Kwentong Kengkay

Enero 4, 2008

Bagong Taon, Bagong Lista

Sa dami ng binisitang kong blogs ngayong bagong taon e karamihan sa kanila may listahan ng kanilang new year’s resolution. Ako, isang beses lang yata ako nagkaron ng new year’s resolution at super duper demanding naman nung aking listahan. Sempre hindi ko nasunod. Ayun, nawalan ako ng ganang maglista ulit, pero ngayong taong ito, ginanahan ako.

Kasi may kapartner ako sa aking new year’s resolution, si kengkoy. Halos pareho kami ng listahan: work out at healthy and regulated eating habits. Sa totoo lang, ngayong taon lang talaga ako nagkakain ng gulay. As in lahat na yata ng kulay ng gulay ay nginata ko na rin. Dati kasi as in ayaw ko ng gulay. Kapag nakakita ako ng kulay pula o kaya berde sa mga pansit, talagang ina-ani ko sila. Pero pa unti unti e nakikain na rin ako. At lalong nanginain ako nung nabuntis ako sa mga little kengkays. Pikit mata, kahit na kasuka suka πŸ˜€ Pero masarap naman pala. Ngayon, hindi na ako makakain ng walang gulay. Kailangan ko na rin ng kulay sa aking buhay, o di ba. Parang commercial yata yon ah.

Hmm, atsaka preparing na rin kami sa pag uwi sa Pinas. Alam nyo naman, eating binges ang drama dun. At parang gusto kong iwan ang aking control dito sa Alemanya, hehe. Gusto kong lumafang!!

Heniway, ano pang dagdag dun sa aking lista? Mag aaral na ako kung papano ko pakantahin itong aking gitara. Kasi naman halos dalawang taon na itong nakatago lang sa madilim na parte ng aming aparador. Regalo ko sya sa sarili ko kasi nung mga araw na batong bato na si kengkay (hindi ko pa na discover nun ang blogging!). Gusto kong mag aral mag gitara, sabi ko (kung na discover ko kaya ang blogging, binili ko kaya sarili ko ng gitara, huh). Pero hindi pa rin nagawa kasi walang oras. E ngayon, mukhang magiging ka partner ko si panganay ko sa pag aaral ng gitara. Matutuloy na rin, yipee!

Eto pang isang hindi ko alam kung idagdag ko syaΒ sa listahan ko — ang magkaron ng lakas ng loob na mag drive mag isa sa autobahn dito. Nyay, takot kasi akong makalaban ang mga malalaking trucks at yung mga rumaragasang Porsche, Ferrari, Lamborghini, etc. Kasi naman walang speed limit dito halos e, tapos pa libre ang autobahn kaya lahat ng kotse at truck na naglalagalag sa Oyropa ay sa Alemanya nakikiraan. Sa ngayon ay dito lang ako sa loob loob ng mga mumunting siyudad. At kapag sa malalaking nakakaligaw na siyudad na, may I ride ako ng bus at tren, hehehe. Takot ako e!

Update: Ay, tag pala ito. Katatapos ko lang nitong post ng maisipan kong bisitahin si diwatangbyaningΒ at nabasa kong ni tag pala nya ako kung anong new year’s resolution ko, ayos, may sagot agad, hehehe.

Advertisements

16 mga puna »

  1. Syempre naman ok ang may goals for the year. At least may structure nang konti πŸ™‚

    Mamu, eto na flat tops and seeds mo. Give me a few days makahinga at ipo-post ko po sa inyo. When are you flying to Manila? Stay ka ba hanggang Mayo? Para naman magkita tayo dun!

    joy
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo
    kengkay: uy, talagang andyan ka na ulit sa oyropa ha. salamat, sige, magpahinga ka muna, the flat tops and seeds can wait. stay kami sa pinas mga 6 weeks lang. baka si kiko andun pa sa pinas sa mayo.

    Komento ni joy — Enero 4, 2008 @ 2:08 hapon | Sagutin

  2. berde sa mga pansit, talagang ina-ani ko sila. -hehehe natawa naman ako ditech! anobayan!masarap an gulay mahusay yan para sayo at sa kutis mo! kaya ugaliing kumain nitech!!!

    ansarap kaya sa Autobahn parang nasa rollercoasterzzzzzZZzzz
    kengkay: wahaha, kaya pati itong mga anak ko ang sabi sa mga berde, grass daw, ahahaha. manang mana sa nanay. ayoko sa autobahn, nababaliw akotch

    Komento ni diwatang_byaning — Enero 4, 2008 @ 2:12 hapon | Sagutin

  3. Hi Ate Kengkay! I’m back. πŸ™‚

    Agree ako sa New Year’s resolution mo to eat healthy and exercise regularly. Lalo pa summer na in a few months time at plano namin swimming party ang birthday ng baby ko in April. Siyempre kailangan sexy mommy. πŸ™‚

    Uwi ka pala dito in February, tamang-tama birthday month namin ni bespren ko (a.k.a. lenggai), ililibre mo kami…este ililibre ka pala namin. Hope to meet you soon.
    kengkay: uy, welcome back, jayme. i hope you’d share some of those exciting moments in your blog. pasilip πŸ˜€ tama ka, dapat parating sexy mom. aha, birthday month mo rin pala ang feb, sige, maglibrehan tayon nina lenggai, ehehe

    Komento ni Jayme — Enero 4, 2008 @ 3:03 hapon | Sagutin

  4. Hello, Kengkay! Salamat sa pagbisita sa blog ko. πŸ™‚ Ang friendly mo naman. πŸ˜€ Salamat sa pag-welcome to WPP! Natutuwa ako at na-discover ko ang site na yun!

    Nabasa ko nga dun na uuwi ka sa Feb. Di ko alam kung mahihiya ba akong maki-join or what.

    Bydawey, highway, dati nung bata ako (kasi lola na ako ngayon) hindi rin ako mahilig sa gulay. As in! Pero ngayon napapakain na ako ng gulay. Kahit nga yung pinaka-hate kong kadiring naglalaway na okra nakakain ko na hehehe. Da best pa rin ang baboy! Lalo na yung may taba! πŸ˜€ (wala, siningit ko lang yan)
    kengkay: lola ka na, huh. at least hindi naman halata πŸ˜€ aba kung andyan ka lang sa tabi tabi ngayong pebrero, bakit naman hindi ka sumama, di ba? taba ng baboy, ay paborito yan sa sinigang na baboy, kare kare at adobo. dito kasi kapag bibili ka ng baboy, inaalis nila yung taba, waaaahhh.

    Komento ni Jen — Enero 4, 2008 @ 3:54 hapon | Sagutin

  5. kayang-kaya mo gawin mga yan mama kengkz..gudlak! πŸ˜€ inde rin ako masyado kumakain ng gulay dati, sabaw lang kaya ko haha pero kelangan daw talaga para sa balanced diet (go, grow at glow lolz). nakakakain na naman ako ngayon lalo na pag di ko nakikita, like pag nakahalo lang sya sa ibang masarap na pagkain aheheh
    kengkay: naku, oo, kayang kaya ko kundi hindi ko sya ililista, ahahaha. kakahiya naman tapos pi-nost ko pa sya πŸ˜€

    Komento ni lilmiz — Enero 4, 2008 @ 6:48 hapon | Sagutin

  6. Naku kami ni esmi yan din ang gustong gawin bago umuwi, ang magpapayat dahil malamang pag-uwi bondat na naman kami panigurado! Hanggang ngayon di pa rin ako kumakain ng gulay, pero siguro pipilitin ko na ngayong taon kumain kahit pakonti-konti hanggang masanay na rin.

    Malapit na!!!! πŸ™‚
    kengkay: huy, mag aral ka na kumain ng gulay dahil yung mga anakis nyo e dapat masanay din na may nakikitang gulay sa lamesa ano. atsaka makakatulong din yon para lalong humaba ang buhay natin… oo nga, kayo malapit na, kami mga isang buwan pa.

    Komento ni Kiko Matsing — Enero 4, 2008 @ 11:09 hapon | Sagutin

  7. goodluck sa mga resolusyones, naway matupad lahat yan =)
    uy lapit na uwe mo ng pinas EB toh LOL
    kengkay: huy salamat. kailangan gawin, kundi kawawa naman kami, waaahhh. uy, oo naman, EB EB EB!

    Komento ni pusa — Enero 4, 2008 @ 11:57 hapon | Sagutin

  8. kengkay, buti ka nga wlang new year’s resolution. mabuti yan. wla kang magiging regrets sa dec. 31, 2008. hahaha!
    kengkay: hindi yan new year’s resolution kundi to do list, hehehe

    Komento ni jessie — Enero 5, 2008 @ 1:09 umaga | Sagutin

  9. wala ata akong new year’s resolution ngayon… hay… 😦
    kengkay: ok lang yon, foo. ako kailangan lang talaga gawin e

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 5, 2008 @ 2:43 umaga | Sagutin

  10. ano kaya ang meron sa taong ito na marami-raming tao ang ginanahan na gumawa ng resolutions? kasama na ako dun!

    oh well. :p happy new year uli!
    kengkay: uy, may listahan ka rin, hehehe. good luck

    Komento ni alphasensei — Enero 5, 2008 @ 4:03 umaga | Sagutin

  11. buti pa ikaw, new yrs reso nililista mo, ako puro utang eh! Lols πŸ˜†

    pero, dpt daw kahit di na22pad halos eh gumawa pa din ng reso pra khit pano, may driving force para ma2pad ang goal
    pero empre, dapt din, may effort na gawin inde puro lista πŸ˜€ (ouchhh )
    kengkay: naku, nauna pa nga yung effort namin kesa sa lista kasi nga to do list talaga sya e

    Komento ni koreanmine — Enero 5, 2008 @ 4:39 umaga | Sagutin

  12. I’ll pass on this Keng. I think the difficulty in keeping New Year’s resolutions is the fact that you have to measure yourself against the year. Parang ang haba ng taon!
    So if may use the latest buzzwords in business, I’ll set myself up for some short-term wins. It’s like making resolutions every month, pero at least mas realistic, pati sa time-frame. πŸ™‚ Tapos, renew ka lang ng renew. Then the resolutions become more sustainable.
    kengkay: naku megamom, we are keeping this to do list kasi wake up call yung mga sakit na nangyari nitong december; ayaw naming maulit pa ulit

    Komento ni megamomph — Enero 5, 2008 @ 8:44 umaga | Sagutin

  13. cguro dapat maging healthy talaga ang lifestyle natin.. agree ako n dpat mging aware tyo sa atin health… hehehe.. umiikot lng ang sinasabi ko ah.. may thought nmn db? πŸ™‚
    kengkay: tama ka rin dun, may thought din, hehehe

    Komento ni dhez — Enero 5, 2008 @ 9:17 umaga | Sagutin

  14. just now, i’ve learned kengkay is mommy raggold. ang galing naman. mas gusto ko si kengs, mas at home ako sa kanya pero don’t get me wrong. gusto ko silang dalawa ha. nung nagcomment ka kay megamom, di ko pa knowing nun, salamat kay reyna elena, may kasama pala akong dalawa ang kasarian(babae at babaeng baklush hahaha)…

    na carried away ata ako dun a,(behave mode). The last time I made my new years resolution was high school nung theme writing pa nun. I stopped doing the list kasi di ko rin ginagawa.

    Inggit naman ako, uwi na kayu soon. Ikain mo na lang ako sa maga naluto mo na sa yung thoughts…Hahahah, anywayz Boun Befania kung meron din kayu dyan…yung bang sa mga witch.
    kengkay: hehe, masarap ang may sikretong image aside from being nanay di ba? behave ako dun sa nanay blog ko kasi baka mabatukan ako ng mga anak ko atsaka binabasa yon ng mga kamag anakan dito sa oyropa e. sige, ikain na lang kita pag uwi ng pinas.

    Komento ni lovelyn — Enero 5, 2008 @ 12:18 hapon | Sagutin

  15. ahehhe..mabuti naman at may resolution ka..mabuti namang resolution mo na yan…ako mag guitar na din..pero nag stop dahil kulang sa tym…so give up na ako…sa tulog nalang ako bumabawi..lols
    kengkay: tama ka rin dyan, masarap yata matulog, hehe. enjoy mo yan habang single ka, kasi kapag may mga anak ka na, hayzzzzz

    Komento ni Maldito — Enero 5, 2008 @ 2:14 hapon | Sagutin

  16. mabuti ang gulay para malayo sa hayblad at iba pang sakit. pero yung mga toge at munggo marami daw uric acid masama sa me rayuma. πŸ˜†

    balita ko nga mabibilis ang mga sasakyan dyan sa mga autobahn, nakakatakot. pero dito sa ‘Pinas, hehe …minsan maski sa makikitid na kalsada mabibilis magpatakbo ang ilang drayber — akala mo e mauubusan ng kalsada.
    kengkay: pikit mata na ako ngayong kung kumain ng gulay πŸ˜€ hay, super bilis ng sasakyan dito ano, kapag mini yang kotse mo kahit hindi ka na mag drive, lilipad ka dahil sa mga kasabayan mong kotse, ahahaha. hindi ko alam kung kaya kong mag drive sa pinas, wahah. takot ako.

    Komento ni homebodyhubby — Enero 6, 2008 @ 4:10 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: