Kwentong Kengkay

Enero 1, 2008

Ibang Klaseng Bagong Taon

Filed under: Kwentong Kengkoy,Oyropa Ko,Seryus — kengkay @ 6:44 hapon

Simple lang pero rock…

Mga ala una ng ika 31 ng Disyembre, si kengkoy dinala ng aming tenant sa hospital. Si kengkay naiwan sa mga bata. Pagkatapos ng mga 30 minutos e bumalik sila, stress lang daw. Mga alas gis ng umaga punta naman kami sa heart doktor, para lang makasiguro. Okay lang naman daw. Sabi nung doktor, baka kandidato na daw si kengkoy sa pagiging high blood. Kaya ano new year’s resolution naming mag-asawa? Mag diet at mag exercise. Kailangan, kundi kawawa naman ang mga little kengkays, di ba? Bagong buhay talaga ngayong bagong taon.

Mabuti na lang ganon kaya naging masaya pa rin ang pagbati namin ng bagong taon. Daming lucky charms na pinaghalong Pinas at Alemanya sa amin: higanteng pretzel, clover plants, chimney sweeper figurines, bilugang prutas, paputok, ladybugs chocos, baboy na gawa sa marzipan, etc. At eto pa, ang tumambad front page ng diyaryo namin dito e ang litrato ng isang maliit na batang Pinoy na naglalaro ng isang higanteng torotot! Ang galing talaga ng Pinoy di ba. Makikita nyo ang litrato ng diyaryo sa slides sa baba. Pinagmalaki ko sa mga little kengkays at sempre ang sabi nila, ‘gusto ko rin ng ganyan.’ ๐Ÿ˜€

Panoorin nyo na lang sa aming slide show (justย clickย Viewย All Images)ย at meron pa akong hang-over. Gising ang mga bata hanggang alas dos ng umaga, grabe! Kakapagod pero sempre, masaya!

Advertisements

15 mga puna »

  1. woot! happy new year po ate kengkay! ๐Ÿ˜€
    kengkay: sa iyo din, dear weng!

    Komento ni weng — Enero 2, 2008 @ 4:53 umaga | Sagutin

  2. happy new year ate kengkay and to the little kengkays!
    kengkay: happy 2008 and hugs!

    Komento ni alphasensei — Enero 2, 2008 @ 5:56 umaga | Sagutin

  3. buti naman po at okei naman si kengkoy.. happy ang new year dibah….
    kengkay: tama ka dyan ๐Ÿ˜€

    Komento ni Rhapsody — Enero 2, 2008 @ 7:43 umaga | Sagutin

  4. naku. buti at ok naman kayo lahat at naenjoy nyo ang bagong taon ๐Ÿ™‚ ako din makikijoin sa new year’s resolution nyo ah haha puro unhealthy nakakain ko last yr, kelangan maglinis ng katawan heheh. onga, anlaki nung pretzel ate kengkz, kasya ulo ng mga lil kengkayz ahaha
    kengkay: sa totoo lang, hindi naman kinakain ng mga bata yang pretzel na yan. inuukit lang nila yung loob tapos tapos na ๐Ÿ˜€ tama ka, dapat healthy lifestyle e simulan agad.

    Komento ni lilmiz — Enero 2, 2008 @ 1:46 hapon | Sagutin

  5. bagong taon, bagong buhay (at bagong diyeta na rin!), ika nga.
    ka-thrilling naman ng experience mo habang palapit ang new year… LOL.
    but the kids seemed to have fun, kaya bawing-bawi. ๐Ÿ™‚
    how do people in Germany celebrate the new year, Kenks?
    kengkay: oops, na miss mong basahin yung post ko na Bisperas, andun lahat nung aming ka dramahan kapag new year eve ;D

    Komento ni jun.anteola — Enero 2, 2008 @ 7:26 hapon | Sagutin

  6. wow sarap naman dyan may chimneys..
    actually, ako din new year’s resolution ko diet at exercise din eh.. ๐Ÿ˜€
    kengkay: hala, sige, sabay sabay tayo at good luck sa tin

    Komento ni angel — Enero 2, 2008 @ 7:29 hapon | Sagutin

  7. walastik! magkanu yang pretzel na yan? ^^
    kengkay: mura lang, hahaha

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 3, 2008 @ 12:26 umaga | Sagutin

  8. Buti ok naman si hubby ate… Tama nga bagong taon, bagong buhay at bagong kundisyon sa pangangatawan… Happy new year! ๐Ÿ˜‰
    kengkay: tunay yang mga sinabi mo

    Komento ni MisyeL — Enero 3, 2008 @ 1:29 umaga | Sagutin

  9. Yang hay blad na yan, talagang kill-joy minsan eh no? ๐Ÿ™‚
    kengkay: tama ka dyan, kainis, kapikon.

    Komento ni iceyelo — Enero 3, 2008 @ 1:44 umaga | Sagutin

  10. buti na lang pala hindi grabe si kengkoy… pero ingat pa rin. kain marami garlic saka sibuyas.
    yung pretzel pala parang ensaymada? wala lang asukal… CUTE talaga little kengkays! …kita ko rin dyaryo with HIGANTE torotot! baligtad ‘ihip’ ng bata hehe… pero CUTE!
    kengkay: naku, nangangamoy na nga kami dahil sa sibuyas at bawang na yan. matakot na pumasok sa bahay namin ang mga aswang, ahahaha. yung pretzel na yan parang normal na tinapay lang, white bread baga. ang kyut nung batang pinoy, di ba

    Komento ni homebodyhubby — Enero 3, 2008 @ 9:34 umaga | Sagutin

  11. happy new year…ate kengkay…parang gusto kong makakita ng higanteng pretzel
    kengkay: haha, gulat din ako nung una kong makita yan. talagang pasadya pa kamo yan

    Komento ni repah — Enero 3, 2008 @ 10:01 umaga | Sagutin

  12. Hi Sis! Slamat at okay nman si kuya kengks. Hirap tlaga pag kalusugan na ang natataya. Happy New Year sis! May the Lord bless you and your family more this year! ๐Ÿ™‚
    kengkay: kaya dapat talaga e kumilos para maging healthy. God bless!

    Komento ni jenaspacio — Enero 3, 2008 @ 11:33 umaga | Sagutin

  13. hanlupit naman ng mga pretzels dyan sa alemanya – mas malaki pa sa ulo ng bata! hehehe…. kaya kaya ng jack n jill na ibalot yan sa foil? ๐Ÿ™‚
    kengkay: ahahaha, grabe, kakabaliw nga pero hindi naman makain ng isang upuan sa laki, ano ba yon

    Komento ni taroogs — Enero 4, 2008 @ 5:44 umaga | Sagutin

  14. Ayoko ng itsura nung unang pic ng higanteng pretzel! Me naiiisip akong iba bwahahaha. Sikat talaga ang Pinoy~! Magaling kasi tayong manorotot eh! lols. Mommy Kengks Happy New Year uli ha. See you on February yahoo!
    kengkay: maghanda ka na ng torotot, eheste ng pang santacruzan sa pebrero

    Komento ni ambo — Enero 4, 2008 @ 10:10 umaga | Sagutin

  15. […] alam nyo kung ano ang pinaka-dahilan kung bakit ang sipag nyang gawin ito? Kasi naranasan nya yung nangyari nung bagong taon. Imagine, imbes na mag-celebrate kami e itinakbo sya sa hospital. Mataginting na wake up call […]

    Pasa ni Inggit ako kay Kengkoy « — Pebrero 5, 2008 @ 7:11 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: