Kwentong Kengkay

Mayo 16, 2008

Patay

Tungkol sa patay talaga itong kwento ko. Kasi nabalitaan namin nung isang araw na namatay daw ang isang kamag-anak namin dito sa Alemanya.

At pano naman namin nabalitaan? Nabasa nung aking papa in law sa diyaryo na nabasa din ni kengkoy.

So ang unang tanong ko, bakit ngayon ko lang narinig ang pangalan na yan? At mga sumunod na mga tanong pa — At bakit hindi man lang natin dinalaw man lang? At bakit hindi ko man lang nakilala? At pano naging kamag-anak yan? At anong relasyon natin sa kanya? At bakit ngayon lang ulit dadalaw kung kailan patay na? At bakit hindi man lang kami pupunta para makipag-libing?

Pero sa loob-loob ko, bakit kaya sila ganito? Kamag-anak hindi man lang dinadalaw, kahit na nga may sakit na pala. At eto pa, talagang sa diyaryo lang nila nalaman na patay na. At libing na lang ang pupuntahan nila, minsan nga hindi pa. Magpapadala na lang ng condolence cards. Kakalungkot yata yon.

Imagine, 2001 ako dumating dito pero ngayon ko lang nalaman na may kamag-anak pala na nakatira na malapit lang dito? As in dina-daan-daanan ko lang yung bahay nung namatay! At ang masaklap, hindi man lang nila ma explain kung pano nilang naging kamag-anak yung namatay. Gusto kong sakalin si kengkoy pero kasi ganon ang kultura nila e. Kapag hindi immediate family, meaning yung direct line of descendants lang — nanay, tatay, anak at singit na yung mga in laws kasi papasok na ang mga pamangkin at apo — hindi na kasali sa listahan sa pasko at kahit nga sa bertdeyan o kung ano mang importanteng okasyon yan.

Ay ewan ko ba. Napaka-impersonal ng dating. Masyadong cold.

Mas gusto ko pa rin sa Pinas na kahit na nga hindi talaga kamag-anak e tita, tito, kuya, ate, lolo at lola – e kahit nga hindi mo kapatid nanay at tatay pa rin ang tawag sa mga magulang mo di ba? Iba talaga ang kultura nating mga Pinoy. Extended family. Mas masaya, sa lungkot man o sa ginhawa.

Sa mga ganitong panahon gustong gusto kong maamoy ang simoy ng Pinas!!!

Advertisements

21 mga puna »

  1. ang lungkot naman pala tlga mamatay sa ibang bansa..kaya pala sabi ng lola ko dati na kapag malapit na daw syang mamatay gusto nyang iuwi sa pinas..
    d2 sa pinas, kahit hindi kamag anak pinuputahan, nilalamayan halos araw araw..kalungkot naman po ng kwento n yo..
    condolence po..

    kengkay: kakalungkot di ba? makikipagkita ka na lang kapag wala ng buhay yung isa, hayyy

    Komento ni rio — Mayo 17, 2008 @ 2:40 umaga | Sagutin

  2. May pros and cons ang extended family. Kung parang si kengkoy na sanay ka sa kanya-kanyahan, mabubulabog ka sa extended family.
    Yan ang maganda sa kultura natin, komportable tayo sa ka-pamilya. Nagtutulungan. At pag tumanda, we have something to look forward to. Hindi yung ilalagay tayo sa nursing home ng mga anak natin.
    At pag namatay, parang party ang burol. Ikinaliligaya natin ang pagpanaw at ang tumungo sa kaharian ng Diyos.

    kengkay: si kengkoy tuwang tuwa nung napansin nyang super dami ng kapamilya at kapuso sa pinas. kasi nga dito, mas maraming disadvantage yung hindi extended. katulad na lang, kapag gusto naming magdate o may gawain na hindi kasama ang mga kids, kahit yung kapatid nya inaayawang bantayan yung mga pamangkin nya kasi daw kailangan din daw nya ng free time, e once in a blue moon lang naman kami kung humingi ng favor. ang sama ng loob nya kahit na sanay naman syang kanya kanya – kasi nga sa pinas; ang daling manghingi ng favor unlike dito na duguan ka na, wala pa ring paki.

    Komento ni megamomph — Mayo 17, 2008 @ 5:54 umaga | Sagutin

  3. hello po…iba talaga ang kulturang pinoy mommy kengks…

    da best kahit pa minsan me negative effect ang pagiging close ng family ties nating lahat

    kengkay: mag mula nung andito ako sa alemanya, ang close family ties nating mga pinoy e positive na lang ang nakikita ko 😀

    Komento ni Lyzius — Mayo 17, 2008 @ 7:12 umaga | Sagutin

  4. ay tutuo yan te kengks, ung dun nga sa haus ng parents ni bebe magkakatabi lang din halos ung magkakamag-anak. pero ung iba kahit cousin nya (anak ng anak ng kapatid ng lolo nya … 2nd o 3rd degree cousin ba tawag dun?) tsaka mga pinsan ng tatay nya, di namin nakikita, nakakausap o iniimbita pag party. parang normal na kapitbahay lang turingan. immediate family lang talaga. super extended na pag napasama ang in-laws. samantalang sa nanay ko sa bulacan, magugulantang ka pag nag reunion sa dami ng ka-pamilya. kahit apo sa talampakan ka na konek konek pa din kayo.

    kengkay: dito wala ng konek konek, kahit na nga dapat i konek ayaw na pakonek di ba? yung lolo ng mga anak ko, nagalit dun sa kapatid nya. mga tatlong taon na nyang hindi pinapansin at wag din daw namin pansinin. e sempre ako rebelde, monthly nagkikita kami nung kapatid ni lolo kasama ko pa pati mga little kengkays. ilang beses ko na ring kinausap si lolo na magbati na sila, ayaw.. sabi ko matanda na sila dapat kalimutan na ang galit. ayaw. sana lang hindi sila sa next life ulit magkabati.

    Komento ni eyna — Mayo 17, 2008 @ 9:56 umaga | Sagutin

  5. Ganyan talaga.

    Sabi nga dati ng teacher ko sa History, mas family-centered daw ang Asia kaysa sa ibang mga continents. At totoo nga. Kaya di ko tlaga masyado type na tumira sa ibang bansa kung hindi Asian. -_-

    kengkay: tama ka beena, stay ka na lang dyan sa pinas. maganda lang makarating sa ibang bansa pero mas maganda ang buhay na kinagisnan natin sa pinas

    Komento ni Beena — Mayo 17, 2008 @ 2:22 hapon | Sagutin

  6. waaaahhh… ganun? ang lungkot naman nun :(… sayang naman at nde mo sya nameet nung buhay pa sya :(… condolence na lang po.

    kengkay: hindi lang ako nalungkot kundi disappointed din, parang ayaw kong ganyang kultura ang kalakihan ng mga anak ko

    Komento ni lalaine — Mayo 17, 2008 @ 4:10 hapon | Sagutin

  7. kaya nga sabi ko kay frenchguy, pag namatay ako, dapat sa pinas pa rin ako ilibing, o kahit abo ko na lang, nagtampo pa ang mokong. ang sabi ko naman, e dito kasi, pag patay na, ni di na nila dinadalaw sa sementeryo, samantalang sa pinas, fiesta talaga sa pistang patay di ba.. sabi ko nga, dapat bakasyon kami sa pinas around nov din para makita nya kung gaano kabongga sa pistang patay sa pinas hehehe..

    Komento ni analyse — Mayo 17, 2008 @ 4:23 hapon | Sagutin

  8. ang lungkot naman. dito nga sa pinas kahit di mo kaano ano pupuntahan mo ang burol e! haha

    kengkay: tama ka, sa pinas hindi mo kakilala pero nakikiramay ka kasi kapatid nung katulong ng bestfriend mo, mga ganong chika ba

    Komento ni Hachi — Mayo 18, 2008 @ 1:20 umaga | Sagutin

  9. ang lungkot naman. dito nga sa pinas kahit di mo kaano ano pupuntahan mo ang burol e! haha

    Komento ni Hachi — Mayo 18, 2008 @ 1:22 umaga | Sagutin

  10. kakaiba talaga ang kultura nila… family-oriented kasi tayong mga pinoy kaya kahit 4th cousin na yung tao eh parang first cousin pa rin kung ituring natin.. yan ang isa sa mga maipagmamalaki ng pinoy! 😀

    kengkay: agree ako dyan at magandang tradisyon na we maintain our relationships with our relatives

    Komento ni linglingbells — Mayo 18, 2008 @ 2:31 umaga | Sagutin

  11. iba talaga ang kultura nila anoh…panalo pa rin ang sa atin kahit may konting disadvantage din…magrebolusyon ka kaya dyan at simulan mong baguhin para maikalat mo ang kultura natin…heheh baka gulpihin ka ni kengkoy mo..

    kengkay: nope, si kengkoy mas type nya na yung maramihan tulad ng sa pinas. tuwang tuwa yan lalo na kapag punong puno ang hi-ace ng buong barangay, hahaha. sempre ayaw nyang maki chika sa mga kamag anak na ayaw din naman silang i chika e sa pinas kahit na kapitbahay mo akala mo relative mo kung i chika ka e, yon ang gusto nya

    Komento ni dakilang islander — Mayo 18, 2008 @ 2:44 umaga | Sagutin

  12. “cold” nga ang exact term to describe it. parang dito din sa dubai, wala palang prusisyon pag ililibing na mga namayapa dito, kasi dapat daw within 24 hours pagkamatay e naicremate na agad. cold.;(

    kengkay: super cold nakaka-dismaya

    Komento ni sommer — Mayo 18, 2008 @ 5:11 umaga | Sagutin

  13. oo nga bakit gnun sila..knina lang pinag uusapan ng ka ofismate ko ang mga ugali nila dito sa Dubai.. maxado silang walang paki alam talaga pag dating sa mga ganyan.. parang wala lang.. ganun.. 😦

    kengkay: kapag dedong ka na, wa ka na saysay sa mundo, hindi nila isipin na naging tao ka rin naman ano

    Komento ni dhez — Mayo 18, 2008 @ 5:23 umaga | Sagutin

  14. Mommy Kengkay, ngayon lang ulit ako nakabisita at naki-tsismax sa mga kwento mo, medyo busy kasi ako these past few weeks. Totoo yang kwento mo, may mga kamaganak ako sa Netherlands at ganyan din ang kwento ng tita ko sakin, parang ang sakit kasi feeling ko pag ako yung namatay dyan eh walang dadalaw. Kaya gagantihan ko na lang sila, ako ang dadalaw sa kanila. hehe!

    kengkay: nyayyy, multo, hahaha. huy, good luck ha. wak mo kami kalimutan

    Komento ni Mix — Mayo 18, 2008 @ 7:09 umaga | Sagutin

  15. aww,ang sakit naman nun! you’ll feel indifferent pa rin kahit kamag anak mo na pala siya since birth! la lang…

    kengkay: indifferent, tama ka dyan. pero hindi naman dapat di ba

    Komento ni wei vines — Mayo 18, 2008 @ 10:52 umaga | Sagutin

  16. hmmm. yun lang. guilty rin ako sa ganyan te keng. pano naman kasi, tuwing nakikita nila ako, laging pinapansin ang figure ko, hmp!

    kengkay: figure lang? ako dati pati ‘o kelan ka ba mag aasawa, o kaya naman, wala ka pa ring boypren? 🙂

    Komento ni Lenggai — Mayo 18, 2008 @ 11:29 umaga | Sagutin

  17. kunsabagay, kultura nila ang ganyan… baka nga pag dinumog ng kamag-anak yung lamay/libing ng isang namatay e mas maaasar pa sila kesa mata-touch 😦

    kengkay: nakakabaliw ano? pero itong si kengkoy parang ayaw na ng ganyan e, uwi na daw sya sa pinas

    Komento ni taroogs — Mayo 19, 2008 @ 4:57 umaga | Sagutin

  18. may LQ pala sila! sounds family! ung lolo ni bebe nag LQ din sila nung kapatid nya. isnaban to the max. pero buti na lang nagkabati na sila … a few months bago pumanaw ung kapatid nya. tragic nga eh. kasi pagpanaw nung kapatid ng lolo nya, sumunod si Oma 2 months later. heart attack 😦 labs ko pa naman itong particular na Oma na to kasi tinanggap nya ko ng buong puso. 🙂

    kengkay: mabuti nga at nakabati pa sila bago pumanaw, e itong mag LQ dito super in the late 80s na si lolo at early 70s na si lola, pero until now kapag sinabi mo lang yung pangalan, naka-sigaw na agad, as in isnabin ni lolo at lola ko dito yung kapatid ni lolo, pero si kapatid naman cool lang, ay ewan ko. parang ang tanda na nila para maging ganon ang ugali di ba

    Komento ni eyna — Mayo 19, 2008 @ 2:44 hapon | Sagutin

  19. ANAK NANG FORTY DAYS! ayoko ata nang culture na yan! hahaha

    Komento ni reynz — Mayo 20, 2008 @ 12:04 umaga | Sagutin

  20. SANA NGA NOH HIRAP DIN YON

    Komento ni NEVER MIND — Hunyo 4, 2009 @ 3:54 umaga | Sagutin

  21. hahaha!! talagang nakaka adik ang kwento mo pare!
    ang saya diba ^_^

    Komento ni www.xxx_ako@yahoo.com — Oktubre 4, 2013 @ 7:58 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: