Kwentong Kengkay

Mayo 10, 2008

mother’s day problem

Eto ha, minsan nakakabaliw din ang takbo ng buhay dito sa Alemanya e.

Sempre araw nga ng mga nanay bukas di ba? At sempre Sunday sya di ba? Ibig sabihin, sarado talaga ang mga tindahan — walang malls. Pero bukas ang mga restaurants. At tapos sa lunes e holiday dito, ibig sabihin, wala na namang malling. Pero kung magpaalam sa gobyerno e pwedeng magbukas sa lunes…

So anong problema ngayon sa mother’s day? E dahil nga pinayagan na silang magbukas sa lunes, kahit na holiday; may mga ibang cities na hindi pinayagang magbukas ng paninda bukas. Ibig sabihin, sarado ang mga tindahan bukas kung kelan mother’s day at sempre sayang naman yung mga last minute na mamimili at lalo na yung mga ngayong gabi pa lang magpaparinig na mga nanay. At sayang din yung laktwatsa kapag mother’s day. Walang benta. Walang kita.

As in nagkaron pa yan ng hearing ha. Kaso mo, baduy yung ibang city government. Talagang sarado sa mother’s day. May mga iba naman na pinayagan sila. Alam nyo kung bakit ganyan kagulo? Kasi nga nagrereklamo ang mga manggagawa, tindera, tindero, taga luto, taga-ligpit, taga linis, tsuper, etc –hindi daw porke holiday e dapat mag trabaho sila. Dapat daw ay mayron din silang oras para sa kanila, para sa pamilya nila.

Kaya yung mga hindi pa nakakabili ng regalo nila para sa mother’s day; siguradong padpad nila bukas e ang mga ginintuang regalo na asa mga gasoline stations, kasi sila pwede magbenta dahil nga gasoline station sila. Pero naku naman, super mahal ng mga bilihin dun as in hindi lang doble kundi minsan e 100 percent sa kamahalan kumpara sa mga normal na tindahan. Pero kung may oras sila, pwede silang mag biyahe sa sunod na lugar kung saan pumayag ang gobyerno nila na magbukas para sa mother’s day.

At bago ko malimutan, Maligayang Araw ng mga Nanay para sa mga ka-blag kong nanay; at para naman sa mga sumilip dito na hindi nanay, gurl, lalaki, bata, sanggol — paki-sabi na lang sa mga nanay ninyo ang aking buong pusong pagbati ng Happy Mother’s Day.

Alam nyo ba na kapag araw ng mga nanay sa Pinas e parati akong may dalang bulaklak para sa nanay ko? Ngayon tatawagan na lang namin sya at kukulitin 😀 Kasi mukhang late yung dating ng aming balikbayan box e. So nanay, happy mother’s day at pati na rin sa aking sister na si Jo-Anne (kaway-kaway); alam kong babasahin nyo rin ito, kahit na pagkatapos pa ng ilang taon, hehehe.

Ang alam ko may regalo na ako, kasi super secret na itong mga little kengkays e at ayaw akong pasilipin kapag naglalaro sila; at pati si kengkoy e panay ang bugaw sa akin palayo kapag nagmimiting de avance silang tatlo. Sempre kwento ko sa inyo kung anong drama namin  bukas. Kayo kwento nyo rin ha.

Advertisements

26 mga puna »

  1. hi sista! happy mother’s day din sa iyo. hay ka inggit ako over ha. sarap naman sa backyard mo lang meron ka ng strawberries. hehe kami aakyat pa sa bundok ng benguet. 🙂 sarap diba. sarap tlaga ng strawberries sis, badtrip lang at sa sobrang lamig sa baguio sinipon ako ng todo hanggang ngayon di pa magaling. kung kelan naman diba. hehe siyempre ang lola mo walang panlasa. hehe. ang tanging nalalasahan ko nitong mga araw ay ang ube ng good shepherd. yon at yon lang kaya lalong lumalala sakit ng lalamunan ko. hehe. God bless you nanay kengkay. ako di ko feel ang mother’s day gano. kasi bday ni anakis tomorrow kaya yon ang tutok ng utak ko. mas gusto ko na masaya siya kaysa yung sa akin. hehe. 🙂 pero i’ve got my T.LeClerc ultimate gift for my mother’s day gift from the hubby kaya siguro solve narin ako. hehe kikay ng lola mo. :-)take care po!

    kengkay: uy, sabay ang celebration ng nanay at ng anak 😀 uy, ano yang T.LeClerc? may pagka-eng eng ako sa mga kikay things e 😀

    Komento ni jenaspacio — Mayo 10, 2008 @ 1:54 hapon | Sagutin

  2. di ako makapagcomment sa garden mo..ang laki 🙂 asawa mo ba nagtanim lahat dun? sipag ha..lam mo gusto ko ng strawberry waaaaahhh nainggit daw ako. last week naka dalawang box ako ng strawberry in 24 hours lol!

    kengkay: si kengkoy ang aking hardinero e. kami e taga kain ng mga tanim at taga sira lang ng kanyang hardin, ahahaha. kapag nagkaron ng bunga ang strawberries, ang sarap maupo sa damo at mamitas!

    Komento ni manilenya — Mayo 10, 2008 @ 2:19 hapon | Sagutin

  3. ang cute, may meeting de avance pa talaga. must be really special ate kengs!
    Happy Mother’s Day!!! Asa pa akong ndi papasakitin ng chikiting ko ung ulo ko bukas. 😀

    Mabuhay ang mga umiri para magbigay buhay!

    kengkay: mabuhay, mahirap yata ang umiri 😀 super secret, until now e wala talagang imik ang mga tsikitings

    Komento ni evilwoobie — Mayo 10, 2008 @ 2:21 hapon | Sagutin

  4. inay kengkay happy mothers day sayo. dumaan ako para bumati kasi baka makalimutan ko na naman.

    nag grocery na ako kanina sa mall kasi ako magluluto ng almusal at tanghalian bukas para sa aking ina at ama. bumili din ako ng cake at ice cream na nakatago para surprise bukas (sana wag matunaw at langamin) at bumili din ako ng apat na gerbera na nakalagay sa paso kasi matagal na gustong magtanim ng aking ina ng bulaklak na yun sa kanyang hardin. hehe kaya lahat ng ka pepe ko ubos. pero sulit naman kasi alam kong magiging maligaya ang aking ina.

    hehe kitam goodboy ako kay mudra kahit badboy ako sa blogosphere LOL

    Maligayang Araw ng mga Nanay sa iyo at sa lahat ng naging nanay nanayan ko dito sa blogosphere (*luha, singhot uhog LOL)

    kengkay: naiyak naman ako, etong tisyu 😀 sigurado ko proud sa yo ang nanay mo, tulad ko, proud ako sa yo 😀 penge din nung katas ng pepe mo, ahahaha

    Komento ni bluep — Mayo 10, 2008 @ 2:22 hapon | Sagutin

  5. kengkayyyyy! happy mother’s day din tuyo. hehehe, huwag mo nang i-question pa ang holiday regulation diyan dahil ever since i can recall. eh talagang ganyan na yan. kumain nalang kayo ni kenkoy mo at kids sa labas. ikain mo rin ako hane?

    siyanga pala, may pinadala ka bang email asken? i saw it on my tracking record kasi, tapos wala naman akong natanggap. saan kaya yon napadpad? ano ba ang sinulat mo doon? pakibulong mo nalang ulit. ang email addy na ginagamit ko dito ay same as pareho din doon sa contact form ko.

    hugsssss

    kengkay: hays, sa hessen bukas, sa baden-Wu sarado, lugi kami, waaaa.. uy oo, kaya pala walang sagot e nilipad ng hangin yung email ko sa yo, sige ibulong ko na lang ulit sa yo. yakap din 😀

    Komento ni Beng — Mayo 10, 2008 @ 2:32 hapon | Sagutin

  6. ngeek! bakit ba naisulat ay tuyo instead of to you? duling na mga daliri ko ah. sensiya na ha.

    kengkay: natawa nga ako kasi feeling ko danggit na tuyo yang sabi mo, hahaha

    Komento ni Beng — Mayo 10, 2008 @ 2:33 hapon | Sagutin

  7. Happy Mother’s Day sa ‘yo Kengks!! 🙂

    kengkay: salamat kiks, sabihin mo sa asawa mo, happy mother’s day din!

    Komento ni Kiko Matsing — Mayo 10, 2008 @ 2:40 hapon | Sagutin

  8. Happy Mother’s Day! Grabe noh? Holiday din ang mall. Sa Germany lang ata ang ganun.

    kengkay: ang baduy di ba? salamat ha!

    Komento ni nina — Mayo 10, 2008 @ 2:43 hapon | Sagutin

  9. Happy mom’s day mommy kenks! kainggit ng dalawang little kenkays may suprise. 😦

    hehe..

    kengkay: am sure may sorpresa din sa yo ang anakis mo

    Komento ni Banana — Mayo 10, 2008 @ 6:09 hapon | Sagutin

  10. happy mudra’s day kengkay!!!!wish ko din maging mother nako soon =(, iba talaga and trip ng holiday dito…hehhhe

    kengkay: uy tuloy tayo next week, sa wednesday tayo. alis kami dito ng 11 am, lunch kami sa mcdo dun sa loob ng carree (ewan ko kung tama spelling ko, ahaha) tapos tambay kami sa thalia bookstore dun sa may spielplatz – appear ka lang kung kelan ka dating. o kaya email tayo for more details.

    Komento ni lilay — Mayo 10, 2008 @ 6:22 hapon | Sagutin

  11. Happy Mother’s Day, Kenks.

    kengkay: salamat K!

    Komento ni K — Mayo 10, 2008 @ 6:29 hapon | Sagutin

  12. awww mabuti pa sya nakakaramdaman na ng regalo hehee ako hindi mukang wala akong naamoy eh. well enough na sa akin ang batiin ako 😀

    happy mother’s day kengkay 🙂

    kengkay: salamat scart – tradisyon na yung suprises kapag mom’s day, sana tuloy tuloy, hehehe

    Komento ni scart — Mayo 10, 2008 @ 8:08 hapon | Sagutin

  13. happy mother’s day mommy kengks! ankorni naman pala diyan. pag holiday, holiday din ang mga malls. eh dito nga walang holiday ang mga malls! hehehe.

    kengkay: kaya masaya dyan e, parating may malling, wahhh

    Komento ni antuken — Mayo 11, 2008 @ 5:13 umaga | Sagutin

  14. haffee maother’s day sa pinaka kengkay na mami sa blogosphere!!! mwaaaaaaah!

    you are blessed with such a beautiful family. kisses to the little kengkays and hi to dadi kengkoy…

    yung german ko asan na?? hehehehhe

    kengkay: tenk yu ha… yung german mo hinahanap pa namin, type mo yung 80 years old na mayaman?

    Komento ni malen — Mayo 11, 2008 @ 5:15 umaga | Sagutin

  15. happy mother’s day po sa inyo!!!
    enjoy ur day po!

    kengkay: salamat!

    Komento ni eloiski — Mayo 11, 2008 @ 5:18 umaga | Sagutin

  16. ay ganun ba dyan? ahehe.
    hapi mother’s day eniwey and all the way, pinay na nanay blogmate! 😀

    kengkay: hay oo, boring, hmpf

    Komento ni homebodyhubby — Mayo 11, 2008 @ 5:34 umaga | Sagutin

  17. Happy happy happy MOTHER’s Day, ate Keng!!! God bless!

    kengkay: salamat, god bless, too

    Komento ni NJ — Mayo 11, 2008 @ 6:08 umaga | Sagutin

  18. happy mother’s day ate kengks! ano kaya yung surprise nila sayo? post! post! hehe.

    anyway nakakatawa naman diyan. makikita mo talaga kung sino ang mahirap. palibhasa dito kailangan kumita (at dahil bentang benta naman ang holidays sa mga pinoy; holiday = kaching) kaya kahit anong holiday papatulan. anong walang pasok? kita din yan! hehe. hope you still enjoy it. nasanay ka lang na pag mother’s day kailangan lumabas 🙂

    kengkay: naku, ewan ko siguro kasi sanay ako na parating bukas ang mga malls kasi miss ko ang ganyang lakwatsa

    Komento ni iris — Mayo 11, 2008 @ 8:00 umaga | Sagutin

  19. Happy Mother’s Day, Kengkay!!

    ganyan din dito, sarado halos lahat ang stores hanggang lunes.

    kengkay: boring ano, hohum. hindi ako masanay e 😀

    Komento ni Thess — Mayo 11, 2008 @ 9:23 umaga | Sagutin

  20. …happy mother’s day!!! uuy, me surprise sa kanya mga bata…ang cute nman nila…hmmm, malamang whatever it is, super cool at astig gift nila sayo.hehehe!!!

    kengkay: super excited nga ako sa surprise e

    Komento ni sommer — Mayo 11, 2008 @ 10:55 umaga | Sagutin

  21. hapi nanay’s day sau mami kengky!
    looin’ 4ward sa next wen2 😀

    kengkay: sa iyo din ;D

    Komento ni koreanmine — Mayo 11, 2008 @ 11:19 umaga | Sagutin

  22. kengkay!
    maligayang araw ng mga nanay! hindi man kita kilala ng personal pero alam kong isa kang masayahin, makulit at mabuting ina sa mga anak mo.

    kengkay: maraming salamat, nabayaran ba kita? hehehehe

    Komento ni bernardumali — Mayo 11, 2008 @ 1:38 hapon | Sagutin

  23. […] Jojitah, Jovie, Kengkay, Reyna Elena, Manilenya, Blue Panjeet, Bakla […]

    Pasa ni $20 Worth of Reaction: J’Attendrai Le Suivant (I’ll Wait for the Next One) « Coffee With Arsenic — Mayo 11, 2008 @ 1:39 hapon | Sagutin

  24. halu po! happy mothers day! ang swit naman ng mag-aama mo sinisecret tlga ang surprise para sa iyo:D

    kengkay: ganyan sila parati 😀

    Komento ni Rhapsody — Mayo 12, 2008 @ 4:14 umaga | Sagutin

  25. happy mother’s day, huli man nakadating din… wa ka kasi cbox eh kahapon wa ka pa post nire…

    kengkay: hahaha, nakarating nga, salamat!

    Komento ni diwatang_byaning — Mayo 12, 2008 @ 3:38 hapon | Sagutin

  26. ung nagdislike hindi pinoy un ,,,,,anggaling mo bata…….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Anneliese — Nobyembre 24, 2012 @ 2:52 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: