Kwentong Kengkay

Mayo 13, 2008

miss ko ang BJ

Kapag ganitong super init, sino ba naman ang hindi mami-miss ang buko juice (BJ)?

Super sarap talaga nyan lalo pa kung malamig. Pero mas masarap sya kapag bagong pitas sa puno. Huwag lang yung mahuhulog sa ulo mo dahil aray ko po naman yon.

Sipsipin mo ng mahigpit ang straw at kuhang kuha mo agad ang sarap ng juice nito; hayyyy heaven!

Tapos kapag wala ng katas, pataga mo yung buko. Tapos hingi ka ng kutsara, o kaya naman yung mismong parte ng bao nya — ayun kayurin mo na yung malapot at maputing laman nya; hmmm, heaven ulit!

Pero minsan, ang ginagawa ko – pinabubuksan ko na agad at sabay hingi ng kutsara, sabay hagod ng laman nito. Para bang buko joe naman ang dating. Inumin mo sya na may sumasabit sabit na laman.

Katulad nung mga nakikita mong samalamig dyan sa kanto na ngayon e bawal ng ipasok daw sa aking flawless na tyan. Kaya kuntento na akong mag order ng BJ sa mga restaurants na may ganyang offer.

Teka nga pala, kayong mga ka-blag na asa Middle East — bawal din ba kayong kumain ng mag street foods kapag umuuwi kayo sa Pinas? At kayo ding mga asa ibang banda ng Asya, katulad ni K na asa Hongkong; sumasakit din ba tyan nyo kapag kumain kayo ng pagkain na nakabilad sa araw?

Kasi na-alala ko nung asa Thailand ako; mas maraming beses pa yata akong kumakain ng street food dun kesa sa Pinas e, pero hindi naman umaangal ang tyan ko. Kahit na ilang beses din akong pabalik-balik sa Pinas, wala namang rumambol sa tyan ko. Hmmp, baka inggit lang ang mga taga Oyropa sa sarap ng pagkain sa Pinas kaya pingababawal nila iyon, ano sa tingin ninyo?

Advertisements

18 mga puna »

  1. ako ang una…ahhaha..maldito was here…lols…..sa amin sa bahay dami niyan….dun nga tumatambay mga relatives namin pag week ends para kumain niyan..ahhehe

    kengkay: pang piyesta talaga ang BJ ano 🙂

    Komento ni Maldito — Mayo 13, 2008 @ 7:05 hapon | Sagutin

  2. uuuyy i like bj too! pero bihira dito sa amin yan kaya nagtyatyaga na lang ako sa mga naka-lata na nabibili sa asian store. pampalinis daw ng bituka at pantanggal ng bato, di ba? 🙂

    ako nung umuwi, sinubukan kong kumain ng fishballs at squidballs na may kasabay na diatabs. ok naman, hehe. 🙂

    kengkay: yung de lata na galing sa thailand, mas masarap; ewan ko kung bakit kaya? grabe, ang lakas ng loob mong makikain ng bola bola sa daan ha, hindi ako makahirit kasi tutok na tutok sa akin si kengkoy e

    Komento ni Meeya — Mayo 13, 2008 @ 9:49 hapon | Sagutin

  3. buko buko buko juice.. 😀

    gusto mo dalhan kita ng buko juice ate? pasalubong ko sau.. ^_^ hehehe..

    kengkay: aba, ready ako. pano mo ipapadala? ibabato mo sa bubungan? hahaha

    Komento ni karmi — Mayo 13, 2008 @ 10:55 hapon | Sagutin

  4. hi! just hop and hopping..

    love buko juice too. i drink that every weekend. ^_^

    kengkay: salamat sa pagdaan, dumaan na rin ako sa ebahay mo 😀

    Komento ni vanny — Mayo 14, 2008 @ 1:49 umaga | Sagutin

  5. naku mommy kengkay malamang me mga bastos search na naman na maliligaw sa blog mo nyan dahil sa taytol mo…ahihihi

    kengkay: hahaha, hindi ko naisip yan, hmpf 🙂

    Komento ni Lyzius — Mayo 14, 2008 @ 3:40 umaga | Sagutin

  6. naku wala ng mas refreshing pa sa lahat ng pamatid uhaw,kungdi ang buko juice

    kengkay: tumpak, lilay, kaya ayaw mo ng cola kahapon kasi BJ din hanap mo ano?!

    Komento ni lilay — Mayo 14, 2008 @ 6:13 umaga | Sagutin

  7. ahh ako rin 😀 miss ko na din ang BJ 😳

    kengkay: ooops din, hehehe

    Komento ni koreanmine — Mayo 14, 2008 @ 8:52 umaga | Sagutin

  8. Wag lang masyadong mag-BJ sa umaga sa hapon sa gabi dahil baka lumaki ang tyan mo.

    … sa dami ng nainom mo! Sa Bicol mura ang BJ, libre na nga yun, kaso ikaw mahihirapan sa haba..

    ng aakyatin mo.

    kengkay: yan ang maganda sa BJ e, yung haba… ng pag aantay dahil hindi sya basta basta masusungkit; at hindi sya basta basta mabubuksan 😀

    Komento ni K — Mayo 14, 2008 @ 10:52 umaga | Sagutin

  9. ay oo nga pala, yung nakabilad sa araw sa turo-ng-nguso food, ox lang, sabi nga ng chinese, “if you want to live here and taste the beauty of HK, eat nasty food”.

    So ayun, purga na ako sa noodles pero nakakaadik pa rin, lalo na yung sa mga kanto-kanto a-la China town.

    kengkay: masarap naman talaga kumain kanto kanto e — at nasty food, yum! pero sempre hindi ka bawal kumain ng street food sa pinas, di ba?

    Komento ni K — Mayo 14, 2008 @ 10:54 umaga | Sagutin

  10. ate kengks! akala ko pa naman na BJ eh … ahahahaha. buwahahaha… green.
    oo nga sarap ng bj buko juice :p. sa may villa escudero tsaka tagaytay dun sa may josephines naman kami dati nakalafang ng bj. tas nagkape barako na din dun sa…nu ba yan nalimutan ko na pangalan. basta sa tagaytay din un.

    natawa ako dati, kasi dun sa amusement park dito, may nagtitinda ng niyog na tinuhog sa bbq stick. ang tigas kaya papakin nun!

    ay nga pala te, binalik ko na ulit tagalog blog ko sa blogger at nilipat sa wordpress. kakamiss eh! inggit ako! bisitahin mo ko dun ha? para di itlugan ng langaw. lol. un na lang din link mo sa kin wag nya ung isa.

    kengkay: wala rin akong balak na tikman yung niyog na yon, feeling ko die sind nicht echt, ahahaha — oks, will update your link

    Komento ni eyna — Mayo 14, 2008 @ 11:33 umaga | Sagutin

  11. Miss ko na din ang BJ, dito nakalata lang mabibili mo eh. Kaya mula ng dumating ako dito sa Toronto isang beses pa lang ata akong uminom ng buko juice.

    kengkay: subukan mo yung thai made, masarap din. hindi ko pa nalalasahan yung pinoy made

    Komento ni MisyeL — Mayo 14, 2008 @ 11:39 umaga | Sagutin

  12. ay dito maraming bj! mga P50 isa, ok na ba yun?

    kengkay: haneps, singkwenta pesos isa? pano kung mag buko salad ka, ibig sabihin milyones pesoses ang gastos mo, waaaaa

    Komento ni Banana — Mayo 14, 2008 @ 7:03 hapon | Sagutin

  13. ako hindi kumakain ng mga street food sa maynila, sirain kasi ang tyan ko eh. so depende siguro sa tyan ng isang tao.

    ang buko juice ay mabisang inumin kapag may hang-over ang isang tao, the best!

    kengkay: am sure daming nakabasa tungkol dyan sa hang over test mo, masubukan nga rin, hahaha.

    Komento ni Jake — Mayo 14, 2008 @ 7:52 hapon | Sagutin

  14. waaaa gusto ko ng buko juice na ganyan hindi nasa can. yun kasi madalas nabibili dito pero available lang sa pinoy store ha. meron din ganyan pero hindi fresh na lasang panis phew!

    kengkay: subukan mo yung thai brand nila, masarap sya

    Komento ni scart — Mayo 15, 2008 @ 12:11 umaga | Sagutin

  15. sarap talga ng BJ hehehe 😉


    kengkay: e di ba nga, hehehe

    Komento ni barquera — Mayo 15, 2008 @ 2:42 umaga | Sagutin

  16. ansarap talaga! mommy kengks tinag kita 🙂

    kengkay: ang sarap naman ng tag mo, hahaha

    Komento ni pusa — Mayo 15, 2008 @ 6:16 umaga | Sagutin

  17. Uyyy, BJ! Gusto ko rin yan!

    Sayang naman walang ganyan dito sa UAE. Nakakamiss, ang tindi pa naman ng init ngayon dito.

    Pengeng BJ!!!

    kengkay: hahaha, gusto sana kita bigyan ng BJ kaso mo wiz din ako dito e

    Komento ni Aling Baby — Mayo 15, 2008 @ 7:16 umaga | Sagutin

  18. My God mommy kengks – – takot ko sa title hahahaha!!!

    Buko Juice lang pala……..kita kits tayo sa Germany!!!!!!!!!!

    kengkay: huling huli ka ba ng taytol, hahaha. am sure miss mo na rin ang BJ ano? sige, kita kits tayo

    Komento ni chuva — Mayo 21, 2008 @ 12:31 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: