Kwentong Kengkay

Marso 23, 2008

Balik Blogging?

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Kwentong Kengkay,Masarap sa Pinas,Oyropa Ko — kengkay @ 1:44 hapon

Hindi pa. Busy pa ako sa totoong buhay lang.

Naghihiwalay pa ako ng puti sa de color. Actually, magmula nung lumapag yung eroplano nung Biyernes dito sa Alemanya e labadami na ang drama ko e. Pero hanggang ngayon, Linggo na ha, hindi pa rin ako tapos. Helffff. Nagtambak na nga rin ng labada si kengkoy sa dry cleaning para daw hindi na ako mahirapan pero ganun pa rin. Laba, sampay, tiklop, hagis sa aparador — yan ang araw araw na drama ko. Hayzzzzz.

Tapos wala kaming pagkain sa bahay. Kawawa naman ang mga little kengkays. Nung Sabado lang ulit kami nakapagmili. Ang sarap iuntog ng ulo ko kasi bigla kong nakita kung gaano kamura talaga mag grocery sa Pinas. Imagine yung pang isang linggo naming pagkain dito e gastos na yon para sa pang isang buwan sa Pinas. Waaaaa… Ibalik nyo ako sa Pinas!

Heniway, yun lang muna. Mag exercise muna ako dahil sa totoo lang, wala ng magkasyang damit sa akin. Nagtataka ako kasi bakit kaya nagliitan ang mga damit ko e samantalang wala namang nakapasok sa bahay namin nung bakasyon kami sa Pinas? Ano sa tingin nyo? Magik kaya? Hmmmm 😀

Advertisements

23 mga puna »

  1. Hi! Thanks for dropping by my blog today! WPP’ers are truly wonderful bloggers. Btw, sa palagay ko, mukhang umiksi nga ata mga damit mo habang wala ka. Bka nainitan lang sa aparador. 🙂

    Komento ni blogRebel — Marso 23, 2008 @ 1:49 hapon | Sagutin

  2. Huhuhu, ako ang sawing di nakapag-EB sa ‘yo!!! 😦
    It seems like you had a good time though. Kuwentuhan mo na kami!

    Komento ni megamomph — Marso 23, 2008 @ 4:25 hapon | Sagutin

  3. Ngapala, Happy Easter Kengkay!

    Komento ni megamomph — Marso 23, 2008 @ 4:25 hapon | Sagutin

  4. Hay, kakapagod magbakasyon noh? Ironic di ba kasi supposedly vacation siya pero afterwards, you feel so tired. Kakapagod mag-ayos ng damit…
    But I’m sure you had a good time!

    Happy Easter!!!

    Komento ni nina — Marso 23, 2008 @ 5:03 hapon | Sagutin

  5. wow welcome back.. kaka miss ka po.. Happy easter!

    Komento ni angel — Marso 23, 2008 @ 7:05 hapon | Sagutin

  6. unang comment ko to d2 sa blog mo 🙂 nakabalik ka na pala sa inyo ate kengkay. ganun naman talaga e, pagkatapos ng sarap ng bakasyon sa pinas, balik hirap ulit hehehe. isama mo na lang mga little kengkays mo sa paglalaba para atleast dagdag sa bonding moments nyo.

    salamat ulit sa cap ha. ngsusumbrero na naman ako ulit hehe

    Komento ni PourOutBoy! a.k.a dayunyor — Marso 23, 2008 @ 7:45 hapon | Sagutin

  7. hi, ate kengkay 😀 hahaha, marami parin ba gawain dyan? po pwede ba ihire mo ako katulong dyan! 😛

    Komento ni Gabriel — Marso 23, 2008 @ 10:52 hapon | Sagutin

  8. mommy kengkssssssssss welcome back to germany hehehe. hayz miss na tuloy agad kita. hope you and your kids enjoyed your vacation. tsk tsk tsk sayang di na tayo nagkita pa ulit before you left. heniweis, happy easter na nga din. bilisan mo na ang paglalaba nang makapagshikahan na ulit sa blog.

    ang teorya ko sa mga lumiliit mong mga damit ay ito: may kinalaman yan sa global warming. habang umiinit ang mundo ay nagshishrink yung mga damit mo. palagay ko dapat natin tutulan ang global warming at ito ay gawa ng gatt-wto (hanlabo ba ng connection?) at ng us imperialism (mas malabo ba?). Wala talaga akong maisip na ibang dahilan bakit sisikip ang mga damit mo ng basta basta.

    Komento ni S3lv0 — Marso 23, 2008 @ 11:40 hapon | Sagutin

  9. =) pinalitan nun mga ghost ang damit mo mami kengkay!!!!
    happy easter

    Komento ni pusa — Marso 24, 2008 @ 12:27 umaga | Sagutin

  10. happy EASTERETTE!!!! hahaha! TUMIGIL KA NANG IBALIK SA PINAS! AKO NAMAN! hahahaha!!!

    Komento ni reyna elena — Marso 24, 2008 @ 12:53 umaga | Sagutin

  11. natuwa ako sa explanation ni kuya selvo. ang galing! 🙂

    welcome back din ate kengks!

    Komento ni iris — Marso 24, 2008 @ 2:41 umaga | Sagutin

  12. welkam back to blogosphere, mamikeng!

    Komento ni MARU — Marso 24, 2008 @ 2:52 umaga | Sagutin

  13. happy easter keng! God bless!

    Komento ni brokenman — Marso 24, 2008 @ 4:06 umaga | Sagutin

  14. halu ate kengks!! balik alemanya kana pla? hehehe.. Happy easter! For sure ang dami mo ipo2st tungkol sa Pinas ngayon! abangan ko yan ah.. 🙂

    Komento ni dhez — Marso 24, 2008 @ 4:20 umaga | Sagutin

  15. …hello!! welcome back…talagang ganyan, after masarap na bakasyon, balik na naman sa normal na buhay…goodluck sa dami ng labada at plantsahin!!=)

    Komento ni sommer — Marso 24, 2008 @ 4:53 umaga | Sagutin

  16. Welkam back ate Kengks! Happy easter na din! 😉

    Komento ni MisyeL — Marso 24, 2008 @ 5:26 umaga | Sagutin

  17. hellfff ba kanyo?

    churi. ^^

    Komento ni foobarph — Marso 24, 2008 @ 5:49 umaga | Sagutin

  18. belated happy easter po 🙂

    Komento ni ladyracer — Marso 24, 2008 @ 7:27 umaga | Sagutin

  19. baka lumiit yong mga dmit mo…nag-shrink yong tela! pagalitan mo yong pinagbilhan mo. napeke ka! lol

    Komento ni eli — Marso 24, 2008 @ 9:41 umaga | Sagutin

  20. hi mommy kengkay!

    nice meeting you…grabe! ang kulit mo! nakakatuwa ka…at my gosh! super sexy!!!
    🙂

    buti naman at nakauwi kayo ng safe and sound…wait ko next update mo ha! 🙂

    Komento ni ruthie — Marso 24, 2008 @ 12:51 hapon | Sagutin

  21. Ang sarap kasi ng pagkain dito sa Pinas kaya hayan lumaki ka na ulet. Di bale bilis ka yan. Buuin mo yung spiderman dice nung dalawang chikiting mo tingnan ko kung sumakit ulo mo dun hahahahaha. nice to hear that you’re all safe momski. Regards to husbandry mong super bait.

    kengkay: naku, iniwan ko yung dice sa pinas, ayaw kong kulitin ako ng mga kids sa eroplano ano, hahaha

    Komento ni Ambo — Marso 24, 2008 @ 4:54 hapon | Sagutin

  22. MAMI KENGKAY!!!! salamat sa lahat lahat! It’s sooo nice to finally meet you and your family. Hanggang ngayon shocked pa din ako sa sobrang kabaitan ni DADI KENGKOY!

    welcome back to blogosphere. salamat at nararamdaman ko na makakapunta ako sa Italy, France and Germany soon! HAHAHAHA

    Update na daliiii!!!

    kengkay: ahahaha, feel mo na ba ang snow? ang kulit nga ni kengkoy at talagang kinakarir yung mga solo pictures nyo ano.

    Komento ni chuvaness — Marso 25, 2008 @ 1:22 umaga | Sagutin

  23. mommy kengks thanks so much sa wedding gift mo. sorry di na kita na-text. sobrang nag-give up na saken yung celfone ko. pati tuloy ang number mo jan sa oyropa nawala na. andun kse sa celfone ko na bigla na lang namatay. di na tuloy kita napadalahan ng going-away gift. did the little kengkays like the ube dimples/ube jam?

    di pa rin ako maka-blog ng husto kse up to now ang #@!!* pldt di pa rin kami makabitan ng dsl. lekat.

    kengkay: uy, si bagong kasal 😀 labs namin yung ube, sempre. tenks ha-

    Komento ni antuken — Marso 25, 2008 @ 11:47 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: