Kwentong Kengkay

Abril 29, 2008

Makahiya

Filed under: Duon sa Amin,Paki Lang,Pinas — kengkay @ 2:00 hapon
Tags: ,

Si nanay kengkay e hindi lang busy sa pagtatagalog sa mga little kengkays para matuto sila ng ating salita; busy rin ako na maging bukas ang kanilang puso at isipan sa mga bagay na tunay na Pinoy.

Katulad na nga ng paggamit ng tabo, ng pagkain ng lutong Pinoy, ng pagkain ng prutas Pinoy, nameet nila ang mga hayop, pagkakamay, pagsawsaw ng tinapay sa kape, pagkain ng kanin (ketchup nga lang ang ulam nila :D) at kung ano ano pa — at sempre, proud din akong iniikot sila sa magagandang bahagi ng Pinas katulad dito at dito — at lalo na, sanay silang tumawag ng nanay at tatay, kuya at ate, tita at tito.

E bago humaba ng litanya ko, dahil manghang-mangha sila sa mga nakita nila sa ilalim ng dagat ng Anilao – nakakita sila ng blue starfish, ng Nemo fish, ng pagkarami raming baby fish na kumakain mula sa tinapay sa kamay nila — bigla kong naisip, ang halamang makahiya!

Tama, sigurado matutuwa sila kapag nakakita sila ng makahiya. Edi naghanap kami ng makahiya. Sinabi ko sa kanila na ang makahiya ay isang halaman na super ‘shy’ – na kapag hinawakan sya, bigla na lang sya titiklop. Naku, super excited naman ang mga little kengkays. Ihanap daw namin sila ng makahiya. Tanong kami sa buong resort, kung may makahiya ba dun.

Wala daw 😦 Sayang, disappointed ang mga little kengkays. Siguradong buong araw nilang aasarin ang makahiya para lang mahiya iyon ng todo-todo. Di bale na, sa sunod na balik namin ng Pinas — hanapan ko talaga sila ng talahiban na may makahiya 😀

O baka sino man sa inyo may makahiya sa bakuran, pwede kami makitambay sandali?

Basahin ninyo dito ang sabi ni wikipedia kay makahiya.

Advertisements

15 mga puna »

  1. salamat sa napaka gandang website, nakaka alis ng homesick…..yabang pinay!!!!

    kengkay: hi lilaybulilay – yabang pinay talaga 😀 may blog ka din ba? para mabisita ko naman.

    Komento ni lilaybulilay — Abril 29, 2008 @ 2:21 hapon | Sagutin

  2. bakit nga kaya sa pinas lang may makahiya. wala rin akong makita dito sa amin hehe.

    kengkay: nung asa thailand din ako, wala din akong nakitang makahiya dun e

    Komento ni Meeya — Abril 29, 2008 @ 3:09 hapon | Sagutin

  3. hahaha. ^^; Ang saya naman nito. Dito samin sa Laguna maraming makahiya! hehe. PapaDHL ko. ^^;
    Btw, I just tagged you. Please take time to visit that post and I hope you can help build International Linkages. Cheers sa mga kengkay!

    kengkay: o sige, basta pag uwi namin dyan sa pinas, tambayan namin yang bakuran nyo, hahaha- oks, will check out your tag.

    Komento ni Elliot — Abril 29, 2008 @ 5:16 hapon | Sagutin

  4. I would say, onli inda pilipins. Parang may-hungover ka pa ha?

    Palaisipan: “Nang hinawakan ay namatay, nang iniwanan ay nabuhay”. Makahiya.

    kengkay: obvious bang may hang over pa ako? ibalik nyo ako sa pinas 🙂

    Komento ni K — Abril 29, 2008 @ 8:21 hapon | Sagutin

  5. naku sigurado ngang matutuwa ang mga little kengkays sa makahiya, ako nga until na matanda na enjoy sa pagpapahiya ng makahiya eh everytime na makakita ako sa batangas 🙂

    kengkay: alam mo, ako din, hahaha. enjoy na enjoy akong ipahiya sila 🙂

    Komento ni pusa — Abril 30, 2008 @ 2:09 umaga | Sagutin

  6. makahanap ng buto makahiya at ma pa DHL hehehe.. me buto din kaya ang makahiya… nakakahiya naman tanung ko hehehe 🙂

    kengkay: naku, wak ka mahiya sa tanong mo kasi ako hindi ko rin alam

    Komento ni barquera — Abril 30, 2008 @ 2:47 umaga | Sagutin

  7. Merong mga makahiya sa amin… Noong maliit pa ako hilig ko silang laruin… Gusto ko sana makita silang bumuka ulit pero ang tagal tagal nilang bumuka ulit. Kasama yata yun sa pagkahiya nila, ang pinapanood ang pagbuka nila… =)

    Komento ni andrewPelago — Abril 30, 2008 @ 3:39 umaga | Sagutin

  8. Merong mga makahiya sa amin… Noong maliit pa ako hilig ko silang laruin… Gusto ko sana makita silang bumuka ulit pero ang tagal tagal nilang bumuka ulit. Kasama yata yun sa pagkahiya nila, ang pinapanood ang pagbuka nila… =)

    Bakit wala ako sa Mga Kakulitan mo?

    kengkay: pareho tayo, ako din, naiinip kaya hindi ko pa sila talaga nakita habang bumubuka. o ayan, kakulitan na rin kita

    Komento ni andrewPelago — Abril 30, 2008 @ 3:40 umaga | Sagutin

  9. daming makahiya dun sa vacant lot sa tabi ng bahay namin. may tanim pa dun na kamote at kung ano-anong gulay kasi sabi ng meari matagal pa daw sila magpapatayo ng bahay dun. ma-picturial nga ang makahiya habang tumitiklop. bigay ko sa mga little kengkays. 😀

    kengkay: medyo mahirap yatang picturan silang tumitiklop pero kung meron ka, sige nga

    Komento ni Salve — Abril 30, 2008 @ 5:16 umaga | Sagutin

  10. wala bang makahiya sa ibang bansa??? baka meron… try mo magtanong sa mga shops ng “a plant with a shy-type personality”
    hahaha 🙂

    kengkay: hahaha, oo nga ano? masubukan nga mamya sa flower shop sa kanto 😀

    Komento ni mardito — Abril 30, 2008 @ 7:01 umaga | Sagutin

  11. ay naku, makapagluto na nga lang.

    kengkay: kumakain ka ng makahiya 😀

    Komento ni foobarph — Abril 30, 2008 @ 8:23 umaga | Sagutin

  12. tinatamad ako mgbasa…mamaya ko na basahin to.

    thanks

    kengkay: ok lang, take your time 😀

    Komento ni dannn315 — Abril 30, 2008 @ 10:51 umaga | Sagutin

  13. bakit nawala ung comment ko? hehehehe

    kengkay: kinain ni akismet yung comment mo, ayan hinatak ko ulit

    Komento ni dannn315 — Abril 30, 2008 @ 10:52 umaga | Sagutin

  14. naalala ko tuloy ang pangalawang first girlfriend ko dati.. sa makahiya kse kami nahihiga dati at nag i stargazing hanggang sa mamantal kami sa tinik ng halaman na yun.

    kengkay: yan naman ang walang hiya, hahaha. grabe, kaya siguro nawalan ng populasyon ng makahiya dahil nahigaan mo na lahat.

    Komento ni Jon Cabron — Abril 30, 2008 @ 12:30 hapon | Sagutin

  15. naiimagine ko na habang tumitiklop ang makahiya ay lumalaki ang mata ng mga bata. mga simpleng himala sa pang araw araw na buhay. Samahan mo rin silang humiga at mag-abang ng falling star para kumpleto ang pagkabata!

    kengkay: kaya nga gusto ko talaga makita nila ang makahiya e. at tama ka, itong si panganay ko nangungulit na nga na gusto daw nya matulog ng late — masarap nga mag abang ng falling stars at mag wish 😀 pero dito kasi kapag winter, maulap at malamig. kapag summer naman, ang tagal bago dumilim, hayyy

    Komento ni bernardumali — Mayo 3, 2008 @ 6:12 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: