Kwentong Kengkay

Enero 30, 2008

Guest si Kengkay sa Usapang Pinoy Radio Show

At dahil na insecure ako ever sa chismisang nangyari sa ere kina Reyna Elena at Dr. Joy at sa mga aliping sagigilid habang ako ay walang malay nag nag-aaruga ang aming special honorable guests sa bahay… pinagpilitan ko ang sarili ko na maging dakilang panauhin din sa sa Usapang Pinoy sa Future Radio UK. Habang nagpapainit ako ng tubig para ibuhos sa Lucky Me Bulalo Soup ko ay nagbobolahan kami ni Joy sa telepono at biglang meron akong karapatan biglang mag guest sa kanyang radio show, wohhhhhooo.

Kaya bilib ako sa aking motto e ‘dream the impossible coz impossible dreams do come true’ — well, hindi ako nananaginip; at hindi rin ako natutulog ng gising at hindi ako nang-ookray (wala lang, bagong salita na nakakakiliting isulat). That impossible dream would be coming true as I would be the guest at the pinakasikat ever na radio show sa buong Oyropa, Usapang Pinoy, this coming Saturday, 02 February at 3 pm UK time, 11 pm Manila time, 4 pm German time at kung ano man time meron kayo sa inyong sulok ng mundo, pwede paki kompyut-kompyut na lang, hehehe…

Basta i-click nyo lang itong Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question. Basta wag lang mahirap at walang kinalaman sa matematika ha, hahaha.

Oo, si Kengkay ang panauhin sa Usapang Pinoy eto nga ang konting chika:

Anyway, it’s official mga kabisyo! The Queen of Buckingham Palace had requested that the Queen of Vacklingham Palace be allowed on the Brit Airwaves once again, together one another for the second time around once more forever to make Prince Harry happy. And so, Future Radio UK has officially invited the stunning me and me alone, to guest the uber super ever ever Usapang Pinoy Show of the beautiful Dr. Joy Barredo who only beat me by one shower and one and half bath soap. Join us on February 16, 2008 at Future Radio UK, 96.5 FM.

Ooops, ayan, napansin tuloy na nangongopya lang ako, ahahahaha. Si Reyna Elena ang bulaklaking guest sa Feb. 16 at si kengkay naman ang makabagbagdamdaming makakapanayam ni Joy ngayong darating na Sabado, 02 February. Ano daw ang pag-uusapan natin? Ang buhay buhay ng mga Pinoy sa loob at labas ng Pinas at kung ano ang maitutulong natin para sa ating bansa… actually ako lang nagsabi nyang mga topics na yan para naman hindi ako masyadong mabulag-pipi-at bingi sa mga oras na yon, hahaha.

Okay, magshopping muna ako ng trahe de boda para sa Sabado (oops, radio nga pala yon, haha) at ihahanda ko muna ang kweba kung saan ko itatago ang mga little kengkays at si kengkoy sa Sabado. Kasi kung hindi, hiyawan lang ng mga anak ko at malulutong na halakhak lang ni kengkoy ang maririnig nyo 😀 Basta ha, kita kits tayo sa Sabado, ika-2 ng Pebrero at 3 pm UK time sa Future Radio UK . Sige na, makinig na kayo. Plis lang, pramis, kakaway-kawayan ko kayo habang nasa ere na ako.

Okay, alis muna ako. Mag-iipon muna ako ng maraming inglis at tagalog at medyo kakalimutan ko muna ang aking aleman.

Advertisements

24 mga puna »

  1. Ang saya-saya natin! 😀 Excited na ako. Puro chismisan yan – to the max!

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo
    kengkay: grabe joy, itong asawa ko ang kulit — mangungulit din daw sya online… sabi ko sige, kaya lang daw in german, hahaha. heniway… nagsusulat na ko ahahaha at nag re research na ako sa pamamagitan ng blog hopping, chismaks talaga

    Komento ni joy — Enero 30, 2008 @ 7:46 hapon | Sagutin

  2. first comment ako? di nga? hehehe..

    wow, maabangan nga yang interview sayo ate… 😀 interesante..

    diba uwi kau ng pinas ngyong feb?anong date ate?
    kengkay: karmi, teka, asa pinas ka din ba? feb 18 kami asa pinas.. bakit, uwi ka rin?

    Komento ni karmi — Enero 30, 2008 @ 8:01 hapon | Sagutin

  3. Glückwünsche und vergessen Sie nicht, mich zu grüßen
    hehehe, marunong din ako mag-german!

    Glück!
    kengkay: olalala – mama mia -oops, italyano pala yan.. wirklich? du kannst auch deutsch sprechen… also, dann, ich werde nie vergessen dich zu grüßen — ayan, sana tama yang mga pinagsasabi ko, ahahaha

    Komento ni partofyou — Enero 30, 2008 @ 11:06 hapon | Sagutin

  4. ik lebidi hahaha yun ang alam!

    HOY! hahahaha!!! PRESENT AKO DYAN! hahahaha!!! TEKA – MAIBALANDRA NGA ANG NEWS NA TO DUN SA REYNA ELENAAAAAA!!! HAHAHAHA!!!
    kengkay: o de vah, super success ang aking social climbing university degree under your tutelage, wahahaha

    Komento ni reyna elena — Enero 30, 2008 @ 11:15 hapon | Sagutin

  5. […] Kengkay sings live on Future Radio UK on Feb 2 Saturday 3pm UK Time! Tune in mga kabisyo!!! […]

    Pasa ni Shocking career development nang isang famusung business school sa Pinas — Enero 30, 2008 @ 11:26 hapon | Sagutin

  6. AYUN! hehehe! Nakabalandra na! Ooopss! Mali ba headline ko? Di ba kakanta ka???
    kengkay: kakanta ako, sasayaw ako, tutula ako, mag baballet dancing ako, mag step dancing ako, mag tumbling, maglalaba, mag plantsa, at kung ano ano pang talento. mag praktis na ako mamya.. hahaha

    Komento ni reyna elena — Enero 30, 2008 @ 11:31 hapon | Sagutin

  7. HIHINTAYIN KO ANG MALA DIVANG BOSES MO MANAY KENGKAY!!!

    AAHAHAHAHA
    kengkay: hindi na nga ako magsasalita until saberdey para ma preserve ang aking boyses, di ba

    Komento ni chuvaness — Enero 31, 2008 @ 12:15 umaga | Sagutin

  8. Aha, buti na lang napunta ang other personality ko dito or else di ko maririnig ang paggigitara mo. Finally, magagamit mo na yan! Saan ko rin kaya isusuksok tong tatlong boys ko para mega concentrate ang pakikinig ko sayo?

    Goodluck Kengs! Just have fun, relax and don’t lose that confidence(oh di ba, parang na try ko na hahaha).
    kengkay: nakow, na diskubre tuloy ako ni lovelyn, ahahaha. ang ingay ingay kase eh, hahaha. sige, hanapan mo na rin ng kweba ang mga boys mo para maka concentrate ka, hahaha. salamat sa support ha, naks naman

    Komento ni lovelyn — Enero 31, 2008 @ 12:56 umaga | Sagutin

  9. si kenkay kakanta…yeheyyyy!
    kengkay: arrrghhhhh — i am soooo ready for it, ahahaha

    Komento ni partofyou — Enero 31, 2008 @ 2:18 umaga | Sagutin

  10. naaaks! balang araw magiging “youtube queen” ka na din, miss kengks… at hahanapin ng mga pinoys worldwide ang iyong mga interviews and quotes 🙂
    kengkay: naku, warning ba yang comment mo hahahaah. biglang umurong ang aking dila ahahaha. tama ka nga, pwedeng i record yan at gawing pro or con kapag tumakbo ako sa politics, hmmmm

    Komento ni taroogs — Enero 31, 2008 @ 2:51 umaga | Sagutin

  11. bakit nagsisigawan lahat ng mga tao dito. Yung kay reyna sa replay ko nalang napakinggan dahil nga nasa airwaves din ako nung mga panahong yun. Hopefully this time and the next time makakajoin na ko sa kulitan. Hehehe!

    batiin mo din ako ha, hahaha 😀
    kengkay: sali ka rin, let’s bring this to another level, ahahaha… kakawayan din kita sempre.

    Komento ni Kotsengkuba — Enero 31, 2008 @ 4:35 umaga | Sagutin

  12. […] « Guest si Kengkay sa Usapang Pinoy Radio Show […]

    Pasa ni I’m Off to a Costume Ball « — Enero 31, 2008 @ 12:43 hapon | Sagutin

  13. kengssssssss abangan ko ito pramis! palagay ko lang darating ang alaw may ma diskubre to be a star dahil sa programa ni joy! hehe ang galeng! sa susunod si inday malen hahaha I’m so excited for you & the gang!!:)
    kengkay: the gang talaga, ahahaha… isa isahin na tayo ni dr. joy; lalabas na ang mga sikret

    Komento ni cheh — Enero 31, 2008 @ 2:56 hapon | Sagutin

  14. Syempre iisa-isahin natin silang lahat! Para ke na may WPP family di ba? And everyone I know there has substance. 😀 Kaya dapat lang eh makapanayam sa Usapang Pinoy!

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    kengkay: right you are, ilista na silang lahat… am sure mag enjoy sila sa show mo

    Komento ni joy — Enero 31, 2008 @ 10:51 hapon | Sagutin

  15. Sige na mamu, pabatiin natin si kengkoy sa Saberday. Para masaya. Pampamilya tayo di ba? 😀

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    kengkay: sayang di pumayag si kengkoy, pero neks time daw, pramis

    Komento ni joy — Enero 31, 2008 @ 10:52 hapon | Sagutin

  16. Ich habe gerade nicht betrogen Sie von Google language tools. Jetzt kann ich in jeder beliebigen Sprache sprechen, die ich will. Vielen Dank im Voraus.
    kengkay: what ahhhh 😀 du bist ein lieber mensch, ahahaha

    Komento ni partofyou — Pebrero 1, 2008 @ 8:41 umaga | Sagutin

  17. waiting impatiently …tagal naman mareng kengkay ha ha! have fun!!
    kengkay: uy, nakinig ka ba?

    Komento ni thess — Pebrero 1, 2008 @ 9:43 umaga | Sagutin

  18. Ich lang ang alam ko. ano ba yon roni! wala bang bisaya transalation yan??? hahaha!!!! BOOOKAAAASSS NAAAAA!!! hahahaah
    kengkay: ich ich — pwede na yon. oo nga, radio show performer si kengkay, ahahaha

    Komento ni reyna elena — Pebrero 1, 2008 @ 11:22 umaga | Sagutin

  19. I am listening to your guesting…
    kengkay: hi nina, salamat sa pakikinig 😀 sana nag enjoy ka sa aking sikret story,a ahaha

    Komento ni nina — Pebrero 2, 2008 @ 2:14 hapon | Sagutin

  20. kengkay, sobrang nag-enjoy talaga ko sa show with you at future radio. ang sayasaya, kahit ang ikli ng kanta mo sakin. hahaha, salamat.

    ibang hapiness talaga ang naidulot sakin ng blogging. at ngayon hindi nalang sa blogging dahil may mga ganyang radio interview na and you got to hear your favorite bloggers and even hear your name mentioned over and over na hindi ko talaga na-experience sa mga radio stations sa pinas.

    mabuhay tayong lahat! ang goodluck to you trip sa pinas, sayang hindi ako makakasali sa EB nyo
    kengkay: hahaha, medyo nabuhayan ako sa request mo kasi nangungulit si ambo sa chat e. ayun, hinanap ko yung lyrics dahil feeling ko e asa american idol ako, ahahaha. you know what, iba talaga ang dating ng blogging imagine, tama ka, ibang level na talaga to. the thing is, for most of you to take time to listen talaga… ako ang hanga talaga. ibig sabihin, may katutunan ang sinasabi ko, ganun ba yun, hehehe

    Komento ni Kotsengkuba — Pebrero 2, 2008 @ 3:04 hapon | Sagutin

  21. Raq’s/ Kengkay – very cheerful ka din pala sa online radio. all i wanted to say was hi para ipaalam na nakikinig ako at the time.

    nakakahiya naman at napasingit pa ako ng di tuluyan. Hope you have a lovely holiday back home.
    kengkay:huy okay lang, akala ko kasi you wanted to plug something or to sing a song, just like me hahaha

    Komento ni Blogoloco - Win $250 — Pebrero 2, 2008 @ 3:28 hapon | Sagutin

  22. HAHAH!! HOYYYY!!! GREAT GREAT GREAT EVER EVER!!

    ANAK KA TALAGA NANG SOCIAL CLIMBER! an lufeeet nang social climbing mooo! gagayahin ko MISMOOOO mayang gabi! HAHAHA
    kengkay: yun ang aking pinagaralan sa unibersidad, ang how to social climb and get free loads at the same time 101 ahahaah

    Komento ni reyna elena — Pebrero 2, 2008 @ 3:46 hapon | Sagutin

  23. Raq’s/Kengkay nakuha na naman yata ni Mr. Akismet ang comment ko. Kaya eto ang panibago. Panalo ka talaga. Masayahin ka talaga. kengkay na kengkay.

    All I wanted was to greet you on the radio. Isa lang pala ang phoneline at naputol ka pa. Hope you didn’t mind.
    kengkay: sabi ko nga, okay lang yun, share share lang tayo ng ating time sa limelight, di ba 😀 at sempre, salamat sa pakinig ha

    Komento ni Blogoloco — Pebrero 2, 2008 @ 5:17 hapon | Sagutin

  24. ate kenkz nakaabot ako kahit pasado 9:30 na dito. ate ganda din ng boses mo.
    kaya lang ung little kengkay mo eh shy pa mkipagsocial climb.
    sana sa part 2 marinid din namin boses ng kengkoy mo.
    kengkay: si bunsoy kasi yung nangulit e, kaya medyo shy pa kunyari 😀 uy tenks at kahit na late e naki join ka pa rin

    Komento ni toni/nonblogger — Pebrero 2, 2008 @ 5:31 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: