Kwentong Kengkay

Enero 28, 2008

Pinoy Care Giver

Si kengkoy nagbibilang na ng araw, kasi nga malapit na kami umuwi ng Pinas di ba? Itong mga anak ko hindi na makatulog. Tanong na rin ng tanong. Si kengkay lang yata ang cool e, wag nyo na lang tanungin kung anong pinag-nanasaan kong kainin halos araw-araw (lucky me, fita, pansit, sinangag, nilaga, at may balak pa akong magputo ha).

Eniway, ang tunay na istorya nito ay ang aking mga balae. Kasi nga matatanda na sila e, otsenta’y singko at otsenta’y sais. Ngayon, halos dalawang taon ang inabot bago sila pumayag na tumanggap ng taga linis ng bahay nila kahit na hindi na talaga nila kaya. Grabeng diskusyones yon. Halos mag away, iyakan, sigawan, walang pansinan, aalisan daw ng mana, at kung ano pang drama. Sa kahulihan, pumayag din sila kasi talagang kailangan na nila. Pero sempre hindi nila inamin yon ha. Sinabi nila e kasi pagbibigyan daw kami. O di ayan, may taga linis sila isang araw sa buong linggo.

Pero sa totoo lang, kailangan na nila ng tulong. Kahit sa pagluluto, sa paglalaba, sa plantsa, ah, basta, sa lahat ng pang araw araw na bagay. Minsan yung pagkain sobrang alat dahil ilang beses nilagyan ng asin. O kaya naman nasusunog yung pagkain kasi nalimutan. O kaya maglalaba sa washing machine ng dalawang pares na medyas. Mga ganon ba. Pero aamin ba sila na kailangan nila ng tulong? Sempre hindi. E yung lolo nga e nagmomotorsiklo pa paakyat ng bundok para alagaan yung mga tanim nya ano.

Ngayon, itong si kengkoy, nagpipilit na kumuha ng caregiver na galing sa Pinas. Mas gusto daw nya ang Pinoy. Ehem, dahil sempre sa akin. Oo daw, dahil daw matapang daw akong salubungin ang mga balae ko, kaya Pinoy daw ang hanap nya, nyeee. Kaya lang, nagtanong sya kanina. Mukhang mahirap kasi daw kung may taga alemanya daw na pwedeng gawin yon; e baka daw hindi payagan at bigyan ng visa. At sempre, dapat marunong mag-aleman. E makulit talaga itong si kengkoy, ayaw kasi nyang kumuha ng galing sa east oyropa kasi daming masamang istoryang lumalabas dito — alam nyo na: nakawan, nagpaparty yung mga caregivers, daming labas masok sa bahay kahit anong oras, madumi ang bahay (kasi nga taga bantay lang sila at hindi katulong ano)… hindi ko naman sya masisi kasi nga, kitang kita namin sa kapitbahay namin ang ganitong pangyayari. Talagang kawawa yung matanda. Pero kahit naman saan, pwedeng mangyari yan di ba?

E dahil nga sa ganyan kaya medyo ingat si kengkoy. Ngayon, talagang seryus na si kengkoy ha. Tumawag na ulit sa kinauukulan at may balak talagang kumuha sa Pinas. Titingnan daw nya kung pwedeng sa ibang paraan makapag-puslit ng caregiver galing sa Pinas. Hay ewan ko dito sa asawa ko. Sa totoo lang, kailangan pa yang suhestiyon na yan ilagak sa buong kamag-anakan dito. Ibig sabihin, yung kanyang kapatid na babae, ang asawa nito at ang dalawang babaeng pamangkin nya — dapat sumang-ayon din sila. Kasi pera din ang pag uusapan dyan.

Ang alam ko kasi, takot si kengkoy na ako ang mag-alaga sa kanyang mga magulang. Kasi kami ang malapit. Tapos may konting oras ako kasi nga ang mga bata sa umaga ay may pasok. Tapos kasi nga mabait ako, waahhh πŸ˜€ Eh kasi naman labs ko nga sila, di ba? Pero iba ang dating kay kengkoy sa ganyan.. ang sa kanya ay ako ay para sa mga little kengkays ko at sa kanya. Sila ang una. At dahil alam nyang may paraan naman para arugain ang mga magulang nya ng hindi ako ang nakatutok, yon ang pagsisikapan nyang gawin ngayon. Pero ang gusto nga nya, Pinoy!

Ganyan ako ka-number wan sa puso ng asawa ko, ang sweet di ba? Pero sa totoo lang, talagang nagpupursigi sya na magawan ng paraan ang lahat. Kung maging okay nga bago kami umalis palipad ng Asya e talagang maghahanap na kami ng tatao para sa mga magulang nya e. Naku, ang sa akin naman; okay lang na Pinoy. Mas gusto ko sempre ang Pinoy para may ka chismisan. At sana marunong at masarap magluto πŸ˜€ Oh well, abangan ang susunod na kabanata.

Advertisements

15 mga puna »

  1. sa Jolibee ako kumakain pag umuuwi. ba’t wala pa kasing franchise dito. o siya mag share na tayo sa franchise πŸ™‚ 50/50 share.

    Β£50 sa akin 50,000 Euros sa iyo. ok na ba iyan
    kengkay: naku, itong mga anak ko rin, jollibee girls na sila. parang hindi yata fair yong franchise ha. dapat 50 euro sa akin at 50,000 pounds sa yo, mas malaki exchange rate nyo e, ahahaha

    Komento ni Blogoloco - Win $250 — Enero 28, 2008 @ 8:55 hapon | Sagutin

  2. seriously. that’s what I’m impressed about the elderlies here. they prefer to be as independent as possible. pero may iba naman unrealistic na, kahit unsafe, insistent pa rin. I’ve met someone who still drives in his 90’s.
    kengkay: ay, dapat alisan na yan ng lisensya ano. ito ngang lolo namin dito, they still go for holidays around europe, silang dalawa lang ha. punta sila switzerland, austria, italy, etc — grabe, kami ang kinakabahan kapag ganyan e. e sabi naman ng asawa ko, ako daw mag drive at ihatid yung matatanda.. hay.. walang solusyon.

    Komento ni Blogoloco - Win $250 — Enero 28, 2008 @ 8:58 hapon | Sagutin

  3. uy pa-apply! marunong ako magluto, maglinis, maglaba, mag alaga, mag blog, magpatawa…etc etc! may talent din po ako sa gymnastics…singing…tumbling etc. etc. πŸ˜€
    kengkay: maru, care giver ang hanap, hindi circus akrobat, ahahaah.

    Komento ni MARU — Enero 28, 2008 @ 9:32 hapon | Sagutin

  4. iba talaga mag-alaga ang pinoy. at dahil sayo yan ate kengks. hehe. good luck sa paghanap ng kasama diyan. ako din nagiisip pa kung kukuha ng katulong sa bahay. parang ang hirap ng maghanap ng matino dito eh.
    kengkay: balita ko nga mahirap din maghanap sa atin ng katulong e. pero kapag naswertehan ka naman, itago mo na yun agad.. good luck!

    Komento ni iris — Enero 29, 2008 @ 1:10 umaga | Sagutin

  5. goodluck po sa paghahanap ninyo ng caregiver sa pag0-uwi niya… sana nga makuha nyo ung mabait at talagan maalaga…
    kengkay: tenks… pero alam mo, malaking diskusyon muna ito. hindi pa nga alam nung dalawang matanda ang balak namin e… sigurado tampuhan, dramahan at kung ano pang reality show epeks ang mangyayari

    Komento ni Rhapsody — Enero 29, 2008 @ 4:10 umaga | Sagutin

  6. ahem! ahem! ang hirap ng buhay dito.. makapag-care giver kaya.. πŸ˜€
    kengkay: ehem, ehem — magbasa ba ako between the lines, hehehe

    Komento ni jojie — Enero 29, 2008 @ 4:39 umaga | Sagutin

  7. nakaabang na ako sa susunod na kabanata. :p
    kengkay: pareho tayo, hehee

    Komento ni alphasensei — Enero 29, 2008 @ 8:55 umaga | Sagutin

  8. iba talaga ang pinoy bsta sa pagbibigay ng care…(byutipul eyes ) sagot b visa n ol? pde ba p apply? πŸ˜€
    kengkay: byutipul eyes din ako — sagot lahat, yung lang dapat sagot mo rin sa tanong nila e aleman din, hahaha

    Komento ni koreanmine — Enero 29, 2008 @ 9:04 umaga | Sagutin

  9. Kengks hire nyo ako! May lipat bahay ako, may paiting jobs din ako, natangap na din po ako ng labada pag lingo at may notaryo na din on the side…. ako na lang kunin mo!!! pleaseee may reference ako!
    kengkay: hahahaha, mas malaki pa rin ang kita mo sa pepepe na yan ano, hindi naman keri yan, hahahaha

    Komento ni diwatang_byaning — Enero 29, 2008 @ 11:57 umaga | Sagutin

  10. it’s hard to get good help these days, ate kengks. importante talaga mapagkakatiwalaan.
    kengkay: totoo yan pao, at importante rin na may puso yung makukuha namin

    Komento ni pao — Enero 29, 2008 @ 12:43 hapon | Sagutin

  11. ehem caregiver ako mommy kengks. hehehe lahat pwede ako. all around pero kelangan me time for blogging hahahaha. Bilib ako sa kanila, kasi they dont ask for help because alam nilang kaya nila. kasi nga lang kawawa kasi me sablay kaya kelangan talaga me taga bantay.
    kengkay: alam mo, basta ganon ka na katanda.. mahirap na talaga e. tapos ayaw pa nilang tanggapin na kailangan nila ng tulong, hayy… naku, a pinoy caregiver blogger, iba dating nun sempre, hahaha

    Komento ni Lavern — Enero 29, 2008 @ 2:29 hapon | Sagutin

  12. sa tutuo lang kengkay, famous ang Pinoy hindi lang sa mga narses, kundi pati na rin sa mga caregivers. may mga kakilala ako dito, sa Israel naman nagtatrabaho, Pinoys din daw ang choice ng mga Israelis! πŸ˜€
    ang mother ko nagbakasyon for about a year nuon sa kapatid ko sa Canada, sinubukang mag-alaga naman ng one-year old na bata duon (foreigners), kasi ang mga magulang nya parehong practicing psychologists. nung nagpapaalam na ang nanay ko, pilit pinapakiusapan na huwag na sanang umalis? kasi parang naging mother na rin nung mag-asawa ang nanay ko. πŸ˜›
    the best pa rin ang Pinoy! πŸ˜‰
    kengkay: kita mo na, da best talaga ang pusong pinoy kasi e. alam yan ni kengkoy kaya naman gusto talaga nya e pinoy

    Komento ni homebodyhubby — Enero 30, 2008 @ 3:52 umaga | Sagutin

  13. ate kengkay,
    im an RN… ive noticed kase (not sa akin lang naks!) pate na rin sa mga kilala kong pinoy… we dont just work for the “money” pag tapos na oras ng trabaho and kailangan pa ng pasyente we go for another mile for them… even hinde natin kamag-anak we respect them. may mahaba tayong pasensya… kaya hinde tayo na stress masyado.

    good luck sa inyo… at alam mong makakatulong ka rin sa isang pinoy…
    kengkay: tumpak na tumpak ka. isa ka palang eksample ng tunay na pinoy care giver πŸ˜€ mabuhay ka at iyong mga kasamang may ginintuang puso, dear NJ. i am someone who always take another extra mile for someone… kaya alam ko yan at bilib ako sa mga taong ganyan. bilib din ako sa sarili ko ganon, hahaha

    Komento ni NJ — Enero 30, 2008 @ 7:45 umaga | Sagutin

  14. available pa ba ang position? isama mo na lang ako ate kengks! di po ako gala… talagang nasa loob lang ng bahay. basta ba pwede akong mag-internet, mag-blog at gumawa ng reviews ha? sagot ko na ang wifi router para share tayo sa internet connection… haha! may certificate din ako ng caregiver at marunong naman po sa bahay LOL ang passport at ibang papers ready na rin haha! all around po ako pwede rin maging driver ng family.. hehe πŸ˜‰
    kengkay: aba, alis na alis ka na talaga ha… sige, hati tayo sa internet connection, hahaha… mag aral ka na mag aleman para swak na swak, hehehe

    Komento ni JeanGrey — Enero 30, 2008 @ 12:31 hapon | Sagutin

  15. i need help…kc bumalik ang papers ko kulang ako ng 9units..sbi kc 72 units ang nid nila..so pano ang ggwin ko? kc 2yir kors ako..63 units cxa..then ung 2yir kors ko nag shift ako ng 4yir kors…kung ilalagay ko nmn ung 4yir kors ko..under grad ako…pero more than 72 units un..pwd ba ung iniicip ko

    Komento ni ric — Marso 14, 2008 @ 11:43 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: