Kwentong Kengkay

Pebrero 5, 2008

Inggit ako kay Kengkoy

Si Kengkoy lost more than 2 kilos!!!!! Successful ang diet at exercises ni kengkoy ha. Nagsimula sya nung huling araw ng Disyembre sa ganitong regimen at nung Sabado e nakita nya ang resulta… he lost weight. Arrrgh. E ako kaya? Hindi ko alam kasi tagal ko ng hindi bumibisita sa aming kiluhan, hehehe.

Ano ginawa ni Kengkoy? Hindi na ganon karami kung kumain lalo na sa gabi. At kung kumain man sya, mas makulay ang pagkain nya dahil sa gulay. Tapos at least 3 times a week e nag jojogging sya; kundi man stationary bike for more than 30 mins. At alam nyo kung ano ang pinaka-dahilan kung bakit ang sipag nyang gawin ito? Kasi naranasan nya yung nangyari nung bagong taon. Imagine, imbes na mag-celebrate kami e itinakbo sya sa hospital. Mataginting na wake up call talaga yon.

At ano pa ang ibang pwedeng dahilan? Kasi magbabakasyon kami sa Pinas. Alam ni Kengkoy kung ano ang ibig sabihin non: kain, kain, kain, kain… reunion dito, reunion don; ngayon dagdag pa, EB dito, EB don! Ang mahirap pa nito, ang tambayan namin e ang swimming pool at sempre kapag asa beach kami, sa tabing dagat. Kakahiya naman sa madlang tao kung naka swimming suit ka tapos bundat na bundat ang emote, hehehe!!

Ngayon wag nyo na tanungin kung si Kengkay e nag loose weight. Basta ang alam ko, kasya pa rin yung bikini ko. Yun nga lang, umalon ang mga bilbil ko, hahahah. Weno nga yun? Basta ang alam ko masarap manginain sa Pinas. Atsaka na ang diet diet, di ba? Atsaka sigurado ko, pagbuhat buhat pa lang nung mga bagahe namin e mawawala agad ang mga taba taba ko. Ano sey nyo 😀

Advertisements

11 mga puna »

  1. Korek, Raquel! Just enjoy your holiday, enjoy being with your family and enjoy your body. You earned how ever many pounds you have. As long as you don’t feel the necessity to switch off the light to undress well you’re still ok 🙂

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo
    kengkay: well joy, salamat sa support, hahaha. i love my body and the food i take, pwede na yon di ba 😀

    Komento ni joy — Pebrero 5, 2008 @ 11:10 hapon | Sagutin

  2. Baka naman ang totoo nyan eh talagang di mo na pinapakain si Kengkoy? HAHAHA
    kengkay: pssshhhh, wak ka maingay. ganun na rin yon. isang tasa na lang ng kanin at isang sandok ng ulam, ahahaha

    Komento ni reyna elena — Pebrero 5, 2008 @ 11:39 hapon | Sagutin

  3. ate kenkz sabi nga ng nanay ko pag nasa pinas ka daw kahit nde ka magexercise eh kusa ka papawisan sa init ng panahon, tas kung mejo malapit nmn pupuntahan eh piliting maglakad.
    di tulad dito na hirap na hirap ang ibang tao sa kaeexercise at kaddiet eh halos nde man mabawasan ang timbang.
    kengkay: alam mo kapag asa pinas kami lakad kami ng lakad.. papunta ng kainan, pwede na rin kaya yon, hmmm 😀

    Komento ni toni/nonblogger — Pebrero 6, 2008 @ 12:09 umaga | Sagutin

  4. inggit din ako kay kengkoy.. kaya pag uwi nyo dito, di ko sisirain ang naumpisahan nyang dyeta…
    kengkay: def, pwedeng pwede mong sirain ang diyeta lalo na kasi may pramis kang DAMPA date, nagiwan na kami ng space para dun, wehehehe

    Komento ni defpotec — Pebrero 6, 2008 @ 1:06 umaga | Sagutin

  5. frustration ko rin yan, lady kengkay. eto nga at sinabihan na ako ng doctor to lose weight raw kong hindi eh iinom na ako ng meds sa alta presyon. yikes! kaya eto diet ang bakla, less rice, more veggies ang drama ko ngayon. red meat eh once or twice a week lang. nakakaloka, tapos ngayon eh sinabayan ko pa sya ng lagok ng glutathione. hahahah, antioxidant raw yon eh. kaya namumutla ang beauty ko, huhuhu 😦 pero in fairness ha, nong umuwi ako sa pinas. wala akong ginawa rin kundi kumain. pero nagulat ako kasi nag lose pa ako ng weight instead of gaining some. unusual noh, but true. di kaya yon ang sekreto sa pagpapapayat, ang kumain lang. bwahahaha!

    naku sorry po lady kengkay, napahaba ang comment ko. at bakit ganon feeling ko eh tagal na nating magkakilala at close pa tayo. sensya na po, have a good day 😉
    kengkay: magandang theorya yan ha, kumain ng madami para pumayat… gagawin ko na nga yan ngayun din *si kengkay naghalunggat sa kusina — hehehe. gusto mo rin? tutal naman close na tayo e, ehem 😀

    Komento ni sardonicnell — Pebrero 6, 2008 @ 1:16 umaga | Sagutin

  6. waahhh!!! lapit na umuwi si ate kengks!

    takot ako magtimbang lately kasi baka yun ang maging dahilan ng heart attack ko. LOL!
    kengkay: weee, malapit na tayo magkita! alam mo kami din, nakatago yung timbangan namin.. mabuti naman, hehe

    Komento ni jojie — Pebrero 6, 2008 @ 3:41 umaga | Sagutin

  7. that’s it! last straw na ito… una si pareng def nag-lose ng timbang… ngayon si kengkoy naman! aayusin ko na talaga yung flat ng bisikleta ko at magpepedal around the block na uli 😐
    kengkay: hala taroogs, go go go 😀 gusto mo rin magbikini, hehehe

    Komento ni taroogs — Pebrero 6, 2008 @ 6:15 umaga | Sagutin

  8. …hehehe!! korek! ang pagsususot ng bikini ay nasa pagdadala, kasehodang umaalon lahat ng aalon!:p
    pagnatapos na bakasyon tsaka na ang diet diet na yan!=)
    kengkay: ayan, kaya naman labs na labs kita e, hahahaha. yan na nga yon

    Komento ni sommer — Pebrero 6, 2008 @ 6:54 umaga | Sagutin

  9. hala, dyeta nmn ba uso ngaun, pde ko kya i stapler na lang bibig ko para maka pag dyeta ako 😀
    kengkay: naku, wag at masakit yon. kumain ka na lang, sabayan kita!

    Komento ni koreanmine — Pebrero 6, 2008 @ 10:30 umaga | Sagutin

  10. una icocongratulate ko pla c kuya kengkoy.. para sa pagbawas ng weight.. at syempre para sau ate kengks… okey lng un khit ksing lapad mo pa c maginboo as long as ikaw parin ay dyosa ng earth keri na un.. hehehe
    kengkay: repah, ano gusto mong pasalubong, wahahahaha

    Komento ni repah — Pebrero 6, 2008 @ 11:05 umaga | Sagutin

  11. ako kahit anong gawin ko hirap ako mag dyeta hahaha..kiver…ansa pag dadala lang yan hehehe

    pero lalter mag ba-badminton kami plus gym hahaha
    kengkay: kelan yung later, ahahaha — parang yung later ko rin yata yan a 😀

    Komento ni chuvaness — Pebrero 6, 2008 @ 9:56 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: