Kwentong Kengkay

Pebrero 4, 2008

Maganda sa Basilan

imgp2634.jpgAlam nyo ba na maganda rin sa Basilan? Maganda ang beach nila. Masarap ang hangin. Pero sino kaya ang magiisip sa atin na magbakasyon sa Basilan? Nalinya kasi sila sa pagiging kuta ng Abu Sayaff; pero sa totoo lang, masamang publicity lang yon na kumapit na sa probinsya ng Basilan. Marami ang nagsasabi na dahil sa negatibong publicity na ito ay dahan dahang nalugmok ang Basilan. Napabayaan ang eco tourism; actually, halos wala nga tayong naririnig tungkol sa Basilan e, di ba? Kung meron man, mga balitang hindi nakakaganda sa image ng lugar na ito.

At ang resulta? Mas lalong naghihirap ang mga kababayan nating nasa Basilan. Naghirap na nga sila sa kamay ng mga insurgents, dapat pa rin ba silang parusahan? Sa tingin ko, hindi na tama yon. Tama na yung halos mamatay na ang ecotourism sa lugar na yon pero hindi dapat na magdusa ang mga kababayan nating taga Basilan. At sino pa ang mag tutulong-tulong kundi tayong mga Pinoy din. Sa anong paraan tayo makakatulong?

Kung isa kang blogger, bigyan natin ng pansin ang Basilan. Suportahan natin ang project na pinangungunahan ni Ibno Hajar Turabin, President of BIDA (Basilan Island Development Association).

Ang proyekto ang tinatawag nilang, Project: H.E.L.P. Basilan

At eto ang focus nila:

H – HEALTH
E – EDUCATION
L – LIVELIHOOD
P – PEOPLE

Puntahan nyo ang link na ito.

Bloggers who supported the project.
Sinaglaya
Reyna Elena
Part of You
Pinoy Ambisyoso Meets World
kwentongkengkay
chuvaness

Sana maging maganda ang takbo ng project na ito. Gusto ko ring madalaw ang Basilan. Paki pasa naman, mga fellow bloggers.

Salamat para kay Roni dun sa ginamit kong litrato ng beach sa Basilan.

Advertisements

12 mga puna »

  1. mami kenks, heres another link: http://islandparadisephilippines.com/2007/12/16/malamawi-island-beach/
    kengkay: grabe, ang ganda pala talaga dyan sa basilan ano? sa uwi namin sa 2010, siguraduhin ko na madalaw ko yang beach dyan talaga

    Komento ni partofyou — Pebrero 4, 2008 @ 8:24 hapon | Sagutin

  2. mayroong kaibigang photoblogger ang first time nakarating ng Mindanaw, ewan ko kung narating nya yung Basilan, pero sabi nya sa kin ang ganda ganda daw dun, yun tipo bang babalik balikan mo.

    Congrats nga pala mami kengkz sa napakagandang mga review ng guesting mo kay Doc Joy, di ko pa napapakinggan kasi naman oras ng trabaho ko yun e :(, pero eto na papakinggan ko na sa bahay ni dandang reynz 🙂
    kengkay: nakarating na ako sa mindanao — umikot kami minsan sakay ng tricycle, ng mini bus, ng jeep at ng motorsiklo – alam mo, maganda talaga sya tapos andaming magagandang dagat… natural na natural pa dun, masarap talaga pumunta. tungkol naman sa interview… ibig sabihin naakit ka ring makinig, hahaha

    Komento ni pandaypira — Pebrero 4, 2008 @ 9:05 hapon | Sagutin

  3. hehehe ako pala yan si manilenya lol!
    kengkay: iba ibang mukha 😀

    Komento ni pandaypira — Pebrero 4, 2008 @ 9:05 hapon | Sagutin

  4. Thank you Mommy Kengks for doing the project. Bilis ah 🙂
    kengkay: malakas ka sa akin e 😀

    Komento ni Ambo — Pebrero 5, 2008 @ 1:47 umaga | Sagutin

  5. Totoo po lahat ng sinabi nyo. Nuong nakalipas na 4 na taon, ako po ay nagpunta sa Basilan, para magbigay ng isang maikling paliwnag tungkol sa “coconut protocol” na ginagawa ko bilang isang private citizen. Wala pong halong biro….. na in love ako sa kagandahan ng tanawin sa buong Basilan… at ang mga tao duon…. 90% muslim sila… at ng nalaman nila na ako ay isang katoliko….hahahaha…. duon ko lang nadama ang isang tunay na respeto na binibigay nila sa mga kristyanong katulad ko… mahirap ipaliwanag… pero talaga… ang babait nilang lahat!!!
    kengkay: kita mo na, isang testimonial na maganda talaga sa basilan… salamat sa pagdaan dito sa blog ko ha. nakita ko blog mo, youtube 😀

    Komento ni ricmactal — Pebrero 5, 2008 @ 5:18 umaga | Sagutin

  6. hindi pa ako nakakapunta ng mindanao region. pero pag nakaroon ako ng opportunity… dadalawin ko ang beaches ng basilan. addict pa naman ako sa beach 🙂
    kengkay: pareho tayong adik adik sa beach. sarap naman talaga e. nakarating na ako ng ilang bayan sa mindanao, sa totoo lang, maganda talaga dun.

    Komento ni ladyracer — Pebrero 5, 2008 @ 9:51 umaga | Sagutin

  7. […] supported the project. 1. Reyna Elena 2. Sinaglaya 3. Part of You 4. Pinoy Ambisyoso Meets World 5. Kengkay 6. 100% Batangueno 7. — Do me a favor! Spread the Basilan word! Do it for the people of […]

    Pasa ni Project: H.E.L.P. Basilan — Pebrero 5, 2008 @ 12:15 hapon | Sagutin

  8. pero wala na talagang abu sayyaf dun mamakengkz? ahehe.. well, di rin naman nila ako mapagkakamalang kidnappin kasi una, inde ako porener at pangalawa, walang magraransom sakn hehe. mganda siguro dun, walang katao-tao 🙂
    kengkay: wala na daw, parang naging association na lang kasi nga mindanao e. basta ako gusto ko ulit bumalik ng mindanao 😀 sama ka?

    Komento ni lilmiz — Pebrero 5, 2008 @ 4:26 hapon | Sagutin

  9. napanood ko nga sa TFC, maganda nga ang mga views. at tanaw na raw ang taiwan from there hah, galing noh! bakit ba nong nasa pinas pa ako eh di ko yan dinalaw. sige, sa disyembre eh punta ako dyan 😉
    kengkay: uy sige nga, tapos i blog mo ha, para naman ma convince ko rin si kengkoy na pumunta dun.

    Komento ni sardonicnell — Pebrero 6, 2008 @ 1:18 umaga | Sagutin

  10. yeah its true basilan is very nice even though maraming abu sayaff but still maganda prin sa basilan….and ung nga beaches sa baSILAN ang gaganda lahat lao na ung white beach as in pure white tlaga ung sand……..well im from basilan kc kya khit sometimes may gulo pro love ko prin ang basilan……..hope for peace in basilan……….. dalaw kau ha!!!!

    Komento ni brenelyn0000 — Pebrero 14, 2008 @ 10:48 umaga | Sagutin

  11. oo namn dahil nkpunta n aq jn no

    Komento ni hcer — Marso 9, 2008 @ 9:00 umaga | Sagutin

  12. Muchas Gracias! Sa lahat ng mga nakapunta na at mga mga pupunta pa… BIENVENIDOS A TODOS! Pesong Kaam! Sana madalas nyo pa kaming bisitahin.

    For more info on Basilan… you may check out “Basilan” both on wikipedia.org and wikitravel.org… may mga important info na puede nyong gamitin sa susunod na pagdayo ninyo sa aming pulo.

    Basilan (70% Muslim) is the “richest” province in the ARMM, and Isabela City, its Capital, is the Philippines’ southernmost City (75% Christian).

    We hope to see you all here. ENJOY and VAYA CON DIOS!!!

    Komento ni jjarivera — Setyembre 22, 2008 @ 5:23 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: