Kwentong Kengkay

Abril 2, 2008

Pangalawang EB photos

Ayan na, pangalawang installment ng aking mga EB photos. At ang kasunod na ito ay ang ka-EB naming si:

Si Jollibee, hahaha! Oo naman, nag Jollibee party nga kami di ba kahit na walang may berdey kasi nga, fan ang mga little kengkays ni Jollibee e.

At sempre, pagkatapos ng Jollibee party namin e medyo nagpahinga lang ng konti dahil itong isa kong tita na biglang nawala. E alam naming darating sya pero hindi nakarating sa party; so baka naman sa hotel dumiretso; waiting talaga kami.

O ayun, nung nagkita kami e ang hinahanap na hotel daw e Hotel Austria — ehem, pwede naman di ba, kasi sa Astoria Hotel kami nakatira di ba, hahaha. Kaya naman pala ikot sila ng ikot sa Ortigas. Wrong spelling wrong! Hmp 😀

At dyaran, ang sunod na ka-EB ko e ang mga sikat na bloggers ng sinambayang Pinoy. Teks kami ng teks kasi medyo late ang dating nila, akala ko nga e hindi pa matutuloy, hehehe. Pero sempre, tuloy na tuloy pala, medyo may nadagdag lang dun sa mga nakipag-EB. O ayan ang sample emote: Hindi yung gurl na nasa unahan, kundi yung naka posing sa palengke ng Dampa sa Libis. Kilala nyo sempre sya, ang pinakaseksing blogger (second lang ako, ehem!); si Maru! At talagang ang ganda ng posing nya sa harap ng mga tahong!

At naku, eto ang mgs group shots

ng mga naka-EB ko nung gabing yon: maru, def, koreanmine at selvo.
Pasensiya na at mahiyain talaga si def e. Para ngang gusto ko pang mag-paalam kung pwede kong i post itong mga pictures na ito pero dahil april fool’s nga di ba, may i fool each other na lang tayo, hahaha. Ang sarap ng pagkain sa Dampa, grabe, busog na busog kami. Fresh seafood, walang ganyan dito, waaaah! At may baon pa kamo. Kund pwede lang ibaon dito sa Alemanya yon, hayyy. At ang Maru, may I tapon ng I love you’s sa mga waiters, ano ba yun, ahahaha. Si kengkoy baliw na baliw! Ayan tuloy, pinikturan ni kengkoy ng solo at hahanapan daw sya ng fafa sa Alemanya. At selvo dun sa Pugad Baboy na libro, ninanamnam ko pa rin sya hanggang ngayon! Salamat! Kita nyo naman, si selvo e may dalawang chicks! At ayan ang beauty ni Maru, sana paglaki ko maging kasing seksi ko rin si Maru, weeee! Salamat ulit mga kaibigan. Sa uulitin!

Nga pala, eto yung mga kasama ko sa unang EB photo.

Advertisements

14 mga puna »

  1. ehem ehem ehem… this never happened hehehe. mahiyain pa ba si def sa lagay na yan? ayaw nya lang magdagdagan ang fans nya mommy kengks hehehe. natuwa ako sa pagwasak sa katawan ng isda ng little kengkays ang lulufet ng mga anak mo hehehe mga cute naman. at syempre si mamaru kunyari di nya pansin ang mga mata ng mga nasa kabilang teybol na lumulusot sa ilalim ng ating teybol hay lord buti na lang di nabilaukan ang mga yun… miss yah kengks!

    kengkay: iba talaga ang kamandag ni mamaru e ;D tama ka nga, am sure ayaw lang ni jones na magbigay ng libreng advices sa kalye, hehe – ay ewan ko ba itong si kengkoy, tinuruan pa itong anak kong mag opera ng isda, hahaha.

    Komento ni selvo — Abril 2, 2008 @ 8:37 hapon | Sagutin

  2. Me ganitong level pala Momski? Naku naniniwala na ako sa powers mo! Imagine iba-ibang sked ng group of bloggers to meet you. hehehehe. Sayans di ko nakita Idol kong si Kuya Selvo. Di bale pagbalik mo uli. *kelan kaya un* hehehe

    kengkay: sempre naman, simple lang ako mangalabit, ahahaha. alam mo, eto ha, kung gusto mong makipag-EB ng mabilisan ulit, punta ka dito sa alemanya, haha. pero kung sa pinas, sigurado yung 2010, pangarap naman e ngayong dec 2008, hahaha

    Komento ni Lavern — Abril 2, 2008 @ 10:08 hapon | Sagutin

  3. awww ang saya nyo naman bat wala dyan si manong ambo? hehehehe mga wpp members ba sila lahat? sana ako din meron maka-eb na bloggers unti palang kasi at panay mga bagets pa walang ka-edad ko.

    kengkay: si ambo, pa VIP, ahaha, sa sunod na EB kwento, andun sya. huy, masaya ang mga ka EB sa WPP, halo halo, walang edad edad. yung pinakabebi 17 ano, ahahaha. wag mo na tanungin kung sino ang pinaka- ehem

    Komento ni scart — Abril 2, 2008 @ 11:04 hapon | Sagutin

  4. tapos na april fools ah! waaaaaaa lagotching ako! Lols 😆
    ok na din, may remembrance na din ang masarap na bawal este libre! 😀

    kengkay: ahaha, bistado ka rin ba? sori, dapat pala nag tanong muna ako bago ko pinost itong mga photos 😀

    Komento ni koreanmine — Abril 3, 2008 @ 10:55 umaga | Sagutin

  5. aww… kainggit naman..! Buti pa kayo.. Heheh.. si kuya Jones yaw talaga pakita.. 😀

    kengkay: shy sya e

    Komento ni angel — Abril 3, 2008 @ 11:28 umaga | Sagutin

  6. ang cute ni goddess. hihihi..

    ate kengks *hugs* salamat sa gift mo, although wala pa sa kamay ko. ayoko na mag-sorry sa’yo dahil hindi tayo nagkita baka mapukpok mo ko ng german sausage. I broke mu promise. huhuhuhu..

    kengkay: sinabi mo, hmp 🙂 sa sunod sa airport pa lang sunduin mo na kami agad, ahahaha

    Komento ni jojie — Abril 3, 2008 @ 1:14 hapon | Sagutin

  7. ang saya naman!! nagkita-kita ang mga batikang bloggers ahehe kung andyan ako, masastarstruck siguro ako! haha 😆 .. ako din mamakengkz, sana paglaki ko maging kaseksi ako sa inyo ni mamaru! lolz 😉

    kengkay: yakang yaka mo yan, am sure paglaki mo, maliit pa rin kami ni maru, hahahah

    Komento ni lilmiz — Abril 3, 2008 @ 3:03 hapon | Sagutin

  8. sarap naman, kainggit!

    kengkay: ay, enjoy talaga, pramis!

    Komento ni partofyou — Abril 3, 2008 @ 4:26 hapon | Sagutin

  9. nakakainggit nga! si cliogodess lang yata ang nakita kong blogger sa list ko 😀

    tenks sa pagbisita madamme 😉

    linked you up.

    kengkay: neks taym sali ka rin 😀 ur linked already

    Komento ni Geisha — Abril 4, 2008 @ 5:11 hapon | Sagutin

  10. halatang miss na miss ng mga little kengkays si jollibee!

    ang saya ng EB nyo.

    kengkay: peborit nila yang si jollibee talaga — uy oo, sana nga sumama ka e 😀 next time sama ka na ha

    Komento ni Salve — Abril 7, 2008 @ 7:35 umaga | Sagutin

  11. ang sarap ng mga nilafang ninyo mami kengkay huh… at for the first time nakita ko din sa wakas ang kengkoy ng buhay mo… wafu!

    kengkay: masarap talaga ang pinoy food, lalo na pag masarap kwentuhan. teka, hindi mo pa nakikita si kengkoy, ganun?

    Komento ni Rhapsody — Abril 7, 2008 @ 12:16 hapon | Sagutin

  12. ok, so hindi ko man lang nabalitaan ‘tong Eb na ‘to.. watta friends.

    PS
    antaba ni def.

    kengkay: oops, ganun ba yun? kasi naman kilala namang shy boy ka e 😀 at talaga namang namintas pa, huh 🙂

    Komento ni Jon Cabron — Abril 20, 2008 @ 11:15 umaga | Sagutin

  13. Helloooo! 😀 Tita kengkay ngayon lang uli ako nag-ikot ng WP blogosphere, dito pa sa isang internet cafe, kasi nasira ang internal modem ng laptop namin.
    Salamat at nakita rin kita maski sa picture man lang! Una kong namukhaan si ‘mine’, tapos si Jollibee. 😛

    kengkay: so jolibe wala pa ring kupas ano?

    Komento ni HBH — Abril 23, 2008 @ 11:08 umaga | Sagutin

  14. Gwapo hubby mo, at mukhang mas lalo naging kyut sa pag-uwi ng Pinas ang mga little kengkays mo. 🙂

    kengkay: salamat, masarap magbakasyon, mas nagiging beauty, hahaha

    Komento ni HBH — Abril 23, 2008 @ 11:11 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: