Kwentong Kengkay

Abril 28, 2008

Kain tayo sa Macapagal

Alam nyo bang hindi lang ang Mall of Asia ang pinupuntahan sa reclamation area sa may Roxas Blvd, andun din yung parang dampa style na restaurants na kilala sa tawag na Macapagal. At sempre, kapag may palengke, halo halo na ang makikita mo dun.

Ang unang babati sa yo ang mga barker. Dito parking, duon parking! Kapag nasalampak mo na ang sasakyan sa parking, ang sunod na barker naman e yung mga tindera at tindero ng mga prutas ‘mura lang dito ate, mura lang dito kuya’ – may discount, may libreng tikim, matamis ang santol, mas mahaba ang saging, at kung ano pang sales talk. Kapag sa may gitna ka pumasok, andun na yung palengke – sempre ayan na naman ang sigawan ‘dito po kuya, dito po ate’, murang-mura lang, may discount, sariwa pong talaga — at kapag dun ka naman sa kaliwa andun na yung mga restaurants na ang trabaho lang nila e magluto at maghugas ng pinggan kasi nga kayo ang dapat mamili ng gustong nyong lutuin; may i suggest lang sila ng luto.
Ang napansin ko lang talaga, bakit ang daming happy and gay dun ngayon? Nung huling bisita namin nung 2006 e hindi naman sya beauty contest, ngayon talaga namang dalaginding ang mga andun. Heniway, napansin ko lang naman.

Sempre ang kengkoy, usyoso ulit. Karga ang bunsoy namin, usyoso sya sa lahat ng tindahan. Sa loob ng palengke, sa isdaan, sa babuyan, sa manokan, a basta; enjoy na enjoy syang kalikutin at pag-ku-kwestiyunin ang mga tindera at tindero. Sempre may bodyguard sya, si nanay ko na may I explain sa tabi nya.
At nung tapos na daw ang pagkain, pasok kami sa restaurant na sempre, maingay dahil andun lahat ng malalaking pamilya. Hilahan ng silya at lamesa. Long table lahat. Pagkadami-dami pong tao na hindi ko makita ang isang barangay kong pamilya rin. Pero naririnig ko sila ha 🙂

Nung umupo kami, andun na lahat sa lamesa. Ang sarap ng amoy. Hmmm… Sempre yung mga normal na pinapaluto – sinagang sa miso, baked tahong, manggang hilaw na may kamatis at bagoong, fried chicken, inihaw na baboy, ginisang hipon, hindi ko na maalala yung iba (tulo laway ko! tsalap) at sempre bande-bandehadong kanin.

Kainan na! Abutan ng kutsara at tinidor, plato at mangkok, sopdrinks at juice; si kengkoy hirit na rin, nagkamay na rin. Kahit na hindi sya talaga madalas kumain kapag tanghalian. E kasi nga fresh seafood, na hindi mo sya sanay makita dito sa Alemanya ang ganyan. Ang fresh dito e frozen 😀 si bunsoy ko banat agad sya. Yung kanin nya nilagyan nya lang ng sabaw, happy na sya. At sempre, kinamay na nya yung fried chicken. At yung kanin, kamayan din para sa kanya.

Ang may reklamo lang e itong si panganay ko. Medyo maarte yan basta sa kainan e. Kesyo di daw sya kakain kasi madumi daw yung mga pinggan (may mga tubig pa kasi at bagong hugas), kesyo ang ingay daw, kesyo hindi daw masarap yung mga pagkain (kahit na ilang beses na nyang natikman at nakita yan na nakalatag sa harap nya sa bawat punta namin sa ganyang paluto). Nagkanin lang sya pero sinusubuan ko. Pero naman, nung dumating ang mangga – naalis ang kaartehan! Ayan sya at enjoy na enjoy dagtaan 😀

Advertisements

19 mga puna »

  1. Nakakatuwa naman yong panganay mo. palagay ko magkakasundo kami sa kaartehan pero ako pag food – okay lang sa akin kahit maingay paligid, care ko sa kanila, basta masarap noh 🙂

    Nung umuwi kami sa Mall of Asia kami kumain ng Paluto – sa may likod malapit na sa dagat. Doon kasi ni-recommend ng SIL ko. Air conditioned and dining area at maayos ang service. Hindi basa ang plate 🙂 Tapos may mga cooked food na rin.

    kengkay: treat kasi sa amin yon ng aking little sister e, kaya join din kami 😀 oo nga daw, nakita ko nga yung mga restos dun sa may MOA e, di bale, next time dun kami para di basa yung plates, hahaha

    Komento ni nina — Abril 28, 2008 @ 6:17 hapon | Sagutin

  2. ow my, naglaway ako sa seafood at mangga 😛

    kengkay: ang sarap talaga! ako din naglalaway pa until now e

    Komento ni sardonicnell — Abril 28, 2008 @ 9:23 hapon | Sagutin

  3. ang sasarap naman ng kinakian nyo…nagutom tuloy ako…
    one big happy family huh!… enjoy!
    cutie ni baby girl=) sarap n sarap sa pagkain ng mangga=)

    kengkay: masarap talaga kumain kapag madami kasama ano? atsaka pabilisan para di maubusan, haha

    Komento ni rio — Abril 29, 2008 @ 3:31 umaga | Sagutin

  4. …huwaw!!! sarap naman ng pagkain nyo. lahat natakam ako…esp yung manggang hilaw at hinog! Tulo Laway talaga ako. hmmm, paguwi ko pinas gagayahin ko mga iterinary mo nung umuwi ka! (e nainggit?hehehe)

    kengkay: hahaha, sige, oks lang; basta isama mo ako, hmmm 😉

    Komento ni sommer — Abril 29, 2008 @ 6:25 umaga | Sagutin

  5. sarap naman ng tahong…. heheheh madiriin si panganay, minsan ganyan din ako… pero pag talgang gutom na gutom eh bahala na… kain na lang hahahaha

    kengkay: mana rin sa tatay nya, pero game naman si kengkoy na ngayon 😀

    Komento ni rhapsody — Abril 29, 2008 @ 8:04 umaga | Sagutin

  6. Mmmmm….parang nalalasahan ko na yung tahong…at ang mangga, perfect na panghimagas. 🙂

    kengkay: grabe, yang mga tahong at mangga ang super miss ko din kasi wala nyan dito e

    Komento ni Jayme — Abril 29, 2008 @ 8:04 umaga | Sagutin

  7. Masarap talaga jan. Hehe. Gutom na ako. Punta ako maya dun. May dumating na check from blogging, hehe.

    kengkay: aha, manlilibre ka ba 😀

    Komento ni blogRebel — Abril 29, 2008 @ 8:15 umaga | Sagutin

  8. nice! baka sakaling makadaan din dyan! kaya lang, takot ako sa pangalang yan eh! hehehe

    kengkay: hahahaha, baliw ka talaga, pinag isip mo pa ako 😀

    Komento ni reyna elena — Abril 29, 2008 @ 9:26 umaga | Sagutin

  9. Mareng Kengkay pambihira, makatulo laway talaga itong entry mo an ito!!

    Kudos to Mr. Kengkoy, cowboy! fight kung fight sa kamayan ha ha!

    kengkay: cowboy talaga itong si kengkoy – marunong na nga magtabo e, marunong na magkamay, marunong na makisiksikan sa dyip 😀

    Komento ni Thess — Abril 29, 2008 @ 10:12 umaga | Sagutin

  10. Thanks for the add! ^^; It’s sure that I’ll visit these places sometime. Dito kasi ako sa bundok ng Laguna. -_-“”

    kengkay: ay, maraming masarap din dyan sa laguna

    Komento ni Elliot — Abril 29, 2008 @ 10:20 umaga | Sagutin

  11. syet mami kengks..baked tahong!!yan ang fave kong kainin every sweldo…ahe he he…sama niyo sana ako…hay…hanggang sa pics nalang ako nito.

    kengkay: grabe, ang sarap ng baked tahong

    Komento ni Maldito — Abril 29, 2008 @ 12:09 hapon | Sagutin

  12. […] na nga ng paggamit ng tabo, ng pagkain ng lutong Pinoy, ng pagkain ng prutas Pinoy, nameet nila ang mga hayop, pagkakamay, pagsawsaw ng tinapay sa kape, pagkain ng kanin (ketchup nga […]

    Pasa ni Makahiya « Kwentong Kengkay — Abril 29, 2008 @ 2:01 hapon | Sagutin

  13. dyan din kami nung nag team building kami last year… fiesta talaga sa pagkain ang dampa… dyan ako unang nakakita ng lobster, hehe…

    kengkay: huli na nga nung nakita ko yung lobster e, nakapagpaluto na, tsalap pa naman

    Komento ni Keng — Abril 29, 2008 @ 5:07 hapon | Sagutin

  14. aaaaarrrgg, nakakagutom! nakaka-miss!!! tulo laway ko, lol

    kengkay: lakas ng dating ano? ayoko na ngang balikan itong post ko kasi nakaka miss e

    Komento ni kablog — Abril 29, 2008 @ 8:07 hapon | Sagutin

  15. wow ang sarap ng kainan, mamya anjan ako macapagal at lalafang din! 🙂

    kengkay: at nang-inggit pa talaga 🙂

    Komento ni pusa — Abril 30, 2008 @ 2:16 umaga | Sagutin

  16. sarap daming fud.. kakagutom..;)

    kengkay: hayyyy, kakagutom talaga

    Komento ni barquera — Abril 30, 2008 @ 2:45 umaga | Sagutin

  17. sarap ng kainan! di talaga makakatanggi yang si panganay mo sa mangga dito! fresh at matamis. yung mga Hapon na bumibisita sa opisina namin, nilalantakan ang mangga pag nakatikim! 😀

    kengkay: si kengkoy ilang beses na kaming balik sa pinas, ngayon lang talaga tumikim ng mangga, nung nakatikim, na- adik naman, hahaha

    Komento ni Salve — Abril 30, 2008 @ 5:06 umaga | Sagutin

  18. uy tahong! heheheh

    kengkay: tahong ka dyan, hahaha

    Komento ni diwatang_byaning — Mayo 3, 2008 @ 3:35 umaga | Sagutin

  19. what! ginutom mo ko!
    dami mo na palang entry. wait nasan ba ko at hindi ako naupdate dito. parang 1 linggo lang naman akong naging busy sa youtube. lol.

    kengkay: aba, anong pinagkabisihan mo sa youtube?

    Komento ni bernardumali — Mayo 3, 2008 @ 6:04 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: