Kwentong Kengkay

Marso 31, 2008

Oo, Rhapsody, maganda sa Bangkok

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kwentong Kengkay,Paki Lang — kengkay @ 8:11 umaga

O ayan, sa wakas nasagot ko rin yung tanong ni Rhapsody kung maganda sa Bangkok. Kasi nag-iwan sya ng comment sa blog ko nung kasalukuyang hiatus kuno ako at nagbabakasyon e. Kung maganda ba daw sa Bangkok…

Maganda sa Bangkok. Maraming temples kayong mabibisita katulad dito. Maraming jewelry stores pero ingat kayo at daming na-scam sa ganyan. Makakasakay kayo ng tuktok na isang version ng ating tricyle na mas malaki nga lang ng konti. Kung medyo iba ang type nyo, masarap din makiraan sa Patpong na kasabay ng shopping nyo e mabubusog din ang mata nyo sa kasisilip sa mga madidilim na sulok 😀 At kung night life lang, ay, daming mapupuntahan, yung ibang bars and disco nga nagbubukas ng alas dos ng madaling araw e! Medyo kakaiba nga lang kasi mga dalawang taon na raw na ginawan ng schedule ang magbebenta ng alcoholic drinks sa mga suking tindahan, kahit na sa mga big supermarkets — kung bakit, di ko alam. E kahit nga yung mga sexy books inalis na rin sa mga bookstores e, hmp.

Pero ang paborito kong gawin sa Bangkok e maghalunggkat ng bargain. Masarap mag shopping dun. Dami ngang biyahera na galing Pinas; in fact, daming mga biyaherang turista na galing sa lahat ng lupalop ng mundo. Nagkikita-kita silang lahat sa Pratunam, lalo na kapag weekend kasi mas maraming tindahan; kahit na sa gitna ng kalye may tindahan at sempre dapat matuto kang paliitin ang sarili mo para magkasya ka sa mga pasikot sikot. O kaya naman dun sa may likuran ng Bangkok Bank sa may Silom kapag weekday tanghali.

Pero ang tunay na weekend market e yung Chatuchak kung saan dapat handa kang pagpawisan, makipagkiskisan, manakit ang mga balikat dahil sa bubuhatin mong bilihin, maghanda ka na rin ng banig kung ikaw yung tipong nahihilo sa dami ng tao at sa init at sa amoy (oo, iba ibang amoy ang aabutin mo run at pag uwi mo dala mo rin yun, hahaha).

Kung di mo type yang pagpawisan, punta ka sa Mabonkrong (MBK) kung saan di aircon tapos daming bargain din. Huwag ka nga lang maligaw sa may bandang taas at yun e pang tourist prices na talaga… At sempre yung mga department stores tulad ng Robinsons, Central, etc. at yung mga warehouses katulad ng Makro, Carrefour, Big C, etc. Mura din don, lalo na kapag red tag day. Wak kalimutan na maligaw sa Chinatown dahil masarap din makigulo dun.

Ang secret… tumawad ka habang gusto mo 😀 Sempre sa mga department stores at warehouses, fixed prices…#

Eto ang link ng shopping nila.

Ooops, bago ko malimutan… masarap ang pagkain sa Bangkok! Thai food, the best. At mura pa. Kung sa tingin nyo kakayanin nyo ang street food, subukan nyo dahil tunay namang mura at napakasarap. Ingat nga lang kung di nyo kaya ang anghang. Kung ayaw nyo naman, McDo na lang kayo 😀

At ang mga hotels, naku, kadami. May pang moderate budget, may pang hostels, may pang siksikan (makitira kayo sa kakilala, hehehe)… At yung mga backpackers, naku, may ganyan ding areas na tipong murang mura talaga. Kailangan lang, adventurous kayo.

Baka gusto nyong basahin ito at ito. Andito sa link na ito ang mga ka picturan.

Advertisements

10 mga puna »

  1. syett nman o!!kakaingit ang mga feestures!!!indi kayu pumunta sa phulet mami kengks?yan talaga ang plano kong puntahan..maybe soon!!but not now..gusto koisama mama ko..ahhee..para naman makasakay na ng eroplano!

    kengkay: punta ka dun am sure mag enjoy kayo ni mama mo. esp kung ipasyal mo sya sa mga beaches sa thailand. pero eto ang secret, mas maganda ang beaches sa pinas 😀 shopping lang talaga ang type ko sa bangkok e.

    Komento ni Maldito — Marso 31, 2008 @ 8:35 umaga | Sagutin

  2. wow. maganda nga daw dyan ate.

    nakapunta na kasi dyan ung pinsan ko at gusto nya ung thai food.. 😀 nakakain na rin ako sa Thai restaurant, kakaiba ung lasa nung pagkain, pero ok naman. 🙂 hehehe..

    kengkay: kung hindi ka sa thailand nakakain ng thai food, hindi mo pa naranasan ang tunay na sarap nya, hehehe.

    Komento ni karmi — Marso 31, 2008 @ 2:22 hapon | Sagutin

  3. I love MBK pero sa chatuchak hindi na siguro ako babalik dun. Grabe nahilo talaga ako dun 🙂 Pero hindi ako nag-eenjoy sa bangkok shopping maliit kasi ng size. 😦 Kahit nung payat ako, walang magkasyang damit sa akin pati tsinelas yong size 9 parang size 8 lang. Ang tagal ko na napunta sa Bangkok, 2001 pa. One of these days, babalik siguro ako. Gusto ko naman sumakay sa elepante 🙂

    kengkay: tama ka, small sizes ang asa bangkok talaga kasi balingkinitan sila masyado di ba? sa chatuchak, talagang pang masa ang drama dun e pero kahit ano mabibili mo dun kahit na exotic animals, hahahaha. uy oo, sakay ka ng elepante, kakatuwa rin yon.

    Komento ni nina — Marso 31, 2008 @ 5:01 hapon | Sagutin

  4. hello kengkay kamustasa? nakabalik ka na pala galing pinas matagal akong hindi nakadalaw dito sa lungga dahil akoy abala din sa akin pagbubuntis at paglilipat ng apartment. kita ko eb pics nyo seksi mo ha hehehe sana tayo din magkita kita balang araw 😀

    si ate beng ko parin nabisita at kamusta naman kaya yun baka nakarating narin ng pinas yun. ayun cge nadalaw ako kasi at medyo madami akong hindi nadadalaw na blog sa panahon na ito. balik nalang ako ulet…
    kengkay: good luck sa iyong bagong bahay at bagong buhay 😀 si beng di rin kami nagkita sa pinas dahil nakatago kami sa batangas nung andun sya e. pagkatapos ng limang linggo sa asya e hindi na ako seksi kundi siksik na siksik na!

    Komento ni scart — Marso 31, 2008 @ 6:21 hapon | Sagutin

  5. Next ko yang pupuntahan! ahehehe.. Hingi pa ko advice sayo ha.. hehehe.. Pero may nabasa ako na about dyan sa mga tuktuk drivers na yan na meron daw silang scam na kung saan saan dinadala ang mga turista daw? Totoo kaya yon?

    Pero kita ko nga sa internet yung presyo ng mga hotels nila eh..Ang mumura nga tapos yung iba malapit pa sa shopping malls.. Wow.. sarap!

    Kaya lang baka di ko kayanin yung mga foods nila kahit anong hilig ko sa maaanghang.. Natikman ko yung toy yum noodles nila, yung totoong galking thailand hindi yung pinoy version, sobrang anghang pala.. Hehehe.. Hay kung alam ko lang na sobrang makakabargain pala dun sana nag thailand na lang ako kesa sa hong kong..
    kengkay: actually, hindi lang tuktok drivers ang may ganyang drama; minsan pati yung mga makikipagkaibigan sa yo, o yung mga ibang chika sa hotels — kaya kung gusto mo mag gala, wag umasa sa iba. ask ka lang ng mapa, oks na yon tutal dami naman form of transpo to choose from e. at tama ka, daming bargains sa bangkok, sarap talaga mag shopping, hahahaha. at eto pa, may mcdo dun din, hehehe

    Komento ni angel — Abril 1, 2008 @ 5:14 umaga | Sagutin

  6. aba ate kengks.. bagong bihis ang bhay mo papunta na ako sa englishe mong bhay.. hehehe
    kengkay; bagong bihis kasi hindi na sya umayos, mas type ko sempre yung dati, wuhuuuu

    Komento ni repah — Abril 1, 2008 @ 6:57 umaga | Sagutin

  7. weeee may espesyal mention pala ako dito ahaha… ang ganda nga jan kakainggit.. parang 3rd home mo na rin ang bangkok kasi ang orig pinas, 2nd alemanya kaya ayan ang pang-3rd.

    kelan kaya ako makakapunta jan at makakapagshopping? airport lang narating ko wala man akong view na nakita…

    kengkay: bakit hindi ka mag stay for a few days kapag dito na rin pala ang change plane mo? kasi wala namang extra bayad dahil baba ka lang for a few days, tapos sakay ka ulit ng eroplano papunta ng pinas e. kaya ganyan ang ginagawa namin kasi nga, pareho din naman ng route — kumbaga pahinga lang esp sa mga kids dahil sa 11 hours ang biyahe from frankfurt e

    Komento ni Rhapsody — Abril 2, 2008 @ 11:09 umaga | Sagutin

  8. dun ko nga nakita sa chatuchak yong mga insektong pinipirito parang kwek kwek. pero sa may pratunam maraming street food, yon na try ko yon.

    kengkay: hahaha, tama ka, daming weirdong makikita at makakain sa chatuchak! all over bangkok e punong puno ng street foods, at naiiba pa yan kapag sa gabi at madaling araw. bakit kaya alam ko? kasi naging buhay ko rin ang night life, hahaha

    Komento ni nina — Abril 2, 2008 @ 5:42 hapon | Sagutin

  9. Very nice, down to earth and practical guide na article! =) I had fun reading. And it got me really interested. Help naman. I want to know sana which of those places of shopping ang talagang bargain. Yung pinupuntahan ng mga biyahera. Kasi I bet dun pinakamura. And pano ba tumawad? Parang Divisoria din? Half the original price? Gusto ko rin kasi sanang mag-biyahera. hehe I wonder kung gano karaming damit they lug back to the Philippines…

    kengkay: eto listahan ng mga pinupuntahan ng biyahera – alam ko kasi may mga naging pinays akong bisita na mga biyahera kaya pati ako nakibitbit na rin 🙂 pratunam o baiyoke tower lalo na kapag sunday kasi mas maraming tinda, MBK or mabonkrong pero dito medyo ingat ka kasi may mga areas dito na pang turista na rin ang presyo e, chatuckak weekend market, chinatown — nagtatawaran sila sa pamamagitan ng calculator. pakita mo yung presyo na gusto mo, tapos kung hindi okay, magbibigay din sila ng presyo nila. kapag marami kang bibilhin, mas maraming chance na mas mababa ang presyo na ibibigay sa yo — kumbaga meron silang retail at wholesale prices. teka, am going to blog about it para mas masaya 😀

    Komento ni Lucy — Agosto 12, 2008 @ 5:00 umaga | Sagutin

  10. […] shopping, biyahera tips Pagbigyan ko si lucy na nagiwan ng komento dun sa aking post tungkol sa pagbisita sa bangkok, thailand. Very nice, down to earth and practical guide na article! =) I had fun reading. And it got me really […]

    Pasa ni biyahera sa bangkok « Kwentong Kengkay — Agosto 12, 2008 @ 8:25 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: