Kwentong Kengkay

Marso 27, 2008

Unang EB photos

Ayan, kahit na kakawalang gana itong itsura ng blog ko e mag simula na kong mag post ng mga kapiktyuran ng mga naganap na ka-EBihan sa Pinas.

Sa mga katotong wordpress bloggers, ang unang nakasimoy ng halimuyak ng Alemanya ni Kengkay ay si Lenggai o Pinay Brodkaster at si kurokuro talaga.

Hindi sumulpot yung mga ka meet kong high school barkada nung unang Friday night, aba mabuti naman at si lenggai; hindi halatang lakwatsera talaga e πŸ™‚ — ready na magpakita sa akin kahit na late na. Nagpa-alam sempre ako kay kengkoy, na pumayag naman. Sempre sabi ko, kailangan i meet ko itong dalawang ito kasi sikat sila, de bah, hahahaha.

Sinundo nila ako sa hotel, hindi man lang kami nagtanong kung ano ang hitsurang dadatnan namin sa isat isa. Basta sundo nila ako sa lobby ng hotel, may dala silang limousine. Upo ako sa lobby kasama ng mga taong walang tigil ang chika sa cellpon. Tapos may dumating, napatingin ako; ‘ate kengkay?’ yun ang unang sambit — sabi ko, ‘oo’ at biglang angat ako sa upuhan. Simula naaaaa πŸ˜€

Di ba? Feelings pa lang e kilala na agad kung sino katapat, hahaha. Punta kami sa megamall at nanood ng sine. Kaya mahal na mahal ko na talaga yang dalawang yan.. Imagine nakapasok ako ulit sa sinehan pagkatapos ng halos pitong taong absent ako sa movie houses! At ang pinanood namin: My Boyfriend’s Girlfriend! Ang ganda nya, kakatawa, pang isports at pang kalabit din sa mga dating romansa, (itanong nyo kay lenggai kung bakit, hehe).

Tapos naglakad lakad kami sa Ortigas kahit na umuulan-ulan kahit na naka tsinelas lang ako πŸ˜€ Nung walang mahanap na magandang tambayan sa St. Francis, punta kami sa Watering Hole sa Shangrila kung saan dun naganap ang pikturan. Gusto ko mang pikturan sarili ko habang asa sinehan, obvious bang bawal yon. hahaha
Si kengkay, ngayon lang nakakita ng 200 pesoses na bills kaya napagkakamalan kong 200 pesoses rin yung 1,000 bill. Halos pareho kasi kulay nila e. Imagine binigyan ko yung waitress sa Watering Hole ng ilang 1,000 pesoses bills; kaya pala takang taka sya e ang akala ko lang e 200 pesoses yon. So, yung mga matagal ng hindi umuuwi ng Pinas, watch out! Baka akala e kayo si Santa Klaus, hehe.

So stay kami sa Watering Hole hanggang mga alas dos ng madaling araw. Si lenggai nakahanap pa ng ka lab tim at naki pag- kutitap sa banda o baka naman dagdag ko na yan, hahaha. May libre pa kaming CD nung banda, o de bah. Tapos… nakita ni lenggai o ni kurokuro ba? Yung piktur ng aking brotherhood, kaya ayon, textmates na sila….

Yan muna, wala talaga akong gana mag blog at kakasakit ng ulo tingnan itsura ng blog ko e 😦

Advertisements

20 mga puna »

  1. nauna ako..ahehhe..ang saya naman ninyo mami kengks..jealousy tuloy ako…ang layo ko kasi eh..ahehe…sa susunod na eb.present na sana ako.

    kengkay: kung di ka masunod sa manila, sundan ka namin sa bundok. padala ko yung utang ko sa yo sa lunes ha.

    Komento ni Maldito — Marso 27, 2008 @ 7:42 umaga | Sagutin

  2. aba, ate kengks… mrami akong yang 200 peso bill kinokolek ko yan pag meron ako.. hehehe

    kengkay: naku kung alam ko lang sa yo ako nagpapalit, hahaha

    Komento ni repah — Marso 27, 2008 @ 9:42 umaga | Sagutin

  3. Sino yung mga nasa photo? Wala bang sampol ng P200 vs P1000 πŸ™‚

    kengkay: hahaha, tagal ka na rin bang di nakauwi? kakalito talaga, pramis. si lenngai yung nasa left side, ako sa mid, si kuro yung sa right side. sana tama yung sinabi ko, hehe

    Komento ni rommel — Marso 27, 2008 @ 11:18 umaga | Sagutin

  4. mommy kengks, abangan ko na i-email mo ang pics ng eb natin… hehe…

    kengkay: chona, di ko pa na download lahat ng photos, ang dami sobra

    Komento ni antuken — Marso 27, 2008 @ 1:50 hapon | Sagutin

  5. ang ganda naman nung kasama niyo?! yun ba yung lenggai? medyo chubby ha, pero cute sya!!! lol!

    hay te keng, di ako makapagwento ng matino, tinambakan na naman ako ng trabaho… sensya na talaga di kita na-send off ng maayos… hamo, me two years pa ulit!!! hehehe!!!

    kengkay: ang gaganda talaga, di ba πŸ™‚ sige, in two years ha, hahahaha —

    Komento ni Lenggai — Marso 27, 2008 @ 2:08 hapon | Sagutin

  6. ate kengk’s! ang taba nung kasama mo. sino ba iyan? iyan ba iyun lenggai?!

    hehehe. i hope nag-eenjoy ka sa dvd na binigay namin. πŸ™‚

    kengkay: si lenggai? mataba? hmmm ipakita mo nga yung two piece emote mo, hehehe — uy oo nga, dami ngang gusto mag arbor nung dvd e.

    Komento ni kurokuro — Marso 27, 2008 @ 2:14 hapon | Sagutin

  7. nerdo! naka-slouch lang ako dyan… lol!!!

    kengkay: oo nga naman, naka slouch lang

    Komento ni Lenggai — Marso 27, 2008 @ 2:31 hapon | Sagutin

  8. maganda pala si kuro at pogi si lenggai. wahahahaha!

    OT: keng bat ganyan blog mo. parang nilindol. change ka theme. pag kailangan mo header sipol ka lang

    kengkay: hahahaha – kyut talaga kaming tatlo, ehem! may engkanto nga yata e. teka lang az, kapag monday ganito pa rin, will make katok on your creative door. tenks!

    Komento ni A Z R A E L — Marso 27, 2008 @ 3:29 hapon | Sagutin

  9. wahhh… andito dapat ako eh.. dito dapat ako eh./.. wahhh!!!!

    teka. wala na bang ibang pics? share naman! share share!

    kengkay: unang EB pa lang to, antay lang sa iba. sa sunod appear ka na rin ha

    Komento ni kingdaddyrich — Marso 27, 2008 @ 3:43 hapon | Sagutin

  10. at bakit hindi ko man lang nabalitaan tong EB na to?

    kengkay: hmp, ni teks ka ni lenggai ano πŸ˜€

    Komento ni Jon Cabron — Marso 27, 2008 @ 6:30 hapon | Sagutin

  11. Bitin naman ang pics. Sana mas marami at mas revealing.

    kengkay: pa unti unti para exciting di ba, yung revealing antay ka lang πŸ˜€

    Komento ni jinoe — Marso 28, 2008 @ 12:36 umaga | Sagutin

  12. aayain ka dapat ni lenggai jon. eh gabi na raw masyado nung naisip namin na ayain ka.

    kengkay: oo nga jon e, sana magkasama tayo sa loob ng sinehan, ahahah

    Komento ni kurokuroko — Marso 28, 2008 @ 4:27 hapon | Sagutin

  13. naku first EB photo pa lang to ha, sigurado marami pang susunod at aabangan namin yun! sana nasa pinas lang ako para nakasama ko din kayo.

    kengkay: una pa lang yan, kapag bumalik ang ayos ng blog ko mas marami pa yan, antay lang at busy pa ako e πŸ™‚

    Komento ni MisyeL — Marso 28, 2008 @ 7:31 hapon | Sagutin

  14. test mic test

    di pumapasok ang comment ko mami keng

    kengkay: may engkanto itong blog ko e

    Komento ni chuvaness — Marso 28, 2008 @ 9:31 hapon | Sagutin

  15. …nakailang eb ba kayo sa pinas? ang saya naman.=)

    kengkay: hindi ko mabilang e, ahahaha. sa dami, sunod na yung ibang pikturs

    Komento ni sommer — Marso 30, 2008 @ 5:04 umaga | Sagutin

  16. weeeh!truths mai kengks?excoted na ako!!yahoo!!ahehe…..indi na ko makapag intay…hehe..tenchu in advance mami kengks!

    kengkay: pramis ko yan di ba, sempre truth, haha

    Komento ni Maldito — Marso 30, 2008 @ 5:41 umaga | Sagutin

  17. […] Nga pala, eto yung unang EB photo. […]

    Pasa ni Pangalawang EB photos « Kwentong Kengkay — Abril 3, 2008 @ 5:32 hapon | Sagutin

  18. […] Kwentong Bulilit, Kwentong Kengkay, Masarap sa Pinas, Pinas — kengkay @ 9:21 am Eto una, pangalawa, pangatlong EB photos – at nakatambad naman sa inyo ngayon ang ika-apat na EB photos. […]

    Pasa ni Pang-apat na EB photos « Kwentong Kengkay — Abril 12, 2008 @ 9:24 umaga | Sagutin

  19. […] ang una at pangalawa; eto naman ang pangatlong EB photos. Eto ang official na EB ng WP-Pinoys talaga. Kita […]

    Pasa ni Pangatlong EB photos « Kwentong Kengkay — Abril 14, 2008 @ 5:30 hapon | Sagutin

  20. […] wan, tu, tri, por – click away […]

    Pasa ni Pang-limang EB photos « Kwentong Kengkay — Abril 24, 2008 @ 6:49 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: