Kwentong Kengkay

Abril 17, 2008

Sharonian

E kasi nga di ba gusto kong matuto talaga silang tumalak ng tagalog? E epektib dyan ang makinig ng mga musika, kasi mas madaling mahuli ng tenga atsaka maganda naman talaga ang pinoy musik ha. Kung alam nyo lang kung gano kabaduy ang Eurovision dito, talong talo ng tawag tanghalan; e kahit nga yung mga nagkakaraoke sa kanto mas maganda pa ang birit e, pramis yan.

Mabalik tayo sa Sharonian, nung asa Pinas ako, bumili ako ng CD ni Sharon Cuneta na Isnt it Romantic 2, kasi maganda yung mga selections nya, romantic ba 😀 Ang unang kanta ba naman e halos saulo na ng mga little kengkays ‘I wish that I was making love to you’ – hahaha. Pang batang romantiko ba?

So tuwing umaga na lang e yan ang naghehele sa aming pamilya. Ang CD ni Sharon na romantiko. Isang araw, sumasagot ng slum book ang panganay ko (tinutulungan ko sempre kasi nga pangalan pa lang nya ang alam nyang isulat at basahin e); ang tawag nila dito sa slum book e friendship book na kahit na hindi pa nga marunong magsibasa e may mga friendship book na sila. Pero dahil magandang remembrance yan balang araw – pwedeng gawing joke book ba kapag teen ager na sila, hehehe; sagot naman kami ng sagot ng slum book na yan.

Isa sa makabagbag damdaming katanungan ay ‘sino ang paborito mong singer?’ Aba ang sagot ni little kengkay agad-agad, ayan yung kumanta na yan. E sempre, si tita sharon ang nakasalang na naman. Natawa talaga ako. Ang panganay ko, Sharonian! Edi nilagay ko dun sa slum book nya sa favorite singer e — Sharon Cuneta. Bahala na ang mga Aleman nyang kaibigan kung hanapin sino si mega sharon 😀

O eto buong listahan ng songs ng ‘Isnt It Romantic Volume 2’ ni Sharon Cuneta at baka gusto nyo rin bilhin:

– i wish that i was making love to you
– love me again
– the one you love
– getting to know each other
– if i’m not in love with you
– oh lori
– dream of me
– caught up in the rapture
– miles away
– looking through the eyes of love
– lead me on
– i’d really love to see you tonight
– torn between two lovers
– how do you keep the music playing
– do you wanna dance
– falling

Meron pa akong biniling mga OPM na CD katulad nung kay Sarah Geronimo, Baywalk dahil nga fan ako ni chucks di ba 😀 At yung isa ko pang binili e yung bagong single ng Parokya ni Edgar. Kaya lang dahil naging Sharonian agad itong mga anak ko, hindi ko na sila masyado maisingit, hayysss.

Advertisements

14 mga puna »

  1. wala pa din kupas ang megastar ha, kahit sa aleman nakarating na hehehehe… nadagdagan nanaman ang mga sharonian

    kengkay: basta magaling, walang kupas 😀

    Komento ni barquera — Abril 17, 2008 @ 5:50 umaga | Sagutin

  2. thanks for the support. ^_^

    wow, sharonian ka pala. hahaha. ^_^

    kengkay: sharonian na tunay ang mga little kengkays ko; ako naman basta pinoy, suportado ko sempre!

    Komento ni Anonymous — Abril 17, 2008 @ 8:47 umaga | Sagutin

  3. wow great way to indulge kids into something very Filipino!

    ulirang INA awardee goes to… ***drumroll

    kengkay: kilala kita, ahahaha.

    Komento ni hibachibaby — Abril 17, 2008 @ 9:01 umaga | Sagutin

  4. may nakita ka ba na cd/dvd nung pelikula ni sharon na Caregiver??
    un kasi latest ko nabasa sa The Buzz magazine, pinahanap ko sa kapatid at tatay ko para padala sa kin eh wala daw sila makita. sayang!

    kengkay: mali ang napagtanungan mo kasi totally wala akong alam sa movies e, hahaha. pero sige, magtatanong din ako.

    Komento ni eyna — Abril 17, 2008 @ 9:40 umaga | Sagutin

  5. sana bumili ka rin ng cd ni christian bautista, jed madela at lea salonga 😉

    kengkay: naku, late naman yang tips mo. di bale, next time isama ko sila sa listahan ko. pero sempre dami kong lea salonga dito, haha

    Komento ni bernardumali — Abril 17, 2008 @ 11:14 umaga | Sagutin

  6. hindi ba sila pwede ng opm alternative music? hehehe..

    kengkay: sa tingin ko meron din kaming OPM alternative music, yun ba yung sex bomb at spaghetti pababa, alam nila yon ahahaha

    Komento ni wei vines — Abril 17, 2008 @ 12:13 hapon | Sagutin

  7. ate kengks, nasabi ko na ba na kras ko yung panganay mo? aantayin ko siya. pag nasa sapat na edad na, liligawan ko siya, okay lang ba?

    😀

    kengkay: ahahaha – okay lang. babantayan ko yung mga posts mo in preparation, ahahah

    Komento ni kingdaddyrich — Abril 17, 2008 @ 12:57 hapon | Sagutin

  8. mami..kay norA Ayaw nila?ahe he he..walang himala!

    kengkay: naku, baka kung makarinig din ng kanta ni ate guy yan e maging noranian din sila, haha

    Komento ni Maldito — Abril 17, 2008 @ 2:45 hapon | Sagutin

  9. pahiram naman ng CD ate Kengks hehehe!

    kengkay: sige, halika at kunin mo dito 😀

    Komento ni MisyeL — Abril 17, 2008 @ 5:24 hapon | Sagutin

  10. wow. sharonian ang mga bebe nyo ate? tarush. ^_^ hehehe..

    hehehe. i-research na lang talaga nila kung sino si Sharon Cuneta.. 🙂

    kengkay: am sure itatanong sa akin yan ng mga aleman

    Komento ni karmi — Abril 17, 2008 @ 6:04 hapon | Sagutin

  11. wow pwede bang gawin kong chapter president ng alemanya ang iyong little kengkay ng aking ate shawie fans club, hehe? natatawa ako, bahala na nga ang mga aleman magkamot ng kanilang mga ulo sa kakaisip kung sino si sharon cuneta. 😀

    kengkay: aha, sharonian ka rin pala ha

    Komento ni Meeya — Abril 17, 2008 @ 10:27 hapon | Sagutin

  12. Naku, at si Sharon talaga ang naging peborit ng mga little kengkays!

    kengkay: e kasi naman araw araw ba naman ulit ulitin ko yung CD e, hahaha – sabi ko nga dapat dalawa isa para sa kotse 😀

    Komento ni Salve — Abril 18, 2008 @ 2:45 umaga | Sagutin

  13. si kengkay… hindi ko masasabing magaling kagaya ni sharon pero.. hindi siya kumukupas. ^^ lolz

    kengkay: kaya labs kita e, nagsasabi ka ng totoo, ehem 😀

    Komento ni foobarph — Abril 18, 2008 @ 6:06 umaga | Sagutin

  14. […] ha Tapos meron silang hullahoop, ayun, ikot ikot din ang aking mga bewang habang kumakanta si Sharon sa aking mga tenga. Kaso mo kulang pa rin […]

    Pasa ni takbo, kengkay, takbo « Kwentong Kengkay — Mayo 7, 2008 @ 6:52 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: