Kwentong Kengkay

Enero 30, 2008

Gubat, Sorsogon

Hay bohey. Alam nyo bang hanggang ngayon e umiikot pa rin ang pwet ko dahil hindi pa rin ako makapag desisyon kung saang dagat kami mamalagi nitong mga little kengkays ko habang asa Pinas kami?

Mahirap talaga ang may lahing sirena at siyokoy e… kailangan parati sa may malapit sa dagat. So ngayon naman, lalong nilito ako ng aking kapatid kasi daw meron daw magandang dagat sa Bicol at libre pa daw. Kasi meron daw silang summer housessssss — o andaming sss nyang bahay na yan kasi isang buong compound yan ng mga bahay kubo na pinagawa nung papa in law nya para sa buong pamilya. Para walang siksikan kapag holy week, kapag nagbalikan ang mga daga sa lungga. At sempre, libre ang beach. Sobrang ganda daw at lalo pa dahil natural na natural ang dating nya.

Edi naghalunggkat naman ako sa internet agad. O ayun, naloka na naman ako sa mga sobrang updated na local websites sa Pinas. Sobrang dami kong nalaman, yun nga lang, hindi yung dapat at nais kong malaman… Kaka frustrate talaga. Halos walang government website at mangilan ngilan lang ang tourist websites sa Pinas na updated, hayyy ulit. Pero mukhang maganda daw itong Gubat, Sorsogon e. Ayon dun sa mga sites na nagbanggit dito. At sempre yung mga litrato na nakita ko..kaya lang halos panay kaway kaway ang mga tao kaya hindi ko maaninag yung ganda ng beach e. Tapos may Rizal Beach pa at sempre maraming pwedeng ikutin dun. Talagang okay dun magbakasyon.

Ngayon lang, kailangan kong kumbinsihin si kengkoy. Kasi kahit libre yung bahay at yung beach; merong hindi gusto dun si kengkoy ko e. Kasi kapag bakasyon daw, dapat bakasyon. Walang dapat magluto, maglinis ng bahay, magwalis, maglaba, magplantsa, at kung ano pang normal na ginagawa kapag asa balay tayo. In short, dapat magpa reyna at haring tagigilid ang drama namin. E sabi ko sempre kapag asa bahay dapat may magluto — ay, biglang wag na daw. Bawal daw magluto kahit si nanay at tatay ko. E sabi ko maganda yung beach tapos libre yung bahay… hindi kumbinsido. Sa tingin ko natatakot sya na biglang sya ang magluto; katulad ng nangyayari sa bahay namin, hahaha… E dapat nga syang matakot kung ganon 😀

Pero maganda nga ba sa Rizal Beach sa Sorsogon?

Advertisements

8 mga puna »

  1. day! tiga Sorsogon ang lola mo! pero di pa ako ever napunta sa Rizel Beach! Bakit Bacon? Tiga Bicol ka ‘day? Mamaya, babalik ako dito at mag-rereport.
    kengkay: uy salamat ha… sabi ko nga, bro in law ko taga dun sila e tapos ang ganda daw ng beach dun

    Komento ni reyna elena — Enero 30, 2008 @ 10:13 umaga | Sagutin

  2. Mamu, promise sa Panglao maganda or sa Moalboal! 😀

    joy
    a Pinay in England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    kengkay: alam mo itong aking midwife dito every year asa moalboal kasi diver sya e. tapos yung aking OB naman parati sa mga beach at bundok ng pinas — mas marami pa silang narating kesa sa akin, wahhhh

    Komento ni joy — Enero 30, 2008 @ 1:26 hapon | Sagutin

  3. Keng, kelan kayo uuwi? Sana makasama ka naman sa aming eating club escapade. 😀

    Eto sample:

    http://teacherjulie.com/2008/01/31/bellissimo-ristorante/
    kengkay: grabe kayo, bakit hindi kayo nag announce, hahahaha. ang saya naman nyan, sali ako!

    Komento ni Julie — Enero 31, 2008 @ 3:13 umaga | Sagutin

  4. …hmm, wala ako alam sa sorsogon e. di ba kasama sa iterinary nyo ang baguio city? flower festival dun sa feb (yun ang uwi nyo nga ba?heheheh!) para ihug mo naman ako sa baguio.haaayyy!!
    kengkay: uy, nung last na uwi namin asa baguio kami ;D sarap nga dun e. sarap mag shopping at manginain, hahaha

    Komento ni sommer — Enero 31, 2008 @ 11:53 umaga | Sagutin

  5. tama si pareng kengkoy, maiilang lang kasi sya! Ang bakasyon dapat stress-free! wag ka na magtipid!
    kengkay: uy ganyan din ba ang posisyon mo — kasi ako tipid para mas maraming ma shopping 😀

    Komento ni partofyou — Pebrero 1, 2008 @ 12:55 umaga | Sagutin

  6. haven’t been there. pero nong nasa pinas ako eh we stayed in camiguin island and really loved it 😀
    kengkay: uy, di ba nagkaron ng oil spill dun? ibig sabihin e okay na ulit sya? gusto ko rin pumunta ron e

    Komento ni sardonic nell — Pebrero 4, 2008 @ 12:09 umaga | Sagutin

  7. Sabi ng kaibigan ko, taga gubat sorsogon daw siya, nung unti akala ko biro-biro lang, pakiramdama ko lang joke yun. Meron nga pala talaga.
    sa beach nmn, mas nag enjoy ako sa palawan pero syempre, kung convenience ang hanap, walang tatalo sa boracay. daming choices eh. Sa pagudpod maganda rin dahl hindi crowded kaso malayo.

    Komento ni bernardumali — Pebrero 22, 2008 @ 11:04 umaga | Sagutin

  8. ganda talaga ng gubat sorsogon kahit very religios pa mga tao at makaluma it is nice to introduce my own town ..see?

    kengkay: sana makarating din kami dyan 🙂 tagal na akong niyaya ng bro in law ko sa kanyang bayan ng sorsogon e

    Komento ni CHONA — Setyembre 9, 2008 @ 6:12 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: