Kwentong Kengkay

Enero 26, 2008

Buhay Amerika, Buhay Alemanya

HAY BUHAY AMERICA TALAGA
Someone named “Maeng Ni” posted this.

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o di-padyak sa America ..

Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pambayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pambayad ng bills nila. Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket. Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pag pinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America.  Ibig sabihin, ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America, ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo. Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America. Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa. Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.

Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

Hay Buhay Alemanya ni Kengkay

Akala nung iba porket ang asawa ko ay taga Oyropa ay automatic na may kredit kard ka na. Hindi oy, sinuwerte lang ako na ang aking si kengkoy e nagtatrabaho sa institusyon na tungkol sa kaban-kabang pera ang pinagkaka-bisihan kaya naging automatic na may kredit kard ako. At sempre, automatic rin dun na kitang kita dyan ang bawat kaskas ko ng kredit kard, sa bawat sekundo ay nakatutok sya dun. Tama ba naman yon, hehehe. May isang araw pa ngang nagbanta siyang ipa-cancel daw nya yung karda ko kasi nalaman nyang andun kami sa shopping area, wahahaha.

Akala nila porke may kotse ka ay gusto mo ng mag drive. Sempre naman yan ang hate na hate ko talaga. Ayaw na ayaw ko ngang mag drive, sinabi ko na dito di ba? Mas gusto ko pang maglakad, mag bus o mag train o kaya maki angkas sa kapitbahay basta wag lang ako maging hari sa manibela. Takot akong makipaglabanan sa malalaking 12 at 14 wheeler trucks sa autobahn. At mas lalong ayaw kong maririnig ang iyak ng mabibilis na takbo ng Porsche, Ferrari at kung ano pang sasakyang gugulantangin ako sa aking konsentrasyon. At ang bahay; naku po, kung wala kang bahay dito kapag may isnow; pati ikaw nieve na rin ano. Mistula kang istatwa ni Rizal kapag wala kang bahay na tutuluyan.

At sempre, magbabayad ka sa bawat kantang pinapakinggan mo sa radyo kahit na ayaw mo nung kanta; magbabayad ka sa mga channels sa telebisyon kasi kundi e tatlong kaka antok na channels lang ang mapapanood mo, yun e kung may oras ka mang manood ng tv; magbabayad ka sa mga tinatapon mong basura at mga gamit na bote; lahat ng boteng pwedeng i recycle e dapat mong ibalik sa tindahan kundi sayang yung deposito mong binayad at pagkamahal mahal minsan mas mahal pa dun sa laman; magbabayad ka sa mga karaoke party o kung ano mang public party dahil bawat kantang lumalabas sa bibig or sa radyo mo ay may copyright yon, dapat magpa register ka kundi huli ka ng tambol mayor; kapag may isnow bago mo maalis ang mga muta sa mata mo dahil alas siyete pa lang ng umaga ay dapat wala ng isnow sa harapan ng bahay mo dahil kapag may nadulas dun at nabalian ng buto e ikaw ang magbabayad ng pang hospital at kung ano pang ekek; kasama na rito ay dapat may kung ano anong milyones na insurance kang binabayaran dahil papano kung magkasakit ka, papano kung may masira sa bahay mo, papano kung may masira sa kotse mo, papano kung may natapunan kang red wine sa isang naka-damit na haute couture, sino magbabayad ng panlaba.. edi insurance na milyones din ang babayaran mo kahit na wala namang nangyayari (mabuti na lang) at kung ano ano pang sa Pinas e hindi natin pinagkaka-abalahan…

Naman, e magpapintura ka lang ng bahay dito e pwede ka ng bumili ng isang condo sa Maynila ano. Magpagawa ka nga lang ng isang pinto pwede ng pamasahe pauwi ng Pinas yung labor pa lang yon. Samantalang sa atin, pa miryenda lang pwede na, di ba pards? At magpaputol ng mahabang pantalon? Naku, yan ang problema ni kengkay kasi maiksi ako e, 4’11 nga di ba? Minsan yung discounted na pantalon ko e mas mahal pa yung paputol sa mananahi. Samantalang sa atin, si nanay ko na lang ang bahala, wahhh.

Ayoko ng maglista pa, basta ang alam ko… hindi pwedeng ikumpara ang buhay sa Pinas at ang buhay ng mga Pinoy sa ibang bansa. Lalo pa nga’t sa Pinas ay marami kang babysitter at dito? Walaaaaaa. Karay karay mo ang buong pamilya kahit na isang tinapay lang ang bibilhin mo. Kapag may party ikaw lang magisa lahat, samantalang sa Pinas may mag deliver ng pinamalengke mo, may tutulong magtadtad ng karne at maghiwa ng sibuyas, mag hugas ng plato, at kung ano pa… Ikaw lahat.

Pa kyut lang kami kapag umuuwi ng Pinas; may pasalubong, may pang libre; kasi naman para hindi nyo malaman kung papano kami nagpapa-alipin sa sarili namin kapag asa ibang bansa. Kumbaga e yon na ang aming paraan para sabihin sa inyo na: mas masarap talaga sa Pinas, wahhhh 😀

Advertisements

17 mga puna »

  1. wow mami keng…ang complcated pala jan…hahaha..o daliii uwi na at ng makapag TORO TORO na tayo lol
    kengkay: ipa reserve mo na yung toro na yan ng isang linggo para sa atin, wahahaha. ready na ako

    Komento ni chuvaness — Enero 26, 2008 @ 4:30 hapon | Sagutin

  2. My sentiments exactly! That’s what I’m trying to explain to people. And it’s funny that you blogged about this today coz I wrote something similar in my Snoozing entry.

    Please visit A Pinay In England and read my post Getting Married (26 January 2008) and tell me what wedding gift you are getting for Reynz and Ambo.

    joy
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo
    kengkay: hay ewan ko ba, kasi minsan kahit paulit ulitin e hindi pa rin makuha ng ibang asa Pinas na iba ang categorya ng buhay sa labas; walang dapat ikumpara dahil mas mahirap ang asa labas, wahhh

    Komento ni joy — Enero 26, 2008 @ 7:23 hapon | Sagutin

  3. HAHAHA!!! ETO ANG AKING VERSION KENGS!!!! ETO OOOO:

    http://reynaelena.com/2007/12/19/america-the-beautiful/
    kengkay; uy, oo nga ano. natulog ako sa pansinan, wahahaha..

    Komento ni reyna elena — Enero 26, 2008 @ 10:48 hapon | Sagutin

  4. Kaya nga gustong-gusto ko ng umuwi sa atin Kengs. Pagod na ako dito sa Germany. Gusto ko nalang mamuhay ng simple kahit na isang araw isang tuka nalang. 24 years na ako dito and honestly punong-puno na ako sa pandurugas ng gobyerno sa ating mga tax payers. Gusto ko ako naman ang mandugas 🙂
    kengkay: hay alam mo, kami din ni kengkoy kapag nag retire sya e sa pinas naman kami magdurugas din, hehehe.. oo, sobrang mahal na dito tapos ang daming mga inispoiled na mga tamad magtrabaho, kainis

    Komento ni Beng — Enero 26, 2008 @ 11:46 hapon | Sagutin

  5. di ako pupunta jan sa america kahit kailan!
    kasi…
    ano…
    wala akong visa… ^^
    kengkay: naku mahirap yang walang visa, ako din walang visa e, ahahaha

    Komento ni Raymond Lee Quijano — Enero 27, 2008 @ 12:00 umaga | Sagutin

  6. hay totoo lahat ng sinabi ni maeng ni… ,hirap talaga buhay dito sa esteyts…
    kaya ang payo ko sa inyo::: wag kayong pupunta dito!! heheheh kasi syempre ayaw kong maging malungkot kayo gaya ko…

    xiao!
    kengkay: ayan, naka relate tuloy si brath. wak ka na malungkot, hindi ka nag iisa 😀

    Komento ni brath — Enero 27, 2008 @ 2:55 umaga | Sagutin

  7. nakaka relate ako dito sa post mo mamikeng, kasi 5 years din akong naging OFW. korek, akala lang ng karamihan na pag nasa abroad ka…nasa paraiso ka na. kaya nga kahit anong hikayat sa akin na mag abroad ulit ay di ko talaga kinagat. di ko kakayanin ang buhay sa ibang bansa lalo na at single mom ako.
    kengkay: bilib nga ako sa desisyon mong bumalik sa pinas; kasi ang iba ang isip nila e dapat may magandang buhay ang anak nila kaya iiwan nila para magtrabaho sa ibang bansa. hindi nila naisip na may mabibigay din silang magandang buhay kapag lumalaki ang mga anak nilang kapiling sila araw araw.. mabuhay ka, maru. hindi simple yang desisyon mo.

    Komento ni MARU — Enero 27, 2008 @ 7:55 umaga | Sagutin

  8. i agree with you…sinulat mo na lahat ng aking naiisip! masarap pa rin sa pinas kahit mahirap ang buhay, masaya ang mga tao at punong puno ng ngiti at pananampalataya!
    kengkay: tumpak ka dyan… minsan nasa hirap din ang saya di ba? sabi nga ng tatay ko, basta magkakasama tayo, mas masaya… kaya lang makulit ang puso ni kengkay e 😀

    Komento ni 4angels — Enero 27, 2008 @ 8:35 umaga | Sagutin

  9. well said!! *palakpak*

    kahit hindi pa ako nakapunta sa kahit saang banyagang bansa, alam ko ang mga sentimyento ng mga noypi abroad tulad mo.. iba pa jan ang mga hinaing ng mga manggagawang noypi na sinasabing *makabagong bayani??*

    wadafact!!!

    :))
    kengkay: bagong bayani talaga yan kasi ibang magpapakahirap, at sakripisyo ang bigay nila e.. hindi lang buhay, hindi lang pawis kundi pati ang nabibiyak nilang mga puso. mahirap iwanan ang mga pamilya, ang sariling atin at sasabak sa isang bansa at kultura na ibang iba sa atin

    Komento ni kingdaddyrich — Enero 27, 2008 @ 10:00 umaga | Sagutin

  10. kaya kami kengks, pagpunta amerika — pasyal lang, hindi doon titira hehe…
    pero mas maganda nga siguro kung dyan lang sa oyropa, medyo malapit-lapit, less ang jet-lag!
    4’11” ka lang pala? …preho pala kayo ni misis! 😆 pero horizontally, mas malapad ang misis ko. 😛
    kengkay: naku ako mukhang malayong makarating ng merika kahit na pasyal lang, hindi type ni kengkoy e. bakit daw magbakasyon sa malamig e malaming na daw dito sa amin. mas type nya sa pinas talaga. uy, edi kyut talaga ang mga 4’11, hehehe

    Komento ni homebodyhubby — Enero 27, 2008 @ 10:21 umaga | Sagutin

  11. oo nga komplikeyted nga, pero sa lahat ng sinabi mo, may isang naiwan sa isip ko. 4 11′? hehehe peace!
    napadaan at nabuhay ulit.
    nawa’y mag-ingat ka palagi at hindi madulas sa snow.
    kengkay: uy, andyan ka na ulit? dalawin ko nga blog mo at ipagmamalaki ko ang pagiging 4’11 ko, hehehe

    Komento ni bernardumali — Enero 27, 2008 @ 3:51 hapon | Sagutin

  12. beng, kahit dito bungakngak na naman ako sayo! hehehe! yan din ang objective ko when i grow up, mandugas na rin tutal yong naman talaga ang turo saten! hahaha sige uwi na rin ako! otsenta anyos na ako, dudugas na rin ako! hahaha
    kengkay: ganun, ano kaya itsura mo kapag 80 ka na… siguro may taga shine na yung korona mo nun, ahahaha

    Komento ni reyna elena — Enero 27, 2008 @ 4:21 hapon | Sagutin

  13. true na true ang mga statements.. mahirap tlga sa ibang bansa… malaki lang kapag pinadala sa pinas pero ang nasa ibang bansa ang nahihirapan… kaya sana ang ibang tao lalo na ang mga kamag-anakan ay makaitindi hehehe.. kala kasi nila namumulot ngpera
    kengkay: uy, nagpaparinig ka ba 😀 kasi dapat ma experience nila e para magising sila sa katotohanan, hay bohey

    Komento ni rhapsody — Enero 28, 2008 @ 5:40 umaga | Sagutin

  14. […] K ba akong magreklamo? Dun sa huling post ko e nag rant ako sa buhay Alemanya; pero may K nga ba akong mag-reklamo? Bakit […]

    Pasa ni May K ba akong magreklamo? « — Enero 28, 2008 @ 8:40 umaga | Sagutin

  15. korek pero sa tingin dapat itigil na ang pagcompare ng pera ng pinas at pera banyaga pero infairness lamang parin tayong mga nasa ibang bansa dahil lahat ng masasarap natikman na natin pero minsan emotional parang hindi pa din tayo masaya lalo na kung meron makulet na humihingi ng pera sa pinas 😀
    kengkay: kapag merong makulet sa pinas, nakakaiyak, waaaahhh. kasi minsan hindi mo maiwasang mag kumpara talaga e. lalo na kapag puno ang lamesa mo dito at alam mong sa pinas ay ganun na lang… 😦

    Komento ni scart — Enero 28, 2008 @ 3:51 hapon | Sagutin

  16. hahaha, reynz…halika sabay tayong madugas para masaya at siyempre malakas ang dating kapag grupo. gawa tayo doon ng ala mafia gang. kukulektahan natin ang dapat nating kolektahan. dito sa germany halo-halo ang gangs. may turko, may russian, may vietnamese, may mga jugoslawian at kong anek-anek pa. pinoy gang nalang ang wala dito. alam kong bakit wala? puro kasi TNT kaya takot magsilabasan sa kanilang lunggang pinagtataguan.
    kengkay: naku beng, sabi ng asawa ko e mabubuo na raw dito sa area namin ang pinoy mafia at pangungunahan ko daw, ahahaah. alam mo, bakit parang tama ka? di ba madali namang ayusin dito ang papeles kesa sa amerika, pero bakit andami pa ring takot mag pa legal sila? hmmm

    Komento ni Beng — Enero 28, 2008 @ 11:01 hapon | Sagutin

  17. (sa mga pinoy who lives in Germany)

    Hellow poh! Grabe poh pala ang buhay ng mga pinoy sa Germany. Ang mahal. Lahat mahal! Pangarap ko rin poh talagang makarating ng germany, pero at least nalaman ko poh sa inyong lahat kung gaano kahirap mabuhay ang isang pinoy sa ibang bansa.

    Thanks for this blog, may natutunan ako about life of Filipinos in germany. At least bago ako makarating sa Germany, naka-set na ung mind ko sa mga mahihirap n mpagdadaanan ko in the future and expected ko na rin na mahirap mamuhay sa banyagang bansa. 🙂

    Erick

    NICE SHARING OF LIFE!

    Komento ni Erick Lazaro — Marso 15, 2010 @ 7:06 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: