Kwentong Kengkay

Mayo 3, 2008

Trisikad

Ang trisikad, bow!

Sino pang hindi nakakasakay ng trisikad? Itaas ang mga kamay…
Naku naman, magmula ng naimbento yang trisikad na yan, lalo yata akong tinamad na lumakad. Kasi kahit na sobrang sikip ng daan e pwede silang pumasok. Kahit na saang kanto, pwede sila pumara. At minsan, mas mabilis pa sila sa jeep; kasi naman takot ang dyip na mahagingan sila, di ba, hehe. At sa totoo lang, pang-tamad talaga yang sidecar na yan; e minsan konting lakad lang sidecar na agad; o tama ba ako πŸ˜€

Yun na nga lang, sila din ang kalbaryo ng buhay ko. Kapag minsang wala ka ng datung sa pamasahe ng trisikad o sidecar; sempre mega walking ka. Ngayon kung nagmamadali ka, minsan e haharanging ka nila at pipiliting isakay. E wala na nga akong pera ano, hmp! At ang masaklap pa nito, kapag kumakaripas ka minsan, masasabit ka sa kung anong naka-usli sa mga side car na yan — aray ko po talaga. Sarap kotongan nung driver, pero dahil ayaw ko ma wa poise e smile na lang ako kahit na grrrrr, ang sakit at duguan na ang beautiful legs ko, waaaa!

Sempre ang mga little kengkays ko nakasakay na rin ng trisikad. Kahit na maikling biyahe lang, joy ride baga. Si kengkoy ganun din, kahit na muntik ng tumilapon yung payatot na drayber ng trisikad nung humakbang sya paloob, hahaha.

Masarap din sa trisikad, masisipag ang mga draybers. Buhat agad nila ang mga dala nyo, sempre para may tip di ba? Buhat nila yan hanggang sa loob ng bahay. Minsan nga kakatakot kasi akala mo besprend mo na agad sya kung umasta e. Sempre hindi mo naman sya besprend, boyprend pa. Oops, hindi ko ikwento ang romansa ko sa isang trisikad drayber, ehem…. fast forward to now…

Ang pinaka gusto kong experience sa trisikad e yung hinahatid ako mismo dun sa shoppingan sa Magallanes. Feeling ko meron akong chaufer na hatid sundo pa ang beauty ko πŸ˜€ Waiting ang aking tsuper.

At sempre, iwas sa traffic kasi ang trisikad kahit na pabaligtad ang takbo nya, iwas huli di ba, haha. Yun nga lang, kakatakot lang dahil minsan nakiki-siksik sa mga dyip, nyaaaayyy.

Eto pa, mas mabili sempre ang trisikad na may stereo. Kahit na kakabingi yung toink, toink sa loob at buong kalye ang nabubulahaw πŸ˜€

Ang trisikad, bow!

Advertisements

19 mga puna »

  1. Naalala ko dati pag tamad maglakad, sakay kami nyan from taft V.cruz to Harrison πŸ™‚

    kengkay: uy, ganyan din gawa namin — esp pag punta ng harrizon plaza πŸ˜€

    Komento ni nina — Mayo 3, 2008 @ 1:45 hapon | Sagutin

  2. OMG! heheeh! relate ako ever sa kwento mo! hahaha! luxury vehicle ko yan noh?! hahaha

    kengkay: ganun, isa ka rin palang trisikad mentality, hahaha

    Komento ni reynz — Mayo 3, 2008 @ 3:40 hapon | Sagutin

  3. ako nahihiya sumakay ng trisikad na walang takip hehehe meron kasi non eh. para kang prinsesa kung walang takip LOL

    kengkay: uy oo nga, yung ang kurtina pa e gurl na gurl ang dating, kakatuwa. dati nga di ba walang bubong ang trisikad na feeling ko e santa cruzan, mabuti nga ngayon meron na e

    Komento ni scart — Mayo 3, 2008 @ 6:50 hapon | Sagutin

  4. haha. saka pag palapit ka na sa mga trisikad, para kang celebrity na pinag-aagawan. haha.

    saka mas environment-friendly ang mga trisikad, talagang pawis, dugo at kulangot ng mga drayber ang puhunan. ^_^

    kengkay: kulangot, yikess, hahaha. yung mga trisikad draybers sa kanto namin kapag may dumaang delivery ng saging, ang mga lintek may i pitas kamo sila, hahah

    Komento ni aKDa — Mayo 4, 2008 @ 3:05 umaga | Sagutin

  5. ako bihira sumakay sa pedicab :D.. naaawa ako sa driver eh.. baka mabigatan sakin πŸ˜€

    na add na din po pala kita πŸ™‚

    kengkay: hahaha, ganon ba yon?

    Komento ni lalaine — Mayo 4, 2008 @ 3:46 umaga | Sagutin

  6. hnd pa ako nakakasakay sa trisikad.

    huhuhu!

    pero balang araw makakasakay din ako!

    kengkay: hala, taga saang barrio ka ba at hindi ka pa nakakasakay ng trisikad? biyahe ka na πŸ˜€

    Komento ni eloiski — Mayo 4, 2008 @ 4:18 umaga | Sagutin

  7. environmental friendly naman kasi naman yan eh..tsaka wala lang..masaya… kaso minsan, pag naka uniform ka, doble pamasahe mo kumpara sa dati.. (naganun kasi minsan classmate ko) kasi alam nila mapera daw kami..wooo~

    kengkay: hindi ko yata alam yan ah, kapag naka uniporme mas mahal bayad? e pano pa kung ang sasakay e puti? kaya minsan pikon din ako isakay si kengkoy e

    Komento ni wei vines — Mayo 4, 2008 @ 5:55 umaga | Sagutin

  8. salamat sa pagdaan, mapapadalas na din ako dito. πŸ™‚

    kengkay: hi jake, salamat din sa pagdalas πŸ˜€

    Komento ni jake — Mayo 4, 2008 @ 7:14 umaga | Sagutin

  9. mommy kengks, nung binasa ko ang first sentence ng entry na to, taas kamay ako… yun pala’y pedicab ang ibig mong sabihin… hehehe… ang alam kong tawag dito eh pedicab… ngayon ko lang narinig yung trisikad… promise…

    kengkay: ganun? trisikad = pedicab = sidecar πŸ˜€

    Komento ni antuken — Mayo 4, 2008 @ 9:10 umaga | Sagutin

  10. aayyyy! nostalgic! na miss ko na rin ang sikad-sikad sa amin! yan ang service ko before! pero mas sosyalan yung sa amin mare kasi may colorful banderetas and color coordinated sya! πŸ˜€ para kang rumarampa sa street dancing pagsakay mo!

    kengkay: ahahaha, iba talaga ang emote dyan sa barangay ninyo ha. wala bang christmas lights na kumikinang πŸ˜€

    Komento ni Geisha — Mayo 4, 2008 @ 1:32 hapon | Sagutin

  11. natawa ako ki number 4 si AKda! trulili yan! as in talagang kung pwede pang magbuntalan ang mga yan ever! hahaha! lalo na pag me bagahe ka! takbuhan sayo! agawan nang bagahe mo! ang bagahe mo eh isang manila envelope lang pala! heheeh

    kengkay: naku, ako ang bagahe ko si kengkoy kaya naman akala mo may pulong pulong kapag dumarating kami sa kanto ano

    Komento ni reyna elena — Mayo 5, 2008 @ 4:26 umaga | Sagutin

  12. mahal na ngayon ng mga ganyang sasakyan, from Florida Liner terminal sa sampaloc to LRT 30 na

    kengkay: naku mag dyip ka na lang!

    Komento ni kulot — Mayo 5, 2008 @ 4:56 umaga | Sagutin

  13. ahehhee,,,,dati na din akong naging trisikad driver..ala lang.trip lang..kakapagod pala. buti nalang ngayun may diploma na ako..kung wala, trisikad driver sana propesyon ko ngayun.lols

    kengkay: basta driver, sweet-tik lover, hahaha

    Komento ni Maldito — Mayo 5, 2008 @ 6:27 umaga | Sagutin

  14. trisikad ba ay pedicab din?

    kengkay: oo, pareho lang sila

    Komento ni vern — Mayo 5, 2008 @ 12:50 hapon | Sagutin

  15. may mga trisikad na may salamin na bilog sa loob ng cab, na kayang kaya tanawin ang mga pasaherong naka-skirt.

    ingat din sa pagsakay ng trisikad.

    kengkay: hanu ba yan, may pagka dysfunctional din ang mga manyak na yan ano, hehe

    Komento ni taps — Mayo 5, 2008 @ 3:12 hapon | Sagutin


  16. ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

    IF YOU NEED A BLOG, DONT FORGET TO SEE WEBSITE “Leoxa.com”
    (The Themes Is Very-very Beautiful & Also Able To Place Adsense)

    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

    Komento ni kang4roo — Mayo 6, 2008 @ 12:49 umaga | Sagutin

  17. muntik ko nang maging sideline ang pag pedicab noon. at nung nagbusiness ang asawa ko ng delivery ng gasul e yun ang ginagamit ko pang deliver.

    kengkay: kita mo na, iwas gasolina ang trisikad ha. dami pa rin sa tin na trisikad ang sasakyan na pang delivery di ba

    Komento ni rino — Mayo 6, 2008 @ 10:49 hapon | Sagutin

  18. ang mga trisikad sa probinsya, iba din. mas makulay tapos mas maburloloy pa kesa sa mga jeep. daming dekorasyon ever!

    kengkay: oo nga, kita ko nga nung nagpunta kami sa batangas e, tuwang tuwa nga si kengkoy e

    Komento ni Salve — Mayo 7, 2008 @ 2:34 umaga | Sagutin

  19. i love journey so much and faithfully together with after all these years make me cry all the time…Jovit, your era is far too different from journey’s time. Despite this generation disparity, you have given justice to jouney’s songs. I havent watch tv for a long? time but when my sister mentioned you, I was intrigued and then i watch your videos…WOW, man you are terrific!!!! Keep your spirit high boy…you have one of the most envied talents…God speed!!!….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Alysa — Nobyembre 25, 2012 @ 12:52 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: