Kwentong Kengkay

Enero 10, 2008

Oh Bakit

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Duon sa Amin,Hmmmm,Hmmp,Pasaway,Pinas,Seryus — kengkay @ 9:51 umaga

Actually, rant blog to e. Pagbigayan nyo na ang nagpapanik na si nanay kengkay na uwing uwi na sa Pinas kaso mo naman wala kaming mapaglagyan sa sarili namin, waahhhh… Kasi naman kung sa internet ka mag-babakasali sa booking mo, delikado ang sleeping beauty nyo kasi…

Bakit pa may contact details ang mga websites ng hotels kung hindi mo naman sila ma contact?

Bakit pa may email sila kung hindi naman pala sila magbibigay ng rates kapag ini-mail mo sila? Hindi sumasagot kanyo…hmp.

Bakit kaya kapag tumawag ka at sinabing i fax ko sa yo in ten minutes e; dapat mo pa ulit silang tawagan pagkatapos ng 20 minutes kasi hindi pa rin dumarating yung fax?

At eto pa, bakit pa kapag tumawag ka after 30 minutes dahil wala pa yung fax, e ring na lang ng ring yung telepono dahil nag uwian na yung mga tao sa opisina? Hindi man lang nag smoke signal sa yo na aalis na sila at maninigas ka ng ka-antay.

Bakit kaya yung mga rates nila sa website nila ibang iba sa rate na ibibigay nila sa yo kapag sakaling na kontakt mo na nga sila?

Bakit pa ang mga descriptions ng mga resort rooms e parating may kasaling ‘could accommodate up to 6 persons’ e mantalang dalawang kama lang naman ang laman nung kwarto? May extra banig siguro πŸ˜€

Bakit pa may parating ‘bawal magdala ng pagkain sa loob ng resort’ samantalang parati namang may nakakasingit na may dalang kapiknikan?

At eto pa malupit ‘bawal kumain sa loob ng kwarto’, naku, pano naman kaya nila makikita? Hahalukayin nila yung basura?

Bakit kaya kung ipagbawal nila ang pagdala ng pagkain e sabihin na lang nila na ‘dito dapat kayo bumili at mag order ng pagkain sa resort namin kasi kung hindi ay wala kaming kita.’ Magprangkahan na lang tayo.

Last but not the least, bakit nakakapikon mag book online, hmp.

Advertisements

16 mga puna »

  1. Hi Ate Kengks, mukhang hindi pa okay ang online customer service dito sa Pinas. Kung may maitutulong kami sa pagtawag-tawag sa mga resort, sabihin mo lang. πŸ™‚
    kengkay: hay, hugs to you, jayme. salamat sa pagtaas ng kamay sa tulong. kinulit ko kanina yung sister ko na halos hindi na nakatrabaho dahil ka chat ako at hawak telepono kausap yung mga resorts, hehe. sayang ano, maganda pa naman mga beaches sa tin pero kulang talaga sa costumer service.

    Komento ni Jayme — Enero 10, 2008 @ 10:06 umaga | Sagutin

  2. nyay dami namang bawal nyan! buti inde bawal magsaya? ahehe oo nga mamakengz, baka may maitulong kami? sugurin namin yan πŸ˜€ mas ok na makausap mo talaga kesa sa online ka magpareserve, low-tech pa kami d2 πŸ™‚
    kengkay: kaka frustrate talaga tapos ang daming magandang beaches na walang websites din 😦 salamat sa tulong πŸ˜€

    Komento ni lilmiz — Enero 10, 2008 @ 3:06 hapon | Sagutin

  3. Tama kengks, patulong ka na lang ng nasa ‘pinas, sila kumontak dun kasi maiinis ka lang lalo at katulad ng sabi mo paiba-iba ang sinasabi sa presyo at kung anu-ano pa. At least dun mapapa-confirm nila at puwede nilang tawagan ng tawagan yung opisina. Saka baka maka-discount pa. πŸ™‚
    kengkay: kung gusto ko ng discount dapat ako ang tumawag kaso mo naka discount nga ako, ang mahal naman ng bayad sa telepono, talo rin, waaahhh

    Komento ni Kiko Matsing — Enero 10, 2008 @ 4:12 hapon | Sagutin

  4. hey, take the opportunity, maraming nag-uofer ng tulong, ang mahal pa naman ng overseas call from germany to philippines (yun nga lang, dapat meron sila pasalubong, but what the heck if they can really help you big time). experience ko nun sa puerto galera when i worked sa 1 resrt, me mga pnoy na pa book 4 pero 40 pala. pero teka, baka booking opis lang yun at di mismo resort?
    kengkay: aha, isa ka rin palang hotelier, asa dugo ko rin yan πŸ˜€ tama ka, minsan pag book ng isang room tapos pati bathtub may matutulog, hehehe. patakas lahat. nope, direct mismo sa sales office yung mga kinontact ko e.

    Komento ni partofyou — Enero 10, 2008 @ 4:21 hapon | Sagutin

  5. Bakit nga ba ganun? hehe… Kung nasa pinas lang ako tinulungan na kita ate, mas madali talaga kasi kung mula doon sa atin ang kokontak sa mga resort na yan.
    kengkay: misyel, eto pang hugs sa yo. salamat sa tulong. bukas kulitin ko ulit yong sister ko kasi gusto ko na matapos e. pati pag blog at pag blog hop di ko na maasikaso, hehehe

    Komento ni MisyeL — Enero 10, 2008 @ 4:40 hapon | Sagutin

  6. kaloka, mami kengs. mahirap nga magpa-book online. ewan, dapat hassle-free na kaso, mas nakaka-stress ata. hehehe.

    ayan madami nang pinoy bloggers na willing tumulong! ^_^ tama, mas magandang personal na lang na may kumausap dun. mahirap kapag nakauwi na kau, eh wala pa palang reservations…
    kengkay: hay karmi, kaloka talaga. ewan ko kasi sa ibang bansa naman ok mag book online, pero sa pinas, waaahhh. mamuti ang mata mo ka antay!

    Komento ni karmi — Enero 10, 2008 @ 8:19 hapon | Sagutin

  7. Ang kulit no? yan ang problema sa advertising ng hotels. Minsan sobrang exagerated to the point na misinformation na ang nangyayari. nakakapag-init ng ulo.
    kengkay: sa tingin ko kasi sa atin hindi pa rin nila consider na importante ang tutukan ang online booking e. dami rin kasing lokoloko online

    Komento ni iceyelo — Enero 11, 2008 @ 12:05 umaga | Sagutin

  8. tsk tsk tsk… sales talk yan, mare… sales talk. πŸ˜•
    pero ayan, andami nag-ooffer ng tulong. dapat talagang maagapan yang reservation.
    kengkay: tama ka sales talk. tuktukin ko sila sa ulo, ahahaha

    Komento ni homebodyhubby — Enero 11, 2008 @ 1:02 umaga | Sagutin

  9. mami kenkgs relax ka lang,, dapat talaga sa pinas na kayo mag inquire kasi mahirap talaga kausap ang mga yan…. tsk tsk
    kengkay: tama ka nga dyan, kapag wala talaga, sa pinas na ako mangungulit

    Komento ni brath — Enero 11, 2008 @ 2:10 umaga | Sagutin

  10. hindi bale, pag ako nagtayo ng hotel, sisiguraduhin kong maasikaso kita at ang iyong pamilya. – Don Raymond. ^^
    kengkay: uy, don raymond – prends tayo ha, beri close prends πŸ˜€

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 11, 2008 @ 4:15 umaga | Sagutin

  11. naku sis, present din ako pag dating sa mga gnyan gnyang tulong. sa reservations nlang eh, yakang yaka ko yan. makulit ako. i do weddings for a living. coordinator, planner at organizer ang drama ng lola mo. lahat ng mga bookings ng aking mga hinahawakang kinakasal eh ako humahawak. just let me know how i could be of help. para di ka msyado mawindang. mahirap tlaga yan, i can only imagine ur frustration. anlayo mo, there’s no sense of control and assurance. let me know. πŸ™‚
    kengkay: wawww, andyan ka lang pala sa tabi ko, dear jennie! sige nga, kapag hindi pa ako nakakuha ng siguradong booking, kakatukin kita sa bahay mo. salamat sa tulong ha.

    Komento ni jenaspacio — Enero 11, 2008 @ 4:18 umaga | Sagutin

  12. marami ka ng help ate kenks. ako naranasan ko na mag book online sa Hilton Cebu, nagkamali ako ng booking, then I emailed back for amendment, after 30 mins reply agad sila, then so on and so forth. After a few exchange of emails in 5 hours, ayos na, di pa ako na-charge kase pagnag book ka at may changes man they will charge one night.

    kung talagang wala ka ng mapagbookan, try Hilton Cebu. (ni-promote pa eh, hihi).
    kengkay: naku, at talagang nag promote pa, ahahaha. di bale, kapag sa sunod e balak namin sa boracay o kaya sa cebu, i will check about hilton.

    Komento ni Banana — Enero 11, 2008 @ 5:32 umaga | Sagutin

  13. hindi pa nga maayos ang sites ng mga resorts/hotels, etc…
    i would’ve offered din mommy kengks, but you know naman, height na ng excitement ko… major busy bee na ako… nakasingit lang ako ngayon dito kse nasa ofis, inaantok mag-trabaho kaya’t blog-hop muna… hehe…
    kengkay: oks na yon, salamat at may time ka pang bumisita.

    Komento ni antuken — Enero 11, 2008 @ 6:38 hapon | Sagutin

  14. wala ako ma say, basta inggit lang aketch at philippine beauty ang kenkay soon!
    kengkay: kayo kelan naman? grabe, alis na alis na nga ako e

    Komento ni lovelyn — Enero 12, 2008 @ 9:10 umaga | Sagutin

  15. teka sino ba yang mga tinawagan mo at ipapadala ko sa kanila ang sulat na to hahaha. ewan ko, pareho tayo mommy kengks, yan ang problema dito sa atin kung minsan, puro pangako laging napapako. kulang sa customer service. hmmmm….
    kengkay: wala kamo pangako, wala ni ha o kaya ni ho – hohum πŸ˜€

    Komento ni Ambo — Enero 14, 2008 @ 1:44 hapon | Sagutin

  16. haha, feeling close ha. dont be so close, baka mamaya, malaman mo ang big secret ko… at lalo ka pang lumapit sa akin. nyahaha!
    kengkay: don raymond, basta may resort ka, pagpipilit ko sarili ko sa yo, hehehe

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 14, 2008 @ 9:02 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: