Oo, yan ang pinag-gagawa ko ngayon. Takbo dito. Takbo duon. Jogging ba sa madaling salita.
Kasi naman eto nga at mainit na dito sa Alemanya. Tinago ko na ang mga makakapal na mga kadamitan. Nilabas ko na ang mga summer lovin’ dresses. Ibig sabihin niyan, labas na rin ang mga kaseksihan, di ba? E kaso mo mas marami yatang nakasiksik ngayon kesa sa naka-seksi e.
Nakakakabit pa rin ang mga sisig, baked tahong, leche flan, fried rice, tocino, kutsinta, bananacue, pata etc — nakakabit pa rin sila hindi lang sa alaala ko kundi pati na rin sa mga bilbil ko, waaahhhh.
Kaya napagisipan kong mag exercise. Nagsimula akong makipaglaro sa mga little kengkays. Luksong lubid kami, tapos skipping rope as in tinuruan ko pa sila ng double at yung naka cross ha π Tapos meron silang hullahoop, ayun, ikot ikot din ang aking mga bewang habang kumakanta si Sharon sa aking mga tenga. Kaso mo kulang pa rin e.
Naisip kong makisabay sa pag-jo-jogging nung isang nanay rin na pilit na pilit magpapayat. E kung sya nga mas malaki pa sa akin ang sipag mag-jogging; ako pa kaya? Ang sabi ko daanan nya ako sa bahay at sabay kami mag jogging. Ayun nga dumaan sa bahay. Aba sporty ang dating. Tapos karipas agad ng takbo, hindi naman ako pahuhuli.
E kaso mo biglang gusto ng bumigay ng legs ko, sabi ko mauna na sya at ayokong humilata na lang bigla sa kalye. Sabi ko dahan dahanin ko itong jogging at marami pa akong responsibilidad sa buhay. Edi may i run away na sya at iniwan nya ang beauty ko na biglang nag brisk walking na lang. Pero sempre, pahinga lang yon. Kasi humirit din ako ng takbo paminsan minsan. Yun na nga lang, napag iwanan na nya ako. Nag short cut si kengkay. hahahaha
Pero kahit na, umabot din ako ng isang oras sa takbo at brisk walking ko na yon ha. Especially since maganda ang mga tanawin na nakikita ko at sempre, masarap na hangin ang nasisimoy ko. Medyo nagustuhan ko yung unang takbuhan na yon kaya ngayon e tuwing umaga, imbes na umupo ako sa harap ng computer para mag-blog; tinatakbo ko na lang. Mag-iisang linggo na akong tumatakbo ha.
Na ikinatuwa naman ni kengkoy kasi matagal na nyang sinasabi na sa kakaupo ko daw sa harap ng computer e dun daw ako talaga magiging dambuhala. Mabuti na lang kamo hindi nya nakikita yung mga sitserya kong nginangata everytime na ako e nagbo-blag o nag bo-blag hopping π
Kaya eto, takbo kengkay, takbo!
Naku Mamukeng, nageexercise ka rin naman ha sabay nagba-blog hop….ang mga fingers!!! Fingers!!! hehehe…
kengkay: aray ko, tama ka dyan, finger exercise kasama pa nung fingers din ang dumadakot sa chips, hahaha
Komento ni ruthay — Mayo 7, 2008 @ 8:53 hapon |
ganda ng exercise, sige takbo lang ng takbo para magutom ng husto tapos kain din ng todo
kengkay: bakit alam mo na pagtapos ng takbo e chocolate agad ang hawak ko, hmmm
Komento ni kulot — Mayo 7, 2008 @ 11:01 hapon |
ako din trip ko magpapayat pero sabi naman nila hindi ko daw kinakailangang magpapayat. hindi nga ba. eh may kaunting bilbil ako one layer lang naman pero tingin ko dapat siyang mawala. at mapalitan ng six pack.
kengkay: wow, six pack – tapos mag meron na piktur ha π
Komento ni Prinsipe ng Pangarap! — Mayo 8, 2008 @ 1:13 umaga |
hi kengs, naku pasensya na at ngarag ang lola. anyway ayan included na ang url ko kakagawa ko lang hindi pa tapos i export yung iba, kasi yung isang blog english eh, napapansin ko everytime nagpopost ako ng english nagkaka sinusitis ako, naalala ko tuloy yung blog ni malensky na nosebleed hehehe,kaya gumawa ako ng bagong blog. san sa darmstadt ang destination nyo nga pla?
kengkay: nabasa ko nga na lipat balay ka e. kaya nga ako english duon at tagalog dito — wala lang, para lang ma praktis at mahirap mag nosebleed, ahahaha. sabi ko nga, lakwatsa kami sa darmstadt dun mismo sa shopping area, kita tayo?
Komento ni lilay — Mayo 8, 2008 @ 10:35 umaga |
bakit kaya may mga taong kahit ano ngatngatin, payat pa rin. Ako makaamoy lang ata ng pagkain tumataba na. Nagda-diet ek ek ako ewan ko lang kung ano effect nito π
kengkay: kaya nga ganito ang drama dapat, kahit hindi ka mag diet pero dapat mag exercise, yung mga bilbil magiging muskil, yan ang aking prinsipyo kuno
Komento ni nina — Mayo 8, 2008 @ 11:36 umaga |
hi ms kengkay, off topic ang comment ko…
naaliw ako sa mga tabo moments mo… dito sa dxb uso yung hose na pang linis ng pwet…pero kahit na me ganun mas prefer ko pa rin ang tabo kasi feeling ko, sumabit na sa pwet ng me pwet yung dulo nung hose…hehehe…
kengkay: oo, ganyan din sa thailand e, de-hose ba, hahah. parang may sunog sa pwet. pero mas okay pa rin sa feeling ang tabo
add kita ha…enkyu
Komento ni Lyzius — Mayo 8, 2008 @ 12:19 hapon |
ang kaso mo, kaka blog hop, yung mga daliri naging seksi =P
kengkay: kaya nga ayaw kong ipakita yung aking daliri at maka marami magkagusto, hayyyy
Komento ni wei vines — Mayo 8, 2008 @ 5:22 hapon |
aba maganda yan…healthy living ka na rin..heheh
masarap tumakbo pagmay kasabay kaso mga kasamahan ko sa bahay ang tatamad nahawa na rin ako
kengkay: ay baligtad naman tayo, ako mas type ko mag isa tumakbo kasi minsan lang naman ako mahiwalay sa mga little kengkays ko e kaya feel na rin ang mag isa π
Komento ni dakilang islander — Mayo 8, 2008 @ 11:17 hapon |
okay lang naman ang mataba. ako nga, 205lbs na, sige kain pa rin. di naman masyadong halata eh. hehehe…
kengkay: kung hindi naman halata, okay lang yun. asa pagdadala naman yan, di ba
Komento ni brotherutoy — Mayo 9, 2008 @ 1:19 umaga |
wow! haha, nag-shortcut, andaya. pero di mo pa din siya inabutan?
saka maganda din yan sa kalusugan mo [yuck, nag-advice, eh sirang-sira nga yung kalusugan ko! hahahahaha!]
Komento ni aKDa — Mayo 9, 2008 @ 9:30 umaga |