Kwentong Kengkay

Pebrero 2, 2008

Goodbye Blogging

Seryus to. Mga ilang sekundo ko rin pinagisipan. Ayoko na mag-blog. Napag-isip isip ko lang naman. Mayron akong na diskobreng ibang klaseng social climbing skill. Ano kanyo? Ang mag guest sa mga radio shows, ahahahaha.

E kasi gusto ko na lang magpa-interview kay Dr. Joy sa kanyang Usapang Pinoy radio show sa Future Radio, waaahhhh ๐Ÿ˜€ Sobrang nag-enjoy ako sa aking guesting kanina (at sana nag enjoy din ang mga naki social climb katulad nina Ambo, Reyna Elena, Karmi, BluePJ, Lovelyn, Roni, Chuvaness, Kotseng Kuba, nonblogger na si toni, Nina, sa aking kaibigang ka-Ratokย  (si RATOK tok) since high school na non blogger na si Liza, yung kakilala ni Dr. Joy na si Soy, naku kung may nalimutan man ako ay paki kalabit na lang ha)…. Hindi kasi halatang nag enjoy ang mga ka toto ko kasi halos umabot na yung comments dun sa blog ni Reynz sa milyones ahahaha…

Sobra kong pinag handaan yang interview na yan ha. Nagpatahi ako ng trahe de boda, nag make up, at wi nax ko nga todo ang aking glass slippers. Tapos para lalong ma concentrate ako, sumama pa talaga ako kay kengkoy sa isang misa para sa isang yumaong kaibigan. Nakiiyak ang kengkay kahit na hindi ko naman kilala yung namatay, ano ba yun. Tapos hinatid namin ang mga little kengkays sa kweba para lalong maka concentrate ang nanay nila. Sayang nga lang at hindi pumayag si kengkoy na makigulo. Pero humanda kayo, kasi pagkatapos ng aming bakasyon sa Pinas, pwede na daw sya isalang. Nagpaparinig ba ako na imbitahin ulit ni Dr. Joy, haahaha.

Mabuti nga kamo at hindi sumama si kengkoy sa interviewย dahil binuking ko lahat lahat sa ere. Mabuti na lang hindi nyo nakitang nag ba-blush ako, hiyaaa! Ganyan ako, sobrang mahiyain talaga – kaya nga load lang at cellphone ang unang hiningi ko e, ahahaah. At salamat din kay Ambo at Roni, na habang ini-interview ako e parehong nakikisabay ng chat sa YM at sa mga aliping tagigilid ni Reyna na binulabog ang comment section ng kanyang social climbing blog, ahahaha. Nakakabaliw. Pero ang saya saya talaga. Maraming salamat sa nakinig. At mas maraming salamat sa mga hindi nakinig, ahahaha. Maraming salamat sa mga nakigulo sa studio sa pamamagitan ng pagpapadala ng questions, statements or accussations — sayang, si Blogoloco hindi ko narinig.

Kasalukuyan kasing nabasag kung aking glass slippers dun nagsasayaw ako ng Macarena e. Ayun, naging busy tuloy akong magwalis. At sempre, kasi nag practice kami ni Ambo na mag duet ng request ni Kotseng Kuba na When I Met You ng APO; ang ganda ganda ko di ba, hahaha. Sempre yun ang press release ni Reyna di ba tapos request pa ni Kotseng Kuba. E si kengkay naman, hindi naman ako uto uto di ba? Ang lakas ng loob kong kumanta, arrrrgh. Halatang HINDI tumatambay sa mga karaoke bars. Game na game hahahaha. Nag hanap ako ng lyrics sa internet…Kaya tama lang talaga na mag goodbye ako sa blogging kasi sabi nga ni kotseng kuba, that radio show is blogging to the higher level!

Sa sunod, si Reyna naย naman ang isasalang, sa Feb. 16. Makinig kayo ha. Ako nga asa Bangkok pero ititigil ko ang trapik don para lang makapakinig sa kanya. Pramis, kakabagan kayo sa katatawa ay mayย social climbing skillsย kayong matututunan, di ba ๐Ÿ˜€

I click nyo ang link na ito para mapakinggan si kengkay.

Dagdag ko pa ito, kinopya ko lang sa blog ni Dr. Joy, ahahaha

ย joy Says:
February 2nd, 2008 at 8:58 pm

The Station Manager of Future Radio said that today was a record breaker in terms of messages sent! He was really pleased.

Advertisements

27 mga puna »

  1. Akala ko naman otoo na. Babatiin lang sana kita, kaso isa lang pala ang linya. kaya naputol ang sa iyo ng panandalian. Hope you didn’t mind it.
    kengkay: ahahaha, emote ko lang yan. enjoy naman kasi talaga di ba?

    Komento ni Blogoloco — Pebrero 2, 2008 @ 7:05 hapon | Sagutin

  2. siyampre naman.
    kengkay: hahahaha, mabuti naman

    Komento ni Blogoloco - Win $250 — Pebrero 2, 2008 @ 8:26 hapon | Sagutin

  3. uy, tentyu sa inyo, sinamahan nyu ako sa opis kanina, bogga ang mami kenkay! teka, yung link ng name ko bakit napunta ke youareyou, eh partofyou ako, parte ng kung anumang meron kayo, hahaha!
    kengkay: naku, napanaginipan ko nga na mali yung na link ko e, pero oks na ulit sya. ang saya sa opis mo di ba ๐Ÿ˜€

    Komento ni partofyou — Pebrero 2, 2008 @ 9:13 hapon | Sagutin

  4. Uy, nasa Studio B kasi ako, na isa lang ang phone line. Kay Reynz mag Studio A ako para 2 phone lines! And Raquel, maririnig mo pa rin naman si Blogo sa aking podcast. Napakinggan mo ba ulit? ๐Ÿ˜€

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    kengkay: naku, dalawang beses ko pinakinggan dahil ang kukulit ng mga anakis ko sa tabi ko. hindi naman pala nakakahiya yug mga pinagsasabi ko, sobrang nakakahiya,weee

    Komento ni joy — Pebrero 2, 2008 @ 11:32 hapon | Sagutin

  5. woi mami kenks pinakinggan ko interview mo with dr.joy at cute ng boses nyong dalawa hehe

    xiao!
    kengkay: talaga brath, ang kyut naming dalawa di ba ๐Ÿ˜€

    Komento ni brath — Pebrero 2, 2008 @ 11:49 hapon | Sagutin

  6. astig talaga. sayang lang di ko napakinggan. nalimutan ko! argh.
    kengkay: andyan yung link, i click mo lang

    Komento ni iris — Pebrero 3, 2008 @ 3:47 umaga | Sagutin

  7. nagenjoy talaga ako dun sa interview nyo ate.. ๐Ÿ™‚ ang ganda nga ng boses nyo ni Dr. Joy.. ^_^
    sayang di nakasalang si kengkoy, nahiya ata. hehehe..

    basta next times ulit.. ๐Ÿ™‚

    enjoy sa bakasyon sa pinas ha!!! pictures po ng EB!!! ^_^
    kengkay: nahiya talaga si kengkoy kasi hindi daw sya magalig mag inglis; di nya alam dapat magaling sya magtagalog, haha

    Komento ni karmi — Pebrero 3, 2008 @ 4:00 umaga | Sagutin

  8. papakinggan ko iyan mamaya pag-alis ng mga bossing ko hehehe
    kengkay: sige, sige, masaya dun

    Komento ni rhapsody — Pebrero 3, 2008 @ 7:40 umaga | Sagutin

  9. hahahha. Next time nasa TV ka na!! Weeee! ๐Ÿ™‚
    kengkay: tv, tv? weee, takot ako, hahaha

    Komento ni Laarni — Pebrero 3, 2008 @ 10:30 umaga | Sagutin

  10. Hahaha. Most awaited pala si Kengkoy! At salamat sa lahat ng nakinig ulit at sa pagsabing cute kami – este cute ang boses namin. Sa Feb 16 eh si Reyna Elena naman ang guest. ๐Ÿ™‚
    kengkay: kyut talaga tayo joy ๐Ÿ˜€ oo nga sa feb 16, si reyna naman

    Komento ni joy — Pebrero 3, 2008 @ 11:37 umaga | Sagutin

  11. Kung na-miss niyo pala yung first guesting ni Reynz, go to my sidebar, click on PODCAST under Categories and you’ll find the other uploaded shows. Dadami pa yan because I am uploading all the shows since October last year.

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo
    kengkay: grabe, imagine since october na pala tayo nagkukulitan sa usapan pinoy na yan

    Komento ni joy — Pebrero 3, 2008 @ 11:38 umaga | Sagutin

  12. Hay i really enjoyed the show last night. Sumakit tyan ko kakatawa, sumakit paa ko kakasayaw ng maca-reyna hahahaha. Galing talaga ng social climbing skills ng mommy kengks hehehe. Congrats for a job well done mommy kengks! ๐Ÿ™‚
    kengkay: salamat sa pangungulit sa chat at nagbuyoy ako, hahaha… at salamat din sa duet mo kahit na hindi ka narinig sa radyo. sa sunod kulitin natin si reyna

    Komento ni ambo — Pebrero 3, 2008 @ 12:20 hapon | Sagutin

  13. test
    kengkay: bakit test, hindi ka naman kinain ni akismet e

    Komento ni ambo — Pebrero 3, 2008 @ 12:20 hapon | Sagutin

  14. Ibig sabihin natalo pa ang Reyna sa messages sent? ๐Ÿ™‚
    kengkay: kasi nanghakot ako ng mga high school prends, ahahaha

    Komento ni nina — Pebrero 3, 2008 @ 1:23 hapon | Sagutin

  15. pambihira ever ang maca-REYNA mo hahahah, nabulabog studio at PHYSICALLY nagkalampagan at nahulog mga equipments!

    yong comments dun sa panaginip mo ayaw tantanan, ang haba haba ever di ko na masundan hahaha ganun kabaliw ang mga tao tayo kengkay, tumakbo ka nang tongressman habang andun ka sa Gubat – ikaw ang truling mamumundok sa GUBAT hahahaha
    kengkay: wahahahaha, gubat na gubat na diwata ang dating ko. pero yoko sa gubat, mahirap mag seminar dun kung papano maka-libre ng load at celpon hahaha

    Komento ni reyna elena — Pebrero 3, 2008 @ 1:51 hapon | Sagutin

  16. NGA PALA! LANGHIYA KA EVER EVER TALAGA! as in ha? WALANG BINATBAT ANG SOCIAL CLIMBING NI REYNA SEYOOOOO!!! hahahha

    AN LUFEEET MO EVER! as pati celfon at load! ALAM MO BANG PUMOTUK ako nang tawa muntik nang mabasag ang laptop ko dahil isa kang MOTHER NANG MGA BOYLETS KOOOOO!!! hahahah
    kengkay: wahahaha, isa akong mama load, de vah

    Komento ni reyna elena — Pebrero 3, 2008 @ 1:52 hapon | Sagutin

  17. kengkay, sobra talaga kong nag-enjoy, hahaha. para kong sira-ulong nag-eenjoy mag-isa kahit ginaw na ginaw dito at nakatalukbong ng comforter. sana mas marami pang co-bloggers (kabisyo?) natin ang ma-interview ni dr. joy para masaya lagi ang weekends natin. hahaha, goodluck sa 5-week trip nyo ni kengkoy and kids.

    sayang at hindi tayo nagpang-abot sa pinas. kung sasakay ka nga pala ng PAL, inenok mo yung mabuhay magazine dahil nung pabalik ako e wala silang kopya sa eroplano. wala tuloy akong dala dahil yung unang kinupit ko e nasa tagaytay. hahaha
    kengkay: nag enjoy din ako, esp yung aking sing a song por yu. best pren na bespren ang dating… yung crema de fruta ko ha. naku, pwede kitang inenok ng magazine pero thai kasi thai airways kami e.

    Komento ni Kotsengkuba — Pebrero 3, 2008 @ 2:47 hapon | Sagutin

  18. kahit lagpas ng kalahating oras me naabutan din po ako at hanga ako sa timbre ng boses mo ate kenkz..teenager dating eh.
    napakinggan ko naman kabuoan ng interview don ke ate joy.
    kaya narinig ko din ung storya nyo ni kengkoy..galeng.

    @kotsengkuba kaw pala ung binanggit na nakatulakbong ng komporter?
    kengkay: naku, wag ka maniwala dun sa kwento kong yon, ahahahaha. si joy nalito na siguro kaya napagpalit si reynz at kotseng kuba ๐Ÿ˜€

    Komento ni toni/nonblogger — Pebrero 3, 2008 @ 5:04 hapon | Sagutin

  19. […] mga kabisyoooo!!! I’m sure you all had a great time ever dun sa Kengkay Show with Dr. Joy Barredo sa Usapang Pinoy at Future Radio in UK. So much so that the comments here are […]

    Pasa ni Reyna Elena from Blog to Radio: Should I say I do? — Pebrero 3, 2008 @ 11:01 hapon | Sagutin

  20. hello ms kengkay. i heard your lovely voice on ms joy’s show, usapang pinoy and i so love your romantic comedy life hah. say mo, i stayed tune to your podcats for almost an hour. it really was wonderful and you were very jolly ๐Ÿ˜‰
    kengkay: salamat sa pakikinig ha… life is a cabaret, de vah, hahaha

    Komento ni sardonic nell — Pebrero 4, 2008 @ 12:07 umaga | Sagutin

  21. ankyut ng boses mo mami kengks!!! sa podcast ko na lang napakinggan =)
    kengkay: pusaaaaaa, narinig mo yung siket ko na bri nodkast ko sa buong mundo, waaah ๐Ÿ˜€ pag nag EB tayo walang magkwento kay kengkoy ha, mababatukan ako non

    Komento ni pusa — Pebrero 4, 2008 @ 7:01 umaga | Sagutin

  22. buti pa sila nagkaka-social-climing-an

    san ba maririnig ang radyo ni Ms Joy?
    kengkay: hi scart, sa future radio na link; kung gusto mo maki social climb sa aking interview e click mo yung link na andyan sa baba ng post ko

    Komento ni scart — Pebrero 4, 2008 @ 7:17 umaga | Sagutin

  23. nice interview. full of emotion and i was smiling while listening to the interview ๐Ÿ™‚
    kengkay: uy, salamat sa pakikinig. i had loads of fun that time. halata bang wala akong ganong kausap dito ๐Ÿ˜€

    Komento ni ladyracer — Pebrero 4, 2008 @ 1:38 hapon | Sagutin

  24. hi kengkay, you made my day. tawang-tawa ako!kahit puyat dahil 12:30 am na at halos 1 hour pala to, kahit may work ako ng 8 AM okay lang.
    may karir ka na pag-uwi mo, pwede kang magdub ganda ng boses. Parang wala kang makausap sa Germany, ramdam ko ang intensity, emotion sa boses mo! Nakakasabik! hehehe
    Iba talaga pag naeexpress sa sariling wika – theres soul este may kaluluwa! (dapat pala filipino)
    Maligayang Muling Pagdating!
    kengkay: uy, halatang halatang wala akong matinong kausap dito ano, ahahaha. miss na miss kong magtagalog talaga. alam mo yun. miss na miss ko yung magchika lang ng walang katuturan pero may patutunguhan, hay ano ba yun, kakalito yata, hehehe. salamat sa pagtiyagang makinig ha. lapit na lipad namin dyan, weee

    Komento ni bernardumali — Pebrero 4, 2008 @ 4:43 hapon | Sagutin

  25. sikat ka na mommy kengks! baka hindi ka na ma-reach niyan. ๐Ÿ˜€
    kengkay: haha, reach na reach pa rin ako ๐Ÿ˜€

    Komento ni Meeya — Pebrero 4, 2008 @ 9:25 hapon | Sagutin

  26. ps. late ako ng 1 hr and 20mins kanina sa office. in short, 20 mins nang naghihintay ang mga participants at hindi ko maikwento sa kanila na napuyat ako dahil sa pagsayaw ng macarena. hehehe
    actually, yung interview mo ay isang maadventure na blog material.
    kengkay: hahahaha, dapat ba akong mag sorry dahil na late ka, hmmm? ako medyo nagalinlangan akong pakinggan kasi baka hindi ako maniwala sa mga pinagsasabi ko e, hehe

    Komento ni bernardumali — Pebrero 5, 2008 @ 9:42 umaga | Sagutin

  27. […] na kayo. Pramis, kakaway-kawayan ko kayo habang nasa ere na ako, tulad ng dati ba. Eto pala ung unang interview ko, sa mga gustong […]

    Pasa ni havaianas vs. spartan « Kwentong Kengkay — Mayo 22, 2008 @ 8:01 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: