Kwentong Kengkay

Pebrero 1, 2008

Cinderella si ako

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Europe,Hmmp,Kwentong Nanay,Oyropa Ko,Trabaho Lang — kengkay @ 9:09 umaga

Nagkakaripas ako ng takbo kaninang madaling araw, muntik pa mabasag ang aking plastik na sinelas. Ako kasi ang isa sa mga huling umalis sa dance floor ng Costume Ball kagabi, hahaha. Nilubos lubos ko talaga. NagwalaΒ sa dance floor ang naka-puchang si kengkay.

Pero seryus lang, eto ang isa rin sa dahilan kung bakit ako madaling araw na umuwi (aside from being a dancing queen) — kasi meron akong binantayan na isang nanay e. Mickey mouse ang costume nya. Mabuti nga at super ang make up nya kaya hindi sya kilala ng mga tao. Kasi… nalaseng ang daga, waaahhh. Napansin ko kasing bote bote ng vino ang parating bitbit; e dalawa lang naman sila naghahati, yung kasama nyang cowgirl.Β Paminsan minsan e tinatagayan din nila ako. Pero kasi meron ang isang boteng mineral water sa harap ko, kaya may chaser ako di ba. O ayun, nung uwian na, hindi na makatayo ng husto ang daga. Nagpaiwan na nga ako sa mga kasama ko kasi nakikita ko na ang mangyayari; at nangyari na ha. Tinulak ko silang dalawa agad sa isang madilim na sulok. At dun na nangyari — akkkkk, aakkkkkk, aakkkkk

Alam nyo na siguro kung ano ang ibig kong sabihin; lalo na sa mga tomador dyan, hehe. Teka, bakit kaya alam ko, ibig bang sabihin e isa rin akong tomador, hmmm. Mga sampung minutong ganon lang ang drama nya, mabuti at hawak sya nung kasama nya. Mag nagyayang ihatid sila; pero hinindian nila. Mabuti na lang kundi, linis kotse ang nangyari. Antay pa rin ako. Sabi ko dahan dahan na silang maglakad pauwi. Kasi kung taxi, sarado na kapag alas dos. Wala ng service. At kung may dumating man, siguradong tatanggihan din sila kasi nga lasing na lasing e.

So sabi ko lakad na ng pakonti konti dahil wala ng ibang magagawa pa. E ayaw kumilos dahil nahihiya daw sya kasi daming nakakita sa kanya. Hay ano ba yon… ngayon pa talaga nag isip ng kahihiyan. Sabi ko lahat ng tao e naguwian na. At pina-alala ko sa kanya na naka-make up nga sya di ba? O ayan, pasuray suray na naglakad ang isang dagang lasing at isang cowgirl na medyo lasing. Sana nakauwi sila ng maayos sa bahay. Sa totoo lang, nung hindi pa ako nanay, palaban din ako sa ganyan. Pero ngayong nanay na ako, parang pagiisipan ko muna. Although itong si kengkoy e tuwang tuwa kapag alam nyang tipsy na ako; e pano pa kaya kapag lasheng na talaga ako? Ayokong malaman.

Nakarating ako sa bahay ng gustong gusto ko ng hubarin yung aking glass slippers, aray ko. Pochamos, ang sakit ng sakong sakong ko. Di bale na, sarap naman mag-sayaw, hahaha. So ayun, balik Cinderella na si kengkay. Nag shower at nagpalit ng duster dahil naghanda pa ako ng baon ng mga bata para kinabukasan, nag walis walis, nag imis-imis, nag tiklop ng labada, at kung ano ano pa.

Parang panaginip lang ang aking Costume Ball na pinuntahan, hayyy. Kaninang umaga, alas siete pa lang gising na mga little kengkays. Niyugyog ako sabay sabing, ‘nanay kengkay, magkwento ka kung ano nangyari kagabi.’ At narinig ko rin ang telepono, sumagot ang answering machine, si kengkoy, na ang sabi naman ay ‘sorry darling, kailangan kitang gisingin kasi ihahatid mo pa ang mga bata sa kindergarten.’ Arrrrgh πŸ˜€

Atsaka na ibang chika dahil maglalako pa ako ng cakes sa kindergarten.

Advertisements

18 mga puna »

  1. Glass slippers? hehehe! Di ba winter dyan? Buti di nag-crack at natusok ang mala porcelang paa nang cinderella? hahahaha
    kengkay: basta sa costume ball, kahit na ginawin ang kili kili ko, ahahaha

    Komento ni reyna elena — Pebrero 1, 2008 @ 9:47 umaga | Sagutin

  2. hahahaha at least enjoy to the max ka momski! Galing ka pala sumayaw ha. ako hindi eh. i love to dance kaso di talaga umubra kahit si maribeth bichara suko sa kin hahahaha.
    kengkay: pramis yang ballroom dancing na yan sa pinas ha, sabi ko nga, dalhin ko yung dalawang kanang paa ko, hahaha

    Komento ni ambo — Pebrero 1, 2008 @ 9:49 umaga | Sagutin

  3. akala ko may pix ng lasing na daga na akay ni cinderella πŸ˜€
    kengkay: sabi ko nga pilitin nyo ako eh πŸ˜€

    Komento ni koreanmine — Pebrero 1, 2008 @ 11:20 umaga | Sagutin

  4. tomador pala si cinderella. πŸ™‚

    parang isang panaginip ba ate kengs? haaay, at least nag-enjoy ka naman kahit isang gabi lang.. ^_^

    o nga ate, picture!!! πŸ˜€

    Komento ni karmi — Pebrero 1, 2008 @ 12:27 hapon | Sagutin

  5. Kengkay, aba eh sa susunod ay yayain mo naman ako sa ganyang tomaan he he..wag mo solohin πŸ˜›

    o asan na camote ko?

    Komento ni thess — Pebrero 1, 2008 @ 12:57 hapon | Sagutin

  6. Uy, pictures po πŸ˜€ Sounds like you really had a ball! No pun intended. Ano sayaw mo? Macarena, pearly shell o twist?

    Ako eh tamad na tamad mag-attend dito. Pero baka one time eh umattend na rin. Syempre nothing beats a ball in England di ba?

    Handa na rin ba gown mo para sa iyong appearance bukas sa Usapang Pinoy?

    joy
    A Pinay in England
    Your Love Coach
    kengkay: alam mo ako interested talaga to join dahil party animal ako e, ahahaah.. pero shy ako ha, pramis yan πŸ˜€

    Komento ni joy — Pebrero 1, 2008 @ 1:42 hapon | Sagutin

  7. ate kengkay,
    i want to see the pictures too… i’m glad you had fun! plus dancing is a stress reliever.. have a good weekend, ate!

    NJ
    kengkay: pilit ka rin? i love dancing!

    Komento ni NJ — Pebrero 1, 2008 @ 10:29 hapon | Sagutin

  8. excited na ako sa guesting mo MAMI KENGS!
    kengkay: ako kinekerbiyos, ahaha

    Komento ni chuvaness — Pebrero 1, 2008 @ 10:42 hapon | Sagutin

  9. ikaw talaga di lang pala sayaw ang agenda mo dun, stalker ka din pala.. joke.. hehe..miss you girl!!
    kengkay: hi there, musta ka na? sayaw din tayo ah, ehehe

    Komento ni jeniffer — Pebrero 2, 2008 @ 1:09 umaga | Sagutin

  10. naku ibig sabihin bago pa nagmidnight naging lasing na daga na ang kabayo ni cinderella? magreklamo ka sa fairy godmother mo mommy kengks πŸ˜›
    kengkay: grabe, ano pa nga ba, lasing ang daga…naglakad tuloy si cinderella

    Komento ni S3lv0 — Pebrero 2, 2008 @ 2:44 umaga | Sagutin

  11. This is for our valentine blogging activity! Have fun posting your own date of date of birth, together with the name of your love one on the first string! See my whole post and comment for more information. Have fun! (year of birth not included! ^^)

    http://foobarph.wordpress.com/2008/02/02/days-of-love/
    kengkay: uy, bisitahin ko yan later

    Komento ni foobarph — Pebrero 2, 2008 @ 4:20 umaga | Sagutin

  12. bait mo namang guest. te kenks! talagang inisip mo pa sila hanggang ngayon… hehehe!
    kengkay: hay ano pa nga ba, kasi parang nakikita ko yung sarili ko dati ba, ahahaha

    Komento ni Lenggai — Pebrero 2, 2008 @ 5:23 umaga | Sagutin

  13. NAKU ATE KENGKS DAPAT NAGPIKTYUK PIKTYUR KA MAN LNG PRA NKITA KO YUNG glass slippers mo.. hehehe… iba pala ang mga mudra dyan.. hehehe
    kengkay: malapit na akong mapapilit, ahahaha

    Komento ni repah — Pebrero 2, 2008 @ 9:24 umaga | Sagutin

  14. Ready ka na ba? Ay nasa patay ka nga pala.

    See ya soon!

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    kengkay: ready na ako, joy!

    Komento ni joy — Pebrero 2, 2008 @ 12:09 hapon | Sagutin

  15. MAMI KENGKAY! PRESENT AKO SA LIVE INTERVIEW MO. HAHAHAHA

    ETO NA NAG I-START NAAAA
    kengkay: nababaliw ako, waaahhhh πŸ˜€ tenks for listening

    Komento ni chuvaness — Pebrero 2, 2008 @ 2:05 hapon | Sagutin

  16. waaaa. ate, ang kulit ng interview nyo.. πŸ˜€ aliw…

    narinig ko pangalan ko!!! πŸ˜€ sobrang tuwa eh noh.. hehehe…
    kengkay: ang kuleeett pero ang saya di ba, or ako lang ba nasayahan, ahahaha

    Komento ni karmi — Pebrero 2, 2008 @ 2:41 hapon | Sagutin

  17. hi im shey

    Komento ni shey — Disyembre 10, 2009 @ 10:53 umaga | Sagutin

  18. hi im shey sino ba drowing d2 ????????????????????????????????????????

    Komento ni shey — Disyembre 10, 2009 @ 10:54 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: