Kwentong Kengkay

Abril 22, 2008

Mga Hayop

Filed under: Duon sa Amin,Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 5:49 hapon

Tungkol sa kahayupan itong kwento ko, kahit na hindi ko alam kung hayop ngang matatawag ang mga babanggitin ko. Kasi baka mamya e insekto lang pala sila. Mga karanasan ng mga little kengkay ito sa Pinas.

Unang-una, ang ipiis. Ang ipis nito sa Alemanya, maliliit, kung meron ka mang makikita. Ngayon, sa Pinas, nakakita si panganay ko ng ipis habang nasa swimming pool kami. Sempre, ang mga ipis sa atin mga busog na busog talaga, di ba? Nakaupo ako sa silya at ang ipis gumagapang sa likod ng silyang kinauupuan ko na nakita ni panganay at sabay tili po naman ng todo na halos lahat ng taong nakarinig e napatigil hininga talaga — at sabay nagtuturo sa may likuran ko. E sempre ang reaksyon ko e pumunta sa tabi nya at akala ko e anong nangyari — yun pala naman, ipis lang! E sa akin, ipis lang yon, dun sa anak ko – nginig na nginig na talaga sya. Ayaw na daw nyang mag swimming dahil dun sa ipis.

Pangalawa, ang tuko. Nung asa Dive Solana naman kami nakarinig sila ng malakas na ‘tuko’ at nakakita ng isang malaking shadow ng tuko, ayun, akala nila e dinasor na daw, hahahaha.

Pangatlo, ang butiki. Sa dagat din nila na-diskubre ang butiki. Ang daming barkadahan ng butiki sa may bubong ng Eagle Point Resort, lalo na sa restaurant. Nung una takot na takot sila na baka malaglagan sila, pero nung nasanay na, binibilang pa nila. Yun na nga lang, isang araw e nalaglagan ng butiki si kengkoy habang natutulog ng tanghali at nasaksihan ng mga little kengkays, ayun medyo ilag ulit sila. At sempre, nung nakita nilang may butiki sa comfort room, ayaw na din nilang pumasok dun sa mismong stall na yon kahit anong explain ko na mas takot pa sa kanila ang butiki.

Pang-apat, ang langgam. Lalo na yung pulang langgam. Itong si bunsoy ko, ang ganda ganda pa naman ng damit nya tapos naka high heels pa, aba, kinain ng langgam! Nakita na lang ni kengkoy na nagtitinikling sa isang sulok, yun pala, pilit na pinapalis yung mga langgam na nakakapit na sa mga binti nya. Imbis na umalis, e dun sya sa mismong may langgam nagpapalis. Hay, kawawang naman talaga. Sabi namin, sa susunod, umalis agad sya kung saan may langgam. E sempre, hindi nga nya alam kung ano yung kumakagat sa kanya e 😦

Ang mga hayop, (o insekto ba?) bow!

Advertisements

23 mga puna »

  1. wawa naman!
    sanayin mo sa bundok madamme para hindi matakot! palibhasa walang ganyan sa alemanya! hehehhe

    kengkay: alam mo, sanay sila sa bundok dito, halos every weekend e namumundok kami, kaya lang kasi iba talaga ang mga hayop na sa pinas, hehe

    Komento ni Geisha — Abril 22, 2008 @ 10:33 hapon | Sagutin

  2. nako i miss my stay sa paanan ng bundok nung bata pa ako, dun pag gabi dami ka maririnig na huni ng mga hayop or insekto, whatever!

    i consume my life there for 8 years, walang kuryente, walang tv, wala lahat pati signal ng cellphone, e kelan ba naman yun mga 1986 ata

    kengkay: ano naman ginawa mo sa bundok? ako naman kapag nag ka-kamping kami dito ganyan din, walang kuryente, walang tv, sa tent lang kami tulog, pero sempre ibang adventure naman yon atsaka hindi years!

    Komento ni kulot — Abril 22, 2008 @ 11:35 hapon | Sagutin

  3. ahehe..tama si geisha.. para sa susunod na makakita uli sila ng malalaking ipis, hindi na sila matatakot 😀

    kengkay: na trauma sya sa ipis, naku, nung sunod na nakakita ng ipis naghanap ng tsinelas para patayin, hahaha

    Komento ni wei vines — Abril 23, 2008 @ 1:53 umaga | Sagutin

  4. hehehe…natawa naman ako dun sa tuko na akalang dinosaur..=)
    paano pala ate kengkay kung makakita pa sila ng daga na mas malaki pa sa pusa?? hehe=) sana nagtagal pa ang stay ninyo d2 sa pinas para masanay sila na makakita ng mga ipis at butiki=)

    kengkay: ahaha, ang daga na nakita nila, sa super laki, hindi sila natakot kasi akala nila nga e pusa, hahaha

    Komento ni rio — Abril 23, 2008 @ 2:12 umaga | Sagutin

  5. kawawa naman ang mga kengkay natakot pala 🙂

    kengkay: naku nina, baliw na baliw ako sa pag e-explain; pero si kengkoy naman game na game

    Komento ni nina — Abril 23, 2008 @ 2:53 umaga | Sagutin

  6. hehehe akala ko naman kung anong kahayupan yan…mga insekto pala lol!

    kengkay: hayup na insekto, ahahaha

    Komento ni manilenya — Abril 23, 2008 @ 2:55 umaga | Sagutin

  7. Kala ko may kaaway ka ate eh, hayop sila!!! hahaha! Naku, nakaranas pala ng ganyan ang mga little kengkays. Maski mga pamangkin ko dito naku makakita lang ng maliit na langgam sobrang takot na. Pano pa kaya pag-umuwi sila sa atin? heheh!

    kengkay: naku mitch, sanayin mo na sa kwento, o kaya hanapan mo ng picture sa internet, hahaha

    Komento ni MisyeL — Abril 23, 2008 @ 3:15 umaga | Sagutin

  8. ay pareho kami nina little kengkays. takot din ako sa butiki.

    kengkay: ako din, mas takot pa ako sa butiki kesa sa ipis!

    Komento ni antuken — Abril 23, 2008 @ 3:57 umaga | Sagutin

  9. ..hala wawa naman prinsesa mo, nakagat at natakot. buti wala pa silang nakitang gagamba, daga, salagubang at kung anu anu pang nakakatakot na creatures.

    kengkay: oks lang sa kanila ang gagamba kasi maliit lang yon e, yung salagubang naman ewan ko kasi parang ipis din yun di ba? ung daga naman parang ang tingin nila don e rabbit o kaya pusa, hahaha

    Komento ni sommer — Abril 23, 2008 @ 4:59 umaga | Sagutin

  10. ipis is the best talagang napaka healthy talaga ng mga ipis dito sa pinas wahahahahah masyado kasi silang siksik sa vitamins e..

    kengkay: uy, asa pinas ka na ha!

    xiao!

    Komento ni brath — Abril 23, 2008 @ 6:03 umaga | Sagutin

  11. Naku at may Atak op da Insektos palang nangyari sa pagbabakasyon ng mga little kengkays sa Pinas! 😀
    ____________
    http://www.salvacion.wordpress.com
    http://www.eyeview.wordpress.com

    kengkay: hay naku, yan ang isa sa pinaka exciting na nangyari sa kanila, meeting da insektos

    Komento ni Salve — Abril 23, 2008 @ 6:51 umaga | Sagutin

  12. ngek…tarush ng Title 😉 pero ganon po talaga sabi nga eh “onli in the Pilipins” hehehe
    the next visit nyo dito iintroduce naman sa mga bubuyog,salagubang,o kaya sa bubuli hehe…

    kengkay: hayop talaga title ano 😀

    Komento ni barquera — Abril 23, 2008 @ 7:06 umaga | Sagutin

  13. kala ko din may bakbakan na mangyayari (gawa ng title) lols.

    kengkay: bakbakan ng insekto at little kengkays

    Komento ni eyna — Abril 23, 2008 @ 10:24 umaga | Sagutin

  14. Lahat silang apat, mga hayop na matatawag. Ang ipis at langgam, class insecta (insects); ang butiki at tuko, class reptilia (reptiles). Ayan, nag-lecture pa ako… 😳
    Sa ipis lang ako ilag. Lalo na yung bigla na lang dadapo sa mukha ko habang natutulog ako? yaiiiks! 😯

    kengkay: ang ayaw ko yung butiking nalaglag sa yo, yikks, ang lamig, kadiri! at salamat sa lesson 😀

    Komento ni HBH — Abril 23, 2008 @ 11:21 umaga | Sagutin

  15. kaya pala hayop.. ahehehe!! ako dati nanhuhuli pa ng ipis.. yaks! hehehe

    kengkay: ahahaha, ano ginagawa mo sa kanila? kawawang ipis, at least si little kengkay hampas ng tsinelas 😀

    Komento ni angel — Abril 23, 2008 @ 12:03 hapon | Sagutin

  16. ako pg may nakitang ipis, tatawagin ko na agad c bentong at xa ang papalo ng chinelas 😀 buti na lang at di takot. sabi ko kc xa ang lalaki sa bahay kya xa ang incharge sa ipis 😀

    kengkay: si bentong ang batman ng buhay mo, how sweet!

    Komento ni koreanmine — Abril 23, 2008 @ 10:36 hapon | Sagutin

  17. Siguro next time Ate Kengks, kailangan i-orient ang little kengkays mo about Insekto sa Pilipinas 101 para di na sila magugulat. 😀 Ang bebe ko, pag nakakakita ng langgam, hinahabol at pinipisa pa ng hintuturo niya. Ewan ko lang pag nakakakita siya ng ipis….siguro tuturuan kong humawak ng tsinelas para ipanghataw niya. 😀

    kengkay: oo nga ano, saan ba pede mag enrol ng ganyan, hahaha.

    Komento ni Jayme — Abril 24, 2008 @ 5:48 umaga | Sagutin

  18. Nakakatawa naman ang experience ng mga little kengkays…naiimagine ko tuloy…hehehe

    Pero infairness ha…takot ako sa langgam…yung kapag maraming marami…yung sa lupa na bahay nila, yung me butas butas….Nakakatakot kaya….

    kengkay: ayoko sa pulang langgam, aray talaga yon

    Komento ni ruthie — Abril 24, 2008 @ 11:50 hapon | Sagutin

  19. kawawa naman ang little kengkay. yan din ang hindi namin nami-miss masyado sa pilipinas, ang mga kahayupan. lalo pa naman ang anak ko ay super chenchitive sa mga kagat-kagat na yan. hindi kayo nilamok?

    kengkay: dun sa hotel sa ortigas, walang lamok. dun naman sa eagle point at dun sa dive solana sa batangas, may mga lamok din pero hindi yung kukuguyin ka talaga. at siguro effective din yung binili naming aloe vera na anti lamok lotion. nilamok sila nung isang gabing nagpunta kami sa grand boulevard hotel sa manila.

    Komento ni Meeya — Abril 25, 2008 @ 1:28 hapon | Sagutin

  20. lol, tuwa naman talaga ako dito. e ito ngang si frenchguy, umaakyat sa sofa pag nakakita ng ipis, curious tuloy akong malamang ang reaction ni louna.

    kengkay: uy naligaw ka 😀 meron nga kaming friend (am sure mababasa ito nung asawa nya, hahaha) na ang kwento nya takot daw yung asawa nya sa daga; at hindi pa rin yon nakakarating sa pinas ha. sabi nung asawa ko, baka lalo daw hindi na bumalik ng pinas yun kapag nakakita ng daga sa atin, hahaha

    Komento ni Analyse — Abril 25, 2008 @ 2:56 hapon | Sagutin

  21. ang dami ko ng lamanan kahit wala…..dapat yung kwento talaga ng lamok at langgam hehehehehehehehhhhhh…….pangit

    kengkay: sino ang pangit?

    Komento ni michael joe — Agosto 6, 2008 @ 10:31 umaga | Sagutin

  22. tang ina nyo gago kayo tarantado ka bobo fuck you son of a bitch

    Komento ni ranielle panaglima — Pebrero 4, 2010 @ 10:10 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: