Kwentong Kengkay

Pebrero 7, 2008

Empake Time

Kahapon e nag-simula na akong mag empake. Mahirap mamili ng dadalhin. Kahit na nung isang taon pang nakahiwalay na yung mga gusto kong dalhin na mga damit at gamit namin.

Yung mga damit ng mga bata, kailangan ko uling tingnan kung kasya pa sa kanila. Yung mga damit ko rin, may mga ilang sinukat ko muna bago ko itiniklop. Yung iba hindi na kasya; sempre tinabi ko muna kasi baka pumayat pa ako, hmmm πŸ˜€

Dalawang malaking maleta ang dala namin, isang maliit at isang bag na para sa isang normal na balikbayan box. Yung isang malaking maleta e napuno na ng mga damit namin. Hindi pa kasama dun ang mga underwears, yun ang isa sa mga huling pinapasok sa maleta, di ba? Wala pa rin yung mga toiletries at sapatos dun. Pero naman, halos limang linggo kami sa Pinas di ba? Konti pa nga yung dala namin e.

Yung pangalawang malaking maleta e mapupuno yon ng mga padala, pabili, regalo, pasalubong, yung aming mga anti-treatment program at kung anong anik anik pa. Yung maliit na maleta ay may chance na sumama ng walang laman. At yung isang malaking bag ay nakatiklop yon na sasakay ng eroplano. Mapupuno na lang sya paguwi namin, parang magic, hehe.

Kaninang umaga ayaw na pumasok ng mga anak ko sa kindergarten. Natatakot na silang maiwan dito. Kasi nga, naka empake na si kengkay e. Pumayag kaming hindi sila pumasok, pero bukas, dapat balik kindergarten na ulit sila. Kailangan lang ng konting himas at malaman nilang, kasama talaga sila.

—-

P.S Pwede kayong manalo ng 10,000 pesoses basta maki social climb kayo sa pamamagitan ng pagsali sa logo contest na ito. Deadline Feb. 16, kaya sali na!

Advertisements

14 mga puna »

  1. Helloooo! Bakit mo naman kailangan magdala ng damit at sapatos? Eh pupunta kayo ng best shopping destinations in Asia! Hala, magshopping sa Bangkok, Divisoria, SM at Greenhills. Sama mo na rin ako sa shopping. UK size 8 ako, o kaya small hehe.

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo

    Komento ni joy — Pebrero 7, 2008 @ 12:04 hapon | Sagutin

  2. kaka excite!!! buti kaw organyz mag empake, ako tanggal – lagay eh (kala mo nmn san ako pupunta – sa 8 hr trip lang Lols πŸ˜† )

    hirap pag galing sa iabng bansa, dami nag eexpect pasalubong, kadalasan, dun napupuno ang bagahe πŸ˜€
    kengkay: pareho lang tayo, kaya maaga ako mag empake kasi everyday tanggal, dagdag ang drama ko. yung pasalubong at padala oks lang sa kin, ang nadidismaya ako e yung may ipaki ka rin sa iba pero hindi dumarating, hay buhay

    Komento ni koreanmine — Pebrero 7, 2008 @ 12:12 hapon | Sagutin

  3. Naku si misis naka empake na para sa march.
    kengkay: teka, pebrero alis namin, balentayms day nga e

    Komento ni Blogoloco — Pebrero 7, 2008 @ 2:30 hapon | Sagutin

  4. Naku malapit na talaga ahh, ang sarap ng umuuwi sa ating lupang hinirang. Lapit na din Eb ninyo, share na lang ng pictures ha?
    kengkay: ipapaskel namin kapituran naming lahat sa mga blogs, wag ka mag-alala

    Komento ni MisyeL — Pebrero 7, 2008 @ 2:31 hapon | Sagutin

  5. shaks! nakakainggit ka mami kengks! daya naman o sa May pa uwi ko ampf!!

    xiao!
    kengkay: uy, may EB rin sila sa mayo

    Komento ni brath — Pebrero 7, 2008 @ 2:58 hapon | Sagutin

  6. grabe ako din excited! yong asawa konababaliw pag umuuwi kami kasi lagi kaming over-over…pwera pa yong mga nauna sa cargo πŸ™‚
    kengkay: hahaha, i can relate. halos pwedeng dalhin na nga pati yung mga sofa at mga electric appliances na hindi na rin ginagamit pero okay pa rin, hahaha

    Komento ni nina — Pebrero 7, 2008 @ 6:35 hapon | Sagutin

  7. maagang welkam home mami kengkay!!!! malapit namalapit na!!! ang kukulit ng mgalittle kengkays mo hehehehe
    kengkay: ayusin mo na itinerary natin, hahaha. excited na kong mag magdamagan

    Komento ni chuvaness — Pebrero 7, 2008 @ 11:34 hapon | Sagutin

  8. ako hysterical ako nung kinder, hehe. ^^
    kengkay: pareho kayo ni kengkoy, iyakan blues lang daw nangyayari, ahaha

    Komento ni foobarph — Pebrero 8, 2008 @ 3:04 umaga | Sagutin

  9. kengki may tag akong pabaon sayo hehehe. alam kong nagpapalakpak ng ang iyong mga boobs sa excitement na umuwi. see you soon po.
    kengkay: yung fake ba o yung tunay, ahahaah

    Komento ni S3lv0 — Pebrero 8, 2008 @ 4:50 umaga | Sagutin

  10. answeet naman ng mga junakis mo, miss kengks, natatakot na baka iwanan sila ng mga magulang nila. hehehe… parang “home alone” yun a!
    kengkay: mas matakot kami pag naiwan sila, am sure iba na hitsura ng bahay naman kapag ganun, hahaha

    Komento ni taroogs — Pebrero 8, 2008 @ 5:07 umaga | Sagutin

  11. ate kengks pwede bang pabalik sa isang maleta mo ako isilid? hahaha!

    have a safe trip ate kengks!
    kengkay: pwede rin, ready ka ba, hahaha

    Komento ni jojie — Pebrero 8, 2008 @ 6:00 umaga | Sagutin

  12. kengkay, meron ka bang book jan ni jessica Zafra na “The 500 People You Meet in Hell?” Akin nalang, ipa-ruta mo dito ang mga bagahe mo, hahaha πŸ˜€
    kengkay: huy, mukhang maganda yang librong yan ha. sige, hanapin ko sya sa pinas tapos kapag nabasa ko na, ibabato ko dyan sa hopialand. yung ibang collection ko nung jessica zafra e iniwan ko na sa bangkok e πŸ˜€

    Komento ni Kotsengkuba — Pebrero 8, 2008 @ 9:26 umaga | Sagutin

  13. hapi trip Kengks… pwedeng paki kain na lang ako ng mangang hilaw na may bagoong… tenk you po!!!
    kengkay: tenks, pwedeng pwedeng ikain kita. ano pang gusto mo, heheh

    Komento ni msdopey — Pebrero 8, 2008 @ 2:37 hapon | Sagutin

  14. wow happy trip! πŸ˜€ sana kasya din ako sa maleta mo hehe. *muah*
    kengkay: tenks ha, naku, siksikan kayo dun, ahaha, dami na gusto makisiksik

    Komento ni Meeya — Pebrero 8, 2008 @ 11:03 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: