Kwentong Kengkay

Enero 8, 2008

Dagat sa Batangas

Akala ko okay na ang lahat, pero hindi pa pala, huhuhuhuh…. Kailangan ko ng tulong nyo, mga ka-blag.

Kase naman sa sobrang excited e hindi na ko masyado naki usyoso dun sa mga kasuluk-sulukan nung isang resort sa Batangas na kung saan gusto namin mangitim habang asa Pinas kami. E kagabi, nung dahil hindi na ako makapag pigil e sinilip ko ulit yung resort tapos nung kulang nalaman na oo nga, maganda nga sya. E lahat naman ng resort sa Pinas maganda,Β Β di ba?

Kaya lang, hindi sya ayon para sa tunay na dahilan naming kung bakit kami mag tatagal sa beach… ang dahilan ay….si bunsoy ko ay may konting problema sa kanyang flawless na skin. Ang katapat lang nito ay ang maalat na tubig na kung saan, yun ang isa sa mga yaman ng Pinas. Dagat ng Pinas lang ang katapat nya kasi nga nung nag punta kami ng Spain halos hindi naman natulungan yungΒ balat nya e. Nung umuwi kami sa Pinas at nag babad sa La Union, ayun, lumabas ang flawless nya.

Imagine, sa dami ng cream na ipinahid sa kanya; sa dami ng hocus pocus na ginawa ko para maibsan ang pangangati nya; tama ang hula ko na ang mahiwagang dagat ng Pinas lang ang katapat nung balat nya. Nung bumalik nga kami sa Oyropa ay bumili kami ng galon galon na asin na galing sa Dead Sea para ihalo sa tubig na pampaligo nya e. Imagine, kung ibebenta lang din ang asin sa dagat sa Pinas; ang yaman na natin! Imbes na oil, salt ang ating yaman, wow! Kasi lintek, ang mahal ng isang galong asin galing sa Dead Sea ha.

Heniway, yung resort kung saan kami naka book ay walang tunay na beach. Ngayon, balak kong iksihan yung stay namin dun at maghanap ng isang resort na may tunay na beach sa harap kung saan pwedeng maglaro sa buhangin ang mga little kengkays ng hindi nila namamalayan na nababasa na sila ng tubig ng dagat. Pero sempre, hindi ko alam kung saan ako pwedeng pumunta dahil sa websites nila, kung meron man, ay lahat ng litrato magaganda. Pero totoo nga ba?

Eto ang tanong: May rekomendado ba kayong resort sa Batangas na kid friendly na may mahaba at magandang beach area na masarap ang pagkain at pwedeng mag tumbang preso (i cant resist adding this, hehehe)? Paki bulong naman sa akin kasi napapanik na si nanay kengkay, arrrghhhh!

Mga nakita ko at mukhang magaganda naman ay eto:

La Luz Beach Resort
Virgin Beach Resort
Balai Resort in Anilao
Aguila Beach Resort

Ano sa tingin nyo?

Advertisements

24 mga puna »

  1. been to Punta Fuego. maganda talaga. white sand. sarap mag snorkeling

    La Luz…nadaanan lang namin nun nag mountain climb kami sa Mt. Daguldul..malinis and nakaka relax yung place. nag shoot yun EXTRA CHALLENGE dun.
    kengkay: member lang kasi sa punta fuego di ba. hindi sumasagot ang la luz, kainis

    Komento ni chuvaness — Enero 8, 2008 @ 4:39 hapon | Sagutin

  2. La luz is my pick, relaxing tsaka parang me aura of healing, mukhang meron pang coral garden para sa snorkeling.
    kengkay: gusto ko nga sya kaso mo hindi nag re respond sa email ko e

    Komento ni partofyou — Enero 8, 2008 @ 4:47 hapon | Sagutin

  3. oo nga punta fuego. grabeh sarap dun. pero pangsosyal sya, kelangan may kilala kang member dun haha. nakapunta lang ako kasi company outing πŸ˜€

    ok po yang laluz ate.. sa anilao din, maganda πŸ™‚
    kengkay: daming boto sa punta at sa la luz ah

    Komento ni lilmiz — Enero 8, 2008 @ 4:51 hapon | Sagutin

  4. hehe… sori kengkay. So far isa pa lang ang napuntahan kong beach sa Batangas — Bisa Bay Resort sa Bauan. Antagal na yun, 1988 pa, magboypren pa lang kami ni misis ( 😯 bistado ang edad!). Baka pangit na rin ngayon (yung beach, hindi yung magboypren).

    Ipunin mo na lang yung mga isa-suggest sa mga comments dito. Mas maraming “boto”, tiyak panalo (hindi paris ng eleksyon sa Pilipinas πŸ˜† )

    Yung Punta Fuego, nakadalawa na sa itaas. At sa tunog pa lang ng pangalan mukhang maganda naman!

    Sama kami? (jokes) πŸ˜›
    kengkay: batangas tapos bauan, hehehe. nung huling uwi namin asa la union kami, maganda din dun. nakow, ang punta fuego maganda talaga kaso mo mahal kasi kailangan bumili kami ng bahay at lupa dun, hahaha

    Komento ni homebodyhubby — Enero 9, 2008 @ 12:25 umaga | Sagutin

  5. ok din sa la luz πŸ™‚
    kengkay: hay, kapag binabasa ko ang boto nyo sa laluz kaka frustrate kasi hindi sila sumasagot sa email ko,wa ahhhh

    Komento ni pusa — Enero 9, 2008 @ 1:04 umaga | Sagutin

  6. …hmmmm, ang napagswimmingan namin dun e taal lake, sarap tubig dun. kaso lake sya, hindi dagat, so nonsense recommendation ko. sowee!:p
    …pero mga kamaganak ko sa batangas, anilao ang pinupuntahan e.
    kengkay: maganda nga rin sa anilao kaso lang mostly e dive spots sya e

    Komento ni sommer — Enero 9, 2008 @ 4:56 umaga | Sagutin

  7. Marami akong napuntahan jan sa Batangas noong ako’y birgen pa hehe nde ko na matandaan mga pangalan ng resort mamuah! will ask around! sarap uuwi pala kayo sa atin:) enjoy enjoy
    kengkay: uwi kami sa sunod na buwan at ngayon pa ako nagsimulang magpanic at magpalit ng booking, arrrgh

    Komento ni cheh — Enero 9, 2008 @ 6:55 umaga | Sagutin

  8. ang mga beaches kasi sa batangas, lalo sa bandang anilao, ay mas kilala bilang “gateways” to dive spots at hindi para sa tampisawan ng mga bata. mabato sila at minsan biglang lalim. may ilang white sand beaches sa butong, malapit sa taal, batangas pero baka mas swertehin ka sa verde island (http://www.travelsmart.net/ph/resorts/Batangas/Verde_Island_Resort/) πŸ™‚
    kengkay: ayaw ko kasing isakay yung mga bata sa bangka e… medyo 30 mins din yata ang biyahe papunta sa verde island di ba

    Komento ni taroogs — Enero 9, 2008 @ 7:35 umaga | Sagutin

  9. sis maganda sa LaLuz bukod sa malinis ung lugar maganda din ung water. Malapit lang siya sa Metro Manila. Mababaw lang din ang tubig dagat nila kahit nasa gitna ka na… wag lang gitnang gitna. πŸ˜€ baka me pating na dun

    Un Punta fuego kasi members lang at puede mag stay dun.
    kengkay: ayan, la luz na naman, waahhhh

    Komento ni k3mbot — Enero 9, 2008 @ 7:47 umaga | Sagutin

  10. Punta Fuego ang pinakabagay sa beauty ng mga anak mo πŸ˜€ But there are other resorts. I’ll email you later. Eto na ride ko πŸ˜€

    joy
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo
    Your Love Coach
    kengkay: membership ang punta fuego e. antay ko email mo. tenks!

    Komento ni joy — Enero 9, 2008 @ 8:52 umaga | Sagutin

  11. maganda rin pala sa La Luz at guwapo may-ari… Hehehe! Kaso nung kinober namin yun te kenks, paraiso pa siya, pero nung buong pagmamalaki kong dinala ang mga balikbayan sherpas ko run nung 2006 eh under renovation ang lugar, at hindi na sing ganda nung dati kasi yung white sand, gray na, at bsobrang bato… ipagtatanong kita ng malinis-linis… pero kung willing kang mag-travel etc., meron akong panalo na napuntahan nung april 2007 lang… as in… panalo!!!! pede ka mag-overnyt sa white sand na isla, nang kayo lang ha… as in panalo talaga! pero sobrang virgin niya, medyo marami kang pagtratrabelan at walang five star hotel, as in pang backpackers… sa caramoan sa bicol… pang-adventurers kasi ang drama, sa sobrang virgin, me mga mountian climbing chuchu, white sand beach hopping, etc…. pero panalo talaga run… kung me time kayo… at handa sa adbentyur ang little kenks mo… πŸ˜€
    kengkay: hay, daming nagyayaya sa amin sa bikol nga daw, pero kasi ang haba din ng biyahe tapos bulinggit pa itong mga anak ko… pass muna ako dyan πŸ˜€ tenky anyway

    Komento ni Lenggai — Enero 9, 2008 @ 2:10 hapon | Sagutin

  12. i agree with punta fuego. maganda nga dun. but it’s a “for members only” getaway. sobrang laki at ganda ng mga bahay. unless you know someone na member (ako, kaya lang ako nakapunta dun, dahil sa friend ng friend ng friend, yung tipong ganun)

    but laia (where la luz & virgin beach resort are) has many beach resorts. okei ang beach, hindi mabato. long stretch of different resorts dito. my SIL, rach (you know her) and her family takes a yearly trip to laia eh, ask her advise din. pero yung virgin beach parang maraming negative reviews yan. sa laluz maganda. kaya lang when i was there last, panget ang daan. halos dulo na kse sya ng laia e. marami pang maganda dun sa laia.

    ang anilao naman is more of a diving spot talaga. tipong ma-coral ang seabed (so kelangan ng aquashoes), ma-bato.

    one of the beaches getting popular lately ay yung sa calatagan.my uncle has bought a unit somewhere there at maganda naman ang pics nila.
    Cpero para saken, kung sa batangas kayo, sa laia na nga yung okei na beach (atsaka sa fuego, kaso mo nga private eh, even pag-order ng food, hinahanap nila yung member).
    kengkay: yung mga nakita kong resorts sa calatagan di ko type e. grabe, kung gutom na gutom ka na sa fuego, hindi ka pakakainin kapag wala kang hatak na member? hanu ba yun πŸ˜€

    Komento ni antuken — Enero 9, 2008 @ 2:31 hapon | Sagutin

  13. nga pala, sa verde island maganda rin. kaso mo you have to take a boat ride pa going there. and according to my tito (who used to work at CENR of batangas city), mejo shark infested daw ang waters between batangas and verde island. baka trobol pa for the kiddies.
    kengkay: gawd, shark infested… next plis.

    Komento ni antuken — Enero 9, 2008 @ 2:34 hapon | Sagutin

  14. Kengks, don’t expect white sands in Batangas. The sand though is relatively fine in the coves, and the marine life is just awesome in the Bay (for diving or snorkeling).

    Balai in Anilao is a dive resort. Unless you plan to dive, I don’t suggest going there. Maliit ang “beach” sa harap nito. My kids though are pretty okay with the small strip of sand in front of it. I enjoy snorkeling there, mababaw lang marami nang makikita. Pero, the loooong trip is not worth it kung beach talaga ang habol niyo.

    La Luz is good. There are many resorts in Laia, but I think La Luz is the best maintained. Reserve early though. Madaling mapuno, Feb is not exactly off-peak anymore. Sa totoo lang, peak season for our beaches start in Dec. because that is when the West wind (habagat) leaves so mas calm ang water, saka malamig sa Europe at US, so maraming tourists like you.

    The beach I posted about in my old site is in Nasugbu. I’ll email you privately about that.
    kengkay: sige megamom, antay ko yan ha.

    Komento ni MegaMom — Enero 9, 2008 @ 2:52 hapon | Sagutin

  15. waaa. malapit na wi mo ate.. πŸ™‚ sana magenjoy chikitings mo ate. malamang naman un! ^_^

    ala kong alam sa mga beach eh. hehehe, mga kaibigan ko lang din nagaayos ng kung san kami pumupunta. πŸ™‚
    kengkay: hay tama kang yung mga kaibigan mo na lang mag ayos, kakasakit ng ulo, hehe

    Komento ni karmi — Enero 9, 2008 @ 8:40 hapon | Sagutin

  16. di ko pa nakita ang LA luz, pero I recommend that kasi yun yung option ng mga tropa ko nung magswiswimming kami.. kc daw maganda.. GO 4 it.. since I read that most of the readers vote for it..

    gOt my new blog..

    http://superjen08.blogspot.com

    it will be changed in

    http://superjen.vze.com
    kengkay: salamat sa comment, sige will check out your blog

    in 2 days.. linked me up.. tnx poh!! :p

    Komento ni jeniffer — Enero 10, 2008 @ 5:11 umaga | Sagutin

  17. i’ll go for la luz, lahat na siguro ng kailangan mo ay nanjan na. ^^
    kengkay: maganda nga sya pero may nakita akong mas maganda, yung aguila beach sa anilao πŸ˜€

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 10, 2008 @ 6:32 umaga | Sagutin

  18. tawagan mo na lang ang la luz, mas oke kung personal kang magpa-book! tsaka medyo tsika-tsika at pramis ng pasalubong na haagen dazs, hahahaha! i wish you a stress-free vacation.
    kengkay: penge ako haagen dazs para pansalubong, ahahaha. i asked my sister to call them na. sana maging ok.

    Komento ni partofyou — Enero 10, 2008 @ 7:04 umaga | Sagutin

  19. ang dami na palang nag-comment ate kengks πŸ™‚ i was going to suggest la luz, eagle’s point or punta fuego also. basta yung san juan and laiya area dun magaganda ang beaches. hope you enjoy your beach-ing! hehe
    kengkay: bitching nga muna itong ginagawa ko dahil ang hirap mag beach-ing, hehehe…

    Komento ni ris — Enero 12, 2008 @ 2:22 umaga | Sagutin

  20. sige, baka sa anilao aguila beach na lang ako pumunta. try ko nga… baka malay mo, may extrang agila akong makita. hehe
    kengkay: hehehe, subukan mo nga kung may aguila, baka buwaya, ahahah

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 12, 2008 @ 6:18 umaga | Sagutin

  21. actually kasi yang lal luz di nag iisa. madaming resort na kahelera nya. di ko nagustuhan hehe. kasi ang ganda sa photos pero sa personal iba. punta fuego ok sa akin. maganda sia at bagay sa family mo mommy kengks. try nyo din ang caylabne beach resort. maganda dun kasi solo ang resort. masarap ang food. me swimming pool na malapit sa beach. tahimik nga lang dun baka ma board kayo. ang nagustuhan ko dun kasi katapat nya ang corregidor island at pwede kayong mag island hopping.
    kengkay: gusto ko nga sana sa caylabne kaso naman iba level mo sa akin e, isa lang akong aliping tagigilid. super mahal nung presyo nila. hindi ko ma take, e gusto ko rin mag shopping ano, hahaha

    Komento ni Ambo — Enero 14, 2008 @ 1:56 hapon | Sagutin

  22. […] beach resort, anilao, batangas, dagat sa batangas Ang dami kasing hits ng blog ko na tungkol sa Dagat ng Batangas kaya medyo unahin ko muna ang aking masasabi tungkol sa Aguila Beach Resort sa Anilao, […]

    Pasa ni Ang Aguila Beach Resort - A Review « Kwentong Kengkay — Abril 1, 2008 @ 7:50 umaga | Sagutin

  23. […] sabi nga ni Ambo nun sa comment nya sa aking post Dagat sa Batangas, medyo hindi raw maganda ang daan papunta ron. Na hindi ko masyado naman pinansin kasi naman e […]

    Pasa ni Ang Eagle Point Resort - A Review « Kwentong Kengkay — Abril 7, 2008 @ 7:00 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: