Kwentong Kengkay

Mayo 11, 2008

here fishy fishy

Nagmamadali ang change of season dito sa Alemanya. Katatapos lang ng winter e biglang naging summer agad. As in hinakbangan ang spring time dahil super init po talaga ngayong ng panahon. (Hay, hanggang kelan kaya?) Kaya madalian ang hiwalayan e; ang hiwalayan ng damit pang winter at damit pang summer.

Kaya naman tambay agad kami sa aming hardin. At hindi lang kami ang masaya dahil sa mga pangyayaring ito. Tuwang tuwa rin ang aming mga isda sa aming palaisdaan, naks, pond lang pala, hahaha. Eating time na ng mga fishy fishy! Kapag winter kasi, hindi sila binibigyan ng pagkain nila kasi andun sila sa pinakamalalim na parte ng pond e, naghihibernate. Atsaka kasi, kadalasan, natatabingan sila ng tubig na nagyeyelo.

Ngayon, ang drama naming ganito. Eto si panganay ko, halos araw araw na pinapain nya yung mga daliri nya para ngatain ng mga isdang kois at gold fish. Kasi tuwang tuwa sya na lumalapit yung mga isda sa kanila. At hindi lang yon, talagang sipsep ng mga isda yung mga daliri nila kasi akala e pagkain! Mabuti nga sila hindi nandidiri, kasi ako, ngek — ang lansa ano, hmp ;D

Huwag kayo mag alala, hindi yan case para sa green peace; kasi tuwing hapon e ang mga little kengkays talaga ang nagpapakain sa kanila. Minsan nga isang lata ang halos ibuhos sa kanila e. Sabi nga ni kengkoy, naku, hindi naman ganyan karami kumain ang mga isda. Well, tama naman sya. Kasi nung naumay na ang mga isda e pumalit ang mga ibon! E sempre yun ang ayaw ni kengkoy dahil pati isda e pagkain din nila ano. Ang mahal pa naman ng mga kois dito at sempre, hindi madali ang mag-alaga.

Ang isa pang kaaway nang aming mga kois? Ang mga tumatambay na pusa! Oh well. Hay buhay sa aming farm!

At bakit kanyo may tabing ang aming pond? Para hindi mag swimming ang mga kabataan, for safety reasons.

Advertisements

10 mga puna »

  1. naku! mahirap pa namang sawayin ang mga pusa..

    kengkay: tama ka, kaya sa balkon namin may mga maliit na bato para kapag nakita sila e pasaway

    Komento ni linglingbells — Mayo 12, 2008 @ 3:38 umaga | Sagutin

  2. at kpag naamoy nyang mga pusa ang lansa at amoy ng isda talagang aaligid aligid yang mga yan… pero at least safe sila dahil may tabing naman pala ๐Ÿ˜€

    kengkay: yung tabing e para sa mga bata, kasi kahit na may ganyan e kayangkaya ng pusa na mangisda pa rin e

    Komento ni Rhapsody — Mayo 12, 2008 @ 4:19 umaga | Sagutin

  3. …wow koi fish, gusto ko nyan..for goodluck!heheh! balak ko nga patattoo ng koi sa hita e.hmmm.
    …at least safe naman pala ang mga koi at gold fish kasi me tabing sila.=) hirap nga lang maintenance noh?

    kengkay: hirap talaga maintenance, mabuti na lang si kengkoy ang gumagawa, hehehehe

    Komento ni sommer — Mayo 12, 2008 @ 5:17 umaga | Sagutin

  4. ate kengks happy mothers day!

    kengkay: salamat!

    Komento ni repah — Mayo 12, 2008 @ 10:19 umaga | Sagutin

  5. wow astig may pond pala kayo! pangarap ko rin magkaron nyan eh..nakakarelaks kasi manood ng mga isda. pero mahirap pala dyan kasi naghibernate pa sila pag winter.

    kengkay: sarap nga panoorin sila, kaka relaks

    Komento ni gasti — Mayo 13, 2008 @ 2:15 umaga | Sagutin

  6. argh di naman po lahat ng pusa pasaway hehehehe biglang ganun
    ankyut naman ng little kengkay habang pakain ng kois

    kengkay: aha, nagsalita nga reyna ng pusa, hahaha

    Komento ni pusa — Mayo 13, 2008 @ 2:20 umaga | Sagutin

  7. naks… ang ganda pala pag nasa pond..wala sa aquarium.. =)

    kengkay: mas masarap magswimming sa pond, hehe

    Komento ni wei vines — Mayo 13, 2008 @ 7:23 umaga | Sagutin

  8. nakakatuwa naman na inuuna pa din ng mga taga oyropa ang kaligtasan ng mga bata over such things as aesthetics and design ng isang pond… kung dito satin yang pond na yan, andami na sigurong nagtatampisaw na chikitings sa tubig (may koi man o wala) ๐Ÿ™‚

    kengkay: right you are, taroogs. mas importante kay kengkoy ang safety ng mga kids kesa sa ganda ng pond. sana ganyan ang unahing isipin ng mga tao ano

    Komento ni taroogs — Mayo 16, 2008 @ 11:17 umaga | Sagutin

  9. ang ponds pwede itlog-an ng lamok? kasi kung dito sa pinas grabe ang dengue.

    Komento ni visitor1 — Hulyo 17, 2008 @ 6:04 umaga | Sagutin

  10. […] pano ang aming labada? Pilit kong naghanap ng batis, at eto lang nakita ko… dito baka mag amoy malansa naman yung aming mga labada, […]

    Pasa ni Sira « Kwentong Kengkay — Agosto 13, 2008 @ 10:33 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: