Kwentong Kengkay

Abril 4, 2008

Ang Eagle Point Resort – A Review

patalastas: kung gusto ninyo kumita ng konting pang-shopping, join kayo dito sa clubshop.com easy lang, just click and be a member. at ang masarap, libre!!!
clubshop.com

Matapos ang review ko sa Aguila Beach Resort, i-share ko naman sa inyo ang magandang experience namin sa Eagle Point Resort sa Anilao, Mabini, Batangas. Dito talaga namin balak magtagal, mga dalawang linggo ang balak namin, sana. Bayad na nga namin yung 50% deposit e, (kasi ang baba ng dolyares nung mga araw na yon :D). (Photo taken in front of the resort’s resto by my panganay, ang galing di ba?)

So sabi nga ni Ambo nun sa comment nya sa aking post Dagat sa Batangas, medyo hindi raw maganda ang daan papunta ron. Na hindi ko masyado naman pinansin kasi naman e kumbaga, mas marami pang mas panget na daan; atsaka dalawang beses lang naman kami dun daraan – pag punta at pag uwi.

Alis kami ng maaga; kasama ng mga buong barangay. Kaya nga na cancel yung lunch sana naman kina Nika sa Batangas e, waaa. Heniway, Nika, pramis sa sunod, paghintayin ko sila sa labas, ahahaha.

Pero yung sabi ni Ambo na panget ang daan, baka nuon pa yon, kasi nitong March 2008 e maayos na ang daan. Yun nga lang, matarik talaga. Makikita nyo yung sign ng Eagle Point na nakatutok sa mismong likuan. Tapos drive kayo sa private road papunta sa parking area kung saan dun nyo iiwan yung sasakyan nyo kasi may shuttle pababa sa hotel mismo dahil nga matarik ang daan e. At sempre, bitbit na dapat ang lahat ng bagahe.

Meron kaming dalawang Cottage room reservations – isang twin beds para sa mga nanay at tatay ko; at yung isang cottage na may dalawang kwarto para sa aming pamilya. Pagbaba mo sa shuttle e reception agad yon. At kahit na buong barangay ang kasama namin na mga nagsipag-swimming din; hindi nila binilang yon as day tours. Na talaga namang kinasaya ng bulsa namin. Pero sempre, kumita naman ang restaurant nila, di ba, hahaha-

Impressive ang dating sa akin ng Eagle Point Resort. Huling dalaw ko dito e more than 20 years na; at talagang dalaw lang yon, walang swimming at walang gamit ng facilities. Pero hindi katulad ng Aguila, ang Eagle Point e medyo nagakaron naman ng improvement.

(My brother in front of the poolside) Meron silang apat na swimming pools – isang kiddie pool sa taas na may padulas pababa; at yung pool sa baba. At may isa pang pool sa kabilang dulo naman kasi nga double level pool daw tawag dun. Malinis ang pool nila, sempre. Tuwing umaga e nakikita kong may naglilinis; at minsan vaccummed pa talaga. At sempre, maganda tumambay sa poolside hindi lang dahil sa libre ang gamit ng silya at lamesa at sempre, may pool towels na available; kundi dahil may malaking space para dun magtigil. Nga pala, meron pala silang special swimming pool, reef pool na 12 feet deep.

Yung restaurant nila e kaharap agad ng dagat. Ang ganda. At ang serbisyo, tumpak na tumpak. Hanapin nyo yung captain waiter nilang si Ricky. At ang pagkain, masarap talaga! Naku naman, isang linggo kami dun – tapos kain kami sa umaga, tanghali, gabi at may mga in between snacks pa. Sempre lahat ng nasa menu nila nasubukan ko talaga, well, halos lahat! Pramis, ang sarap ng breakfast choices nila, ang sarap ng bulalo, ang sarap ng isda — at sempre, kung mayron kayong gustong ipaluto na hindi kasali dun sa menu list; itanong nyo lang at siguradong pwedeng-pwedeng iluto. Basta lang hindi super exotic ang hanap nyo ha. Meron silang souvenir shops na may mga tinda ring sweets and snacks, o yung mga basics like sun cream, bathing suits, floaters; at pwede rin masahe.

Yung cottages nila, I am happy esp dahil may hot/cold water na importante sa mga imported kong pamilya; at eto pa, may mga tabo sa bathrooms!
Yipeeee. Medyo luma na pero well-maintained naman. Atsaka hindi masikip. Yung kina nanay at tatay na kwarto e kaharap nila mismo ang dagat. Tapos may terrace. Yung sa amin naman, harap din ng dagat pero sa medyo likuran sya e. Dalawang kwarto sya – isang master’s bedroom at isang twin beds. Tapos may living room with tv, pati yung kina nanay at tatay may tv rin. At sempre, malaki ang terrace nya. Medyo na intriga kami dun sa mga non airconditioned cabanas at dun sa hotel rooms — sumilip kami, alam nyo, maganda sila.

At ang serbisyo, number one. Kung minsan mang may malimutan ang housekeeping (extra towels, floor mat, etc) kapag tinawag nyo sila; darating kaagad. At ang mga tao sa restaurant at sa front office, very friendly. Actually, lahat naman sila okay. Kapag napapadaan nga kami dun sa employees kitchen, parati naming tinatanong kung ano ang ulam nila e. Haha, isang araw nga nakipag-palit pa si kengkoy ng ulam; kasi gusto nya matikman yung dilis!
(ayan photo ng Sepoc Beach) Yun nga lang, wala silang talagang beach na matatawag sa harapan ng resort. Meron man, mabato. Dapat e naka tsinelas ka kung balak mong magtampisaw. Kasi nga dive resort talaga syang matatawag. Pero kung mahilig kang mag dive, sa harapan pa lang ng hotel e meron ng mga dive sites. At kung snorkeling naman, ganun din medyo malalim nga lang daw kaya kailangan ng safety vests. Pwede kayong mang hiram ng gamit, for fee, sa dive shop nila.

Masarap din maglakad-lakad sa resort kasi nga private land sya. Tapos may mga bird aviaries sila. At malaki ang area para sa mga makukulit na little kengkays. Enjoy na enjoy silang mag explore. Ang alam ko meron din silang playground pero dahil enjoy na itong mga bulilit ko sa mga naka-latag sa harapan nila, nalimutan na nilang hanapin ang playground. Ah, basta, maraming aktibidades.

Pero kung wala man silang beach, pwede kayong pumunta sa Sepoc Beach. Mga 20 mins ride sya with motorboat (1,400 pesos ang biyahe) ; pero sa totoo lang, kahit na takot akong sumakay sa mga maliit na bangka, it was worth it. Ang ganda sa Sepoc Beach. Imagine, pagbaba pa lang namin e may nakita na kaming star fish sa aplaya. Sabi ko pa kay kengkoy, ano yun, laruan? Pero hinde, totoong star fish sya, malansa, ahahaha. First time kong makakita at makahawak ng star fish, at ng baby sea turtles, sa truli lang. At sempre, sample pa lang yan. Mas marami ka pang makikita. Dun sa Sepoc, andun ang beach; medyo may area na mabato; may area na okay naman. Dalhin mo na rin yung tsinelas mo para mas okay.

Maganda tumambay dun kasi may mga duyan, may mga open cottages, may mga silya at lamesa; may volleyball court — dapat lang na mag-order ng pagkain sa resort para baon sa Sepoc kasi drinks lang ang meron sa isla. Karamihan grilled food, so sarap talaga ng piknic. Dito nakapag-snorkel si panganay ko; at si kengkoy, gusto pa naman araw araw kami bumalik don? Kasi nag enjoy talaga sya sa mga nakita nya nung nag snorkel sya, lalo pa at nakarating sya dun sa kweba at mas marami pa syang nakita.

Sabi ni kengkoy translated na sya from Aleman ‘Ang ganda ganda naman dito. Akala ko kailangan pang lumayo para lang may makitang wonders; pero hindi, kahit na tumayo ka lang sa isang tabi e ang dami mo ng makikita.’ O di ba, impressed na impressed ang kengkoy, kasi daw dun sa mga ibang bansa na napuntahan nya; kailangan pang mag biyahe ng malayo sa bangka para lang mag snorkel at may makita; sa Anilao daw e andyan na sa harap mo. Ehem, proud Pinay sempre si kengkay πŸ˜€

Eto ang masasabi ko, nagtagal ako sa Thailand at nakaikot sa mga resort areas nila; alam nyo, mas maganda pa rin talaga ang Pinas. E sa Anilao pa lang e taob na agad sila e, pano pa sa Palawan, Boracay, etc. Mabuhay ang beauty ng Pinas!

P.S. At dito rin natutong mag swim ang aking panganay, galing di ba. Eto pa ibang photos.

Advertisements

21 mga puna »

  1. Ang seksi naman ni little kengkay!

    kengkay: posing na posing ano, hahaha

    Komento ni nina — Abril 4, 2008 @ 2:55 hapon | Sagutin

  2. Thanks for taking time to write this review. Sana may full English translation – kasi gusto kung ipakita sa mga office mates ko na mahilig byumahe. They always go to well publicized places like Bali, Phukhet, Vanuatu, etc. If asked what are the sites in the Philippines – we always say Boracay, Palawan, atbp. – but again we’re just harking what is already known. We should know about more hidden places like this.

    Naku Kengkay – pag nagkataun – itong site mo ay para na rin yung ibang German WordPress Sites na nakikita ko – may German/English version yung mga blog nila. Sayo – dapat Pinoy (o sige Pinay)/German/English πŸ™‚

    kengkay: dont worry, am planning to write an all english review dun sa aking nanay blog. kapag tapos ko na e ipapasa ko sa yo para maipagmalaki mo naman ang ating pinas πŸ˜€ pangarap ko rin na maging three languages itong aking blogs, pero pangarap lang, hehehe

    Komento ni rommel — Abril 4, 2008 @ 7:53 hapon | Sagutin

  3. Hi Kengkay, mukhang ang sarap ng getaway nyo lately. Mga magkano kaya total damage jan? Hehe. Mukhang malayo ata, ilang hours byahe. Balak ko ring pumasyal sa dagat. Ok na cguro yung 3 days and two nights.

    kengkay: yan ang part ng aming pinas bakasyon 2008 πŸ˜€ total damage? actually mura lang din kasi may special rate kaming nakuha; tapos kung hindi naman ikaw matakaw, sempre oks din ang gastos sa pagkain; kasi kami matakaw, hahahaha – mga 3 hours drive sya from manila.

    Komento ni blogRebel — Abril 5, 2008 @ 12:44 umaga | Sagutin

  4. ang ganda naman ng beach….wow talaga..ahe he he…sarap ng buhay mo mami kengks!

    kengkay: yan ang pasarap ng buhay ko, ngayon balik reality na naman ako – laba, plantsa, tsuper, etc etc, waaaa πŸ˜€

    Komento ni Maldito — Abril 5, 2008 @ 3:53 umaga | Sagutin

  5. whahaaaaw! ansarap talaga ng beach getaway nyo!! 1 week!!!

    mami keng, san nyo balak bumili ng resort? jan din ba sa batangas?

    kengkay: grabe, ako din dati ayaw ko ng more than 3 days sa beach, pero ngayon, kahit habang buhay na, hehe. naks, feeling ang yaman yaman ko naman dyan sa tanong mo, kung matutupad ang aming pangarap? kahit saang beach basta afford, hahahaha

    Komento ni chuvaness — Abril 6, 2008 @ 1:00 umaga | Sagutin

  6. …wow, sarap naman mga lamyerda nyo. as in mas maganda pa rin sa pinas? i always thought maganda beaches sa thailand..kasi dahil sa movie, mas maganda pala pinas.hehehe! gusto ko sa aman pulo.=)
    mommy (nakimommy?heheh!) andito na pala ako sa bago kong bahay…http://menemiscely.wordpress.com

    kengkay: mas maganda ang pinas kaysa sa thailand — very much advertised nga lang kasi ang thailand e. maganda nga daw sa amanpulo, kelan kaya ako makakapunta dun? sana ilibre ako nung balita ko e kakilala kong opisyal ngayon dun, hahahha – nagpaparinig. huy, wordpress ka na? sali ka agad sa WPP!

    Komento ni sommer — Abril 6, 2008 @ 7:31 umaga | Sagutin

  7. bakasyon grande tlga!

    kengkay: mas maganda sana kung ganyan araw araw, hehehe

    Komento ni Laarni — Abril 6, 2008 @ 12:39 hapon | Sagutin

  8. wheee sarap talaga magbeach sa pinas =) glad you really enjoyed and maximized your stay

    kengkay: pusaaaaa — hay lab it talaga sa pinas!

    Komento ni pusa — Abril 6, 2008 @ 1:47 hapon | Sagutin

  9. mas maganda na nga sya ngayon. malaki na ang na-improve sa resort

    kengkay: tama ka nga, ang ganda ganda na nya. sayang nga lang at hindi nya pwedeng gawing sand yung harap nung resort, hehehe

    Komento ni Salve — Abril 7, 2008 @ 8:03 umaga | Sagutin

  10. kengs!!! i tagged you here: http://bancodereyna.com/?p=57 kelangan ko nang pwersahang traffic or else magpa file nang bankrapsi ang bangko! hehehe! kelangan ni mspinkbiik.com ang kamandag mo, nachugi sa work hahahah

    nagmamadali ako, yong traysikel iniintay na ako sa baba! later!

    kengkay: hay, pumasok yung comment mo kay akismet! oks, sige, mag deposit ako sa bangko mo ng sagot ko sa tag mo, hahahaha- ano kaya maitutulong natin kay ms pink biik? tatawagin ko na si darnaaaaa

    Komento ni reyna elena — Abril 7, 2008 @ 11:41 umaga | Sagutin

  11. parang napaka-relaxing tlga kapag nsa beach… sarap lumangoy kahit di ako marunong lumangoy.

    kengkay: ako nga biglang natutong lumangoy, ehem πŸ˜€

    Komento ni Rhapsody — Abril 7, 2008 @ 11:59 umaga | Sagutin

  12. hay bakit wala ang comment ko?

    kengkay: i saved you, kasi kinain ni akismet

    Komento ni Rhapsody — Abril 7, 2008 @ 12:00 hapon | Sagutin

  13. […] resort nung asa Anilao, Batangas kami nitong March 2008. Andito na nga yung mga reviews ko sa Eagle Point Resort, Aguila Beach Resort, at Dive Solana; ngayon naman ay puntahan natin ang Azure by Vivere Resort na […]

    Pasa ni Ang Azure by Vivere Resort - A Review « Kwentong Kengkay — Abril 18, 2008 @ 5:21 umaga | Sagutin

  14. […] butiki. Sa dagat din nila na-diskubre ang butiki. Ang daming barkadahan ng butiki sa may bubong ng Eagle Point Resort, lalo na sa restaurant. Nung una takot na takot sila na baka malaglagan sila, pero nung nasanay na, […]

    Pasa ni Mga Hayop « Kwentong Kengkay — Abril 22, 2008 @ 5:50 hapon | Sagutin

  15. Hi Kengkay,

    Uuwi ako sa december kasama (tulad mo) ang aking imported na pamilya. Aged 6 & 3 yung dalawang bulilit. Highly recommended ba talaga ‘tong place o mas ok ang Dive Solana o kaya’t ang Azure by Vivere Resort. 3-4 days stay lang plan namin. Salamat sa payo.

    kengkay: na email ko na tong response ko but let me add it here na rin:
    the ages of your kids are almost the same as both my girls πŸ˜€ anyway, if you would only be staying for 3-4 days, you could choose between vivere or eagle point — that is for you to enjoy both the pool and the beach.

    kasi although maganda ang dive solana at masarap ang food nila at maganda ang service nila, wala kasi silang pool e tapos yung dagat nila medyo mabato, i dont think the kids would enjoy it esp kung hindi naman kayo magtatagal.

    sa eagle point naman, yung beach nila you need to go to sepoc, which would take at least 30 mins, one way pero sulit naman ang bisita dun. kung ayaw nyo naman mag beach, masarap tumambay dun sa pool side nila at saka masarap din ang food at maganda ang service nila at saka may beach area naman, yun nga lang mabato, make sure you bring some beach shoes esp for the kids. meron din ditong play area at bird sanctuary which is interesting for the kids talaga.

    sa vivere naman, kasi nga may pool sya tapos harap nya e beach, sakop na nya lahat. yun nga lang, make sure din you have beach shoes. meron silang tree house, which am sure would be a hit for the kids. yun nga lang am not sure about the service and the food kasi we didnt really stay there, we just came to visit the place.

    napansin mo parati kong sinasabi yung beach shoes? kasi minsan mabato yung ibang areas e. pero sa dive solana, libre na yung beach shoes plus lahat ng water sports except diving although sa kids, medyo limited yung small sizes nila, pero adult sizes they have enough. at sa dive solana, all inclusive sya so ibig sabihin if you kids eat only french fries, you might have to order extra, sempre sayang naman yung all inclusive kung may order kayo ng extra, although yung ages ng kids mo would mean that they would still be FREE. meaning, if they would stay with you in your room, wala silang bayad pero they could enjoy the buffet and all the necessities,

    if you have other questions, buzz me!

    Komento ni jygva — Mayo 29, 2008 @ 12:14 hapon | Sagutin

  16. […] pala nung asa pinas kami nitong nakaraang marso nung asa eagle’s point kami sa batangas e sama talaga sila dun sa mga nakilala nilang mga bata dahil manonood daw sila ng high school […]

    Pasa ni kilala nyo si hannah und hannah? « Kwentong Kengkay — Nobyembre 8, 2008 @ 2:59 hapon | Sagutin

  17. Hello kengkay,I am just new here..i was just browsing Eagle point beach resort when i found your reviews!..it made my mind to go there today with my kiddo..really thanks..preparing now..

    kengkay: enjoy enjoy! sarap sumama, hahaha

    Komento ni Islandlover28 — Enero 2, 2009 @ 11:49 hapon | Sagutin

  18. haiz!..juz got home from Batangas..we spent 3 nights at eagle point..whew! expensive po ang food..,you are right..always bring slippers..even at sepoc beach..i collected 9 blue star fish during my snorkeling..when i go back to the resort for our lunch..one of the workers there..said..it is prohibited to bring them..the water is very clear in any part of the resort..but itchy..and be careful with the stones..always wear slippers..maybe if i could find time to post some pics..but for now..have to rest and tomorrow..back to work and school..””SIGH””..

    kengkay: wow, ang sarap naman. imagine, 9 star fish, waaa. pa isa isa lang yung nakita namin pero si panganay ko saw a school of clown fish nung nag snorkel sila. meron kang blog? let me know the URL para makasilip πŸ˜€

    Komento ni Lulu — Enero 6, 2009 @ 4:54 umaga | Sagutin

  19. Lulu= Islandlover28;-)

    Komento ni Islandlover28 — Enero 6, 2009 @ 4:55 umaga | Sagutin

  20. pwede po bang magtanung mayroon bang masasakyan sa mabini papunta mismo sa eagle point? pag commute?

    Komento ni jheng ramirez — Abril 27, 2014 @ 6:06 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: