Kwentong Kengkay

Abril 1, 2008

Ang Aguila Beach Resort – A Review

Ang dami kasing hits ng blog ko na tungkol sa Dagat ng Batangas kaya medyo unahin ko muna ang aking masasabi tungkol sa Aguila Beach Resort sa Anilao, Batangas.

Di ba nga bago kami umuwi ng Pinas e naghalunggkat pa ako ng last minute na beach resort sa Batangas? Pwes, nag decide kaming mag stay sa Eagle Point Resort sa Anilao, Batangas ng isang linggo pero gusto naming lumipat sa ibang resort na malapit lamang duon para sa susunod na linggo pa.

At dahil nung high school ako (read: more than 20 years ago) e ang ganda ng experience na remember ko sa Aguila Beach Resort e napag isipan kong bisitahin ulit yon. Kahit na ang sabi nung iba e madumi daw ang swimming pool dahil may mga lumot na. E kasi ang ganda rin ng hitsura sa website nila e, pero alangan ako kasi nga walang picture yung loob ng kwarto. At eto ang sample ng kwarto nila na pang more than 5 persons daw (ito yung photo sa left side). Kaya pala naman hindi daw sila tumatanggap ng reservation na for one week stay e dahil yung kwarto na kasya daw ang limang tao e halos wala ka ng malakaran dahil buong kwarto e may kama! Yung mga bagahe nga ng mga kapatid ko na overnight stay lang sila, nakalatag na lahat sa kama. Papano pa kaya kami na one week dun titira? waaaaa. Pero may konswelo naman, kasi yung mga cottages nila sa poolside e may loft tapos may living room. Maganda sya. Wala nga lang hot water na hinahanap hanap ng mga anak ko at ni kengkoy.

Teka muna, nung nagpunta kami, ang tumambad sa amin? May nabuksan palang pier sa Anilao at yon e katabi mismo ng Aguila Beach Resort. Ibig sabihin, habang lumalangoy ka ay may nakatambay na malalaking barko sa harapan mo. Kakatakot kaya yon. Pero maganda ang beach nila, kasi hindi mabato.

Tapos nag order kami pagkain. Meron na nga kaming ni-rentahan na tatlong malalaking kwarto ha, dapat pa daw naming bayaran yung open air cabana? Ermm, okay, gutom na e. Ayun, antay kami, namula na ang mga pwet namin ka-aantay (dahil sa pintura or varnish ng cabana nila na pula); makatapos ng dalawang oras dumating ang pagkain namin. Tama ba naman yon? Okay, hindi sa resort yung restaurant pero kahit na, kasama yon sa services offered nila di ba?

Mabuti na lang yung tindahan sa may harapan ng beach mababait yung mga tao. Very accomodating. Sa sobrang bait nila, kahit palista at kinabukasan ang bayad e okay lang! O di ba. At yung swimming pool? Ayun, kandadulas-dulas yung mga buong baranggay e kasi nga, may lumot na, sempre kasama na dun yung mga ihi, yukkksss! Ewan ko ba, ang ganda pa naman ng pool side nila, sana i-maintain nila ng mas mabuti kasi may potential naman sya e.

E dahil nakapagbayad na kami ng thre-nights stay sa Aguila, ano pa magagawa? Kasi yung reservation may kasamang one free meal of your choice — dinaan na lang namin sa kain. Yung mga kapatid ko ang nag stay ng overnight dun at ginamit nila yung meals. (Nung breakfast, nag antay din sila ng two hours; ay ano ba yun! At sempre, binayaran na rin namin yung reservation; kahit na andaming diskusyon na nangyari. Pero sa totoo lang, hindi worth it yung binayad namin, very disappointing talaga.

At kaming pamilya? Naghanap kami ng ibang resort. Nag cruising kami sa Anilao, Batangas – sa mga bangin-bangin na daan. Tinahak ang the road less travelled. Dinaanan at inusyoso namin ang Vistamar (mabato at hindi ko alam kung asan ang beach nila??), Crystal Blue Resort (ang tarik ng daan na walang danger sign e ayun at halos bumaligtad na ang sasakyan at ang liit ng parking; pero impressive sya tingnan, all inclusive ang package nila, meron silang jacuzzi pero walang pool at medyo mabato rin ang beach pero kasi nga diver’s paradise sya), muntik na kaming bumalik ng Eagle’s Point ng bigla kong na-alala ang Dive Solana.

Na-impress ako sa mga photos sa website nya kaya lang dahil walang pool, pinasintabi ko. E sa totoo lang, sa lahat ng resorts sa Anilao, Batangas – ang Dive Solana, Vistamar at Crystal Blue Resort lang ang halos may nakapaskel na signs sa mga kalsada. Yung iba, sa harap mismo ng likuan nakalagay yung signage nila na tipong mag break ka talaga na tatalsik yung mga tinago mong pagkain para makapasok ka sa kalsada nila, hayzzzz. Kaya calling calling the beach resorts, hindi sayang na mag lagay ng mas maraming signage sa kalsada. Mas nakaka enganyo nga iyon sa mga usyoserang katulad ko.

E kaya nga kami napadpad sa Dive Solana. Dahil may mga signages sila at nakalagay pa kung ilang kilometro na lang ang tatakbuhin mo at darating ka na sa pwesto nila. Nung nakita namin ang resort, pagkatapos ng humakbang ng 270 steps pababa (hingal kabayo kaya, hahaha) — sabi namin, dito na tayo!!!! Atsaka na ang kwento at more photos ha. Eto sample photos sa Dive Solana:

Advertisements

34 mga puna »

  1. Lago de Oro daw maganda pero sa Calatagan. Actually di ako masyado napupunta sa Batangas kaya di ako maka-relate. Next time try Pagudpod or Palawan – that would be better. Boracay is nice but already crowded.

    Komento ni nina — Abril 1, 2008 @ 8:10 umaga | Sagutin

  2. nina — maganda nga sa pagudpod, naligaw na rin ako dun, pero hindi ba malakas ang alon kasi nga open sea na sya e. ang alam ko masarap ang mga pasalubong dun lalo na yung chicharon, hehehe. next time we want to go to guimaras or bohol. nakarating na ko boracay pero nung hindi pa matao dun, ang ganda nya, pinong pino ang sand talaga. pero yun na nga, super crowded na raw sya ngayon.

    Komento ni kengkay — Abril 1, 2008 @ 8:17 umaga | Sagutin

  3. huwaw beach!
    Dito rin po sa la union dami beaches!!!
    magsawa ka sa mga beach!!!!

    hehehe!!!

    ~nakikicomment lang po~

    kengkay: nagpunta na kami dyan nung 2006. asa bauang kami, sa may bali hai beach — ang sarap nga e tapos ang sarap din ng pagkain! kaya lang ginagat naman ng langgam itong si bunso ko dahil sa ka switan nya, ayun, patawag kami ng doktor, hahaha. maganda sa la union kasi malapit lang din sa baguio, ayun, naka akyat din kami!

    Komento ni eloiski — Abril 1, 2008 @ 10:14 umaga | Sagutin

  4. ayyyy! dyan na lang ako punta! wag na sa davao! hahahahaha

    kengkay: sa totoo lang, nagulat din ako na ang ganda ng dive solana — isa syang pinoy na pinoy na resort, pramis yan! at pang artista kasi nung andun kami daming artista na nagpupunta, tulad namen ba, ahahaha

    Komento ni reyna elena — Abril 1, 2008 @ 10:40 umaga | Sagutin

  5. Sarap ng beach lalo pa’t summer!!

    Wow!ganda naman nung Dive Solana.. Beach beach!! Sarap magbabad sa beach sa ganito kainit na panahon..

    kengkay: maganda ang dive solana talaga. punta kayo πŸ˜€

    Komento ni angel — Abril 1, 2008 @ 11:53 umaga | Sagutin

  6. sana binisita mo na rin yung resort ni mama ricky reyes.. golden sunset.. don din sa batangs yun!

    kengkay: sa anilao din ba yun? kasi parang nakita nga yata yung signage dun, e kasi nga ang problema minsan isang beses mo lang makita yung signages ng mga resorts tapos mangangapa ka na e.

    Komento ni kingdaddyrich — Abril 1, 2008 @ 1:30 hapon | Sagutin

  7. wow ang ganda! hindi ng resort kundi ng bagong theme mo momski! buti naman at wala na ung nahahati sa gitna hehehe. pinag uusapan pa naman namin ni nika na mag volunteer kaming ayusin ayos na pala hahaha. congrats momski! btw, ganda nga jan. punta nga ako sama ko gerpren ko hehehehe

    kengkay: gelpren!!!! naku, wag sana mabasa ni reyns ito, ahahahaha

    Komento ni Lavern — Abril 1, 2008 @ 3:51 hapon | Sagutin

  8. mami kengks, iba na theme ah! bakit si comments ata parang may sira? πŸ˜€

    kengkay: uy thanks ha, naisipan ko lang na mag change ng themes at piliin yung hindi sabog yung blog ko, hahaha. wala talaga akong ginawa. yung comments dahil lang yan sa laki ng pics!

    Komento ni Nika Catbagan — Abril 1, 2008 @ 3:52 hapon | Sagutin

  9. teka bakit ung comments ganun?

    kengkay: yung photos yon, kasi ang laki ng photos πŸ˜€

    Komento ni Lavern — Abril 1, 2008 @ 3:52 hapon | Sagutin

  10. oo nga malumot nga dyan sa aguila, nagpunta kami dyan 2003 di pa rin pala naaayos yan. medyo malakas nga alon sa pagudpud, di ako nakalangoy (hindi naman talaga ako marunong lumangoy hehehe).

    salamat sa pagbisita ulit. medyo natagalan bago ako nakabalik, busy at pabalik balik sa ospital. nasa pinas ka pa ba?

    kengkay: sayang ano, kasi kung linisin nila, mas marami pupunta sa kanila kasi maganda at malaki yung resort e. uy, hindi pa ba tapos yang ospital visits mo? wala na kami sa pinas 😦 gusto man naming dun mag stay, waaaa πŸ™‚

    Komento ni bernardumali — Abril 2, 2008 @ 12:07 umaga | Sagutin

  11. beach. waaaa. gusto ko na talagang umuwi..
    kaso, June ako nasa pinas ate.. hehehe..
    ah basta, kahit maulan, magbe-beach pa rin ako! lol

    kengkay: malapit na rin ang june! inggit naman ako sa yo. tama ka, sanay ka na naman sa lamig e, atsaka ang ulan naman sa atin warm, kaya okay lang. wag nga lang kumidlat habang asa dagat ka, hahahha

    Komento ni karmi — Abril 2, 2008 @ 1:31 umaga | Sagutin

  12. hi, ate kengkay hope you can drop by sa blog ko pakinggan mo yun song sa new entry ko at hope you comment sa song good or bad. thank you

    kengkay: oks gab, bisitahin ko sya πŸ˜€

    Komento ni gabriel — Abril 2, 2008 @ 3:49 umaga | Sagutin

  13. naku, ako, ayoko na sa batangas. sa ilang beses na laging dyan pumupunta, lagi akong nadi-disappoint. Kahit sunset di ko ganong ma-appreciate. next time, try kayo ng ibang place. πŸ˜€

    kengkay: alam mo salve, ako din akala ko di na maganda sa batangas — pero pramis, maganda sa dive solana at meron pang isa, azure by vivere sa anilao; bagong gawa yan — super ganda din!!! sa sunod ko na lang sya i blog.

    Komento ni Salve — Abril 2, 2008 @ 6:20 umaga | Sagutin

  14. npabayaan na nga daw yang aguila kc la na c gabby C. πŸ˜€

    kengkay: yan ba ang kay gabby c? kasi iba ang alam kong may ari nyan e; nakarating na rin kami dun sa bahay nung may ari ( o kamag-anak??) na taga batangas… baka kamaganak nila, hehehe. pero sayang sya kasi may potential sya tapos ang laki ng area nila

    Komento ni koreanmine — Abril 2, 2008 @ 9:11 umaga | Sagutin

  15. wow..buhay pa pala ang aguila beach!!

    kengkay: oo, aga — imagine, more than 20 years na yung huling punta ko dyan, akala ko nga gumanda kasi dati nga wala silang pool e tapos konti lang yung mga cottages nila — pero yun na nga, hindi well maintained e

    Komento ni aga — Abril 2, 2008 @ 9:28 umaga | Sagutin

  16. nakalimutan ko basahin ang sulatin ito… kanina… πŸ˜€ ate ang ganda naman dyan… geeee… sana makapunta ako =))

    kengkay: gab – maganda talaga sa dive solana — very much recommended yang resort na yan

    Komento ni Gabriel — Abril 2, 2008 @ 4:41 hapon | Sagutin

  17. ay ganda ng house mo… bago ba ire

    kengkay: tenks. napilitan akong baguhing kasi na-engkanto yung una kong house, wahhh πŸ˜€

    Komento ni MissPinkBiik — Abril 2, 2008 @ 6:51 hapon | Sagutin

  18. ganda naman!!

    kengkay: hi banani!

    Komento ni Banana — Abril 2, 2008 @ 7:04 hapon | Sagutin

  19. […] Maganda ang Pinas, Masarap sa Pinas, Pinas — kengkay @ 12:50 pm Matapos ang review ko sa Aguila Beach Resort, i-share ko naman sa inyo ang magandang experience namin sa Eagle Point Resort sa Anilao, Mabini, […]

    Pasa ni Ang Eagle Point Resort - A Review « Kwentong Kengkay — Abril 4, 2008 @ 12:51 hapon | Sagutin

  20. nakikiraan lang po at makikireview.
    kung sa liguan sa Batangas, mas OK sa Calatagan, Nasugbu at Lemery area maghanap ng beach kasi di masyadong kantilado (yung biglang lumalalim) ang shoreline. Ang Anilao ay mas kilala bilang luklukan ng maraming diving at water-ski resorts at totoo naman, may katarikan ang lugar na iyan. God bless!

    kengkay: salamat sa pakiki review mo πŸ˜€ nakarating na ako sa calatagan at nasugbu, okay nga din dun kaya lang walang websites ang mga resorts nila e 😦

    Komento ni brotherutoy — Abril 7, 2008 @ 4:30 umaga | Sagutin

  21. […] O kaya naman solb ang aming paghahanap ng alternative resort matapos kaming matakot sa kondisyon sa Aguila Beach Resort. Nagtanong ako sa reception kung magkano – ermm, dolyares ang presyo. Sempre namahalan agad si […]

    Pasa ni Ang Dive Solana Resort - A Review « Kwentong Kengkay — Abril 9, 2008 @ 7:52 umaga | Sagutin

  22. […] Anilao, Batangas kami nitong March 2008. Andito na nga yung mga reviews ko sa Eagle Point Resort, Aguila Beach Resort, at Dive Solana; ngayon naman ay puntahan natin ang Azure by Vivere Resort na asa Anilao, Mabini, […]

    Pasa ni Ang Azure by Vivere Resort - A Review « Kwentong Kengkay — Abril 20, 2008 @ 8:46 umaga | Sagutin

  23. One of the most memorable yung punta namin sa Aguila beach resort. Be sure to take the banca that will take you to the fish area kung saan pwede kayong magpakain ng mga napakagandang aquarium-type fishes sa dagat. The BEST! See my entry on Aguila at http://isjaw.blogspot.com/2008/04/aguila-resort-back-to-anilao-batangas.html
    Come and visit my blog at http://isjaw.blogspot.com

    kengkay: ok, will visit your blog. mabuti kayo maganda ang experience nyo sa aguila, kami medyo palpak e.

    Komento ni Blackdove — Abril 28, 2008 @ 8:06 umaga | Sagutin

  24. Aguila beach resort is the most disgusting and the ugliest resort i’ve ever been…. its very disaapointing… ang ganda sa website pero super pangit! kaya pala no refund allowed daw kasi scary talaga yung place pati yung room esp. the c.r super dumi matatakot ka tumapak sa tiles nila. Yung pool? matatakot ka maligo sa dumi. Kaya pinabayaan na lang namin yung bayad namin … buti na lang nakalipat kami sa magandang resort (PUNTO MIGUEL)

    Komento ni patricia moreno — Abril 12, 2009 @ 1:05 umaga | Sagutin

  25. Hay naku mareng kengs bakit ba ngayon ko lang nabasa itong review mo na ito. Nagpunta kami ng holy week at naku, naimbyerna ako sa reception area dito kasi mga careless ang staff ng Aguila Resort na ito. Hay, mabait lang ako by nature kung hindi naku, natelekenesis ko silang lahat! *lol*

    Here’s my review on the resort:

    http://dearbloggery.com/2009/04/14/aguila-beach-resort-a-review/

    Komento ni Snow — Abril 15, 2009 @ 4:58 umaga | Sagutin

  26. aguila beach resort is a big joke!! we went there yesterday and we were so disappointed, disgusted and so upset with the place! The beach per se is so nice, the water is so clear and very calm but Aguila beach resort itself is…. i dont know how to describe it lets just use the word dismay, and i have to agree with snow that the staff is so careless and so freakin’ lazy!The food sucks, the services sucks everything sucks ! The maharlika room is big yes, thats true it can accommodate 8persons and they will charge you 5,000+ pesos for that and for what…!! there’s no tv,no ref,no toilet seat,no heater and check out time is at 8am and breakfast time is also at 8am!! its freakin’ funny huh!!AGUILA Beach RESORT you dont know how run a business!!!One day you’ll get sued for being the dirtiest resort!!

    Komento ni tess — Enero 2, 2010 @ 6:11 umaga | Sagutin

  27. One more thing they dont have telephone, in short they are so freakin’ expensive!!!Its better to spend your money in subic its worth the price.

    Komento ni tess — Enero 2, 2010 @ 6:28 umaga | Sagutin

  28. i’d like to believe that what you’ve all blogged abt aguila resort is real. i’ll take it as a cue, balak pa naman naming mag-batangas this holy week and true, maganda ang website ng aguila. buti na lang me mga bloggers na katulad niyo!

    Komento ni cez — Pebrero 20, 2010 @ 11:29 hapon | Sagutin

  29. I think i already saw this place before but still never try to have a vacation at this place. I already been in lot’s of beach resorts in Batangas like in Bauan, Calatagan, Cuenca, Calaca, Ibaan, Laurel, Lian and i really enjoy staying at this places. You must really try it. So peaceful and you will surely will have a nice vacation here. I will surely come back and see more other beach resorts in Batangas.

    Komento ni Misa — Abril 14, 2010 @ 2:44 umaga | Sagutin

  30. Hi there! I am Japoy, sales agent of Canyon Cove Beach Club……..

    Feel the summer hit in Absolute Leisure in Nasugbu’s Tropical Paradise Canyon Cove Beach Club! A great view tosouth china sea!

    Experience the awesome paradise for only 7,500, these is for our membership card promotion, These card is good untilAugust 2012,you are entitled for the following benefits:

    Canyon Cove Beach Club Resort Benefits:

    I. ROOMS:
    β€’ Two (2) Complimentary certificates at a Superior Room with set breakfast for two persons. Room is good for two adults with 2 children below 12 yrs of age OR 3 adults. Excess person or child is at P800 sharing the same room. Valid only from Sundays to Thursdays bookings.
    β€’ A 20% discount on room rates based on published rates during Fridays, Saturdays and Holidays. Membership card has to be presented upon check in to avail of the discount.
    β€’ A 30% discount on room rates based on published rates from Sundays to Thursdays check in excluding holidays. Membership card has to be presented upon check in to avail of the discount.

    II. RESTAURANTS AND BANQUETS:
    β€’ A 20% discount on total food and beverage bill for 1 to 10 people dining. Membership card has to be presented.
    β€’ A 10% discount on total food and beverage bill for 10 and up number of persons dining.
    β€’ One (1) Complimentary certificate for a welcome drink for one person. Valid at the Resort’s restaurant. Limited to non-alcoholic drinks and one certificate per table.
    β€’ One (1) Complimentary certificate for a buffet lunch for one person, with a group of 5 persons dining. Valid on Saturdays and Sundays buffet lunch only.
    β€’ Two (2) Certificates for a P5,000 discount voucher to be used in any function bookings with a revenue of P75,000. One certificate per function and has to be surrendered prior to final arrangements and payments.

    III. FACILITIES:
    β€’ Three (3) certificates for FREE use of Cabana for a Day Tour. Only one certificate may be used per visit.
    β€’ Five (5) certificates for complimentary Day Tour for one person. Can be used all at one given day.
    β€’ A 20% discount on Day Tour fees, valid for a maximum of 5 persons only. Day Tour fees at P800 per person which includes P300 food & beverage consumables at the restaurant.
    β€’ A 20% discount on Sports facilities and services.

    Mode of Payment: cash, credit card and checks

    So what are you waiting for? avail now!….

    For further inquiries call or text me at 09398592476, you can also email me at japoylimongco@yahoo.com!

    Komento ni jaypee l. basco — Mayo 15, 2011 @ 9:58 umaga | Sagutin

  31. HELLO!!! happy day. Im JC from Teletech Marketing Communication Inc. The Marketing arm of Canyon Cove Beach resort Nasugbu Batangas. I would like to invite you to our beach resort this SUMMER!!!.we have membership card with full of packages and benefits.
    CANYON COVE IS ABSOLUTE PARADISE… IT IS CONSIDERED AS THE BORACAY OF THE SOUTH.
    IT HAS INFINITY POOL ONE OF THE LARGEST POOL IN THE COUNTRY . IT IS A WHITE SAND BEACH RESORT
    CANYON COVE β€œIT AWAITS YOU!!!” AN EXTRAORDINARY BEACH RESORT
    For only P7500you can have free (2) certificate overnight stay to our superior hotel room superior , good for 3 adults free breakfast for 2 persons and free swimming to our pool and beach resort.Valid on Sundays to Thursdays. It can also accommodate up to 6 adults or 4 adults and 4 children for an overnight stay in 2 superior room using the 2 complimentary certificate. (1) Certificate for buffet lunch for one person. Valid on Saturdays and Sundays You can also have additional benefits like (3) free certificate for pool side cabana. (5) Certificates for Day tour and BIG DISCOUNTS On the Membership Card ……….IT IS NEAR TALI BEACH and PUNTA FUEGO
    Since summer , the membership card will last until next year August 2012. It is also renewable and transferable .. for more info txt me at 09487209451 and send me your landline or cellphone no# and i will the one who responsible for your booking.. or email me atcarlosmarketing143@yahoo.com. And i can send you pictures of paradise.
    We also invite you to CANYON WOODS ” WHERE LIFE IS A BLISS” this is also an extraordinary resort in Tagaytay. We also have a promotion for the membership card + PACKAGE.
    Other Hotels that have promotion
    Baguio supreme hotel
    Linden Suites
    Hyatt hotel
    Microtel
    HOTEL SOFFIA BORACAY
    For more info just txt me or email me Thank u

    Komento ni carlos — Mayo 17, 2011 @ 12:47 umaga | Sagutin

    • hi carlos, thanks for the info. one of the directors of canyon cove invited us there one summer, we enjoyed it there. well recommended!

      Komento ni kengkay — Mayo 19, 2011 @ 1:56 hapon | Sagutin

  32. CANYON COVE BEACH RESORT PRESTIGE MEMBERSHIP CARD PACKAGE

    For only Php 7,500 (Summer Promo Extended)
    You’ll get a membership card that will last for in AUGUST 2012. The good thing about this is it’s TRANSFERABLE, you can share it to your friends with the full package of discounts and privileges.

    * TWO Complimentary overnight stay in a Superior room at the Canyon Cove, Nasugbu Batangas good for three person. It can also accommodate up to 6 adults or 4 adults and 4 children for an overnight stay in 2 superior room using those 2 complimentary certificate.
    * FREE breakfast for two person for each Complimentary overnight voucher. Excess Person will be charged P800/head.
    * (1) free Buffet Lunch for one person for every five person dining (valid only during Saturday and Sunday),
    * (3) certificates in Pool Side Cabana or Cottage,
    * (5) FREE day tour certificates and 20% discounts in their restaurants and sports facilities.
    * 20% discount on foods, rooms and water sport facilities in the next visit in the resort.

    If you’re interested in our summer promotion just email me at rexcanyoncove@yahoo.com or text me at 0906-3308527 and send me ur landline for me to assist you and i’m the one responsible for your booking. πŸ™‚

    Komento ni Rex dela Cruz — Hunyo 18, 2011 @ 10:18 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: