Kwentong Kengkay

Mayo 15, 2008

kengkay at lilay = EB

Yehey, sarap buhay ko dito ha. Walang kasing sarap kasi nakipag-EB na naman ako kasama ng aking little alalays! At ngayon ang aking ka-chika ay si lilay.

Nagkita kami kahapon sa Darmstadt kung saan dun nag woworking boy si kengkoy. At si lilay, naku, ang tagal na naming magka-blag nyan; siguro mga isang beses syang nag iwan ng comment dito sa blog ko bago namin maisipang mag-EB kami, hahahaha. Sabi ko nga sa kanya dapat bisitahin ko rin yung blog nya bago man lang kami mag ayos ng EB, kasi ba naman hindi nag iwan ng URL nung blog nya ang babaita! So pagkatapos naming magpalitan ng kuro kuro, siguro mga isang linggo din yun… nag-set na kami ng EB.

Matatawag bang EB yun kapag hindi man lang nagpalitan ng comments sa blogs, whadayasay? Ang tawag dun, penpals! Parang ganon na nga ang nangyari nung nagkita kami. May I send ako ng text sa kanya kung ano ang suot ko, wahahaha. Sabay sagot naman nya ng description ng kanyang wardrobe din. Para hindi kami magkawalaan, kahit pa rinig na rinig sa buong siyudad ang tilian ng dalawang little kengkays dun sa palaruan kung saan kami tumambay — PS, ang palaruang iyon e nasa loob ng isang bookstore, laban kayo sa ka-astigan ng mga little kengkays, hahahhahaha.

At habang naghahanap ako ng erotic best sellers; para pampatawid ng oras — nakita kong lumulutang papunta sa akin ang babaeng ka-blag ko ๐Ÿ˜€ Naks, feeling palabas sa sine daw ang drama e. At sempre, nung nagkita kami e naluma ang ingay ng little kengkays sa tili naming dalawa ni lilay (oops, asa bookstore pa rin kami ha).

Kwentuhang umaatikabo. Nainip ang mga little kengkays kasi daw mas ma-ingay na daw kami sa bookstore kaya nag yaya mag ice cream. At sa open air naman tuloy ang aming — bla, bla, bla – ang kinalabasan eto: pareho kaming maganda wala nga lang akong dimpel, hmp :); pareho kaming nag trabaho sa isang group of company at sempre kasali na yung mga kakilala dunย sa chismisan namin; pareho kaming sex slave stay-at-home sa madaling salita, wa work; pareho kaming seksi (boooo, ehem); etsetera, etsetera.. basta ang alam ko, berdey ng labs nya ngayon – hepi berdey sa iyong darling, lilay!

Sempre, ayan ang kodak moments! Super galing kasi ng mga professional photographers namin e – yung dalawang little kengkays ba! Nakikipag-patintero sila sa mga nakikiraan habang dapat e naka-focus yung camera.

Pero bilib kayo kay lilay, kung si nanay kengkay e halos ma stress at mabaliwย na sa kakaposing; ang lilay e labas pa rin ang dimpel, ready talaga mag pakyut!

I would like to thank SM department store for my top and bag, chuvaness for my super wonderful beads, Bangkok bangketa for my jeans ๐Ÿ˜€ Sino sunod na gusto makipag-EB dyan, sinooooo… sarap makipag usap ng Tagalog talaga, yum!

Advertisements

17 mga puna »

  1. Hihihihi!!!

    Ang kyut naman ng pagmi-meet nio! ๐Ÿ˜€

    Kakatuwa naman, sana magmit din tau one day soon, aling kengkay. ๐Ÿ™‚

    kengkay: sempre naman aling baby, punta ka dito o kita tayo sa pinas ๐Ÿ˜€

    Komento ni Aling Baby — Mayo 15, 2008 @ 12:28 hapon | Sagutin

  2. nice top mamu! cutie ng little kengkays!

    kengkay: gawang pinoy yang top ko ha

    Komento ni antuken — Mayo 15, 2008 @ 12:56 hapon | Sagutin

  3. sus ko dhay, ang daming blog mo pala….heheh

    nalito ako saan ako magbisita na sa iyo….lol

    wow kita kayo ni lilay….ikaw pala si kikay….
    ang ganda ng mga nname nyo uy…

    kasing ganda sa beauty nyo,……

    hi lilay…..thanks sa visit sa blog ko ha.

    tika.—-txt naman sis ko, balik na ako….

    kengkay: ahaha, ako talaga si kikay, hahahaha

    Komento ni vk — Mayo 15, 2008 @ 1:52 hapon | Sagutin

  4. haaay ang sarap talaga ng feeling, so dapat maulit yan ha kengs.ang taray ng pics ko parang kulang nalang asukal at keso ensaymada na ang dating…wahhhh ang juba ko na talaga. pero ok lang, basta laging may EB panalo na, thanks nga pala sa libreng ice cream kengs…mwah!!!thank you nga pala daw sa bday greetings from lalabs =P

    kengkay: kyut nga e, deliciously huggable ๐Ÿ˜€ kita ulit tayo sempre at sa sunod dala na ang buong barangay

    Komento ni lilaybulilay — Mayo 15, 2008 @ 7:07 hapon | Sagutin

  5. panay ang eb ni mami kengky! at ang 2 li’l kengkays, bata pa sanay na sa eb! hehe lagi kasama sa gimik
    ๐Ÿ˜€

    kengkay: ay alam mo naman, walang bebisitter dito kaya bitbit ko sila kahit saan; kahit nga mag-wee-wee kasama rin sila e, hahaha

    Komento ni koreanmine — Mayo 15, 2008 @ 11:18 hapon | Sagutin

  6. wahh…puro EB ka nalang dyan ah dami nyo palang pinay bloggers dyan magkalapit lang

    kengkay: nagkataon lang na palapit na sila ng palapit at kung hindi man malapit, pinipilit na maabot!

    Komento ni dakilang islander — Mayo 16, 2008 @ 2:12 umaga | Sagutin

  7. isa lang ang masasabi ko FLAWLESS si kengkay, kering keri mag backless!!!
    sya nga pala kengs pa change naman ng URL ko hehehe, pasensya na at hindi ako mapakali =P

    kengkay: lipat ebahay ka rin ha. flawless kasi tinadtad ko ng lotion ang mga naka backless para hindi halata yung puti puti, alam mo yun, yung kaliskis, hahahaha

    Komento ni lilay — Mayo 16, 2008 @ 2:49 umaga | Sagutin

  8. haha! ayos yan ah isang beses nag comment tapos walang iniwang link pero natuloy ang eb..ibang klase!..ang saya naman!

    kengkay: yan ang istorya ng EB ni kengkay at lilay, hahaha. mga sabik talaga sa kapwa tagalog chika e

    Komento ni gasti — Mayo 16, 2008 @ 5:27 umaga | Sagutin

  9. ganda ng neclace hehehe.. ๐Ÿ˜‰

    Komento ni barquera — Mayo 16, 2008 @ 7:50 umaga | Sagutin

  10. “necklace” pala hehehe

    kengkay: pwede na rin yon. gawa yan ni chuvaness, galing ano?

    Komento ni barquera — Mayo 16, 2008 @ 7:51 umaga | Sagutin

  11. waaaahh!!! ako din sali!!!

    ate kengks di ba lilibre mo din ako ng ice cream??? 3 scoops ha! ๐Ÿ˜€

    ayaw nyo ba maligaw ni lilay dito sa may parteng cologne, dรผsseldorf, aachen??? hahaha, desperado!!! cge na magpaligaw na kayo! napapanis na laway ko dito walang kahuntahan. kakatamad naman mag achtung achtung.

    kengkay: nainggit si eyna, ahahaha. sige puntahan ka namin, pero baka matagalan ka pa ng antay at takot akong mag drive mag isa e. dont worry, am sure magkikita rin tayo. bakit hindi ikaw ang magpunta ng heildelberg, heheh. sige na libre kita ng spaghetti eis, yum. sarap ng may ka chikang pinay!

    Komento ni eyna — Mayo 16, 2008 @ 8:23 umaga | Sagutin

  12. WOW….
    how nice naman, ang galing nang pagmimeet nyo….
    sana visit naman po ung web blog ko….
    http://www.emotheraphy.wordpress.com
    thanks po kung magcocoment ka….

    kengkay: oks, sige will check your blog. pramis!

    Komento ni emotheraphy — Mayo 16, 2008 @ 9:42 umaga | Sagutin

  13. ang tarush ni mami kengkay. ๐Ÿ™‚ at kasama pa ang babies sa EB.. ^_^

    sarap naman ng EB. ^_^ kelan kaya tayo kita mami kengks? uwi ka ulit Pinas! hehehe.. ^_^

    kengkay: asa pinas ka pa rin ba? malay mo puntahan ka namin sa canada, erm, sa pinas na lang, hahaha

    Komento ni karmi — Mayo 16, 2008 @ 12:30 hapon | Sagutin

  14. naku di pa me kahit kelan nakipag EB, pero mukang naging masaya kayo sa inyong pagkikita..ang kyut ng mga bata with icecream.. makikita sa kanila ang tunay na kamusmusan.. ๐Ÿ™‚

    kengkay: subukan mo makipag EB, masaya talaga

    Komento ni jeniffer — Mayo 16, 2008 @ 12:51 hapon | Sagutin

  15. waaah like the tube top. ๐Ÿ˜€

    love green so much! ^_^

    thanks din sa pagbisita sa blog ko. i linked u up po pla. ^^,

    kengkay: huling hirit ko yang green top na yan sa SM, hehe – ur linked too

    Komento ni vanny — Mayo 17, 2008 @ 4:04 hapon | Sagutin

  16. ahaha, si te kengks ariba na naman sa eb. ๐Ÿ˜€

    kengkay: sarap yata nung naumpisahang EB sa pinas

    Komento ni Nika Catbagan — Mayo 17, 2008 @ 7:56 hapon | Sagutin

  17. wahaaaaw! EB again. *kaway to lilay*

    mami keng!!!! looking gorgeous! thank you talaga ginamit mo un necklace. ang ganda! bagay na bagay sayo.

    kisses to your kids!

    kengkay: bagay na bagay talaga, salamat dun sa magandang nagbigay sa akin ng necklace ๐Ÿ˜€

    Komento ni chuvaness — Mayo 18, 2008 @ 1:40 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: