Kwentong Kengkay

Enero 16, 2008

Listahan

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay,Palaway,Panlasa,Pinas — kengkay @ 12:31 hapon

Eto ang listahan ng mga little kengkays kung ano ang gusto nilang bilhin at gawin sa Pinas…Narinig ko lang ito kahapon habang nagkukulitan ang magkapatid at sempre, nilista ko rin ๐Ÿ˜€

1. Gusto daw nila ng tig-isangย tabo na kulay pink.

2. Dapat daw may Fita para sa snacks nila

3. Kakain daw sila ng maraming kulay pulang hotdog (purefoods ibig sabihin nila)

4. Maliligo daw sila araw araw sa swimming pool (wala kaming swimming pool sa Pinas, hehe)

5. Sana daw umulan kapag asa Pinas kami kasi matagal ko ng pramis sa kanila na maglalaro kami sa ulan kahit gaano katagal nila gusto. (hindi kasi pwede dito maglaro sa ulan dahil super lamig, brrrr)

6. Gusto nilang balikan yung rides sa may CCP, yung games sa ilalim ng SM megamall, yung carousel sa Shangri-la.

7. At wag kalimutan daw na makipaglaro ng jackstones, taguan, takbuhan, pikoย at pen pen de sarapen sa kanilang mga pinsan.

8. Gusto nilang laruin din yung pusa ng lola nila. (kahit na takot silang makalmot)

9. At eto ang highlight ng Pinas trip para sa kanila,ย ang party sa Jollibee ๐Ÿ˜€ (kahit na hindi nila birthday e nag birthday party kami para sa kanilang dalawaย nung huling uwi namin sa Pinas at kahit naย super enjoy sila sa games at show,ย natakot ang dalawa kay Jollibee; ngayon daw hindi na sila takot, pramis daw yon)

Simple lang di ba?

Advertisements

30 mga puna »

  1. ankyut kyut naman ng to do list ng mga little kengkays =)
    tabong pink, pulang hotdog!!! LOL katuwa talaga ang mga bata
    kengkay: kaya nga nung naririnig ko sila naki usyoso na ako eh, hahaha

    Komento ni pusa — Enero 16, 2008 @ 12:44 hapon | Sagutin

  2. nakakatuwa talaga mga bata. it takes so little to make them happy. nagiging mas complicated ang happiness habang tumatanda.
    kengkay: right pao ๐Ÿ˜€ kapag bata ka pa, simple lang ang buhay pero high na high na, pero kapag tumanda na, sa dami ng nakikita e natatabunan na yung enjoyment sa buhay

    Komento ni pao — Enero 16, 2008 @ 1:29 hapon | Sagutin

  3. ahehe oo mga simple bagay lang ๐Ÿ™‚ nasisiyahan na pala sila sa ganyan, nice ๐Ÿ˜€
    kengkay: basta yung tabo talaga number one

    Komento ni lilmiz — Enero 16, 2008 @ 1:32 hapon | Sagutin

  4. mami kengks…pwde makijoin sa party ninyu kay jolibbe?wahahhaa……cute naman ng mga bata mo mami kengks
    kengkay: aba oo naman basta may dance number ka with jollibee. luluwas ka ba, hehehe

    Komento ni Maldito — Enero 16, 2008 @ 4:16 hapon | Sagutin

  5. talagang nakaplano nang lahat ha? hehe…
    sana nga umulan maski minsan lang pag nandito na kayo. sarap yata maligo sa ulan. ako man naliligo sa ulan maski dito sa 4th floor lang. medyo ingat lang ako pag may kulog at kidlat. ๐Ÿ˜›
    kengkay: naku, planong plano na at alis na alis na ako… sana talaga umulan, ilang taon ko ng pramis sa kanila yon e. kaso ayaw bumigay ng ulan, hahaha

    Komento ni homebodyhubby — Enero 16, 2008 @ 5:33 hapon | Sagutin

  6. Gagawa na nga rin ako ng listahan. Invite mo ‘ko pag nagpa-jollibee ka ha? ๐Ÿ™‚
    kengkay: uy, oo sama mo yung mga kiddies mo sempre. calling calling na lang tayo. malapit na kayo umalis!!

    Komento ni Kiko Matsing — Enero 16, 2008 @ 11:24 hapon | Sagutin

  7. waw i feel like being a child again ๐Ÿ˜€ inggit ako sa mga girls mo, may jollibee party! sa EB ba isasama mo sila? kung pwde magsama ng kids, sama ko din sakin! hehe
    kengkay: uy ris, oo, isasama ko ang buong pamilya sa EB sempre naman sama mo din si little ris mo, heheh

    Komento ni ris — Enero 16, 2008 @ 11:57 hapon | Sagutin

  8. ang cute naman ng mga requests nila! ako na ang bahala sa tabo, hehe
    kengkay: aba don raymond, pink na tabo, ahahaha

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 17, 2008 @ 12:43 umaga | Sagutin

  9. paki edit na lang, etong url ng carousel para makita nila.

    pass na muna ako sa tabo


    kengkay: naku matutuwa yon sa carousel na to. oks lang yung tabo at naku kailangan e sila ang mimili ano kundi baka gawing pana yung tabo, ahahaha

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 17, 2008 @ 12:44 umaga | Sagutin

  10. Wow, talk about simple joys. ๐Ÿ™‚

    Kids are really angels.

    May date na ba for the EB?
    kengkay: hi jayme, feb 24 tayo around ortigas. hindi ko pa alam kung saan e.

    Komento ni Jayme — Enero 17, 2008 @ 2:44 umaga | Sagutin

  11. kahit simpleng mga bagay lang yan, siguradong masayang-masaya naman sila dyan. ๐Ÿ™‚

    karamihan yata ng bata takot kay jollibee na mascot. yung isang pamangkin ko, sabi samin, ang gusto nya daw behave lang si jollibee, ibig sahin yung istatwa lang at di gumagalaw! ๐Ÿ˜€
    kengkay: hahaha, behave na jollibee. ewan ko lang kung hindi na sila matatakot, minsan kasi sobrang harot din ni jollibee e, ahahah

    Komento ni Salve — Enero 17, 2008 @ 3:48 umaga | Sagutin

  12. ang laki kasi ng mata ni jolibee eh hehehhe
    kengkay: sa tingin ko kasi ang laki tapos ang harot pa, lalo na kapag sumasayaw sya, di ba

    Komento ni Rhapsody — Enero 17, 2008 @ 4:07 umaga | Sagutin

  13. haha! ang cute naman nila! opo ate kengks, simple lang. ๐Ÿ™‚
    kengkay: simpleng simple lang masaya na sila, masarap talaga maging bata ๐Ÿ˜€

    Komento ni weng — Enero 17, 2008 @ 5:07 umaga | Sagutin

  14. Hindi lang pala adults ang may To Do list no? Sana pwede akong sumama sa inyo, makikisali ako sa lahat ng activities ๐Ÿ˜€ Purefoods TJ, Fita, malls, swimming, mahilig din ako sa lahat niyan… at hindi ako takot kay Jollibee!!!

    Have a blast with your girls!
    kengkay: pwede nating gawin ang iba dyan sa listahan dito sa oyropa ๐Ÿ˜€ sana matuloy na yung pippi visit namin soon!

    Komento ni Christianne — Enero 17, 2008 @ 7:35 umaga | Sagutin

  15. hindi naman sila demanding… sagot ko na ate kengks yung pink tabo at yung fita…

    basta kontakin mo ako pag nasa pinas na kayo!!

    kelan ba kayu huling bumisita dito
    kengkay: huy, talaga, ikaw na taya? sabihin ko sa mga little kengkays. salamat ha. mag PM ako sa yo later. last uwi namin nung 2006 ๐Ÿ˜€ at sira na yung pink tabo nila kaya kailangan na ng bago ๐Ÿ˜€

    Komento ni kingdaddyrich — Enero 17, 2008 @ 9:24 umaga | Sagutin

  16. hehe di bday pero may bday party ๐Ÿ˜€ ayus ๐Ÿ˜€ ganun usually mga bata takot sa mascots pero pag mejo lumaki laki na nawawala kaya malamang na di na nga matatakot ang mga li’l kengkays ๐Ÿ˜€
    kengkay: naku sana nga hindi na sila matakot kay jollibee ano. oo, may birthday party sila kahit hindi birthday kasi dito hindi naman namin magawa yang ganyan e. number wan kasi walang ganyan dito, ehehe. kung meron man, pagkain at surprises lang. tapos number two, napakamahal. at number three, walang yung mga pinsan, kamag anak at mga kapitbahay at kabaranggay, hehehe

    Komento ni koreanmine — Enero 17, 2008 @ 10:59 umaga | Sagutin

  17. What a cute list, Keng! Simple joys lang talaga (except for maybe the pool).
    See you soon!
    kengkay: yung pool kahit na nga malaking batya na may tubig e masaya na rin sila dun, hehe. see yah!

    Komento ni megamomph — Enero 17, 2008 @ 4:23 hapon | Sagutin

  18. kelan ba kayo uuwi? join ako sa party. pramis, hindi rin ako matatakot kay jollibee.. ๐Ÿ˜€
    kengkay: hahaha, kapag di ka takot kay jollibee, edi invited ka na. WPP EB natin e sa feb 24 na

    Komento ni jeckyll27 — Enero 17, 2008 @ 10:09 hapon | Sagutin

  19. awww nakakatuwa naman ang mga gusto ng iyong tsikiting bakit kaya paborito nila si Jollibee? yung anak ko mas gusto si Mc Donalds eh hehehe never kami nakain sa Jollibee kasi ayaw nya. Kelan nga pala trip papuntang pinas? exciting naman at uuwi sila.
    kengkay: alam mo kung bakit nila nagustuhan si jollibee? kasi nga dahil sa birthday party atmosphere nung unang punta namin sa jollibee store. kaya ngayon favorite na talaga nila si bee!

    Komento ni scart — Enero 18, 2008 @ 2:46 umaga | Sagutin

  20. unang una po, buti at kaya ko nang basahin yung blog mo uli (last silip ko kasi ay puro itim lang lahat)

    pangalawa, ansaya maging bata ano, simple lang ang mga hangarin sa buhay? hehe… pa-experience mo rin sa kanila ang pagkain ng taho, bayabas, kamias, at kropek ๐Ÿ™‚
    kengkay: uy taroogs, kainis nga e, pati ako hindi ko mabasa itong site ko. until now under repair pa rin nga e. uy, gusto nila ang taho pero ayaw nila ng maasim e. sempre kropek gusto nila yon, hehe. pati nga yung chicharong baboy, ensaymada at hopia e!

    Komento ni taroogs — Enero 18, 2008 @ 9:01 umaga | Sagutin

  21. awww they’re so cute!!! tama nga si taroogs ang saya maging bata.
    kengkay: simple lang masaya na sila ano...

    Komento ni NJ — Enero 18, 2008 @ 3:25 hapon | Sagutin

  22. hahhaha

    natawa ako sa tabong PINK…kase ganun ang tabo namin eh…o sya sya pag nag EB mami keng bilhan ko sila ng FITA…lol

    ang kyut kyut ng mga little kengkays na yan…nakaka gigil!!! nakakatuwa kase PINAY NA PINAY BY HEART sila…KENGKAY NA KENGKAY!!! supermom ka talaga!
    kengkay: huy, hindi ako makapag iwan ng comment sa blog mo. feeling lurker tuloy ako. bakit kaya? anyway, kakatuwang makinig ng sikreto nila, ehehe. nagblush naman ako sa supermom na yan ๐Ÿ˜€ tenks!

    Komento ni chuvaness — Enero 18, 2008 @ 7:51 hapon | Sagutin

  23. teehehe aliw mga chikiting patrol mo mi kengs!!andaming demands hahaha sarap pauwi din si beng! hala iwanan nyo na sausage land??tamang inggit lang ako hehe enjoy enjoy na lang
    kengkay: ganun? si beng uwi din. naku, sana magkita kami ๐Ÿ˜€ e ikaw, kelan uwi mo naman? anong pasalubong gusto mo? pulang sausage, hehehe

    Komento ni cheh — Enero 18, 2008 @ 9:44 hapon | Sagutin

  24. ang galing mo naman ng mga chikiting mo kengks at ang dami pang gustong gawin sa atin!! ayos yan para naranasan din nila kung ano meron sa atin! ๐Ÿ˜‰
    kengkay: grabe, busy na nga agad sila wala pa sila sa pinas, eh hahaha

    Komento ni dhez — Enero 20, 2008 @ 10:39 umaga | Sagutin

  25. Inggit naman talaga ako sa mga little kengkays. Sama ako. Kahit baby-sitter…
    kengkay: hahaha, kelan ba huling uwi nyo sa pinas? sana magkita rin tayo sa sunod

    Komento ni MarysMom — Enero 20, 2008 @ 5:31 hapon | Sagutin

  26. You’ve got the sweetest kids! You are living a charmed life, mamu! ๐Ÿ˜€

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    kengkay: thanks joy.. sweet di ba

    Komento ni joy — Enero 20, 2008 @ 8:22 hapon | Sagutin

  27. uy kengks lapit na pala uwi mo sa pinas..obvious na maganda pagpapalaki mo sa mga kids mo..simple lang ang gusto. ngyon lang ako nakarinig ng party sa jollibee kahit hindi nila birthday..hehe!
    kengkay: tenks gasti. takang taka rin yung mga asa jollibee nung sinabi kong wala namang may birthday kundi parti partihan lang, hehehe. masarap ipatikim sa kanila kung papano mag party sa pinas e kasi iba talaga

    Komento ni gasti — Enero 21, 2008 @ 11:29 hapon | Sagutin

  28. hay, kakatuwa naman itong mga chikitings mo sis! ๐Ÿ™‚
    kengkay: from the mouth of the babes talaga

    Komento ni jenaspacio — Enero 22, 2008 @ 9:51 umaga | Sagutin

  29. […] ni Kengkoy Kung ang mga little kengkays may listahan ng gusto nilang bilhin at gawin sa Pinas, si kengkoy din […]

    Pasa ni Listahan ni Kengkoy « — Pebrero 10, 2008 @ 7:40 hapon | Sagutin

  30. nakakatuwa naman yong pink na tabo…hehehehehehe…lam mo ba, minsan kahit sa hotel naghahanap ako ng tabo ๐Ÿ™‚
    kengkay: hahaha, kaya yung mga glass dun sa bathroom ng toilets i dont use them kasi minsan nagiging tabo yon e, ahahaha

    Komento ni nina — Pebrero 12, 2008 @ 4:51 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: