Kwentong Kengkay

Marso 25, 2008

Pamaypay

Filed under: Duon sa Amin,Kwentong Bulilit,Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 7:17 umaga

ย Achtung: Di ko alam kung anong himala na naman nangyari sa blog ko. Pero dahil di ko alam kung anong dapat kong gawin, pabayaan ko muna, am sure babalik din yan sa katinuan nya. Bare with me, kumbaga ๐Ÿ˜€

Medyo maulan sa Pinas nung dumating kami. Masarap nga kasi sarap tumambay sa pool. Tipid sa sun screen lotion. Pero dahil unti unting dumarating ang Holy Week, at dahil sa buong barangay ang halos parating kasama sa isang mini bus (hi-ace po, ahahaha) sa bawat biyahe sa Batangas; at kotse man sa Maynila; sempre tagaktak na rin ang pawis.

Pero walang kaartehan ang mga little kengkays kasi sanay sila sa pamaypay. Dito sa Alemanya ay meron silang tradisyonal na pamaypay na yari sa abaka. E lalo pa sa Pinas, di ba? Kaya naman kahit na anong init, di sila inis. Paypay dito, paypay duon lang ang kailangan sa kanila.

At si kengkoy? Takot yon sa pamaypay, hahahaha. Enjoy na yon na naliligo sya sa pawis nya. Kasi mas gusto nun ang mainit kesa malamig e. Sabi ko nga e, takot kami sa aircon, di ba?

At sempre, yung bunso ko na ayaw na ayaw mag shower — aba, halos tatlong beses mag shower sa Pinas. Enjoy na enjoy siya. O dito nung dumating kami, dalawang araw na punas punas lang ang mga little kengkays. Sa lamig ba naman. Imagine, nag iisnow nung dumating kami dito. At halos araw araw e puti ang makikita mo sa labas. Kaka shock talaga kapag galing ka sa mainit naย Pinas.

Ayun, sa loob ng bahay gustong manatiling naka suot ng mga damit na pang summer, atย ayaw mag jacket kapag lalabas. Talagang away kami. Kakasakit ng ulo. At sempre, paypay pa rin sila dito kahit na ang lamig, waaaaa ๐Ÿ™‚

Advertisements

12 mga puna »

  1. haay…. may mga nanggugulong bubwit na pinapaltan ang programs ng mga widgets sa WP. kahit ako, biglang naging Itals ang font ng lahat ng entries ko… bwiset…
    Buti ka pa, at least kung mainit na ulo mo, i labas mo lang ito sa bintana. Dito, kahit ipasok ko sa refrigerator ulo ko, di pa rin lalamig. hmmp.
    Enjoy na lang, spring is coming, something to look forward to.

    kengkay: uy, spring na nga ๐Ÿ˜€ pero mas gusto ko pa rin ang init ng pinas, waa ๐Ÿ˜€

    Komento ni megamomph — Marso 25, 2008 @ 8:27 umaga | Sagutin

  2. ahaha ang kyut naman ng mga lil kengkays, adik sa paypay eh! lolz.. mamakengkz!!!! maligayang pagbabalik sa bahay mo wahehe, at oo nga, parang nasira na naman, pangwelkam ata yan sayo ๐Ÿ˜€ .. buti naman at nag-enjoy kayo sa bakasyon galore nyo weeeh ๐Ÿ˜€ di man lang ako nagpakita sayo ahehe, shy kasi me eh bwahaha.. pero nakita ko yun eb pics nyo, parang ang saya ๐Ÿ˜€ balik ka ulit! hahaha .. buti pa dyan isnow, dito as in sobrang init! magpapakalbo na ako dahil sa init! wahehe ๐Ÿ˜€

    kengkay: shy ka dyan, antay akong mag teks ka sa akin para mag one on one e… neks taym

    Komento ni lilmiz — Marso 25, 2008 @ 3:32 hapon | Sagutin

  3. naalala ko nung student days, uso ang may dalang abaniko…dito kahit mainit hindi uso kasi pag mainit, mainit din hangin…saka mura naman kuryente kaya aircon na lang maghapon magdamag…

    kengkay: sa USTe paypay din kami dun kasi ang hina ng bentilador, arrrgh. dito bentilador lang din kami sa alemanya, hahaha

    Komento ni nina — Marso 25, 2008 @ 4:06 hapon | Sagutin

  4. parang ayaw pang iwan ng mga little kengkays ang summer sa pinas ah kasi panay ang paypay e hehehe…. mami kengks lapit na ko umuwi sa paril 14 na!! yuhuuuuu balita ko nga e sobra na daw ang init dun ngayon ..

    xiao!
    kengkay: uy, balikbayan ka rin? sarapppppp

    Komento ni brath — Marso 26, 2008 @ 1:08 umaga | Sagutin

  5. haha!ayos yun ah takot sa aircon sabagay kasi sawa na kayos a lamig dyan samantalanbg kami dito nagbabalak na kami bumili ng aircon dahil sobrang maalinsangan talaga..damang dama mo ang summer heat..pula pa nga rin ang balat ko dahil galing din kami sa beach..Batangas rin sa Nasugbu.

    sayang yung mga ferrari di kasi ako nakasama sa mga eb nyo sa Pinas

    kengkay: uy totoo yan, hindi kami nagbubukas ng aircon. minsan fan lang ๐Ÿ˜€ ang sarap sa batangas ano? yung kotse mo sa sunod na lang ulit.

    Komento ni gasti — Marso 26, 2008 @ 1:11 umaga | Sagutin

  6. ahahha…kamusta naman ang pamaypay mami kengks?cute nga mga anak mo..sarap kurutin…ahehe..kelan ba naman balik niyo dito mami kengs?

    kengkay: gusto sa dec balik ulit kami dyan pero ang sigurado e sa 2010 pa, hahaha

    Komento ni Maldito — Marso 26, 2008 @ 4:48 umaga | Sagutin

  7. ayus.. paypay dito paypay doon.. nyahaha.. ay oo nga pansin ko sa bhay mo ate kengks..

    kengkay: hi dhez – nababaliw pa rin ako sa ebahay ko

    Komento ni dhez — Marso 26, 2008 @ 5:13 umaga | Sagutin

  8. Ang galing talaga ng mga babies mo, ms. kengkay! may paraan. Dead-ma kung nagyeyelo sa paligid, sa gusto nila magpaypay e. Kakaaliw! ๐Ÿ˜€

    kengkay: kasi napanood nila yang pamaypay dun sa tagalog DVD nila kaya peborit nila yan, hahaha

    Komento ni Salve — Marso 26, 2008 @ 8:18 umaga | Sagutin

  9. ay true, miss kengks… parang inalog-alog yung blog mo kaya na-iskrambol yung text ๐Ÿ˜ฆ virus ba ito o matindi na naman ang hangober ko? hehehe

    kengkay: bakit di ka nakipag kita para red horse, ahahaha… ewan ko ba, may engkanto na naman itong blog ko e at baka hang over din ๐Ÿ™‚

    Komento ni taroogs — Marso 26, 2008 @ 9:56 umaga | Sagutin

  10. init na talaga ngayon no???

    kengkay: dito sa amin hanlamig pa rin, waaa

    Komento ni Dilan Muli — Marso 26, 2008 @ 10:40 umaga | Sagutin

  11. nasanay na kapapaypay kahit super lamig na ahh

    kengkay: uy oo, paypay girls itong mga ito e

    Komento ni rhapsody — Marso 26, 2008 @ 10:59 umaga | Sagutin

  12. mami kengkay! nakabalik ka na ba ng alemanya? gudlak, tagal ko na palang di napadpad dito.. hehehe..

    kamusta naman ang pamaypay? na-adik ata ung mga bebi mo.. hehehe.. kaya kahit malamig eh super pa rin sa pagpaypay.. ๐Ÿ™‚

    kengkay: andito na ko at gusto ko bumalik ng pinas, waaaa ๐Ÿ™‚

    Komento ni karmi — Marso 26, 2008 @ 7:11 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: