Kwentong Kengkay

Abril 9, 2008

Ang Dive Solana Resort – A Review

Natatagong paraiso, yan ang masasabi ko sa Dive Solana. Kasi naman, kahit na sabihin mong ang dami nyang road signages, pagpasok mo sa mismong parking area na resort, hindi mo akalaing may kagandahan palang natatago duon.

Actually, pagpasok mo pa lang sa parking area, makikita mo na yung mga luxury cars na matatawag sa Pinas. Kaya alam mong, hmm, mukhang interesting na mag explore. So sabi nung sekyu, baba daw kami. Baba naman kaming mga super excited. Kitang kita na namin yung dagat, ang ganda. Pero naman, ang tagal bago kami nakarating sa ibaba – 270 steps!!! Talagang exercise.

Pero ang tumambad sa amin, kagandahan talaga. Impressive sya sa unang tingin pa lang. Love at first sight talaga. Tatak Pinoy sya. At ang mga kids, takbo agad dun sa duyan. O kaya naman solb ang aming paghahanap ng alternative resort matapos kaming matakot sa kondisyon sa Aguila Beach Resort. Nagtanong ako sa reception kung magkano – ermm, dolyares ang presyo. Sempre namahalan agad si kengkay kahit hindi ko pa nababasa talaga, hahaha.

Pero si kengkoy hindi na nag pa-awat, biglang nawala sa tabi ko. Ayun at naglibot libot na pala. Nagpunta sa tabing dagat — mabato sya, katulad ng mga beaches sa Anilao pero ang linaw ng tubig. Aba nag pa kyut agad sa kanya ang mga isda ano πŸ˜€ Ang ang mga little kengkays naman ayun, busy na sa pag-kolekta ng shells. Pero sempre, nagtanong kami kung pwede makita ang mga rooms — kahit na sa totoo lang, impressed na nga kami ano, kumbaga e bentang benta na yung resort sa amin. Pa-hard to get lang kunyari para hindi halatang easy to get kami.

At pagbukas ng kwarto — hayyyy, ayun na, bumigay na ang excitement dahil ang ganda talaga po. Ang sigaw ng mga little kengkays, ‘wow, kama na pang prinsesa’ (sempre translated na lang yan). Ang kwarto at ang banyo, iba ang dating dahil sa mga detalye nya — Pinoy na Pinoy talaga. Banig yung ginamit sa mga pinto at bubong, ah basta, halos lahat ng materyales pwertes e native talaga. Muntik na akong mapakanta ng Lupang Hinirang. Naku, basahin nyo na lang yung article ni Bea Zobel Jr. na isa ring proud Pinay. I mean, kung nagawa nyang buoin ang Dive Solana na hindi nag i-import ng gamit, at panay made in Pinas lang lahat; aba, bakit hindi sya gayahin?

Ang nagpaligaya din sa mga little kengkays e yung native tabo. At yung pang prinsesang kulambo, at yung meditation hut na ginamit nilang bahay-bahayan, sinabi ko na yung duyan di ba pero ulitin ko ulit, yung beach beds, yung mga available na crayons at coloring books, yung mga ‘babysitters’ nila sa katauhan ng mga service staff na nagkaron ng panahon para makipaglaro sa kanila, at yung water bike, yung nakapag snorkel si panganay ko, nakipaglaro sila sa mga star fish at jelly fish πŸ˜€ yung pagkain… esp yung mangga na sarap na sarap talaga sila. Hindi nga nila napansin na walang swimming pool duon e.

At kay kengkoy naman, sarap na sarap sya sa pagkain, sa service, sa accommodation, sa mga nakikita nya sa dagat, ah basta – lab na lab na nya ang dive solana. Tuwang tuwa sya na may ganito pang well-preserved areas na malapit sa Pinas. Kaya naman ingat na ingat din sya kapag nag wa-water bike, ayaw nyang masira ang mga corrals na asa mismong harapan nya. In fact, gusto ngang bumalik dun ngayong December para daw ma experience naman yung Pasko ala Solana πŸ˜€

Mabalik tayo dun sa 270 steps, halos araw araw e akyat baba kami dun, para may exercise ba kasi naman yung rate sa solana e all-inclusive package: buffet breakfast with coffee, tea, and juice; buffet lunch; afternoon snacks with drinks; and buffet dinner with wine. Yung coffee and tea maker parating available, tapos meron silang water dispenser sa may club house at dun sa may restaurant. At ang mga little kengkays, free of charge. Kasi little pa lang sila e πŸ˜€ At yung ibang amenities nila, except dive equipment, kasama din. Kaya naman yung dolyares na rate nila e workable na rin.

Ngayon, kung may kasama kayo na katulad ni nanay ko na hindi na kayang tahakin ang 270 steps; meron namang daan ang sasakyan pababa. Itanong nyo lang sa sekyu.

Meron din silang day trip package — buffet lunch and afternoon snacks ang kasama. O bago ko makalimutan, lahat ng amenities sa resort e free except yung dive equipment at sempre kung gusto nyong mag boat trip. Pero yung mga booties, yung snorkel gears, yung water bike, etc — libre na yon.

Sikat ang Dive Solana as a dive resort and a good place for underwater photography; di ba nung una nga I skipped it kasi nga wala syang pool at dahil nga dive resort sya? It doesnt matter pala, kasi dito sa resort na ito nag enjoy ang mga little kengkays, at ang big kengkoy talaga. Pati nanay at tatay ko, ninamnam nila itong resort na ito; at pati yung buong barangay na sinugod kami for a day trip.

Kahit na hindi nakagawa ng sand castles ang mga little kengkays, meron naman silang stone castles. Araw araw silang nakakakita ng wonders of the sea, kundi mismo sa harap ng dalampasigan; e kapag asa tubig sila o kaya naman kapag nag-water bike sila. Araw araw silang binabati ng mga isda lalo na kapag may dala silang tinapay na tira nila sa breakfast. Speaking of tinapay, huwag nyong kalimutang tikman ang Solana Bread – grabe sa sarap. Aside from rice, yang Solana Bread ang kapiling ko sa umaga, tanghali at gabi, hahaha. Kaya naman ang laki ng dinagdag ng timbang ko.

Imagine, yung aming pang biyahera na bayong ala maleta na binili namin for 150 pesos sa palengke e nakarating ng Solana, ayun, kita nyo yung bayong in between the beach things? Hahaha

Nga pala, dito lang nagiwan ng ganitong salita ang mga little kengkays ‘ayaw na naming bumalik sa Alemanya.’ Oo, duon na lang daw sila sa Dive Solana. How I wish πŸ˜€

May konting photos din sa Solana dito sa aking nanay blog.

Advertisements

12 mga puna »

  1. huwaw! ang ganda nga!!! bakasyon grande ang kengkay family at mukang enjoy na enjoy nga ang mga little kengkys! sa uulitin uli ! πŸ˜€

    kengkay: ayaw na namin umuwi dito, ibalik nyo kami ulit sa pinas πŸ˜€ naks, para namang pwedeng buong buhay e bakasyon ano

    Komento ni koreanmine — Abril 9, 2008 @ 8:59 umaga | Sagutin

  2. convinced na `ko, ganda nga ng dive solana. ang mga little kengkays, todo talaga ang adventure! at sosyal si biyahera, nag-grand tour. πŸ˜€

    kengkay: hindi lang sya maganda, kundi proud pinoy talaga. punta kayo

    Komento ni Salve — Abril 9, 2008 @ 10:53 umaga | Sagutin

  3. This is a great review Kengks.
    I love Solana too for reasons I mentioned in your mommy blog. πŸ™‚
    I didn’t realize all the fixtures were made from indigenous materials. Makes me even prouder.

    kengkay: i saw the tatak pinoy agad as soon as we reached the reception area, tapos lalo akong namangha when i went inside the rooms, super duper galing talaga.

    Komento ni megamomph — Abril 9, 2008 @ 12:13 hapon | Sagutin

  4. wow!! Ganda as in!! At todo nag enjoy ang mga kids ha.. Hehehe..

    kengkay: enjoy na enjoy talaga sila, kaming lahat

    Komento ni angel — Abril 9, 2008 @ 4:30 hapon | Sagutin

  5. kengkay, lalo akong humahanga sayo pag nag po post ka ng mga ganitong pictures.

    sige nga… .mapuntahan nga ito. lolz!

    kengkay: punta ka, foo – ang ganda, pramis. marami pang mas magandang photos pero dun ko sya ilalagay sa ibang blog πŸ˜€

    Komento ni foobarph — Abril 9, 2008 @ 11:13 hapon | Sagutin

  6. Pag sinabi ni Mamu Keng maganda, ibig sabihin maganda talaga!

    Pictures pa lang, waging wagi na! Bigla tuloy gusto kong mag beach….

    πŸ™‚

    kengkay: sige na, puntahan niyo itong dive solana tapos kwentuhan mo kami ha

    Komento ni ruthie — Abril 10, 2008 @ 2:52 umaga | Sagutin

  7. kainggit πŸ™‚ ansaya kapag buong pamilya ang mag-outing ano? maka-plano nga ng next beach vacation…

    Komento ni taroogs — Abril 10, 2008 @ 6:53 umaga | Sagutin

  8. Hallush Kengkay,

    Mukhang super ganda nga ng lugar na ito! salamat sa tip.

    no wonder ayaw na bumalik sa Alemanya ng mga little kengkays ha ha.

    Happy weekend!

    Komento ni Thess — Abril 11, 2008 @ 7:59 umaga | Sagutin

  9. I’m glad you enjoyed Dive Solana. Isa yan sa hang outs namin pag nagda-dive. Nag-dive ka mamu? πŸ™‚ Sayang at hindi mo ata nakausap ang aking bestfriend Trixie. May dive resort din siya.

    Kelan tayo chika?

    Maraming salamat sa iyong regalo. Napost ko na sa A Pinay In England. Sayang wala ka bukas. Our fellow Pinay needs support from us.

    joy
    I, Woman
    Norwich Daily Photo

    kengkay: uy, welkam sa regalo πŸ˜€ super enjoy kami sa solana kahit na hindi kami divers – iba talaga dun. sayang, hindi ko nga nakausap si trixie, di bale next time. am tuning in this saturday

    Komento ni joy — Abril 11, 2008 @ 6:26 hapon | Sagutin

  10. …wow, ang ganda naman jan…at ang mas maganda bonding ever talaga ang buobg family.=)
    …ako din, like ko yung prinsesang kulambo…gagawa ako nyan sa bed ko..para feeling prinsesa din…btw..uber gaganda mga prinsesa mo.=)

    kengkay: alam mo, parang gusto ko nga ring manahi ng ganyang kulambo e, ahahaha. uber kulit din ng mga yan, salamat!

    Komento ni sommer — Abril 13, 2008 @ 4:56 umaga | Sagutin

  11. yun lng

    Komento ni gabriel agustin — Nobyembre 22, 2011 @ 8:51 umaga | Sagutin

  12. salamat diyan sa detalyeng ibinigay nyo………..,,,,,,,,

    Komento ni gabriel agustin — Nobyembre 22, 2011 @ 8:53 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: