Kwentong Kengkay

Enero 5, 2008

Nagbibigay Pugay Lang Po

Filed under: Aruuuhh,Kaibigan,Mabait ang Pinoy,Trabaho Lang — kengkay @ 12:42 hapon

Sa mga aliping tagigilid na katulad ko, nais ko lang ipa-alam sa inyong lahat na kaarawan ngayon ng ating pinakamamahal na kwin of the loop ng social climbers, si Reyna Elena.

Punta na kayo dun sa blog nya kasi andaming inumin. Dahan dahan lang, pero pwede na rin bilis bilisan. Talagang magpapakalango tayo sa kulitan, sa kantiyawan, sa pakikipag kaskasan ng elbows at sempre sa pakikipag sowsyal climb.

Kung hindi pa kayo miyembro ng kanyang kaharian, aba, mag isip isep kayo. Kasi nagbukas lang nitong pagpasok ng 2008 ang Banco de Reyna na talagang makakatulong para lalong umangat ang mga lahi ng kanyang sinasakupan. Eto ang blog equivalent ng How to be a Millionaire. Oo, tama yang nabasa nyo, dolyares kamo. Dun makikita nyo kung pano mag social climb at manatiling asa itaas ng pedestal dahil tuturuan nya kayo kung papano mag ipon ng milyones para pambili ng load ng boylet nyo o kaya e pambili ng bonbons. At ito ang tunay na sagot kung papano mawawala ang mga yagit sa Pinas.

Para sa iyo Reyna Elena, kundi sa mga unang komento dito sa aking blog ay hindi ako nagpursiging araw arawin ang posts ko dito. Dahil sa mga natutunan kong social climbing skills sa iyo ay naging lalong makulay ang aking mundo ng blogging. At dahil dyan, itutuloy ko ang naiwan mong santacruzan sa Pinas ngayong Pebrero, hehehe.

Maligayang bati sa iyong kaarawan, Mahal na Reyna. Ano pang inaantay nyo, magbigay pugay na!

Advertisements

5 mga puna »

  1. eeeekkk!!! pang wan year ego feed tooooo!!!! santaong kakainin ko tong papuring tooo!! talo nito ang lahat na award ni Uzkar!!! ~~*prst*~~ (mi-ngiyak-ngiyak~) salamat, buti na lang nakipag-social climb ako sayo nung sanggol ka pa!!! social climbing talaga works ever! hu hu hu!!! ~~*prst*~~ (mi-ngiyak-ngiyak~ some more) salamat merci beaucoup!!!
    kengkay: waaaahhhh, etong tisyu at kung kailangan mo ng tuwalya meron din ako. wala kasi akong pambili ng regalo kasi hindi pa ako kasali sa PPP kaya blog lang regalo ko sa yo, hehehe

    Komento ni reyna elena — Enero 5, 2008 @ 2:15 hapon | Sagutin

  2. nag greet na ak0…sana nga maging tagmapay din ako sa social climbing na project na yan….kunti nalang mas mayaman na ako kay bill gates..aahhaha
    kengkay: naku, kung mas mayaman ka na kay bill gates dapat kilala mo pa rin kami ha, at ibibigay ko sa yo contact details ko para mas madali maambunan, ahahaha

    Komento ni Maldito — Enero 5, 2008 @ 2:47 hapon | Sagutin

  3. hapi bertdey mahal na reyna 🙂
    kengkay: 😀

    Komento ni lilmiz — Enero 5, 2008 @ 5:43 hapon | Sagutin

  4. huwahhh! sige sige, bibisita din ako dun. ^^ hapi bertydey

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 6, 2008 @ 3:27 umaga | Sagutin

  5. […] Kingkay, na ipinagsasabit muna yong mga junakis nya sa dingding nang balay nya para makapagbigay puri sa kapuri-purihang reyna. […]

    Pasa ni Istoryang Palito — Enero 7, 2008 @ 12:17 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: