Kwentong Kengkay

Enero 22, 2008

Kawirdohan at lab and heyt

Filed under: Kaibigan,Paki Lang,Trabaho Lang — kengkay @ 3:39 hapon

Mga pitong kawirdohan ko daw, dobleng tag galing kina reyna at si rhapsody.

1. Dati kapag kailangan kong gamitin ang public toilet, binubuhusan ko ng tubig ang buong toilet bowl. Wala lang, baka kasi mawala yung mga germs at sperma kapag ganon e. May nabubuntis ba kapag ganun, huh? Pero ngayon kakahiya namang magbuhos dito sa Alemanya ano lalo pa kung asa second floor ang toilet, baka magbaha, waaahhh. Kaya ang ginagawa ko, meron akong yung toilet seat paper na ninenok ko sa mga eroplano, ahaha, girls scout yata ako. Kaya pati itong mga little kengkays, hindi yan uupo sa public toilet ng walang nakapaikot na toilet paper sa upuan nila. Kahit ihing ihi na sila.

2. Hindi ako marunong sumunod sa mga recipe kapag nagluluto, sa mga patterns kapag nananahi, pero kapag sa mga sidewalk o sa mga lakwatsa namin ng mga little kengkays; hindi ako pwedeng maglakad sa labas ng mga box patterns sa kalye kundi ako daw ang taya. Sempre ayoko parating tayo, di ba. Kaya kahit na gano kaliit yung mga kwadro sa kalye, pinagkakasya ko ang bota ko. Kandirit lang si kengkay, pwede na rin.

3. Ang mga ka-grupo ko sa aking aerobics tuwing Miyerkoles ay ang mga elite na woman above 50. Oo, mga lola na. Ay oo naman, masarap sila kasama kasi sempre ako pinakabata; kahit na hindi ako pinagpapawisan sa isang oras na session namin. Ganyan ka desperada si kengkay, waahhh.

4. Meron akong mountain bike kaya lang bano naman ako mag bisikleta at ayokong mag bike sa mountain ano. At meron din akong inline online skates pero di naman ako marunong mag skates.

5. Hindi ko alam kung pano gamitin ang cellphone ko 😀

6. Bawat upo ko sa manibela para mag drive ay kailangan ko munang kalmantehin ang aking sarili. Ayaw na ayaw kong mag drive, helpppp…

7. Marami akong libro about how to make love, how to satisfy yourself, kama sutra, 365 ways to make love, etc — hindi ko lang alam kung seseryosohin ko ang mga laman nitong mga librong ito. Ano sa tingin nyo?

Sagutin ko ang sampung lab at heyt na katanungan ni rhapsody (ulit)
1. I love to eat: fatty food
2. I hate to eat: fatty food
3. I love to go: shopping
4. I hate to go: shopping
5. I love it when: i eat fatty food and go shopping
6. I hate it when: i eat fatty food and go shopping
7. I love to see: big red discount and sale signs
8. I hate to see: big red discount and sale signs
9. I love to hear: the little kengkays lalo na kapag naglalambing sila
10. I hate to hear: the little kengkays lalo na kapag ang kukulit nila 😀

Kung sinong sumagot nitong tag na ito ay pogi at maganda, hehehe-

Advertisements

22 mga puna »

  1. kengks,

    it’s nice to see the old shade of you in this theme. take care!
    kengkay: am glad it’s back too. take care din!

    Komento ni jessie — Enero 22, 2008 @ 8:44 hapon | Sagutin

  2. parehas kayo ng mudra, hindi alam kung pano gamitin ang cellphone,, pano ba naman kasi sidekick yung pinili nyang phone kaya ayun nabirapan siyang gamitin…

    xiao!
    kengkay: litong lito talaga ako sa telepono ko, minsan gusto ko ng ibato e, hayyy

    Komento ni brath — Enero 22, 2008 @ 9:17 hapon | Sagutin

  3. #1, first paragraph — yan daw ang kayang gawin ng mga lalaki na hindi kayang gawin ng mga babae — ang dyuminggol ng sabay-sabay sa toilet bowl. kasi pag lalaki, pwede maski 3 o 4 sabay-sabay; pag babae ang umupo, “sarado” na e. (trivia lang) 😛

    #7 — hindi mo pa ba sineseryoso? alang kaso, mag-asawa naman kayo. sayang kung hindi mo gamitin yang mga books… 🙄 akin na lang? (jokes)

    kengsk, buti bumalik na ang dating anyo ng blog mo. 😛
    kengkay: treasure ko yang mga librong yan, wahaha 😀 almanac baga… gusto mo, hehehe. buti nga naayos ulit itong blog ko kahit na wala akong ginagawa e

    Komento ni homebodyhubby — Enero 23, 2008 @ 4:40 umaga | Sagutin

  4. nyay! teknobobs ka pa rin hanggang ngayon, mamikeng? kunsabagay….di naman kasi uso text jan sa Germany.
    kengkay: number wan akong teknobobs talaga, text nga lang inaabot pa ako ng ilang minuto kasi singit ng singit yung mga german words, hayyy

    Komento ni MARU — Enero 23, 2008 @ 4:57 umaga | Sagutin

  5. pgawain ko din yang #1 kawirduhan mo. hehehe 😀
    kengkay: kapatid, hehehehe

    Komento ni Salve — Enero 23, 2008 @ 6:18 umaga | Sagutin

  6. ate kengks dapat magpaturo k skin pagamit ng cp.. heheehehe… grabe lam ko mganda ako pero di ko ata keri ung 365 ways to make love..
    kengkay: sige, pagdating ko ng pinas, kukulitin kita 😀 tapos palitan tayo ng turuan, ako naman yung 365, hehehe

    Komento ni repah — Enero 23, 2008 @ 6:42 umaga | Sagutin

  7. huwah! usapang toilet na naman itoooo! ^_^

    yung mga barkada ko… astig..

    1. kukuha ng tissue
    2. lalagyan ng alchol
    3. saka pupunasan yung bowl.

    palibhasa kasi mayaman itong kompanya namin, bawahwahhwa!
    kengkay: haneps, penge ngang alcohol

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 23, 2008 @ 7:50 umaga | Sagutin

  8. 6. Bawat upo ko sa manibela para mag drive ay kailangan ko munang kalmantehin ang aking sarili. Ayaw na ayaw kong mag drive, helpppp…—> ayaw na ayaw ko ring magdrive. feeling ko aatakihin ako sa puso each time nakakahawak ako ng manibela. kahit nga sa game na daytona eh. hehe.
    kengkay: hay naku. ewan ko ba kung bakit – hindi ko talaga ma take ang umupo sa harap ng manibela. at ewan ko kung magagawa kong mag drive sa pinas

    Komento ni alphasensei — Enero 23, 2008 @ 8:05 umaga | Sagutin

  9. hehe, ate same tayo sa # 1. 😉

    nde rin ako comfy mag wewee pag alang toilet seat or napunasan man lang yung toilet bowl. minsan kasi, may naiiwan pang ‘buhok’ eh.
    kengkay: yucks, lalo na kapag may buhok, arrgh

    Komento ni camilleeee — Enero 23, 2008 @ 8:40 umaga | Sagutin

  10. ako din pinapalibutan ko ng tissue ang toilet bowl, kahit dumudulas pa madlas ang tissue, pinagtyatyagaan kong lagan ulit… thanks kengkz for doing the tag!!!
    kengkay: inaabot din ako ng ilang minuto para lang ayusin yang toilet papers na yan, hehe. kahit itong mga kids, antay talaga sila kasi diring diri sila kapag walang tisyu

    Komento ni Rhapsody — Enero 23, 2008 @ 9:10 umaga | Sagutin

  11. Hi Kengkay,
    Pareho tayo pagdating sa recipe. Tinitingnan ko lang yung ingredients kung meron ako sa bahay, kung wala, substitute at hindi ko rin nasusunod yung measurements, basta tantiayahan lang, hula hula kung tama na o hindi, tikim ng konti kung matabang, dagdag ng asin o kung hindi kahit na matabang ok na rin kasi nga bawal sa akin ang maalat at matamis.
    kengkay: uy, interesting, another man who loves to cooks 😀 ako nga hindi ko man lang tinitikman yung niluluto ko e, basta tantya tantya lang talaga. hindi pa naman pumalya

    Komento ni rino — Enero 23, 2008 @ 9:12 umaga | Sagutin

  12. ay pareho tayo sa #1, kasehodang tutulo na kelgan me tisyu un bowl! hehehe
    kengkay: pigil na pigil din kami kahit na ayaw na papigil basta may tisyu

    Komento ni pusa — Enero 23, 2008 @ 10:10 umaga | Sagutin

  13. …ay, baligtad tayo, ako gustong gusto kong magdrive!! one problem though…di ako marunong magdrive!hehehe!
    kengkay: sommer, naku kapag may lisensya ka na, balitaan mo ako, hehehe

    Komento ni sommer — Enero 23, 2008 @ 11:45 umaga | Sagutin

  14. “Marami akong libro about how to make love, how to satisfy yourself, kama sutra, 365 ways to make love, etc — hindi ko lang alam kung seseryosohin ko ang mga laman nitong mga librong ito. Ano sa tingin nyo?”

    hihihi… sis kengks, pareho pala tyo… ako meron pang visual nyahahahaha…
    kengkay: exchange books tayo sis, wahahaha

    Komento ni mhel — Enero 23, 2008 @ 11:47 umaga | Sagutin

  15. ano yung online skate momski? boplaks ako di ko alam. sa internet ba ginagamit yan? bwahahahaha. promise ano nga yan at paano?
    kengkay: online skate yung tawag dun dahil wrong spelling ng inline skate, ahahaha

    Komento ni Ambo — Enero 23, 2008 @ 12:49 hapon | Sagutin

  16. Hi sis! kakukyut naman ng mga kawirdohan mo. may tag ako syo, two days old na yan now ko lang nasabi. http://www.marriageandbeyond.com/2008/01/23/blogging-awards/

    Exchange links tayo sis. Now ko lang na realize, wala pa pala tayo sa knya knyang blogroll. lol! Add na kita now. mwah! 🙂
    kengkay: jennie dear, tagal ko ng na link ikaw ‘jena’ name nung link mo, hehehe. at salamat sa award 😀

    Komento ni jenaspacio — Enero 23, 2008 @ 2:13 hapon | Sagutin

  17. ay kawirduhan pala yang #1? ahehe. ako din, di komportable sa public toilets kaya ginagawa ko, nagwiwiwi na lang ng nakatayo ahahah
    kengkay: tumatayo ka sa seat? grabe, acrobat ka pala. mag ingat ka lang at baka yung paa mo malublub dun, yikkkksss

    Komento ni lilmiz — Enero 23, 2008 @ 2:18 hapon | Sagutin

  18. subukang seryosohin, para sumulpot si little kenkoy, hahahaha!
    kengkay: seryus nga kaso mo hirap ng nakabukas yung libro habang ginagawa, di maka concentrate, wahahaha

    Komento ni partofyou — Enero 23, 2008 @ 7:43 hapon | Sagutin

  19. kengkay: haneps, penge ngang alcohol
    – hehe, eto! *abot alcohol* paki punasan na lang, medyo wet ako eh. ^_~
    kengkay: wet wet ka dyan, hahaha.

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 24, 2008 @ 3:24 umaga | Sagutin

  20. Ay ako din hndi mapalagay na umupo sa mga public toilets, kya gawa ko lgyn ng tissue o kya naka semi seat me sa bowl pero d tlga nka upo sa bowl.. get po b? hehe..
    kengkay: alam ko yan, naka squat, gawain ko rin yan e

    Komento ni dhez — Enero 24, 2008 @ 6:53 umaga | Sagutin

  21. wahaha inde naman nakatuntong sa seat, di ko kaya yun baka maslide ako 😀 nakatayo po yung parang lalake haha inde joke lang, naka semi-upo lang, parang sit on da air.. yun parang sinasabi ni sis dhez 😀 alam ko, yun din gawa ng friends ko, so normal yun ate kengkz noh ahehe 😛
    kengkay: kasi sa pinas walang tisyu karamihan ng public toilet e; pero kasi dito punong puno, pwede kang maglagay ng kutson, ahahaha

    Komento ni lilmiz — Enero 24, 2008 @ 7:37 umaga | Sagutin

  22. […] drive. Sempre naman yan ang hate na hate ko talaga. Ayaw na ayaw ko ngang mag drive, sinabi ko na dito di ba? Mas gusto ko pang maglakad, mag bus o mag train o kaya maki angkas sa kapitbahay basta wag […]

    Pasa ni Buhay Amerika, Buhay Alemanya « — Enero 27, 2008 @ 10:06 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: