Kwentong Kengkay

Mayo 1, 2008

Vatertag = Father’s Day = Inuman

Araw ng mga Tatay ngayon dito sa Alemanya. Bakit kanyo? Edi ba sa Pinas tuwing Hunyo ang selebrasyong ito?

O e kaya nga nalimutan kong Father’s Day ngayon dito e. Lintek na buhay yan. Mantalanang kagabi e excited pang pinaliliguan ko itong si bunsoy ko at whispering hope pa sya sa akin na: ‘Mami, meron kaming sikreto para sa Mother’s Day, pero sempre hindi ko sasabihin sa yo kung ano.’ DI ba. sikret daw.

Tapos may napansin sya, ‘alam mo Mami, parang ganito yung ibibigay kong sikret sa yo:’ ahahah, nabuking yung regalo nya sa akin, hahaa.

Heniway, dahil kasi ang alam ko, kapag Ascension Day, yun ang Vatertag. E kaso mo, natapat na Ascension Day din pala ang May 1 na Labor Day din. O ayun, kagulo ang buhay ko. Narinig ko lang sa radyo na may bumabati ng Father’s Day kaninang umaga at nag panik na nga ako. Wala akong regalooooooooo… mabuti na lang e si kengkoy naka tago sa banyo. Naghanap ako ng mga regalo, wala talaga.

Nakita ko ang mga little kengkays na busy sa kanilang art works. Naki busy din ako. Gumawa na lang ako ng gift certificate inviting him sa kanyang paboritong restaurant. Hayyyyy… at sinabi ko sa mga little kengkays na gumawa ng card para sa tatay nila.

Super bilis namin gumawa. Bago pa matapos sa paliligo si kengkoy e tapos na rin ang aming regalo. Save by the bell kami πŸ˜€

Nga pala, ang Vatertag dito e equals to inuman! As in, sa gabi pa lang bago mag Father’s Day e nag-pupulong pulong na ang mga binata at mga may asawa, basta lalaki. Mag hoarding na sila ng beer at kung ano mang alak. Yung iba tatambay sa mga bundok, bitbit ang mga tents nila. Yung iba sa mga local bars, at yung iba naman, sa mga big party tents. Ang kanilang goal? Maginuman, magtomaan. At sempre sa umaga pagkagising, party time ulit. Inuman at tomaan ulit. Bar hopping na umaatikabo. Beer dito, beer duon. At sempre, maingay sa kalye; in fact, kahit na sa mga bars at restos, super ingay – kasi nga, Vatertag! Pagkakataon na para sa mga lalaki, kahit na hindi pa sila tatay o hindi naging tatay; para magpaka-talamak sa beer!

Sabi ni wikipedia: Vatertag translates to Father’s Day, but is not celebrated with any similarity to the traditional Western Father’s Day. As late as the 1700’s it was family holiday to honor one’s father, but in the 19th century it re-appeared as a day for the lower class to goto bars and get drunk, and holds a bad reputation today. This is why the blind re-direct to the Father’s Day article is inappropriate; they are NOT the same.

Advertisements

14 mga puna »

  1. Ako naman nung una, litong-lito ako sa Mother’s Day dito. Nagtataka ako bakit may mga poster sa mall eh march pa lang. yon pala yong mothers day sa UK ang sinusunod nila πŸ™‚

    kengkay: kakalito ano? at least dito ang mother’s day kasabay ng sa pinas

    Komento ni nina — Mayo 1, 2008 @ 7:15 hapon | Sagutin

  2. ay ganun pala yun, iba iba pala ang mga dates ng mga yan

    kulot: oo, minsan nga pati mother’s day iba rin e

    Komento ni kulot — Mayo 1, 2008 @ 10:37 hapon | Sagutin

  3. HI Kengkay! Hehe, natuwa naman ako sa comment mo. Pati ako nagulat, kaka publish lang ng post ko. Btw, I have never tried celebrating Father’s day before. Maybe sa anak ko na. πŸ™‚

    kengkay: nung asa pinas ako i always remember my parents kapag tatay at nanay days πŸ˜€ am sure your anak would celebrate that with you

    Komento ni blogRebel — Mayo 2, 2008 @ 11:59 umaga | Sagutin

  4. happy father’s day po sa asawa mo ate kengkay… at sa lahat ng mga tatay dyan sa germany!!!

    kengkay: salamat, gab

    Komento ni Gabriel — Mayo 2, 2008 @ 1:20 hapon | Sagutin

  5. OMG! you don’t know PR but you have PR5!!! that’s awesome!!!

    kengkay: OMG, i dont know that, hahaha

    Komento ni janet — Mayo 2, 2008 @ 1:39 hapon | Sagutin

  6. Nauuna pala ang Father’s day dyan ate. Pakibati ako kay hubby mo. Inuman na! πŸ˜€

    kengkay: tapos na sya sa inuman e, sa kainan na lang sya kasali

    Komento ni misyel — Mayo 2, 2008 @ 1:44 hapon | Sagutin

  7. happy maders day mami kengks!!ang saya pala dyan…aehhee.parang fel na fel ko yang day na yan ah…umuulan ng beer..sana indi bote ang umulan.lols..inuman na!

    kengkay: masyado mahal ang bote dito para lang basagin, hahaha

    Komento ni Maldito — Mayo 2, 2008 @ 2:14 hapon | Sagutin

  8. si ate kengs na nagpopole dance na si kengkoy lang ang audience! sapat nang regalo yun! ;))

    kengkay: bakit mo alam?, hahaha

    Komento ni kingdaddyrich β™₯ — Mayo 2, 2008 @ 2:40 hapon | Sagutin

  9. happy father’s day kay kengkoy! so nakipaginuman nga ba siya?

    kengkay: naku megamom, tapos na ang inuman days nya e- kainan days na lang sya ngayon.

    Komento ni megamomph — Mayo 2, 2008 @ 5:35 hapon | Sagutin

  10. parang ang sarap dumayo dyan pag Fathers day! buti na lang ay octoberfest na rin sa Pinas!

    kengkay: mas masarap kapag father’s day kasi nga ang bida ang mga lalake e πŸ˜€

    Komento ni bernardumali — Mayo 3, 2008 @ 6:06 umaga | Sagutin

  11. happy fathers day kay kuya kengkoy!!! hehehe.. happy mothers day ate kengkay
    kengkay: salamat!

    Komento ni repah — Mayo 3, 2008 @ 9:30 umaga | Sagutin

  12. Third Sunday yata ng June ang father’s day sa ‘Pinas… Ahehe, hindi ako makapag-celebrate dito — you know why. πŸ˜†
    Sana pala dyan na lang ako nag- “Vatertag” — inuman? (parang kayang pumunta ng Germany ano?) Ay hindi rin pala pwede dahil may vertigo ako… hindi lang sa inuman hilo, pati na rin sa jetlag sa eroplano. πŸ˜›

    kengkay: tatay ka naman ng mga daga mo e πŸ˜€ ibig sabihin plakda ka rin kapag sakay ng bangka?

    Komento ni HBH — Mayo 5, 2008 @ 11:06 umaga | Sagutin

  13. Belated Vatertag na lang kay Kengkoy mo! πŸ˜‰

    kengkay: salamat!

    Komento ni HBH — Mayo 5, 2008 @ 11:07 umaga | Sagutin

  14. nagkasabay-sabay namang celebrations yan, kakalito nga. belated vatertag ke kengkoy!

    kengkay: kakabaliw lalo ka napag walang regalong mabili dahil sarado ang mga tindahan, hay buhey

    Komento ni Salve — Mayo 7, 2008 @ 2:31 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: