha

    Komento ni ...sommer... — Disyembre 31, 2007 @ 5:24 umaga | Sagutin

  13. Kami mag papa ilaw lang. yey! Dito naman sa atin, may sumabog kanina lang umaga, ung mga tindahan ng paputok sa may bocaue bulacan. sad.

    πŸ™‚ Happy New year!!
    kengkay: teka, asa bulacan ka ba? alam mo may kaibigan din akong may ari din ng gawaan ng paputok e. sunog ang pinakamalaking kalaban nila talaga.

    Komento ni Laarni — Disyembre 31, 2007 @ 5:51 umaga | Sagutin

  14. happy new year kengks!!!ako sa ka ofice mate ko nalang mag new new year..indi ksi umuwi..have a happy new year to u and ur family!!
    kengkay: at least may kasama ka di ba πŸ˜€

    Komento ni Maldito — Disyembre 31, 2007 @ 7:16 umaga | Sagutin

  15. Happ new year to you and your family Ate Kengks!!! *mwah*
    kengkay: mwah πŸ˜€

    Komento ni dhez — Disyembre 31, 2007 @ 10:30 umaga | Sagutin

  16. Kengkay, HAPPY NEW YEAR!!

    tahimik NY namin, 3 lang kami puro gurang pa *lol*
    kengkay: nyahahaha, ano ba yang gurang na yan, hehehe

    Komento ni thess — Disyembre 31, 2007 @ 11:57 umaga | Sagutin

  17. mamaya sisimba lang kami… tapos baka manood ng fireworks display.. tapos uwi na.. kung may pagkain sa bahay.. chibugan.. ang sabi nga mag-inuman daw kami… hmmm tignan ko kung kaya ko ehehehehe…

    miss ko ang sa Pinas na ke-aga aga pa putukan na ng putukan s kalye kaya di na ako makalabs ng bahay.. noon nahihiya akong tumalon pero tumatalon pa rin ako kahit papano kaya ayun di tuloy ako katangkaran… pero ayus na din di naman sobrang liit heheheh…

    ang di ko malilimutan at lagi kong kinokontra pero lagi akong talo ay ang pagssabit ng ubas sa may pinto hanggang sa matuyo na siya…. kahit kontrahin ko kasi hindi ako manalo sa lola ko hahahah..

    happy new year!!!
    kengkay: oo nga, napansin ko rin yang tuyot na ubas na yan sa mga ibang bahay sa atin, hehe. tama ka, ayaw na ayaw kong lumabas kapag malapit na new year sa atin kasi yung iba kakainis, nanghahagis ng paputok sa mismong daanan mo. asar.

    Komento ni rhapsody — Disyembre 31, 2007 @ 12:15 hapon | Sagutin

  18. Nawawalan ako lalo ng pera sa pagtalon sa bagong taon.. 😦

    Happy new year po. πŸ˜€
    kengkay: bakit naman? kasi dapat wag kang tatalon ng super dami ng barya sa bulsa mo, hehehe

    Komento ni ignoramous — Disyembre 31, 2007 @ 12:58 hapon | Sagutin

  19. hapi new yr 2 u, hapi new yr 2 u, hapi new yr , hapi new yr, hapi new yr 2 u!
    ay mali ata tono ng kanta q Lols πŸ˜†

    hamu na, bsta hapi new yr sau at sa kengkay family!!!!
    kengkay: pwede na yang jinggle bells mo na tonong new year, heheeh

    Komento ni koreanmine — Disyembre 31, 2007 @ 1:17 hapon | Sagutin

  20. Happy New Year sis!!! πŸ™‚ Intriguing ang celebration niyo jan sa inyong dako. πŸ™‚ Ito naman greeting ko for you. http://www.marriageandbeyond.com/2007/12/31/195/

    Thanks sis, you make the blogging world so much cozier. πŸ™‚
    kengkay: salamat sis. magkatulad lang tayo ng ginagawa πŸ˜€

    Komento ni jenaspacio — Enero 1, 2008 @ 1:25 umaga | Sagutin

  21. uhm, bakit dito samin ang ingay ahahah nabingi ako kagabi.. happy new year to u ate kengkz and the kengkz family sa alemanya! πŸ™‚ God Bless u always! πŸ˜€
    kengkay: dito sa amin nilakasan ko yung tv, pinagalitan ako ni kengkoy, hehehe. God bless you and your family, too!

    Komento ni lilmiz — Enero 1, 2008 @ 3:56 umaga | Sagutin

  22. happy new year mommy kengks! i slept most of the day yesterday. was not feeling well kse. played a round of poker after the midnight fireworks. kumain din ng onti. (onti lang kse nag-dinner na ako around 830pm eh)

    sobrang natatakot nga ako kagabi kse sooper lakas ng hangin dito samen. yung mga fireworks di makaputok ng maganda kse nadadala ng hangin. eniwei, we had a nice time last night welcoming the new year. i hope you & your family did too. πŸ˜‰
    kengkay: grabe, poker pa rin, hahaha.

    Komento ni antuken — Enero 1, 2008 @ 6:01 umaga | Sagutin

  23. alang kalatoylatoy NY eve ko mi kengs,tulog lahat kami hahaha

    Happy New Year ma dear!! all the best
    kengkay: ganonch, tinulugan nyo ang nu yir πŸ˜€ kami talagang pinilit naming hindi makatulog ang mga bata e. naglaro, nanood ng tv, nagkantahan, nag sayawan, nag kainan at walang katakot takot na gulatan, para lang hindi sila matulog, ahahaha

    Komento ni cheh — Enero 1, 2008 @ 7:51 umaga | Sagutin

  24. Hi Mommy kengks! Just wanna greet you and your family a blessed New Year! Enjoy the celebration Momski!
    kengkay: salamat, dear ambo. malapit na rin ang santacruzan natin sa pebrero πŸ˜€

    Komento ni ambo — Enero 1, 2008 @ 11:18 umaga | Sagutin

  25. Happy New Year po.
    kengkay: sa yo din, dear glitch!

    Komento ni myglitch — Enero 1, 2008 @ 2:02 hapon | Sagutin

  26. mami kengkay. thanks for sharing this. very informative. ayos ang culture nyo. Natawa ako dun sa skit na A DINNER FFOR TWO. talaga? pinapalabas yan yearly?

    I read somewhere naman sa Sweden…yung cartoons ni Donald Duck ang palabas sa lahat ng channel pag Christmas season. Have a wonderful 2008! Mwaaaah!
    kengkay: nagets mo yung text ko sa yo. english yon e baka hindi mo alam na marunong din pala ako mag inglis, actually, kinopya ko lang yun, ahahaha. mwahhh din.

    Komento ni chuvaness — Enero 1, 2008 @ 3:21 hapon | Sagutin

  27. More Money for me this year. Illness can be pretty much avoided if I don’t work hard to earn for my living. At least the “dog” are friends with the “rats”.

    Cheers to the New Year, Kenks.
    kengkay: ibig sabihin isa kang aso? ako yata daga rin e, hmmm. nalimutan ko na. cheers, K!

    Komento ni K — Enero 2, 2008 @ 10:25 umaga | Sagutin

  28. mami kengkay…uu..na re-receive ko yung mga texts mo..salamat! sweetest mami ka talaga ng mga tag WPP. love yah. an sosi sosi…yung last text na receive ko ITALIANNIS ka naaaaaa

    hahahahha
    kengkay: nabaliw ako dun pero pang social climbing di ba, ahahaha

    Komento ni chuvaness — Enero 3, 2008 @ 6:25 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: