Kwentong Kengkay

Enero 15, 2008

Kaibigan…

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Hmmmm,Kaibigan,Seryus — kengkay @ 3:51 hapon

Nakakailang isipin at sempre, naka-abala ng katahimikan ng aking isipan na ang isa ko palang tinatanging nanay-nanayan at mabuting kaibigan ay matagal ng may sama ng loob sa akin.

Ang layo na ang distansya namin, mula Asya hanggang Oyropa. Pero pilit kong dumaraan sa kanya kapag napadpad kami sa Asya. Basta maka-kamustahan at makapiling ng kahit na ilang oras lamang. Kasi mahal ko ang kaibigan kong yon e. Andun na nga lang, bakit hindi pa siya bigyan ng oras para makasama, di ba?

Pero hindi ko alam na sa mga ilang beses ng papalit palit namin ng emails, at mga bilang na oras na pagbisita kung asa Asya man kami ay may kinikimkim pala syang sama ng loob sa akin. Sempre, normal na sa mga kaibigan ang magkaron ng sikreto di ba? Meron din kaming ganon. Sabi ko sikreto edi sikreto. Kahit na kay kengkoy, hindi ko sinasabi. Di ba dapat sa asawa mo wala kang tinatago? Pwes, kapag tungkol sa kaibigan ko, pwede kong isikreto kay kengkoy lalo pa kung request ng kaibigan ko yon.

Medyo sumama ang loob ko; kasi sa ibang tao ko pa nalaman at kanina ko lang nalaman. Ako daw ang nagkalat nung sikreto nya; sabi nung mga naiwang kasamahan namin. Ito namang kaibigan ko, nilunok na lang na ganon. Pinatawad na daw nya ako kasi daw mahal nya ako. Pero si kengkay, hindi papayag ng ganon lang. Lintek naman, ilang taon na ba akong wala sa piling nila? Tapos ako pa daw ang nagbulwak nung sikretong yon.

Hindi yata tama yon. Hindi man lang ako nagkaron ng pagkakataon para ipagtanggol ang sarili ko kahit na napatawad na ako. E wala naman akong kasalanan.

Kaya anong gagawin ko? Pwes, itatago ko muna sya sa kailaliman ng aking isipan. Hindi itong isyu na ito ang magiging dahilan ng kawalan ng tulog, kawalan ng appetite at kawalan ng gana ko sa buhay. Meron syang oras para sa akin. Hindi ngayon. 

Wala akong paraan para ipagtanggol ang sarili ko ngayon dahil nasa malayo ako. Pero kapag nakaharap ko na itong kaibigan ko kay sasabihin ko sa kanya ang totoo… wala akong sinasabihan, joke man o hindi. Nakakalungkot na naniwala sya sa mga paratang ng ibang tao, pero kahit ano pa man; mananatili syang kaibigan ko. Yun na nga lang, makakarinig sya sa akin.

Kaya kayo kung may sama kayo ng loob sa kaibigan nyo, bakit nyo kailangang itago? Mag usap kayo. Lintek na, ilabas lahat ng gusto nyong ilabas. Hindi yung sa harap nyo okay tapos hindi naman pala. E kayo din ang talo nun. Sakit lang ng ulo yon. Ilang taong inipit yang nung kaibigan ko. At ako, nalaman ko yan kaninang umaga… Nung natapos ang usapan, kinalimutan ko muna. May mga ibang bagay na dapat mauna sa isipan ko. Ngayon nilabas ko muna sa blog ko para naman lalong gumaan ang pakiramdam ko.

Sa inyong mga nagtiyagang mag-basa, salamat. At sana, may natutunan din kayo. Kapag nakakasama ng loob, dapat nyong ilabas. Dun sa mismong tao na dapat nyong kausapin at hindi sa ibang tao. One on one. Kaibigan…At oo, kung mabasa mo man ito, mahal pa rin kita katulad ng sinasabi mong mahal mo rin ako. Pero humanda ka talaga sa akin pag nagkita tayo…ipapakita ko sa yo kung gaano kita kamahal, pramis.

Advertisements

15 mga puna »

  1. Ako nag tyagang magbasa Mommy kengks at ako ang una ngayon! Yahoo! Napakasarap mo naman maging kaibigan at napakasakit ngang isipin ang nangyari sa ginawa ng kaibigan mo. Mas mainam ngang makausap mo sia ng personal kung may pagkakataon para maging malinaw at maipakita mo sa kanya ang tunay mong damdamin. Isa sa pinakamainam mong gawin ngayon ay ipagdasal ang kaibigan mo at pagiging magkaibigan nyo. Malay mo di mo sia nakakausap, magkaroon ng himala at umamin siya sa tunay na mga nangyari. Wala namang imposible kay Lord di ba. Don’t worry Mommy Kengks we’re here for you. Muah!
    kengkay: masarap ilabas para mawala na sa siksik ng utak di ba? salamat ambo. kaya naman labs na labs kita e.

    Komento ni Ambo — Enero 15, 2008 @ 4:13 hapon | Sagutin

  2. oo nga, di maganda yun ginawa ng friend nyo mamakengkz. masama loob nya sa maling akala. sayang lang yung sama ng loob nya ahehe. ayoko din talaga makipagplastikan. kung ayaw ko yun tao, di ko na lang pinapansin lolz! sana po magka-ayos na kayo 🙂
    kengkay: maganda talaga na pagusapan muna lahat bago magtampuhan

    Komento ni lilmiz — Enero 15, 2008 @ 5:35 hapon | Sagutin

  3. masakit tanggapin na antagal nya rin palang parang nagkunwari sayo. yung maling akala nya, tuloy naalagaan nya pa nang husto. nakakaiyak ang ganito. malamang may IBA pa syang napagsabihan ng kung anong sikreto nyang yon, bukod sayo — at baka gusto lang sirain ng IBANG yon ang pagiging magkaibigan nyo.

    yes… huwag muna ngayon. tama ka, someday bigyan mo ng time, sulatan mo uli. pag hindi pa sya naniwala, nasasakanya na yun. basta malinis ang konsensya mo.

    tama ka, dapat talaga sa magkakaibigan, transparent sa bawat isa.
    kaya kengks, ikaw man ha? maski hindi pa tayo ganun ‘ka-close’ , pag may nababanggit ako sa blog ko o saan mang mga comments ko sa blog ko, dito sa blog mo, o sa blog ng iba na sukat ika-offend mo — sabihin mo sa akin ha? may e-mails naman. 😉

    minsan kasi i have the tendency na maging parang “over familiar” sa mga taong nagiging MALAPIT SA LOOB ko, kaya minsan medyo maharot ako magbiro.
    but God knows i have no intention of hurting any PARTICULAR somebody sa mga pino-post ko (maliban na lang siguro kung nauna syang “mang-away” sa akin kahit hindi ko naman inaano).

    ikaw pa, na pinakakilala kong hindi “warfreak” sa mga bloggers dito. 😉
    kengkay: naku, maririnig mo kaagad ako kapag nagkaganon, hehe. kahit na gano kalayo ka pa.alam mo bang friendship na nakukuha mo sa blogging would seem to be the best kasi you accept the person by just reading what she or he’s written kahit na hindi mo alam kung ano itsura nya, kung babae lalake bakla tomboy or not sure man ang kasarian nya, kahit na panay rants ang blog nya or kakulitan, kung saan man sya galing, etc. basta kasi you accept at believe… yun lang

    Komento ni homebodyhubby — Enero 16, 2008 @ 1:46 umaga | Sagutin

  4. pahabol pa. right! mas maganda rin kung makakausap mo sya nang personal pag-uwi mo. 😀 take whatever the cost tutal kaibigan mo ito. i know hindi ka naman haharap sa kanya nang hindi ka handang-handa. 😉 you’re so cool, alam ko. 🙂
    kengkay: nagpalitan na kami ng email 😀 at bibilhan na nya ako ng pasalubong, ahahaha… at sempre, kailangan ko pa rin sabihin sa kanya ng mata sa mata na wala akong kinalaman.

    Komento ni homebodyhubby — Enero 16, 2008 @ 1:52 umaga | Sagutin

  5. Take your time about things like this. hindi to nakukuha sa sa biglaan mommy kengks
    kengkay: tama ka rin, kaya dapat pinagiisipan muna akung ano ang sasabi at hindi basta lang sugod ng sugod

    Komento ni iceyelo — Enero 16, 2008 @ 2:03 umaga | Sagutin

  6. ang sama ng loob, parang jebs… mahirap dalhin lalo na pag naipon sa loob, pag nilabas mo, umaalingasaw, pero bandang huli, lilipas din at mapapalitan ng sariwang hangin…

    that’s one shitty theory for ya!
    kengkay: that’s stinking true 😀

    Komento ni Lenggai — Enero 16, 2008 @ 2:03 umaga | Sagutin

  7. ate kengks… ganyan tlaga.. ako rin my ganyang nangyari skin.. hindi na rin nila ako nkakapiling tapos ako pa nadiin.. deefungal nga cla eh… pero frends pa rin naman kmi… lam naman tlaga ni lord yun… my ganun tlagang tao… dhil mas malayo k sa knila.. yung hindi salarin ang gingawang suspect para di mxado mhaba ang storya… basta un.. un… basta ingats lagi.. god bless..
    kengkay: naku, naka relate ka pala. alam mo nung bata pa ako, wala akong pakialam kung may magalit sa akin o hindi. tawag nga sa akin ng mga barkada ko bato daw ako kasi kahit na minsan anong parinig nila e hindi man lang daw ako nag re-react basta nasabi ko ang nasabi ko. pero sempre kapag tumanda ka na, you realize na minsan mali din yon. kasi may taong nasasaktan din kapag sinabi mo ang totoo ng bulgaran..so ngayon, subtle na ako pero nagsasabi pa rin ng totoo, hehe

    Komento ni repah — Enero 16, 2008 @ 3:38 umaga | Sagutin

  8. wel, pag as in friends nmn talaga, madali na once na nkpag usap na…

    sa isang banda, test din yan sa frienship nyo and a proof na inde sa ganun lang matitinag ang love nyo sa isat isa…
    kengkay: sang-ayon ako sa yo mine. kapag tunay na kaibigan, mananatiling tunay na kaibigan.

    Komento ni koreanmine — Enero 16, 2008 @ 3:46 umaga | Sagutin

  9. ang sekreto, nabubunyag yan.
    kahit itago, di mo kayang i conceal (ikanga)

    hama: paulit-ulit ka naman!
    foo: oo nga, get to the point!

    ok ok… kulet nyo hama at foo ah.

    eherm.

    in short:tama ka. pag naglabas ka ng sama ng loob, dapat direct to the point. direct to that person. period na nga.

    hama: walang kwentang comment
    foo: oo nga, no value at all!
    raymond: SHADAAP!
    kengkay: don raymond, sino si hama? ang iyong dakilang mayordoma or butler, hehehe. dapat deretso at walang pakulikuli kundi e nabakli agad yon

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 16, 2008 @ 4:44 umaga | Sagutin

  10. kakalungkot naman. pero pag malalim ang samahan bilang magkaibigan, sana pagtagal-tagal pagtatawanan nyo na lang ang nangyaring ganun sa inyo.
    kengkay: actually pinagtawanan na namin pagkatapos ko pa lang malaman yon, sa email at chat – pero iba pa rin ang harapan, di ba 🙂

    Komento ni Salve — Enero 16, 2008 @ 4:58 umaga | Sagutin

  11. …ang hirap tanggapin na napatawad ka na nya pero you have no effing idea na me kasalanan ka pala sa kanya noh?
    …korak ka, kung ano nafefeel dapat iparating agad sa taong concerned…pag umalma, di mo na kasalanan yun.:p
    kengkay: erm sommer, i hear you 😀 salamat, pinarating ko na, hehe

    Komento ni sommer — Enero 16, 2008 @ 10:18 umaga | Sagutin

  12. nagtiyaga ako..hinigal…….napagod..lols..ok lang yun mami kengks..as long as malinis konsensya mo…di ba??…..ako may sama ng loob sayu..lols…be happy mami kengks!
    kengkay: masama pa loob mo dun e invited ka na nga kay jollibee at may dance number ka pa, hehehe

    Komento ni Maldito — Enero 16, 2008 @ 4:20 hapon | Sagutin

  13. “Kaya kayo kung may sama kayo ng loob sa kaibigan nyo, bakit nyo kailangang itago?” btw, i was just browsing here… net surfing! tungkol sa entry mo, hinde ko pa nakausap pa nor na email. i changed my number lang and that was it… never ko nasabi ano naramdaman ko… never ko siyang tinanong baket nagawa niya yun sa aken… maybe hinde sya true friend ko?

    i want to add your link sa website ko kung okay lang sayo! Thanks… andyan yan ang entry… 🙂 kung baket!
    kengkay: alam mo, mas maganda kasi talaga kapag magusap ng matino. dinagdag ko yung matino kasi minsan usap nga pero asaran lang, wala ring patutunguhan yon. kapag ok na ulit ang site ko, will add you to my list. kainis kasi hindi ko alam kung pano i repair to e

    Komento ni NJ — Enero 17, 2008 @ 6:36 hapon | Sagutin

  14. mami kengks…naiingit na ako..cge pa…..kunting pa inggit pa at baka luawas na talaga ako ng cebu papaunta diyan para sa EB na yan…huhuhu…mami kengks naman eh!!kaninis.
    kengkay: oops, talaga, pramis yan? konting pilit na lang e luluwas ka talaga? pilit pilit pilit 😀

    Komento ni Maldito — Enero 18, 2008 @ 1:43 umaga | Sagutin

  15. hi think positive knalang, my god!!!

    Komento ni crizzy — Enero 21, 2010 @ 1:16 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: