Kwentong Kengkay

Enero 20, 2008

Isa pang Hirit Pinoy

Pumapagaypay talaga ang galing ng Pinoy dahil sa Austria naman, ang nanalo sa talent show na Musical: Die Show ( Musical: The Show) ay isang 22-year old na Pinoy na si Vincent Bueno, natamo nya ang 62,5 na boto.

Si Vincent Bueno, na nakatira sa Vienna, ay nag aral sa Vienna Conservatory of Music. Sabi nya, ang panalo nyang 50,000 Euro ay gusto nyang gamitin sa music, “Magbibigay ako ng tulong. Isa akong Pinoy at alam kong mas maganda ang buhay ko dito. Sa Pilipinas, may mga batang natututong mabuhay kahit na maraming kakulangan sa paligid. Alam ko kung ano ang kaya ko, kaya naman tutulong ako; kahit sa ano pa mang paraan. “Ich will helfen! Ich bin gebürtiger Philippino und ich weiß wie gut es mir hier geht. Auf den Philippinen gibt es Kinder, die nicht einmal das Geringste von dem haben, was ich hier habe und eben deswegen möchte ich gerne helfen – egal wie”.

Kung medyo tagilid yung translation ko e pagpasensiyahan nyo na. Basta gusto ko lang ipahatid itong si Vincent, kung paano nya pinagmamalaki ang pagiging Pinoy nya. Kung papanong ang unang salita na lumabas sa bibig nya pagkatapos manalo ay ang tumulong sa Pilipinas. At sana maging matagumpay sya, hindi lamang sa pagiging musical hero kundi pati na rin sa nais nyang magbigay ng tulong sa ating mga kapatid na nangangailangan. Mabuhay ka, Vincent and saludo ako sa iyong mga magulang dahil sa pagkakaron ng anak na katulad mo.

Kung nasa Austria kayo, mapapanood nyo si Vincent sa “The Best of Musicals” simula ngayong darating na ika 5 ng Marso. Iikot sila ng Austria at sana, magkaron ako ng pagkakataon na makapanood rin tutal naman e kapitbahay lang namin ang Austria.

Makikita nyo ang buong istorya, ang kanyang mga litrato at mapapanood ang mga video sa Kleine Zeitung.

Advertisements

10 mga puna »

  1. Magaling nga ang Pinoy. Baka sa susunod balita ko may sisindak na isang magaling na Pinoy sa Alemanya – ino kaya yon?

    Happy New Year po. Matagal din akong nawala kung natatandaan nyo pa po.
    kengkay: naku kung sa alemanya, medyo magantay pa ng konti sa mga little kengkay, ahahah. showbiz mom 😀 oo naman, blogoloco, welkam back!

    Komento ni Win $250 — Enero 20, 2008 @ 11:31 umaga | Sagutin

  2. […] Isa pang Hirit Pinoy Pumapagaypay talaga ang galing ng Pinoy dahil sa Austria naman, ang nanalo sa talent show na Musical: Die Show ( Musical: The Show) ay isang 22-year old na Pinoy na si Vincent Bueno, natamo nya ang 62,5 na boto. Si Vincent Bueno, na nakatira sa Vienna, ay nag aral sa Vienna Conservatory of Music. Sabi nya, ang panalo nyang 50,000 Euro ay gusto nyang gamitin sa music, ”Magbibigay ako ng tulong. Isa akong Pinoy at alam kong mas maganda ang buhay ko dito. Sa Pilipinas, may mga batang natututong mabuhay kahit na maraming kakulangan sa paligid. Alam ko kung ano ang kaya ko, kaya naman tutulong ako; kahit sa ano pa mang paraan. “Ich will helfen! Ich bin gebürtiger Philippino und ich weiß wie gut es mir hier geht. Auf den Philippinen gibt es Kinder, die nicht einmal das Geringste von dem haben, was ich hier habe und eben deswegen möchte ich gerne helfen – egal wie”. Kung medyo tagilid yung translation ko e pagpasensiyahan nyo na. Basta gusto ko lang ipahatid itong si Vincent, kung paano nya pinagmamalaki ang pagiging Pinoy nya. Kung papanong ang unang salita na lumabas sa bibig nya pagkatapos manalo ay ang tumulong sa Pilipinas. At sana maging matagumpay sya, hindi lamang sa […] […]

    Pasa ni Isa pang Hirit Pinoy — Enero 20, 2008 @ 11:49 umaga | Sagutin

  3. Daming pinoy na namamayagpag ngayon sa entertainment industry. Sikat na sikat na tayo. hehehe. Mommy kengks wait ko email mo ha.

    Komento ni Ambo — Enero 20, 2008 @ 12:22 hapon | Sagutin

  4. I really like him! (except me GF na pala! hahahahaa) He’s very very goood!
    kengkay: ganun, may gf na sya? hindi ko yata nabasa ko ha. pero maganda ang katawan nya di ba

    Komento ni reyna elena — Enero 20, 2008 @ 3:54 hapon | Sagutin

  5. siguro si win$250 yun! ahehe
    kengkay: ahahaha, ayun sumagot na nga, siguro kung meron sa england si blogoloco na yon hahaha. sali ka sa papremyo nya para bumalik ng doble yung pinaglaruan mong credit card, hehe

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 20, 2008 @ 4:12 hapon | Sagutin

  6. Raymond – di po ako iyon taga Inglatera po ako he he he.
    kengkay: ayan na, umamin na siya 😀

    Komento ni Win $250 — Enero 20, 2008 @ 5:42 hapon | Sagutin

  7. Filipinos seem to be making the rounds of the entertainment circles. Wonderful!

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    kengkay: galing di ba? sa sunod tayo naman, ahahaha

    Komento ni joy — Enero 20, 2008 @ 8:20 hapon | Sagutin

  8. naguluhan ako sa Ich Ich.. pero ang galing niya sa salitang alemanya hahahaha… buti nalang anjan si ate kengks at nagtatranslate in tagalog. talented pinoys tlga.
    kengkay: ako din naguluhan e, ahahaha

    Komento ni rhapsody — Enero 21, 2008 @ 6:39 umaga | Sagutin

  9. wow ang galing niya nga.. napanood ko sa youtube ang video clip niya simula nung bata pa siya!
    kengkay: idol talaga ano. kakabilib

    Komento ni rhapsody — Enero 21, 2008 @ 6:43 umaga | Sagutin

  10. nah, di na lang. pass muna ako sa mga contest/promo na yan. wahehehe
    kengkay: ganon? sige neks taym na lang, ahaha

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 21, 2008 @ 7:00 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: